You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

REMEDIATION SA FILIPINO 7
Pangalan: ___________________________________________ Petsa: ________________________
Baitang at Pangkat : __________________________________
A. Kasanayang Pampagkatuto at koda
1. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at
usapan ng mga tauhan (PN -1)
2. Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan (WG-2)
3. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari (PU-4)
4. Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento, mito, alamat at kwentong-
bayan (PN-6)

B. Panimula
Aralin 1. Pinagmulan ng Kwentong Bayan
Ang Mëranao ay mga Muslim na naninirahan sa Lanao na nasa kapaligiran ng lawa ng Lanao. Sila ang mga taong naninirahan sa tabi
ng lawa. Sila ang pinakapopular at pinakamalaking tribo ng mga Muslim. Tinatayang aabot sa 90% ang bilang ng mga ito na naninirahan sa
Lanao Del Sur. Ang ibang natira ay matatagpuan sa Lanao Del Sur sa bahagi ng Lanao Del Norte, Cotabato at Bukidnon. Ang sentro ng
pangangalakal, pangkultura at iba pang edukasyon ng mga Mëranao ay sa Lungsod ng Marawi o dating tinatawag na Dansalan. Ito ay kabisera
ng Lanao Del Sur.
Ang mga Mëranao ang pinakahuling naging Islam. May iilang pamilya ay naninirahan sa iisang bubong. Isang tipikal na tirahan ng mga
Mëranao ang bahay na walang dibisyon sa gitna. Sa bawat higaan ng bahay ay may isang pamilyang sumasakop sa likuran ng tirahan ay isang
kusinang para sa lahat ng pamilyang nasasakop ng bahay.
Ang kanilang ikinabubuhay ay pangingisda at pagsasaka. Lahat ng sinusunod nilang kaugalian ay batay sa kanilang turo sa relihiyong Islam.

Aralin 2. Nahihinuha ang Kalalabasan ng mga Pangyayari


Madalas ang mga ideya ay hindi tuwirang sinasabi ang nais ipahiwatig. Ngunit nagbibigay sila ng mga pahiwatig na makakatulong sa
iyo na "magbasa sa pagitan ng mga linya." Ang paggamit ng mga pahiwatig na ito ay upang mabigyan ka ng mas malalim na pag-unawa sa
iyong pagbabasa ay tinatawag na hinuha. Kapag naghihinuha, lalampasan mo ang mga detalye upang makita ang iba pang mga kahulugan na
iminumungkahi o ipahiwatig ng mga detalye (hindi nakasaad). Kung ang mga kahulugan ng mga salita ay hindi malinaw na naipapahayag sa
konteksto ng teksto, maaaring ipahiwatig ito - iyon ay, iminumungkahi o mayroong klu. Ang pananaw ay isang malaking salita lamang na
nangangahulugang isang konklusyon o paghatol. Kung ikaw ay maghihinuha sa isang bagay na nangyari na hindi mo nakikita, naririnig,
nadarama, amoy, o natikman ang aktwal na kaganapan maari mong gamitin ang iyong mga kaalaman ukol dito na parang ito ay nangyari na.

Aralin 3. Sanhi at Bunga


Ang sanhi ay tumutukoy sa ugat o dahilan ng isang pangyayari. Samantalang ang bunga naman ay tumutukoy sa resulta o kinalabasan ng
pangyayari. Ito ay nakikilala sa tulong ng mga salitang pananda tulad ng kaya, dahil, tuloy at iba pa.
Mga Halimbawa
Sanhi: Gustong makaahon sa hirap ng buhay si Teresa
Bunga: kaya nagpupursige siya sa kanyang pag-aaral.
Sanhi: Nagmapalas ng galing sa pag-awit si Marco
Bunga: dahil dito hinangaan siya ng lahat ng manonood.

Aralin 4. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento, mito /alamat / kuwentong-bayan.


Isa sa mahalagang bahagi ng kultura ng Pilipino ay ang mga kuwentong bayan, alamat at mito. Ito ay bahagi ng ating panitikang saling-dila o
lipat-dila (ibig sabihin ay naikukuwento lamang nang pasalita) na lumalaganap bago pa man may dumating na mga mananakop sa ating bansa.
Ang kuwentong bayan, alamat at mito ay halos may kaugnayan sa isa’t isa. Halos pareho lamang ang kanilang paksa na karaniwan ay
tumatalakay sa kalikasan, pamahiin, relihiyon, paniniwala, at kultura ng isang partikular na pangkat o lugar. Kaugnay nito, ang pagsasalaysay ng
maayos at wasto ng buod ng pagkakasunod-sunod ay isa ring mahalagang kasanayan sa pagbasa na dapat mahubog sa isang mag-aaral upang
lubos na maunawaan ang lahat ng materyal sa pagbasa.

C. Pamamaraan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1(Halaw mula sa Aralin 1)
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Bigyang hinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng mga sumusunod na
pangyayari.

FERMIN LA ROSA NATIONAL HIGH SCHOOL


Dita, Cuenca, Batangas
043- 783-0779
301100@deped.gov.ph
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 (Halaw sa Aralin 2)
Panuto: Piliin ang maaaring mangyari sa mga sumusunod na sitwasyon.
1. Kapag ang tao ay mahilig sa pagbabasa
a. Masisiraan siya ng bait
b. Mahina siya sap ag-unawa
c. May malawak siyang kabatiran
2. Kapag ang mag-aaral ay masipag at matiyaga
a. Ang guro ay masisiyahan
b. Hindi nangangailangan ng tulong
c. Maaari nang hindi pumasok sa klase
3. Kapag ang isang guro ay masipag magturo
a. Walang papasok na mga mag-aaral
b. Maiinis ang mga bata sa kanya
c. Maraming matutuhan ang mga bata
4. Kapag ang isang tao ay nagpunla ng kabaitan
a. Marami ang kanyang magiging kaibigan
b. Maraming maiinggit sa kanya’
c. Iisipin nila na siya’y mayabang.
5. Kapag ang mga mamamayan sa isang bansa ay pawang masisipag
a. Madali silang mapapagod sa paggawa
b. Mag-aaway-away sila sa kayamanan
c. Ang bayan nila ay magiging maunlad

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3 (Halaw sa Aralin 3)


Panuto: Basahin ang tekstong nasa kahon at sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot.

Mahirap lamang ang mag-anak ni Mang Serdan. Masaya palagi sila.


Lagi silang nagtutulungan sa anumang gawain kaya hindi nag-aaway ang mga anak nila.
1.Alin ang naging bunga ng hindi niya pagkain?
A. Hindi siya kumain.
B. Oras na ng tanghalian.
C. Sumakit ang kanyang tiyan.
D. Pinagpatuloy ni Sara ang paglalaro.

Oras na ng tanghalian.
Pinagpatuloy ni Sara ang paglalaro.
Sumakit ang kaniyang tiyan dahil hindi siya kumain.
2. Alin ang sanhi sa talata?
A. Masaya palagi sila.
B. Hindi nag-aaway ang mga anak nila.
C. Mahirap lamang ang mag-anak ni Mang Serdan.
D. Lagi silang nagtutulungan sa anumang gawain.
Araw ng Sabado. Walang pasok ang mga bata.
Naglilinis ang kanyang ina. Napansin niya na pagod na ito kaya siya ay tumulong.
3. Piliin ang bunga sa talata
a. Araw ng Sabado
b. Kaya siya ay tumulong
c. Naglilinis ang kanyang ina.
d. Napansin niya na pagod na ito
Nagpunta sina Marites sa parke. Isang batang babae ang nakatingin sa kanya habang sila ay kumakain ng baon nilang pansit. Nararamdaman
niyang nagugutom na ito. Naawa si Marites sa bata kaya binigyan niya ito ng pagkain.
FERMIN LA ROSA NATIONAL HIGH SCHOOL
Dita, Cuenca, Batangas
043- 783-0779
301100@deped.gov.ph
4. Anong naging dahilan sa pagbibigay niya ng pagkain sa bata?
a. Nagpunta sina Marites sa Parke.
b. Isang batang babae ang nakatingin sa kanya
c. kumakain sila ng pansit.
d. Naawa si Marites sa batang nagugutom.
Si Elyza ay isang manlalaro ng chess. Araw- araw ay nagsasanay siya pagkatapos ng klase. Hindi rin niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral.
Dahil sa kanyang tiyaga ay palagi siyang nananalo.
5. Ano ang bunga ng kanyang pagsasanay?
a. Siya ay manlalaro ng chess.
b. Palagi siyang nananalo.
c. Nagsasanay siya pagkatapos ng klase.
d. Hindi niya pinababayaan ang kanyang pag- aaral.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4 (Halaw sa Aralin 4)


Panuto: Punan ng tamang bilang ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa binasang kuwento. Isulat ang iyong sagot sa bilog.

Ang Alamat ng Ilog ng Maguindanao


ni: Mubarak M. Tahir
Sa bayan ng Tatapan, may isang magandang dalaga na ang pangalan ay Pulang. Siya ay nag-iisang anak ni Datu Semagansang, ang
hari ng Tatapan. Maraming nagkakagusto kay Pulang dahil sa kanyang angking kagandahan, kabaitan at ang hindi nito mapagmataas. Siya rin ay
tinatawag ng mga taga-Tatapan bilang Bidadari, ang tawag sa dalagita ng paraiso. Ang lahat ng ninanais ni Pulang ay ibinibigay sa kanya ng
kanyang amang hari.
Isang araw, dumating ang hari ng Midtimbang na si Datu Semakwil. Siya ay may anak na binata na nagngangalang Sumawang. Sumama si
Sumawang sa kanyang amang hari.
“Naparito kami Datu Semagansang dahil nais asawahin ng aking anak ang iyong anak na si Pulang, gaya ng napag-usapan natin”
ang hayag ng dumating na hari.
Ang ipinahayag ni Datu Semagansang ay narinig ni Pulang. Nagulat siya sa kanyang narinig. Hindi nito alam kung ano ang kanyang
gagawin. Wala pa siyang balak magpakasal at wala siyang nararamdaman para sa anak ng hari na si Sumawang kahit matagal na niya itong
naririnig. Hindi alam ni Pulang na ipakakasal siya kay Sumawang nang sa ganoon ay lumawak ang kanilang kahariang pinamumunuan.
“Ngayon Pulang ay ipapaasawa kita kay Sumawang, parehas lang naman at mag-aasawa ka rin, kaya siya na ang ipapaasawa ko
sa’yo” ang wika ng amang hari ni Pulang.
“Ngunit ayaw ko pa mahal na amang hari. Wala rin po akong nararamdaman na pagmamahal sa kanya” naiiyak na sagot ni Pulang.
“Ito lang ang kahilingan ko sa’yo anak. Lahat ng gusto mo ay ibibigay ko sa’yo kahit ito lamang ang maisusukli mo sa akin” malakas
na sabi ng hari.
“Ngunit ama…” ang sumbat ni Pulang na agad namang sinagot ng kanyang amang hari.
“Nakapag-usap na kami ni Datu Semakwil. Sa ayaw at sa gusto mo, sa susunod na linggo ay ikakasal na kayo ni Sumawang” ang
iniwang pahayag ng kanyang amang hari.
Simula nang marinig ni Pulang na ikakasal siya ay hindi na siya nakikitaan ng pagiging masaya. Hindi na rin ito ngumingiti. Sa
sobrang lungkot ay pumunta siya sa bundok na kalapit lamang ng kanilang kaharian. Natatanaw niya ang kabilang bundok na pinamumunuan ng
ama ng kaniyang mapapangasawa. Umupo siya sa malaking bato. Hindi niya namamalayan ay napaluha na lamang siya. Iniyak niya ang lungkot
na kaniyang nadarama. Umiyak siya nang umiyak. Sa kanyang pag-iyak ay pumapatak ang kaniyang mga luha sa pagitan ng dalawang bundok.
Dahil sa labis na pag-alala ng hari, ilang linggo nang hinahanap ng buong bayan si Pulang mula ng siya’y mawala. May
nakapagkuwento kung saan namamalagi si Pulang ngunit hindi na siya muling nakita pa mula nang siya ay umalis. Agad pinuntahan ng hari ang
kinaroroonan ni Pulang ngunit wala na silang nadatnan.
“Pulang! Pulang! Anak ko…” ang paulit-ulit na sigaw ng hari.
Umuwi ang hari na hindi niya kasama ang kanyang anak. Labis-labis ang kanyang pagsisisi at pagdadalamhati. Di nagtagal ay iniwan
ng hari ang kanyang bayan at hindi na muling nagpakita pa.
Sa pagkawala ni Pulang ay may isang bukal ng tubig na lumitaw sa pagitan ng dalawang bundok kung saan huling nakita si Pulang at
kalauna’y naging ilog. Ito ang mga luha ni Pulang na natipon sa kanyang pag-iyak. Tinawag ng mga Maguindanaoan ang ilog na Pulangi.
Magpahanggang ngayon ang ilog ng Maguindanao ay nakatutulong sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Maguindanaoan tulad
ng pangingisda at pagsasaka.

FERMIN LA ROSA NATIONAL HIGH SCHOOL


Dita, Cuenca, Batangas
043- 783-0779
301100@deped.gov.ph
D. Pangwakas/ Pagninilay
Panuto: Kumpletuhin ang pahayag na nasa ibaba.
Natutunan ko na __________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________

Inihanda nina:

MARIVIC U. RAMOS
Guro I
Iwinasto ni: Pinansin:

MENCHIE S. PALMA MARY JANE M. GONZALES, Ed. D


Ulong Guro I Punongguro IV

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

REMEDIATION SA FILIPINO 7
Pangalan: ___________________________________________ Petsa: ________________________
Baitang at Pangkat : __________________________________

A, Kasanayang Pampagkatuto at koda


-Naiisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik mula sa napakinggang mga pahayag(PN-9)
-Nagsusuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang proyektong panturismo (halimbawa: pagsusuri sa isang promo coupon o brochure)(PB-
10)

A. Mga Gawain
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Panuto: Sa isang malinis na papel, itala ang mga hakbang ng pananaliksik.

Mga Hakbang sa Pananaliksik


1.
2.
FERMIN LA ROSA NATIONAL HIGH SCHOOL
Dita, Cuenca, Batangas
043- 783-0779
301100@deped.gov.ph
3.
4.
5.
6.
7.
8.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Panuto: Suriin ang travel brochure. Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

Mga Gabay na Tanong

1.Anong lugar ang kanilang ipinagmamalaki?

2. Ano-anong tagline ang ginamit sa travel brochure?

3. Bigyang-pansin ang mga larawan, ano ang inyong mapapansin sa ginamit na larawan?

4. Kung ikaw ang tatanungin, anong salita/mga salita ang pumukaw sa iyo? Sa iyong palagay, naging epektibo ba ito
sa mga mambabasa? Bakit?

Inihanda nina:

MARIVIC U. RAMOS
Guro I
Iwinasto ni: Pinansin:

MENCHIE S. PALMA MARY JANE M. GONZALES, Ed. D


Ulong Guro I Punongguro IV

FERMIN LA ROSA NATIONAL HIGH SCHOOL


Dita, Cuenca, Batangas
043- 783-0779
301100@deped.gov.ph
FERMIN LA ROSA NATIONAL HIGH SCHOOL
Dita, Cuenca, Batangas
043- 783-0779
301100@deped.gov.ph

You might also like