You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Sultan Kudarat State University


GRADUATE SCHOOL
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City, Sultan Kudarat

Pagsusulit sa Pakikinig

A. Paglalahad o Pahayag

1. Ayon sa PAGASA, unti-unti nang umiinit ang mundo kaya binabaha na rin
ang mga lugar na hindi dating binabaha.

a. Mauubos na ang mga tao sa mundo batay sa PAGASA


b. Mauubos na ang mundo batay sa PAGASA
c. Umiinit ang mundo batay sa PAGASA
d. Uulan araw-araw batay sa PAGASA

2. Masaya ang gurong si Maria sapagkat natanggap niya nang maaga ang
kaniyang Christmas Bonus.

a. Namigay ng Christmas Bonus si Maria


b. Nanakaw ang Christmas Bonus ni Maria
c. Natanggap ni Maria ang kaniyang Christmas Bonus
d. Naubos ang Christmas Bonus ni Maria

3. Responsibilidad ng mga mag-aaral na maging mabuting mamayang Asyano.

a. Responsibilidad ng mga Asyanong mag-aaral na maging huwaran


b. Responsibilidad ng mga Asyanong mag-aaral ang maging mabuti
c. Responsibilidad ng mga mag-aaral na Asyano na maging responsable
d. Responsibilidad ng mga mag-aaral na Asyano na maging tama

4. Si Edgar Allan Poe ay isang dakilang manunulat.

a. Isang dakilang mandudula si Edgar Allan Poe


b. Isang dakilang manunukat si Edgar Allan Poe
c. Isang dakilang manunula si Edgar Allan Poe
d. Isang dakilang manunulat si Edgar Allan Poe

5. Sumakay sina Louie at Llyod ng pedicab pauwi ng kanilang bahay.

a. Bumili ng pedicab sina Louie at Llyod para makauwi sa kanilang bahay


b. Nagrenta ng pedicab sina Louie at Llyod para makauwi sa kanilang bahay
c. Naghanap ng pedicab sina Louie at Llyod para makauwi sa kanilang
bahay.
d. Sumakay ng pedicab sina Louie at Llyod para makauwi sa kanilang
bahay.
Republika ng Pilipinas
Sultan Kudarat State University
GRADUATE SCHOOL
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City, Sultan Kudarat

B. Maikling Usapan

1. Princess: Catherine, anong oras ba uuwi si nanay? Gutom na gutom na ako.


Catherine: Bago siya umalis, pinaalalahanan niya akong bumili ng pagkain sa
kainan ni Mama Susan.

Ano ang paalala ng nanay sa anak na si Catherine?

a. Bumili ng pagkain sa kainan ni Mama Susan


b. Magluto ng makakain kasama si Mama Susan
c. Mangutang sa tindahan ni Mama Susan
d. Puntahan ang ina sa kainan ni Mama Susan

2. Lolo Bernardo: Ineng, pakikuha naman ng tungkod ko.


Leana: Saan niyo ho ba nilagay Lo?
Lolo Bernardo: Kunin mo sa kusina ng lola mo.

Saan nailagay ni Lolo Bernardo ang kaniyang tungkod?

a. Kusina ng kaniyang asawa


b. Kuwarto niya
c. Salas ng bahay
d. Tukador

3. Lalake: Sana makasama ka sa akin sa bayan.


Babae: Ipagpaumanhin mo subalit masakit ang aking likod at nais ko munang
magpahinga.

Bakit ayaw sumama ng babae?

a. malungkot siya
b. marami siyang gagawin
c. masakit ang kaniyang likod
d. may hinihintay siya

4. Cecille: Ako na ang makakapareha mo sa proyekto sa Filipino.


Rose: Talaga ba? Kailan natin sisimulan ang paggawa nito?
Cecille: Sa darating na Sabado wala akong gagawin. Ayos lang bang sa araw
na iyan natin simulan?
Rose: Oo naman. Wala rin kasi akong gagagwin sa araw na iyan.

Kailan nila sisimulan ang paggawa ng proyekto?


a. Araw ng Biyernes
b. Araw ng Linggo
c. Araw ng Lunes
d. Araw ng Sabado
Republika ng Pilipinas
Sultan Kudarat State University
GRADUATE SCHOOL
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City, Sultan Kudarat

5. Chito: Nasaktan ka ba sa sinabi niyang “hindi ka raw mabuting kaibigan?”


Rusty: Sobrang sakit kaibigan.

Gaano kasakit ang nararamdaman ni Rusty?

a. Hindi gaanong masakit


b. Katamtaman lamang ang sakit
c. Walang naramdamang kahit ano
d. Sobrang sakit

C. Mga Tanong

1. Kailan ang kaarawani Jose Rizal?


a. Hunyo 18, 1861
b. Hunyo 19, 1862
c. Hunyo 18, 1862
d. Hunyo 19, 1861

2. Sino ang nagpapaaral kay Bern?


a. Mga magulang niya
b. Nakatatandang kapatid na babae
c. Nakatatandang kapatid na lalaki
d. Tiyuhing biyudo

D. Mga Tanong at Pag-unawa

Ang Panitikan ng Tsina


Isa ang Tsina sa mga bansa sa Asya na may pinakamayamang panitikan. Halos
kasintanda ito ng kanilang sibilisasyon. Nagsimulang yumabong ang kanilang panitikan
sa panahon ng Dinastiyang Zhou at patuloy ang pag-unlad nito hanggang sa
kasalukuyan.
Naging inspirasyon ang mga manunulat at pilosopiyang Tsino na sina Confucius at Lao
Tzu sa paglikha ng mga klasikong akdang Tsino na may malaking impluwensiya sa
panitikan sa Asya. Sa kasalukuyan, marami na ring mga bagong manunulat na Tsino
ang nakilala at nagbibigay ng bagong bihis at dugo sa panitikan ng kanilangn bansa.

Tama o Mali- Isulat ang TM kung tama ang isinasaad ng mga pahayag at ML kung
mali.
1. Ang Panitikan ng Tsina ay mas bata kaysa sa kanilang sibilisasyon.
2. Ang mga manunulat na sina Confucius at Lao Tzu ang naging inspirasyon sa
paglikha ng mga klasikong akdang Tsino.
3. Isa ang bansang Tsina sa mga bansa sa Asya na may pinakamayamang
panitikan.
4. Nagsimulang yumabong ang panitikang Tsina sa panahon ng Dinastiyang Ming.
5. Sa kasalukuyan, walang bagong manunulat na Tsino at ang mga dating
manunulat pa rin ang mas nakikilala at ang nagbibigay ng bagong bihis at dugo
sa kanilang panitikan.
Republika ng Pilipinas
Sultan Kudarat State University
GRADUATE SCHOOL
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City, Sultan Kudarat

Pagsusulit sa Pagsasalita
Pagkukuwentong Muli
1. Hahatiin ang klase sa apat na pangkat at muling isasalaysay ang sumusunod na
pangyayari:

Pangkat 1- Mula sa pagsilang ni Labaw Donggon hanggang unang panliligaw at


pag-aasawa niya

Pangkat 2- Mga pakikipagsapalaran ni Labaw Donggon sa muli niyang pag-


aasawa

Pangkat 3- Ang pagsilang ng dalawang anak ni Labaw Donggon sa magkaibang


asawa hanggang sa lumaki at nagkita ang mga ito.

Pangkat 4- Ang mga huling pangyayari at pagwawakas ng epiko.

2. Hatiin sa apat na bahagi ang dulang Pop! Click! at isalaysay nang pabuod ang
nangyari sa bawat bahagi nito

Pamamasyal Pagtawid sa Dagat Pagkaubos ng Sake Pag-aaway ng Mag-amo

Paggamit ng mga larawan

1. Magsaliksik ng isang Gensan travel brochure. Humanap ng brochure na may


mapa. Paano ka makararating sa Mt. Sabrina sa Tambler? Ipaliwanag sa klase
sa pamamagitan ng sariling pananalita.

Pamantayan sa Pag-uulat
Modulasyon ng Boses/Tinig- 10%
Wastong Paglalarawan ng mga Direksyon- 10%
Kumpiyansa sa Sarili- 10%
Kabuuan: 30%

Pagbabasa
1. Mula sa binasang akdang pinamagatang “Ang Ama,” pumili ng dalawang
diyalogong sa palagay mo ay makabuluhan. Basahin ito sa klase sa
pamamagitan ng isang dramatikong pagbabasa.
Republika ng Pilipinas
Sultan Kudarat State University
GRADUATE SCHOOL
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City, Sultan Kudarat

2. Pangkatang Gawain: Hatiin ang klase sa limang pangkat. Magbasa ng iba


pang uri ng tanka haiku, at matatandang tula sa Pilipinas. Alamin ang
pagkakaiba ng Haiku at Tanka sa iba pang uri ng tula. Tukuyin din kung
paano nito naimpluwensiyahan ang matatandang tula sa Pilipinas at kung
paano nakatutulong ang ponemang suprasegmental sa pagbigkas ng tula.

Haiku at Tanka Matatandang Tula sa


Pilipinas
Paksa
Estruktura
Pagbigkas/Tono

3. Magbigay ng isang balitang alam ninyo na tungkol sa isyung kinakaharap ng


Pilipinas. Ano ang inyong opinion tungkol dito? Ibahagi ito sa klase sa
pamamagitan din ng pagbabalita. Ibatay sa ASAKABAPA(ANO-SAAN-
KAILAN-BAKIT-PAANO) ang gagawing balita. Gamitin ang pamantayan sa
pagbabalita.

Mga Pamantayan
1. Napapanahon ang piniling isyu
2. Naipaliwanag ang opinyon
tungkol sa balita
3. Malinaw ang tinig sa
pagbabalita
4. Malikhain ang ginawang
pagbabalita
5. Angkop ang damdaming
ginamit sa pagbabalita
Kabuuang Puntos:

Interpretasyon:

4-5- Mahusay
2-3- Katamtaman
0-2- Nangangailangan pa ng pagsisikap

4. Basahin ang liham na ginawa ng iyong kaklase na naka-post sa Facebook at


lagyan ng komento. I-print at ipasa sa guro bilang patunay na ikaw ay
nagkapagbasa at nagbigay ng komento.
Republika ng Pilipinas
Sultan Kudarat State University
GRADUATE SCHOOL
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City, Sultan Kudarat

Pagsasatao (Role Playing)


1.Hatiin sa limang pangkat ang klase at maghanda ang bawat pangkat para sa
isang sabayang pagbigkas ng tulang “Sa Munting Daungan.” Itanghal ito sa klase nang
maayos at masining. Gamitin ang rubric sa pagtataya ng Gawain.

Mga Pamantayan 1 2 3 4
1. Gumamit ng angkop na tono sa pagbigkas ng tula
2. Wasto ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng
tula
3. Nabigyan ng angkop na damdamin ang pagbigkas ng tula
4. Malinaw ang tinig sa pagbigkas ng bawat linya
5. Sabay-sabay ang pagbigkas ng bawat pangkat
Kabuuang Puntos:
Interpretasyon:
4- Napakahusay
3- Mahusay
2- Hindi Gaanong Mahusay
1- Kailangang Paghusayan Pa

2.Hatiin ang klase sa limang pangkat. Pipili ang bawat pangkat ng isang eksena
mula sa dulang “Ang mga Mananahi” at mula rito gagawa ng isang iskit na itatanghal sa
klase.

Pamantayan 5 4 3 2 1
Nilalaman
Kahawig ng sitwasyon sa binasang dula ang ginawang iskit
Paglalahad, Kaisahan, at Kaayusan
Malinaw ang daloy ng iskrip. Matutukoy ang simula, paglalahad
ng kuwento, at wakas
Kahandaan sa Pagtatanghal
Makikita ang organisasyon at kaangkupan para sa
pagtatanghal
Pagkamaparaan at Malikhain
Naipamamalas ang pagkamaparaan at malikhain sa
pagtatanghal. Napupukaw ang interes ng mga manonood.
Kaayusan ng Pagtatanghal
Makikita ang organisasyon ng pagtatanghal.
Kabuuang Puntos:

Interpretasyon:
21-25- Napakahusay
16-20- Mahusay-husay
11-15- Katamtaman ang Husay
6-10- Di-gaanong Mahusay
Republika ng Pilipinas
Sultan Kudarat State University
GRADUATE SCHOOL
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City, Sultan Kudarat
1-5- Paghusayin Pa

Monolog
1. Sumulat ng monolog. Isasalaysay sa monologo ang saloobin ni Ibarra
matapos ang pakikinig kina Basilio, ng guro at ng gobernadorsilyo? Panoorin
ang isa’t isa at matapos ay pagnilayan ang mga saloobing naisip upang higit
na maunawaan ang katauhan ni Ibarra.
Rubrik sa Pagbigkas ng Monolog
Mga Pamantayan 4 3 2 1
Panghikayat sa mga manonood
Linaw ng pagbigkas ng diyalogo
Pagkakaugnay-ugnay ng mga element ng interpretasyon
Kawastuhan at Kakinisan ng pagtatanghal/presentasyon
Kabuuang Puntos:

Interpretasyon:
16-20 Napakahusay
11-15 Mahusay
6- 10 Katamtaman
1-5 Kailangan pa ng Pagsasanay

Interbyu
Ilahad sa pamamagitan ng pagsasalita at sa anyong paopinyon ang sumusunod
na pangungusap.
1. “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan”
2. “Ang Kababaihan ay nararapat na magkaroon ng karapatang ng suweldo
kapareho ng sa mga lalaki.”
3. “Mahalagang magkaroon ng mga batas na nagtatakda sa karapatan ng
kababaihan na makapag-aral.”
4. “Kailangang ipaglaban natin ang ating karapatang maging mahusay at kapaki-
pakinabang mamamayan sa pamamagitan ng maayos at de-kalidad na
edukasyon.”
5. “Responsibilidad nating disiplinahin ang ating mga sarili.”
6. “War on Drugs”
7. “Bagyong Ompong”
8. “Kalusugan ng Pangulong Rodrigo Duterte”
9. “K+12”
10. “Train Law”

Inihanda ni: Andang, Aisah U.- MAT-FILIPINO

You might also like