You are on page 1of 15

DepEd MIMAROPA

Curriculum and Learning Management Division

Koleksyon ng mga
Pabula
para sa
Elementarya

0
RO_MIMAROPA_KOLEKSYON NG MGA MAIKLING KUWENTO PARA SA JHS
Koleksyon ng mga Maikling Kuwento Para sa Elementarya
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA
Regional Director: NICOLAS T. CAPULONG, PhD, CESO III
OIC, Assistant Regional Director: ATTY. SUZETTE T. GANNABAN-MEDINA

BUMUO SA MGA TINIPONG MAIKLING KUWENTO PARA SA JHS


Manunulat: Princess Sarah R. Quinones
Editor:
Tagasuri:
Tagaguhit: Cathleen Joy R. Quinones
Tagalapat:
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong
Mariflor B. Musa
Freddie Rey R. Ramirez
Rogelio Falcutila
SDS
CID Chief
SDO Learning Area EPS
SDO LR EPS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Office Address: Meralco Avenue, Corner St. Paul Road, Pasig City
Telefax: (02) 6314070
E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph

1
Talaan ng Nilalaman
Grade 3

Ang Magkaibigang Tutubi at ang Salbaheng Palaka………………………… 3-10

Susi sa Pagwawasto…………………………………………………………………12

Halina’t Magbasa at Matuto

2
Impormasyon Tungkol sa Maikling Kuwento
Baitang: 3 Markahan: 1
Kasanayang Pampagkatuto: Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa
Short Story Title
napakinggang kuwento F3PB-Ib-3.1
Aralin: Pagsagot sa mga Tanong sa Napakinggang Kwentong Kathang-isip

Ang Magkaibigang Tutubi at ang Salbaheng Palaka


Paghahawan ni Princess Sarah R. Quinones
ng Balakid
Salbahe-
mayabang o
masama ang
ugali

Isang umaga, sa di kalayua’y makikitang masayang


naglalaro ang magkaibigang sina Tuti Tutubi at Teri Tututbi.
Makikita ang maaliwalas na paligid, mayroong makukulay na
mga bulaklak, kumikislap na mabeberdeng mga damo at
banayad na pag-agos ng tubig sa sapa.
“ Kaibigang Tuti, nakikita mo ba ang isang malaking
bato na iyon sa gitna ng sapa?” masiglang wika ni Teri
tutubi. “Halika at doo’y malaya nating mapagmamasdan ang
nagsisilangoy na mga isda.” dagdag pa nito.
Liwalas na paligid
“O, sige! Mabuti pa nga.” Agad na tugon ni Tuti tutubi .

3
Masayang lumipad ang magkaibigang tutubi patungo sa
batong naroroon.
Nang makarating sila doon…
“Tuti, tingnan mo! Tuna’y ngang kaysarap pagmasdan
ang banayad na paglangoy ng mga isda!” sambit ni Teri Tutubi.
“ Napakasaya nga! Sa malinaw at malinis na tubig ng
sapang ito ay malaya natin silang napagmamasdan.” Tugon ni
Tuti Tutubi.

4
Mayamaya pa’y may napansin ang magkaibigang tila
isang dahong umaayon sa agos papalapit sa batong
kinaroroonan nila.
Nang malapit na’y kanilang namasdan ang isang
palakang madalas din pala sa lugar na iyon. Bahagyang
natigilan ang magkaibigang tutubi.
“Magandang araw! Maaari ko ba kayong maging
kaibigan? Ako nga pala si Pali .” nakangiting sabi ni Palaka.
Ah, oo naman! Nagagalak kaming maging kaibigan
ka.”tugon ni Teri Tutubi.
“Kami naman sina Tuti at Teri Tutubi.” pagpapakilala
ng magkaibigang tutubi.

5
At noon di’y masaya nilang ipinagpatuloy pagmasdan
ang nagsisilangoy na mga isda.
Lingid sa kaalaman ng dalawang tutubi ang
masamang balak ni palaka.
“kokak..kokakk..kanina pang kulakalam ang sikmura
ko. Ngayon ay oras na para samantalahin ang pagsasaya ng
dalawang tutubing ito.” Pabulong na sabi ni palaka.

6
Sa mga oras na iyon nga’y walang alinlangang inilabas
ni palaka ang kanyang malagkit at mahabang dila upang
kainin ang dalawang tutubi.
Ngunit hindi siya nagtagumpay sa kanyang masamang
balak sapagkat agad na nakalipad ang magkaibigang tutubi.
“Salbaheng palaka! Ang buong akala nami’y mabuti
ang iyong kalooban. Mali pala na kami’y nagtiwala sa iyo!”
takot na sabi ni Teri Tutubi.
“Hahahahahah..mga kawawang tutubi…hindi ba ninyo
alam na kayo’y nilikha lamang upang maging pagkain
naming mga palaka? Pagyayabang na sabi ni palaka.
“ Hindi totoo ‘yan! Kami’y tulad nyo ring nilikha upang
mabuhay ng malaya.” pasigaw na sabi ni Tuti Tutubi.
Nagmadaling lumipad palayo ang magkaibigang tutubi
habang naiwang humahalakhak si palaka.

7
Isang araw habang masayang talon ng talon si
palaka ay hindi niya napansin na siya’y papalapit na nang
papalapit sa isang mataas na bangin. Habang ang
magkaibigang tutubi nama’y masayang naglalaro at
nagpapalipatlipat sa mga makukulay na mga bulaklak.
Pagkalipas ng ilang sandali…..
…“aaaahhhh..tuloooong! Tulungan nyo ako!”...
Nagulat ang magkaibigang tutubi sa kanilang
narinig.
“Hala! Hindi ba’t kay palaka ang boses na iyon?”
nagtatakang sabi ni Tuti Tutubi.
“Oo. nga. Halika’t puntahan natin.” Pag-aayang sabi
ni Teri Tutubi.

8
Hinanap nila ang lugar na pinanggagalinagn ng boses na
iyon.
Sa di kalayuan ay natanaw nila si palaka na
nakalambitin sa isang ugat ng puno malapit sa bangin na iyon.
“Tulooooong…tulungan ninyo ako!” paulit-ulit na sigaw
ni palaka.
Sa likas na kabutihan ng magkaibigang tutubi ay walang
pag-aalinlangan pa din nilang tinulungan si palaka. Dali-dali
silang kumuha ng baging at lumapit kay palaka.
“Humawak ka sa dulo ng baging na iyan at kumapit ka
ng mahigpit palaka.” Sambit ni Tuti Tutubi.
Ubod lakas hinila ng dalawa ang baging hanggang sa
maiahon nila mula sa bangin ang salbaheng palaka.
“ Maraming Salamat sa inyong dalawa. Tunay na kaybuti
ng inyong kalooban. Nagawa pa rin ninyo akong tulungan sa
kabila ng mali kong nagawa.” nakatungong sabi ni Palaka.

9
“Walang anuman, Palaka. Maganda ang palaging
paggawa ng mabuti sa kapwa.” Nakangiting sabi ng
magkaibigang tutubi.
“ Utang ko sa inyo ang aking buhay. Mula ngayo’y
magiging mabuti na ninyo akong kaibigan.” Tugon ni Palaka.
At mula noo’y naging tunay at masaya ang kanilang
pagkakaibigan.

Moral Lesson: Huwag maliitin ang ating kapwa. Palaging piliing gumawa ng Mabuti.

Pagpapalawak ng Talasalitaan
10
Panuto: : Alamin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Doo’y makikita ang maaliwalas na paligid, makukulay na mga bulaklak,


mabeberdeng mga damo at ang banayad na ag agos ng tubig sa sapa.
A. marahan
B. mabilis
C. maliwanag

2. Lingid sa kaalaman ng magkaibigang tutubi ang masamang balak ni palaka.


A. hindi alam
B. maingay
C. nakakagulat

Mga Tanong sa Pag-unawa

Panuto: Mula sa napakinggang kuwento, sagutin ang sumusunod na mga tanong.


Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?


A. Si Palaka at si Ibon
B. Si Palaka at ang magkaibigang Tutubi
C. Si Pusa at Aso

2. Saan nangyari ang kwento?


A. Sa dagat
B. Sa kagubatan
C. Sa paaralan

3. Ano ang katangian ni palaka?


A. Mabait
B. Tahimik
C. Salbahe

4. Anong uri ng kaibigan ang dalawang tutubi?


A. Mahiyain
B. Mayabang
C. Mabait

5. Ano ang aral na makukuha sa kwento ?


A. Maging mayabang
B. Maging Mabuti sa kapwa
C. Maging madamot

Susi sa Pagwawasto
11
Vocabulary Comprehension Check-Up
Development
A B
Story 1 A B
C
C
B

Sanggunian:

12
13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: lrmds.mimaroparegion@deped.gov.ph

14

You might also like