You are on page 1of 21

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

10 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 6:
Mga Akdang Pampanitikan ng South
Amerika at ng mga Bansang
Kanluranin-Nobela

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Filipino 10 – Ikasampung Baitang
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Unang Markahan– Modyul 6: Mga Akdang Pampanitikan ng South Amerika at ng
mga Bansang Kanluranin Ang Matanda at Ang Dagat (Nobela)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban samodyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda
ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Meralyn B. Sangual


Editor: Arnie P. Taclap
Tagasuri: Sheryl Cuevas-Deocadez
Tagalapat: Wilvin H. Inding

Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division Superintendent


Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD
Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino
Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Telefax: (065) 212-6986

0
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph

Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang Ang mag-aaral ay


pag-unawa at pagpapahalaga sa nakapaglalathala ng sariling akda
mga akdang pampanitikan ng mga sa hatirang pangmadla ( social
bansang kanluranin. media)

Mula sa iyong matagumpay na paglalakbay mula sa mga Kuwento ng


Estados Unidos, dadako ka naman sa United States of Amerika upang pag-
aralan ang nakaaaliw na estorya ng nobelang Ang Matanda at ang
Dagat.Ikaw ay inaasahang:

• Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa


ng suring-basa o panunuring pampanitikan (F10WG-IIf-69)
• Nagagamit ang ibat ibang batis ng impormasyon sa pananaliksik
tungkol sa teoryang pampanitikan (F10WG-IIf-69)

Modyul Mga Akdang Pampanitikan ng


United States of Amerika
6 Ang Matanda at Ang Dagat (Nobela)

Balikan
Sa nakaraang modyul, natutunan mo ang hinggil sa Maikling
Kuwento.
Gawain 1. Balikan ang nakaraang aralin. Ngayon ay subukin mong
sagutin ang hinihingi gamit ang concept map? Ibigay ang kahulugan ng
nobela at mga katangian nito.

1
Nobela

Tuklasin

Matapos ang naunang aralin, halina't tuklasin ang mga bagong kaalaman na
matutunan sa bagong aralin.

Gawain 2: Basahin Mo!

Ang Matanda at Ang Dagat


Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Jesus Manuel Santiago
“The Old Man and the Sea” ni Ernest Hemingway
(bahagi lamang)

Maayos silang naglayag at ibinaba ni Santiago ang kaniyang mga kamay


sa tubig-alat at sinikap na linawin ang kaniyang isip. Mataas ang cumulus clouds
at may sapat na cirrus sa ibabaw kaya alam ng matanda (Santiago) na tatagal
ang simoy sa buong magdamag. Palaging tinitingnan ng matanda ang isda para
makatiyak na totoo ito. Isang oras ito bago siya unang dinunggol ng pating.
Hindi aksidente ang pating. Pumaimbabaw siya mula sa kalaliman ng
tubig habang tumitining at kumakalat ang maitim na ulap ng dugo sa dagat na
isang milya ang lalim. Napakabilis niyang pumaimbabaw at walang kaingatingat
na binasag ang rabaw ng asul na tubig at nasinagan siya ng araw.
Pagkaraa‟ y bumalik siya sa tubig at sinundan ang amoy at nagsimulang
lumangoy patungo sa direksiyon ng bangka at ng isda.

2
Kung minsan, naiwawaglit niya ang amoy. Pero malalanghap niya
itong muli, o kahit bahagyang-bahagya lang ng amoy nito, at mabilis at masigla
siyang lalangoy para sundan ito. Isa siyang napakalaking pating na Mako, ang
katawan ay sadyang para lumangoy na kasimbilis ng pinakamabilis na isda sa
dagat at napakaganda ng kaniyang kabuuan maliban sa kaniyang panga. Kasing
asul ng isdang-espada ang kaniyang likod, at pilak ang tiyan, at madulas at
makisig ang kaniyang balat. Kahawig siya ng espada maliban sa kaniyang
dambuhalang panga na nakatikom ngayon habang matulin siyang lumalangoy,
halos nasa rabaw, parang kutsilyong humihiwa sa tubig ang mataas niyang
palikpik sa likod. Sa loob ng sarado niyang panga, nakahilig paloob ang kaniyang
walong hanay na ngipin. Hindi siya katulad ng karaniwang hugis-piramidong
ngipin ng karamihang pating. Kahugis sila ng mga daliri ng tao kapag
nakabaluktot na parang sipit. Kasinghaba sila halos ng mga daliri ng matanda
at sintalas ng labaha ang talim sa magkabilang gilid. Ito ang isdang nilikha para
manginain sa lahat ng isda ng dagat, napakabilis at napakalakas at armadong-
armado kaya wala silang sinumang kaaway. Binilisan pa niya ngayon nang
malanghap ang mas sariwang amoy at humiwa sa tubig ang kaniyang asul na
palikpik sa likod.
Nang makita ng matanda na paparating ito, alam niyang isa itong pating
na walang takot at gagawin ang lahat ng gusto nitong gawin. Inihanda niya ang
salapang at hinigpitan ang lubid habang pinagmamasdan niya ang paglapit ng
pating. Maigsi ang lubid dahil binawasan niya ito ng ipinangtali sa isda.
Malinaw at matino ang isip ng matanda ngayon at buong-buo ang pasiya pero
halos walang pag-asa. Sa loob-loob niya, makatagal sana ang katinuang ito.
Pinagmasdan niyang maigi ang malaking isda habang pinanonood ang paglapit
nito.Mas mabuti pang naging isang panaginip lang ito, sa loob-loob niya. Hindi
ko siya mapipigil sa pag-atake sa akin pero baka makuha ko siya. Dentuso, sa
loob-loob niya. Malasin sana ang nanay mo. Mabilis na nakalapit sa
popa ang pating at nang sagpangin nito ang isda, nakita ng matanda ang
pagbuka ng bunganga at ang kakatwa nitong mata at ang lumalagatok na
pagtadtad ng mga ngipin habang nginangatngat ang karne sa may ibabaw ng
buntot. Nakaangat sa tubig ang ulo ng pating at lumilitaw ang likod at naririnig
ng matanda ang ingay ng balat at lamang nalalaslas sa malaking isda nang
isalaksak niya ang salapang sa ulo ng pating sa dakong nagtatagpo ang guhit ng
mga mata at ang guhit ng ilong. Walang gayong mga guhit. Ang naroon lamang
ay ang mabigat at matulis na ulong asul at ang malalaking mata at ang
lumalagutok, umuulos, nanlalamong mga panga. Pero ang kinalalagyan ng utak
ang napuruhan ng matanda. Inulos niya ito ng mahusay na salapang na ubos-
kayang ipinukol ng kaniyang kamay na nanlalagkit sa dugo. Inulos niya ito nang
walang pag-asa pero may katatagan ng pasiya at lubos na hangaring maminsala.
Kumampay ang pating at nakita ng matanda na walang buhay ang
mga mata nito at muli itong kumampay, at napuluputan siya ng dalawang ikid
ng lubid. Alam ng matandang patay na pero hindi ito matanggap ng pating.
Pagkatapos, nakatihaya, humahagupit ang buntot at lumalagutok ang mga
panga, sinuyod ng pating ang tubig tulad sa paghaginit ng isang speed-boat. Puti
ang tubig sa hambalos ng kaniyang buntot at tatlong sangkapat ng katawan ang
nakaangat sa tubig nang mabanat ang lubid, kuminig at saka nalagot. Saglit na
humigang tahimik sa ibabaw ng tubig ang pating at pinanood siya ng matanda.
Pagkaraa‟ y dahan-dahan itong lumubog.
“Mga kuwarenta libras ang dala niya,” malakas na sabi ng matanda.
Tinangay nito ang salapang ko at ang buong lubid, sa loob-loob niya, at
nagdurugo ngayon ang isda ko at marami pang susunod.

3
Ayaw na niyang tingnan ang isda dahil nagkagutay-gutay na ito. Nang
sagpangin ang isda, para siya rin ang nasagpang.
Pero napatay ko ang pating na sumagpang sa isda ko, naisip niya. At
siya ang pinakamalaking dentuso na nakita ko. At alam ng Diyos na nakakita na
ako ng malalaki.
Hindi kapani-paniwalang makatatagal siya, naisip niya. Sana‟ y isa
lang itong panaginip ngayon at hindi ko sana nabingwit ang isda at nag-iisa
akong nakahiga sa mga diyaryo.
“Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin
ang isang tao pero hindi siya magagapi.” Nagsisisi ako na napatay ko ang isda,
sa loob-loob niya. Parating na ngayon ang masamang panahon at wala man lang
akong salapang. Malupit ang dentuso, at may kakayahan at malakas at matalino.
Pero mas matalino ako kaysa kaniya. Siguro‟ y hindi, sa loob-loob niya. Siguro‟ y
mas armado lang ako.

“Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. “Magpatuloy ka sa


paglalayag at harapin ang anumang dumating.”
Pero dapat akong mag-isip, naisip niya. Dahil iyon na lang ang natitira
sa akin. Iyon at ang beisbol. Ewan ko kung magugustuhan ng dakilang DiMaggio
ang pagkakaulos ko sa kaniya sa utak. Walang bagay „yon, sa loobloob niya.
Kayang gawin iyon ng kahit sino. Pero sa palagay mo ba‟ y malaking partida ang
mga kamay ko kaysa mga taring buto? Hindi ko malalaman. Hindi ako nagkaroon
kahit kailan ng sugat sa aking sakong maliban noong minsan na nakagat ito ng
page nang matapakan ko siya nang lumalangoy at naparalisa ang ibabang binti
at kumirot nang napakatindi.
“Mag-isip ka ng isang bagay na masaya, tanda,” sabi niya. “Bawat
sandali‟ y papalapit ka na sa bahay. Mas magaan ngayon ang paglalayag mo
dahil sa pagkawala ng kuwarenta libras.”
Alam na alam niya kung ano ang maaaring mangyari pagsapit niya sa
panloob na bahagi ng agos. Pero wala nang magagawa ngayon.
“Oo, meron pa,” malakas niyang sabi. “Puwede kong itali ang aking lanseta
sa puluhan ng isang sagwan.”
Kaya ginawa iyon habang kipkip ang timon at nakatapak sa tela ng layag.
“Ngayon,” sabi niya. “Isa pa rin akong matanda. Pero meron akong armas.”
Sariwa ngayon ang simoy at maayos siyang naglayag. Tiningnan niya
ang bungad na bahagi ng isda at bumalik nang bahagya ang kaniyang pag-asa.
Kalokohan ang hindi umasa, sa loob-loob niya. Bukod pa‟ y naniniwala akong
kasalanan „yon. Huwag kang mag-isip tungkol sa kasalanan, naisip niya. Marami
nang problema ngayon kahit walang kasalanan. T‟ saka hindi ko ito
naiintindihan.
Hindi ko iyon naiintindihan at hindi ko sigurado kung naniniwala ako
roon. Kasalanan sigurong patayin ang isda. Iyon ang palagay ko kahit na ginawa
ko iyon para ako mabuhay at mapakain ang maraming tao. Pero lahat naman ay
kasalanan. Huwag kang mag-isip tungkol sa kasalanan. Masyado nang huli para
diyan at may mga taong binabayaran para gawin iyon. Hayaan mong sila ang
mag-isip tungkol doon. Isinilang ka para maging isang mangingisda tulad ng isda
na ipinanganak para maging isang isda. Mangingisda si San Pedro at gayundin
ang ama ng dakilang DiMaggio.
Pero gusto niyang pag-isipan ang lahat ng bagay na kinasasangkutan
niya at nang husto at nag-isip siya nang nag-isip tungkol sa kasalanan. Hindi
mo pinatay ang isda para lamang mabuhay ka o para ibenta bilang pagkain, sa

4
loob-loob niya. Pinatay mo siya dahil sa iyong dangal at dahil isa kang
mangingisda. Minahal mo siya noong siya‟ y buhay pa at minahal mo siya
pagkatapos. Kung mahal mo siya, hindi kasalanang patayin mo siya. O mas
malaking kasalanan „yon?
“Sobra kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi.
Pero tuwang-tuwa kang patayin ang dentuso, naisip niya. Nabubuhay
siya sa buhay na isda, tulad mo. Hindi siya isang tagahalungkat ng basura o isa
lamang gumagalang gutom tulad ng ilang pating. Maganda siya at marangal at
walang kinakatakutan.
“Napatay ko siya sa pagtatanggol ko sa sarili,” malakas na sabi ng
matanda.
“At pinatay ko siyang mahusay.”
Bukod pa, naisip niya, pinapatay naman ng lahat ang isa‟ t isa, kahit
paano. Kung paano ako pinapatay ng pangingisda, gayon din niya ako
binubuhay. Binubuhay ako ng bata, sa loob-loob niya. Hindi ko dapat masyadong
linlangin ang aking sarili.
Sumandig siya sa gilid at pumilas ng kapirasong karne ng isda sa
pinagkagatan ng pating. Nginuya niya ito at napansin niya ang kalidad at sarap
ng lasa nito. Matigas ito at makatas, parang karne, pero hindi ito pula. Hindi ito
mahilatsa at alam niyang mataas ang magiging presyo nito sa palengke. Pero
hindi matatanggal ang amoy nito sa tubig at alam ng matanda na may dumating
na malaking kamalasan.Panatag ang simoy. Medyo umatras ito sa may hilagang
silangan at alam niya ang ibig sabihin niyon ay hindi ito huhupa. Tumanaw sa
malayo ang matanda pero wala siyang makitang mga layag at wala na rin siyang
makitang ni balangkas o usok ng anumang bangka. Ang naroon lamang ay ang
isdang-lawin na patalon-talon sa magkabilang gilid ng kaniyang prowa at ang
mga dilaw na kumpol ng damong Gulpo.
Ni wala siyang makitang isa mang ibon.Dalawang oras na siyang
naglalayag, nagpapahinga sa popa at paminsan-minsa‟ y ngumunguya ng
kapirasong karne ng marlin, nagsisikap na magpahinga at magpalakas, nang
makita niya ang una sa dalawang pating.
“Ay,” malakas niyang sabi. Walang salin para sa katagang ito at marahil
ay isa lamang itong ingay na magagawa ng gayong tao, hindi sinasadya, na
nakararamdam sa pagbutas ng pako sa kaniyang kamay at pagtagos nito sa
kahoy.
“Galanos,” malakas niyang sabi. Nakita na niya ngayon ang pag-angat ng
pangalawang palikpik sa likuran ng una at natukoy niya na ang mga ito ay pating
na hugis-pala ang nguso batay sa kayumanggi, hugis-tatsulok na palikpik at sa
pahalihaw na galaw ng buntot. Naamoy nila at tuwang-tuwa sila at sa
kagunggongan ng kanilang matinding gutom, naiwawaglit nila at natatagpuan
ang amoy sa kanilang katuwaan.
Pero palapit sila nang palapit.Mabilis na iniligpit ng matanda ang tela at
isinisiksik ang timon. Pagkaraa‟ y kinuha niya ang sagwang tinalian niya ng
lanseta. Maingat na maingat niyang binuhat ito dahil nagpupuyos sa sakit ang
kaniyang mga kamay. Pagkaraa‟ y ibinukas-sara niya ang mga ito roon upang
lumuwag sila. Isinara niya nang mahigpit para matiis ang sakit at huwag
mamilipit at pinagmasdan niya ang pagdating ng mga pating.
Nakikita niya ngayon ang kanilang malapad, sapad, hugis-palang mga ulo
at ang kanilang malalapad, puti ang dulong palikpik sa dibdib. Sila ay mga
kamuhi-muhing pating, masama ang amoy, tagahalukay ng basura at
mamamatay, at kapag sila‟ y gutom, kinakagat nila ang sagwan o katig ng isang
bangka. Ang mga pating na ito ang pumuputol sa paa at kampay ng mga pagong
5
kapag nakakatulog sa ibabaw ang mga pagong, at nanagpang sila ng taong nasa
tubig, kung sila‟ y gutom, kahit hindi amoy dugo ng isda o malansan ang tao.
“Ay,” sabi ng matanda. “Galanos. Sige, Galanos.”
Dumating sila. Pero dumating silang di tulad ng Mako. Pumihit ang isa at
naglaho sa paningin sa ilalim ng bangka at naramdaman ng matanda na naalog
ang bangka habang kumikislot siya at hinihila ang isda. Pinanood ng isa ang
matanda, naningkit ang dilaw na mga mata, at sinagpang ng kaniyang panga ang
isda sa dakong nakagat na. Kitang-kita ang guhit sa ibabaw ng kaniyang
kayumangging ulo at likod na hugpungan ng utak at gulugod at inulos ng
matanda ang lanseta sa sagwansa hugpungan, hinugot ito, at muling iniulos sa
dilaw, tila sa pusang mata ng pating.
Binitiwan ng pating ang isda at dumausdos, lulon-lulon ang kaniyang nakagat
habang siya‟ y namamatay.
Gumigiwang pa ang bangka dahil sa pamiminsala sa isda ng isa pang
pating at binitiwan ng matanda ang layag para makabaling ang bangka at
mapalitaw ang pating mula sa ilalim. Pagkakita niya sa pating, dumukwang siya
sa gilid at hinambalos ito. Laman lamang ang tinamaan niya at matigas ang balat
at hindi niya halos naibaon ang lanseta. Hindi lamang ang kaniyang mga kamay
ang nasaktan sa kaniyang pag-ulos kundi pati ang kaniyang mga balikat. Pero
mabilis na pumaimbabaw ang pating, una ang ulo, at tinamaan ito ng matanda
sa gitnang-gitna ng sapad na ulo habang lumilitaw sa tubig ang nguso at
inginasab sa isda. Hinugot ng matanda ang talim at muling inulos sa dating lugar
ang isda. Nakakapit pa rin siya sa isda, sarado ang panga, at sinaksak ito ng
matanda sa kaliwa nitong mata. Nakapangunyapit pa rin doon ang pating.
“Hindi pa rin?” sabi ng matanda at inulos niya ang patalim sa pagitan ng
gulugod at utak. Madali na ngayon ang ulos na iyon at naramdaman niyang
napatid ang litid. Binaligtad ng matanda ang sagwan at isiningit ang talim sa
panga ng pating para buksan ito. Pinilipit niya ang talim sa panga ng pating para
buksan ito. Pinilipit niya ang talim at habang dumadausdos ang pating, sabi niya,
“Sige, galanos. Dumausdos ka nang isang milya ang lalim. Sumige ka at
katagpuin ang iyong kaibigan, o baka iyon ang iyong ina.”
Pinunasan ng matanda ang talim ng kaniyang lanseta at inilapag ang
sagwan. Pagkaraa‟ y nakita niyang lumulobo ang tela at layag at ibinalik niya
ang bangka sa dating paglalayag.
“May sangkapat niya siguro ang natangay nila at ang pinakamahusay na
laman,” malakas niyang sabi. “Sana‟ y panaginip lang ito at hindi ko sana siya
nabingwit kailanman. Ikinalulungkot ko, isda. Dahil doo‟ y mali ang lahat.
Tumigil siya at ayaw na niyang tingnan ang isda ngayon. Said na ang dugo
at lulutang-lutang, kakulay siya ng pilak na likod ng salamin at nakikita pa rin
ang kaniyang mga paha.
“Hindi ako dapat nagpakalaot-laot, isda” sabi niya. “Hindi para sa iyo o para
sa akin. Ikinalulungkot ko, isda.
”Ngayon, sabi niya sa sarili. Tingnan mo ang pagkakatali ng lanseta at
tingnan mo kung nalagot. Pagkatapos ay ayusin mo ang iyong kamay dahil
marami pang darating.
“Nakapagdala sana ako ng bato para sa lanseta,” sabi ng matanda matapos
tingnan ang tali sa puluhan ng sagwan. “Dapat akong nagdala ng bato.” Marami
kang dapat dinala, sa loob-loob niya. Pero hindi mo dinala, tanda. Hindi ngayon
ang oras para isipin kung ano ang wala ka. Isipin mo kung ano ang magagawa
sa kung ano ang naririyan.
“Sobra kang magpayo ng mabuti,” sabi niyang malakas. “Sawa na ko

6
r‟ on.”
Kinipit niya ang timon at ibinabad ang dalawang kamay sa tubig habang
umuusad ang bangka.
“Alam ng Diyos kung gaano ang nakuha ng huling iyon,” sabi niya. “Pero
hamak na mas magaan siya ngayon.” Ayaw niyang isipin ang nagkagutay-gutay
na tiyan ng isda. Alam niyang sa bawat pakislot na bunggo ng pating ay napipilas
angkarne at ngayo‟ y sinlapad ng haywey sa dagat ang nalilikhang bakas ng isda
na pagsusumundan ng lahat ng pating.
Mairaraos ng isang tao ang buong taglamig sa isdang iyon, sa loob-loob
niya. Huwag mong isipin iyan. Magpahinga ka lang at ihanda ang mga kamay mo
para sa ipagtanggol ang nalalabi sa kaniya. Balewala na ang amoy ng dugo sa
mga kamay ko ngayong nangangamoy ang buong dagat. Bukod pa‟ y hindi na
sila gaanong nagdurugo. Walang anumang sugat na dapat ikabahala. Baka
makatulong pa ang pagdurugo para huwag pulikatin ang kaliwa.
Ano pa ba ang puwede kong isipin ngayon? Naisip niya. Wala. Wala akong
dapat isipin at hintayin ang mga susunod pa. Sana nga‟ y panaginip lang iyon,
sa loob-loob niya. Pero sino ang makapagsasabi? Baka naman mapaigi pa „yon.

Ipinaskil ni Unknown sa 1:59 AM


I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa TwitterIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

Mga Tanong:

1. Isalaysay ang naging pakikipagsapalaran ng tauhan, uri ng


tunggalian, sanhi at bunga.

Sanhi

Bunga Pakikipagsapalaran
2. Ihanay ang mga pangyayari sa nobela gamit ang Story Ladder.
Isulat sa sagutang papel.

Wakas

Kakalasan

Kasukdulan

Tunggalian

Papataas na pangayayari

Sulira

7
nin
Sim

ula

3. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang "Ang Matanda at ang Dagat


" ang nobela?
4. Paano napatunayan ni Santiago na maaring mapagtagumpayan ng
isang tao ang anumang balakid sa buhay?

Suriin
Ang nobelang "Ang Matanda ang Dagat" ay isang halimbawa ng Teoryang
Realismo.Ayon kay Henri de Latouchi at Auguste Comte (Ama ng
Sosyolohiya) ang pananaw Realismo ay ipinakita ang mga karanasan at
nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan sa makatotohanang
pamamaraan. Miuugat sa paniniwalang ang akda ay salamin ng buhay;
na ang likhang isip ay may aktwal na batayan sa kasaysayan at lipunan.
Karaniwan nitong pinapaksa ang kalayan na nangyayari sa lipunan tulad
ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan, at diskriminasyon.

Mga teoryang pampanitikan at mga uri nito:


Mga teoryang pampanitikan– Ang Mga Teorya ng Panitikan May iba‟ t
ibang paliwanag ang iba‟ t ibang mga kritiko at makata patungkol sa mga
nasabing mga teorya ng panitikan. kayat kahit anong sabihin ko baka
magkamali lang ako ng aking mga magiging kasagutan patungkol sa mga
teorya ng panitikan. Narito ang aking mga pahayag sa mga teorya ng
panitikan na malimit na gamitin sa ating mga akdang pampantikan.

1. Klasismo– Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga


pangyayaring payak,ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang
nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at pilingpili
sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

2. Humanismo– Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng


Humanismo, pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay
kaya‟ t kailangang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag
sa saloobin sa pagpapasya.Naniniwala ang mga humanista na sibilisado
ang mga taong nakapag-aaral dahil kinikilala ang kultura.Ang humanismo
ay nakatuon sa mga tao at ginagamitan ito ng ideya ng mga tao.

8
3. Imahismo– Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng biswal,
eksaktong paglalarawan o pagbibigay anyo sa mga ideya.

4. Realismo– Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan


kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa
mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o
paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang sosyo-pulitikal
kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.

5. Feminismo–Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga


kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa
mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay
feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay
ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

6. Arkitaypal– Teoryang Arkitaypalv Ang layunin ng panitikan ay


ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga
simbolo. Ngunit hindi bastabasta masusuri ang mga simbolismo sa akda.
Pinakamainam…

7. Formalismo – ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging


layunin ng pagsusuri; samakatwid, ang pisikal na katangian ng akda ang
pinakabuod ng teoryang formalismo. Ang tunguhin ng teoryang ito ay
matukoy ang:nilalaman, kaanyuan, o kayarian, paraan ng pagkakasulat
ng akda..

8. Sosyolohikal– Ang teorayng sosyolohikal ay may paksang


nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. Ang akda rin
siyang nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan. Sa
kuwentong “TATA SELO” ni Rogelio Sikat ay masasalamin ang aktwal na
pangyayari sa lipunan. ang pang aapi sa mga mahihirap at pagturing dito
na mababang uri.

9. Eksistensyalismo– hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng


personalidad ng tao at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng
kapasyahan laban sa katwiran.

10. Dekonstraksyon– -ito ay teoryang pangpanitikan na pwede mong


baguhin ang katapusan at pwede ka ding mag dagdag nga mga tauhan
ngunit hindi mo pwedeng buhain ang mga namatay na sa akda!

11. Romantisismo– ang teoryang pampanitikang umusbong sa Europe


noong ikalawang hati ng ikalabingwalong dantaon. Kasalungat ng
romantisismo ang klasismo sapagkat ang higit na pinahahalagahan ng
romantisismo ay ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas ang
romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan ay sa
lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao,
paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga bagay na materyal,
9
pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga karangyaan at paimbabaw na
kasiyahan at kahandaan magmahal sa babae/lalakeng nag-aangkin ng
kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan.
12. Marksismo- inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan.
Hinahanapan ang akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan
ng mahina at malakas, matalino at mangmang, duwag at matapang,
mahirap at mayaman. Dito nakapaloob ang mga tauhang bida at
kontrabida. May suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay ang
kontrabida. Sa teoryang ito, di padadaig ang naaping tauhan, babalikwas
ito upang madapi ang nangaaping lakas.

13. Historical– ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-


unlad ng wikang ginamit sa mga akdang pampanitikan. Kakikitaan ang
mga akda ng mga pagbabago sa paggamit ng mga salitang naaayon sa
panahon at sa kultura na may kinalaman sa mga pagbabagong nagaganap
sa ating bayan, kasama rito ang mga pagbabagong nagaganap sa ating
lipunan, ekonomiya, edukasyon, agrikultura at higit sa lahat ang ating
pananampalataya
14. Bayograpikal– ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga
akdang pampanitikan, siya ang nagsusulat o sumusulat ng mga akdang
pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon. Ang teoryang
ito ay tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda sa kanyang sinulat na akda,
makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay
ng may-akda upang masmapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang
sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang
kababasaan ito ng kanyang pananaw patungkol sa mga bagay na nais
niyang ihatid sa mga mambabasa.

15. Kultural— tumutukoy sa mga kwenotng base sa isang kulturang


pinaghanguan ng kwento o tula.

Gawain 3

A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa


papel.

1. Ano-ano ang iba't ibang Pagdulog o Pananaw/Teoryana ginagamit sa


pagsusuring pampanitikan?
2. Bakit higit na kailangan na magkaroon ng kaalaman ang isang magaaral
na tulad sa mga Teorayang ito?
3. Kung ikaw ang susuri sa nobelang "Ang Matanda at ang Dagat " aling
Teorya o Pagdulog ng Panitikan ang pinakaangkop na gamitin? Ipaliwanag.

B. Suriin ang akdang " Ang Matanda at ang Dagat" gamit ang Pananaw
/ Teoryang Realismo. Sagutin ang mga gabay na tanong sa pagsusuri.

10
1. Ano ang makikitang higit na nangingibabaw sa nobela batay sa
ipinapakitang pakikipagsapalaran ni Santiago sa dagat?
2. Paano pinanghahawakan ng tauhan ang pagpapahalaga sa buhay
ayon sa sitwasyong nakapaloob sa akda?
3. Ilahad ang tagpo na nagpapakita ng pananaw Realismo at iba pang
angkop na teoryang pampanitikan batay sa nilalaman ng nobela?
4. Patunayang may positibong pananaw ang pangunahing tauhan sa
pagaharap ng sa suliranin na kanyang naranasan?
5. Bakit sinasabing ang nobelang "Ang matanda at ang Dagat" ay
pananaw Realismo?

Pagyamanin
May dalawang paraan ng pagsulat ng isang panunuri. Ang una ay sa payak
na pagkakabuod ng mga pangyayari sa akda at ang pangalawa ay sa paraang
pahalagang pagbubuod. Malaki ang magagawa ng istilo sa pagsulat ng isang
manunuri upang mapalutang ang layunin sa pagsusuri sa akda. Ito ay
kailangang kumilala sa taglay na sining at magpapanatili sa sining ng pagsusuri.
Sa simpleng pagpapakahulugan, ipinaliliwanag ng isang panunuring
pampanitikan kung bakit dapat basahin ang isang akda o kung ano ang
katangian ng akda na dahilan upang ito‟ y pag-ukulan ng panahong basahin.
Tingnan kung anu-ano ang mga salik o elementng napapaloob sa isang
suringbasa.

1. PAGKILALA SA MAY-AKDA – Ito ay hindi nangangahulugan ng pagsusuri sa


pagkatao ng may-akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa kanyang likhain
ang isang akda.

2. URI NG PANITIKAN – Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat sa himig o


damdaming taglay nito.

3. LAYUNIN NG MAY-AKDA – Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit


sinulat. Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat, manuligsa, magprotesta
at iba pa.

4. TEMA O PAKSA NG AKDA – Ito ba‟ y makabuluhan, napapanahon,


makaotohanan, at mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng mambabasa?

5. MGA TAUHAN / KARAKTER SA AKDA – Ang karakter ba‟ y anyo ng mga taong
likha ng lipunang ginagalawan, mga tauhang hindi pa nalilikha sa panahong
kinabibilangan o mga tauhang lumilikha, nagwawasak, nabubuhay o
namamatay.

6. TAGPUAN / PANAHON – Binibigyang-pansin sa panuring pampanitikan ang


kasaysayan, kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi at

11
sanhi ng kalagayan o katayuan ng isang indibidwal, ng kanyang kaugnayan sa
kapwa at sa lipunan.
7. NILALAMAN / BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI – Isa bang gasgas na
pangyayari ang inilahad sa akda? May kakaiba bas a nilalamang taglay? Dati o
luma na bang mga pangyayaring may bagong bihis, anyo, anggulo, o pananaw?
Paano binuo ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakapit ng mga
pangyayari mula simula hanggang wakas? Ano ang mensaheng ipinapahiwatig
ng kabuuan ng akda? May natutunan ka ba sa nilalaman ng akda?

8. MGA KAISIPAN / IDEYANG TAGLAY NG AKDA – Ang isang akdang


pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral,
tinatanggap at pinapatunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. Maaari
ding tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan.
Maaari ding ang mga kaisipang ito ay sasalungatin, pabulaanan, mabago, o
palitan. Ito ba ay mga katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan, mga batas
ng kalikasan, sistema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay?
Mahalagang masuri sa akda ang mga kaisipang ginagamit na batayan sa
paglalahad ng mga pangyayari.
9. ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA – Epektibo ba ang paraan ng paggamit
ng mga salita? Angkop bas a antas ng pang-unawa ng mga mambabasa ang
pagkakabuo ng akda? May bias kaya ang istilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng
akda? Masining ba ang pagkakagawa ng akda? Ito ba‟ y may kahalagahang
tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na akda?

10. BUOD – Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang
pagbanggit sa mahahalagang detalye ang bigyang-tugon.
Ang pagsulat ng isang panunuri ay nangangailangan ng sapat na
kaalaman, kahandaan at kakayahan sa panig ng manunuri. Kailangang makita
ang pagiging maingat at lubos na pagkaunawa sa akdang sinusuri. Ang pagiging
obhetibo sa pagsusuri ay kailangang isaalang-alang.

Mula sa aklat ng Filipino 10 PAnitikang Pandaigdig

Gawain 3
Gumawa ng isang suring - basa sa nobelang "Ang Matanda at ang Dagat".
Gumamit ng angkop at mabisang mga pahayag sa pagbuo ng suring-basa
upang lalong maunawaan ng mga mambabasa. Gamitin ang balangkas ng
suring-basa na nasa ibaba sa pagbuo nito. I. PAGKILALA SA MAY-AKDA:
II. URI NG PANITIKAN:
III. LAYUNIN NG MAY-AKDA:
IV. TEMA O PAKSA NG AKDA:
V. MGA TAUHAN / KARAKTER SA AKDA:
VI. TAGPUAN / PANAHON:
VII. NILALAMAN / BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI:
VIII. MGA KAISIPAN / IDEYANG TAGLAY NG AKDA:
IX. ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA:

12
X. BUOD:

Pamantayan sa Pagsusuri ng Suring- basa


DIMENSYON MAHUSAY KATAMTAMAN MAHINA PUNTOS
8-10 PUNTOS 5-7 PUNTOS 1-4 PUNTOS
PAGSULAT Walang maling Walang Hindi
pang-gramatika at maling nakikitaan ng
mahusay at pangramatika kalinawan sa
malikhain ang pagpapahayag
paggamit ng mga ng kaisipan
salita
NILALAMAN Nakikitaan ng Kompleto ang Iilan lamang ang
mahusay na pagka- mga mga
unawa sa nobelang impormasyong impormasyong
binasa batay ipinahayag. ibinigay
sa
panunuring
ginawa na
nakapupukaw ng
interea ng
mambabasa
ORGANISASYON Mahusay at mabisa Maayos na Hindi malinaw
ang nasunud-sunod at walang
pagkakasunudsunod ang mga kaugnayan ang
ng mga pangyayari mga detalyeng
detalyeng inilahad sa
inalahad sa panunuri
panunuri.
PA-UNAWA SA Mahusay at Naipaliwanag Hindi malinaw
TEORYANG malinaw na naisa- ang paggamit ng ang pag-unawa
REALISMO isa ang mga bahagi teoryang
ng nobela na realismo sa
nagpapakita ng malawakang
paggamit ng panunuri
Realismo.
KALINISAN Mahusay ang Malinis ang Marumi at
malinis ang pagkasulat ng nakikitaan ng
pagkasulat ng panunuri pagmamadali
panunuri. sa ginawang
panunuri.
KABUUAN

13
Isaisip
Ngayong batid mo na ang mga balangkas at mahahalagang kaalaman sa pagbuo
ng isang maayos na suring-basa. Maari mo nang sagutin ang mga sumususnod
na tanong.
1. Paano ipinakita ng may-akda ang pagiging malikhain sa pagbuo ng nobela?

2. Naging makatwiran ba ang ginawang pagsusuri sa akda?

Mungkahing Estratehiya: POST IT

Natutunan ko sa pagsusuri ng isang nobela :


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________.

Tayahin
Panuto: Suriing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.
Gawin ito sa sagutang papel o kuwaderno.
1. "Naglayag sa dagat ang matandang si Santiago upang manghuli ng isda na
maaari niyang ibenta at kanyang kainin.” Aling bahagi ng nobela makikita
ang pahayag na ito?
a. simula c. gitna
b. wakas d. Kasukdulan

2. Ito ay binubuo ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na


pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay- aliw ay
nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mambabasa?
a. maikling kuwento c. Talumpati
b. nobela d. Dula

3. Ang nobela ay may mga katangiang dapat taglayin maliban sa ________?


a. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
b. kawili-wili at pumupukaw ng damdamin
c. nag-iiwan ng di mabuting aral sa mga mambabasa.
d. malikhain at may dapat maging maguniguning paglalahad

14
4. Ano ang tawag sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
a. tagpuan c. pamamaraan
b. pananalita d. Banghay

5. Ito ang kahulihulihang nobelang nailimbag ni Ernest Hemingway?


a. Banaag at Sikat c. Sa mga Kuko ng Liwanag
b. Ang matanda at ang Dagat d. Dekada 70

6. Ipinakikita ng pananaw na ito ang katotohanan ng buhay maging ito man ay


hindi maganda.
a. Klasisismo c. Formalismo
b. Realismo d. Imahismo

7. Ang nobelang pinamagatang "Si Anne ng Green Gables" o ang mag-aaning


tinatawag na kamatayan ay isang halimbawa ng Teoryang ___________?
a. romanstisismo c. Feminismo
d. realismo d. Sosyolohikal
8. Binibigyang pansin ng manunuri ang kaisahan ng mga bahagi at ang
kabuoan ng akda nang malayo sa pinagmulang kapaligiran, era o panahon .
a. imahismo c. humanismo
b. Formalismo d. Klasisismo

9. Isang uri ng pagtatalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang


sining.
a. panunuri c. pananaw
b. paglalahad d. Pagsisiyasat
10. Ito ay isang anyo ng pagsusuri ng binasang teksto o akda.
a. pasulat ng script c. suring-basa
b. suring-pananaw d. Pagbabasa

11. Ito ay hindi nangangahulugan ng pagsusuri sa pagkatao ng may-akda kundi


sa mga bagay na nag-uudyok sa kanyang likhain ang isang akda. a. pagkilala
sa may akda c. layunin ng may akda
b. buod d. Mensahe

12. Balangkas ng suring-basa na nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga


kaisipang umiiral, tinatanggap at pinapatunayan ng mga tiyak na sitwasyon
o karanasan.
a. mga kaisipan c. layunin ng may akda
b. pagkilala sa may akda d. Mensahe

13. Aling pahayag ang nagpapatunay na ang nobelang "Ang Matanda at ang
Dagat ay isang Realismo?
a. inilalarawan ang karanasan at lipunan na parang sa tunay na buhay.
b. nasusuri ang kalagayan ng mga kababaihan.
c. pinapahalagahan higit ang tao kaysa sa anumang bagay.
d. pinahalagahan ang katwiran ng tauhan.

15
14. Ano ang mahahalagang aral sa nobelang " Ang Matanda at ang Dagat"?
a. Ang isang taong mahirap ay maaari pa ring magkaroon ng magandang
buhay sa hinaharap.
b. Ang pagkabigo ay nakapagdudulot din ng kabutihan sa isang tao.
c. Lahat ng mga pagsubok sa buhay ay malalampasan basta't may tiwala
at determinasyon.
d. Ang masamang ugali ng isang bata ay hindi nagbabago hanggang sa
pagtanda.

15. Ito ay nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari.


a. simbolismo b. pananaw c. damdamin d. Tema

. Karagdagang Gawain
Gawain 4
Bilang karagdagan sa iyong kaalaman at higit mong maunawaan ang paksa.
Gumawa ng isang suring -basa sa isa sa mga akdang isinulat ng ating batikang
manunulat na si Luwalhati Bautista. Suriing maige ang mga bahagi ng nobela
gumamit ng balangkas sa sa suring -basa bilang gabay para maging makabuluhan
ang pagsusuri. Gumamit ng iba't ibang batis ng impormasyon tulad ng aklat at
enternet upang magsaliksik o magbasa pa patungkol sa gawaing ito. Gawing gabay
ang pamantayang ito :a. Kabuluhan ng nilalaman at lalim ng panaw b. Pagsasalang
ng mga elemento ng panunuring pampanitikan at d. Makabuluhang presentasyon.
Tatayahin ang iyong ginawa ayon sa sumusunod:
10 puntos - lahat ng pamantayan ay naisakatuparan
8 puntos - tatlo sa mga pamantayan ang naisakatuparan
6 puntos - dalawa sa mga pamantayan ang naisakatuparan
4 puntos - isa sa mga pamantayan ang naisakatuparan

16
Sanggunian
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa TwitterIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest
Modyul para sa Mga-aaral FILIPINO 10

17

You might also like