You are on page 1of 26

4

FILIPINO
Ikalawang Markahan – SIM 19
Pagsagot sa mga Tanong Mula sa Napakinggan
at Nabasang Alamat, Tula, at Awit

https://images.app.goo.gl/B74rJmnjjyhRhusUA

Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Misamis Occidental
Filipino – Baitang 4
Ikalawang Markahan – SIM 19: Pagsagot sa mga Tanong Mula sa Napakinggan at
Nabasang Alamat, Tula, at Awit
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa SIM na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa SIM na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental


Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan: Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan: Myra P. Mebato, PhD

Development Team of the Self-Instructional Materials (SIM)


Developer/s: Liza H. Quimbo
Reviewers/Editors: Longino C. Gamulo Jr.
Illustrator and Layout Artist: Liza H. Quimbo
Management Team
Chairperson: Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Myra P. Mebato,PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Samuel C. Silacan, EdD


CID Chief

Members Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS


Lorena R. Simbajon, EPS – Filipino
Marilyn C. Panuncialman, EdD, PSDS
Maria Cheryl T. Samonte, EdD, Principal III/DIC
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental
Office Address:Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com
Pagsagot sa mga Tanong Mula sa
4
Napakinggan at Nabasang
Alamat, Tula, at Awit

Filipino Ikalawang Markahan SIM 19

NILALAMAN

Gabayan Mo Ako 1
Gagawin Ko
Gawain 1 6
Gawain 2 9
Gawain 3 11
Subukan Ko 13
Ipakita Ko 17
LIZA H. QUIMBO
Dagdag Kaalaman 19 Teacher II
Dicoloc Elementary School
Wastuhin Ko 20

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This SIM (Self-Instructional Material) is


for Educational purposes only. Borrowed materials (i.e.., songs, stories, poems,
pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in these modules are
owned by their respective copyright holders. The publisher and authors do not
represent nor claim ownership over them. Sincerest appreciation to those who have
made significant contributions to these materials.
Gabayan Mo Ako

Magandang araw! Ang Self-Instructional Material (SIM) na ito ay


nakaaayon sa MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES
(MELC). Ito ay magiging kasama mo sa pagtuklas ng bagong
konsepto at kaalaman kahit ikaw ay nasa bahay lamang.

Ito ay nahahati sa iba’t ibang


gawain upang lubos na malinang
ang kakayahan mo sa pagbabasa,
pagsusulat, pagsasalita, pag-
uunawa, at pagsasagot sa mga
tanong mula sa alamat, tula, at
awit.

Sa pamamagitan ng mga gawaing


ito, inaasahang nasasagot ang mga
tanong mula sa napakinggan at
nabasang alamat, tula, at awit. F4PN-IIf-3.1 F4PN-IIIb-3.1 F4PB-
IVb-c-3.2.1

Ang alamat, tula, awit at iba pang seleksiyon ay may


mahalagang detalye na tinataglay. Kailangang bigyang pansin
ang napakinggan, nabasang seleksiyon at awit upang lubos na
maunawaan ang binasa. Sa tulong ng mga panghalip na
pananong na saan, kailan, sino, ano, alin, at bakit natutukoy
ang mga detalye sa napakinggan at nabasang alamat, tula, at
awit.
1
Ang alamat ay itinuturing na isang kwentong bayan na
nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang isang
bagay.

Ngayon ay simulan mo ng basahin ang ilang bahagi ng Alamat


ng Butiki.

Sa isang malayong nayon, namumuhay ang mga


taong hirap sa pagtatrabaho sa bukid. Ito ay upang
matustusan ang mga pangangailangan nila sa buhay.
Ang buong nayon na ito ay hawak at pinamunuan ng
isang mayaman at napakasamang lalaki. Siya ay si BUT
IKI.
Mangyari pa’y kayang bilhin ni But Iki ang lahat ng
kaniyang magustuhan. At kahit matataas na gusali,
kapag ginusto niya, ay kaya raw niyang ipatibag. Katulad
ng ginawa niya sa bahay ng isang taong kaniyang
nakagalit dahil lamang sa inakala niyang tiningnan siya
nang masama.
Ngunit may nakatutuwa at nakatatawag-pansin kay
But Iki. Iyon ang kumikinang at nakasisilaw na mga
diyamante at ginto sa kaniyang katawan. Namumutiktik
sa alahas ang bawat bahagi ng kaniyang katawan. Hindi
puwedeng walang alahas sa kahit saang bahagi ng
kaniyang katawan mula ulo hanggang paa.
Ngayon ay basahin mo ang mga tanong at ang sagot nito.

Halimbawa: Saan naganap ang kwento?

2
Sagot: Ang kwento ay naganap
sa isang malayong nayon.

Halimbawa: Sino ang sikat o tanyag


dahil sa yaman niyang taglay?

Sagot: Ang sikat o tanyag


dahil sa yaman niyang taglay
ay si BUT IKI.

Alamin naman natin ang kahulugan ng tula at basahin natin


ang halimbawa nito.

Ang tula ay grupo ng mga salitang nagsasabi ng ideya


o damdamin. Ang mga salita rito ay madalas na
magkakasingtunog.

Tayo ay Magdasal

Tayo ay magdasal
Sa ating Amang Banal.
Tayo ay magdasal,
Isa itong magandang asal.
Tayo ay manalangin
Nang tayo ay pagpalain.
Araw-araw, gabi-gabi
Ito ay ating gawin.

3
Sagutin ang mga tanong tungkol sa tula.

Ano ang pamagat ng tula?

Sagot: Ang pamagat ng tula ay


Tayo ay Magdasal.

Kanino tayo magdarasal?

Sagot: Sa Amang Banal tayo


magdarasal.

Pagyamanin pa lalo ang iyong kasanayan sa pagsagot sa mga


tanong mula sa alamat at tula sa pamamagitan ng pagbabasa pa
ng isa pang awit.

Ang awit ay isang uri ng tula na may layuning


magsalaysay, at karaniwang binubuo ng apat o higit
pang linya sa bawat taludtod. Ito ay nilalapatan ng
himig at tunog upang mas maging kaaya-ayang
pakinggan o basahin.

Bahay Kubo
Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong
Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani
4
Kundol, patola, upo't kalabasa
At saka mayroon pa
Labanos, mustasa
Sibuyas, kamatis
Bawang at luya
Sa paligid nito puno ng linga.

Tanong: Ano-anong mga gulay at


prutas ang nabanggit sa awiting
“Bahay Kubo”?

Sagot: Ang mga nabanggit na


gulay at prutas ay mga
singkamas, talong, sigarilyas,
mani, sitaw, bataw, patani,
kundol, patola, upo't kalabasa,
labanos, mustasa, sibuyas,
kamatis, bawang at luya.

Nakatutulong ang pakikinig at pagbabasa nang mabuti sa mga


alamat, tula, at awit para masagot ang mga katanungan.

5
Gagawin Ko

Gawain 1

Panuto: Ipabasa sa nakatatanda at pakinggang mabuti ang


alamat. Sagutin ang mga tanong at isulat ang titik
ng tamang sagot sa notbuk o papel.

Alamat ng Sampalok

May tatlong prinsipe noong araw na pawang masasama ang


ugali. Sila ay sina Prinsipe Sam, Prinsipe Pal at Prinsipe Lok.
Tuwing magkasama naman ang tatlo ay tiyak na may
mangyayaring hindi maganda. Ang mga may kulang sa isip at
mangmang ay kanilang pinaglalaruan, pinaparatangan at
ipanakukulong. Lubha silang mapang-api, mapangmata at
malupit sa mga dukhang mamamayan. Minsan sa pamamasyal
ng tatlong prinsipe ay napadaan sila sa isang sapa. Saglit silang
huminto at pinanood ang mga naliligong dalaga na para bagang
nambabastos.

“Kamahalan, huwag po sana ninyo kaming panoorin at


pagtawanan”. Galit na bumaba ng kabayo si Prisipe Sam at
walang salitang sinampal ang dalagang nakiusap. Uulitin pa
sana ng prinsipe ang pagsampal subalit isang matandang babae
ang namagitan. Sinaktan nila ang matanda. Hindi alam ang
gagawing pagtulong sa matandang hindi nila nakikilala.

6
Datapuwa’t lahat ay napamulagat nang nagbago ng anyo ang
matanda. Isa pala itong engkantada!

Pinarusahan ang tatlong prinsipe. Nahulog ang kanilang


mga mata at agad nilamon ng lupa. Palibhasa’y mga bulag kaya
hindi na alam ang daang pauwi. Tumakbo nang tumakbo ang
kanilang mga kabayo hanggang silang lahat ay nahulog sa
bangin!

Kinabukasan, nagtaka ang lahat sa biglang pagtubo ng


isang puno at namunga ito ng ubod ng asim! Dahil dito,
minarapat nilang tawaging Sampalok.

Mga Tanong:

1. Ano ang pamagat sa iyong alamat na binasa?


A. Alamat ng Rosas
B. Alamat ng Santan
C. Alamat ng Sampalok
D. Alamat ng Sampaguita

2. Sino-sino ang tatlong prinsipe na may masasamang ugali?


A. Prinsipe Pol, Tin, at Mon
B. Prinsipe Pal, Sam, at Lok
C. Prinsipe Pam, Son, at Lak
D. Prinsipe Ben, Jose, at Dave

7
3. Saan nahulog ang tatlong prinsipe?
A. Sa sapa
B. Sa lawa
C. Sa dagat
D. Sa bangin

4. Bakit pinarusahan ang tatlong prinsipe?


A. Dahil sila ay mabait.
B. Dahil sila ay matulungin.
C. Dahil sila ay mapagbigay.
D. Dahil sila ay may masasamang ugali.

5. Ano ang aral ang nais ipahiwatig sa alamat na ito?


A. Huwag gumawa ng mabuti.
B. Huwag magpaalam sa magulang.
C. Huwag gumawa ng masama sa kapwa.
D. Huwag sumunod sa mga utos ng magulang.

8
Gagawin Ko

Gawain 2
Panuto: Pakinggang mabuti ang tula habang binabasa ng
nakatatanda. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong tungkol dito. Piliin sa kahon ang sagot at
isulat sa notbuk o papel.

Pamilya Anak Ama’t Ina


May takot sa Diyos Responsable
Mapagmahal Edukasyon

Pamilya
Tula ni Julyhet Roque

Kay sarap pagmasdan ng masayang pamilya,


Si ama’t si ina’y responsable sa tuwina
Ang Diyos ang sandigan sa tuwi-tuwina.

Mga anak pinalaki nang may takot sa Diyos,


Tinuruang gumawa, magpawis at mapagod
Pagkat puhunan daw iyon sa paglaking lubos.

Edukasyon ng anak ay itinaguyod


Kahit na mangapal ang palad sa pagod
Basta sa pamilya ay may maitustos.

Di nag-aaway sa harap ng supling,


Kapakanan lagi ng anak na hirang ang nasa pansin
At pagmamahalan ang laging inaangkin.

9
1. Ano ang pamagat sa tulang iyong binasa?

2. Sino-sino ang mga responsable sa pagpapalaki ng kanilang


mga anak?

3. Paano nila pinalaki ang kanilang mga anak?

4. Ano-anong pag-uugali ang ipinakita ng mga magulang sa


kanilang mga anak?

5. Ano ang kanilang itinaguyod para sa kanilang mga anak?

10
Gagawin Ko

Gawain 3
Panuto: Pakinggan at intindihing mabuti ang liriko/lyrics ng
awitin sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga
tanong tungkol dito. Isulat sa buong pangungusap
ang iyong sagot sa notbuk o papel.

Taga-Baryo Kami

Taga-baryo kami, magsasaka kami.


Mahirap ang pamumuhay namin.
Mahirap ang pagtatanim.
Kahit marami ang nagtatawa sa amin,
Mahirap ang pamumuhay namin,
Lalaki ang siyang nag-aararo,
Babae naman ang nagtatanim sa bukid.
Nabibilad man kami sa araw,
Nagtatanim pa rin kami.
Kahit marami ang nagtatawa sa amin,
Mabuti, marami kaming kakainin.

11
Mga Tanong:

1.Saan nakatira ang mga magsasaka?


2.Ano ang ikinabubuhay ng mga tao sa baryo?
3.Ano-ano ang ginawa ng mga lalaki at babae sa awit?
4.Bakit hindi nila pinapansin ang mga taong tinatawanan
lamang sila?
5.Paano inaalagaan ng mga tao sa baryo ang kanilang lupain?

12
Subukan Ko

A. Panuto: Basahin ang alamat na nasa ibaba at sagutin ang


mga tanong. Isulat ang sagot sagutang papel o notbuk.

Alamat ng Sampaguita
Sa isang malayong bayan sa Norte ay may isang
napakagandang dalaga na Liwayway ang pangalan. Ang
kagandahan ni Liwayway ay nakarating hanggang sa malalayong
bayan. Mula sa hilaga may isang mangangaso na inatake ng
baboy ramo at siya ay si Tanggol. Dinala siya sa ama ni
Liwayway upang mabigyan ng lunas.
Nagkaibigan sina Liwayway at Tanggol sa isa’t-isa sa
maikling panahon ng pagkikilala. Nang gumaling si Tanggol ito
ay nagpaalam kay Liwayway upang sunduin ang ama’t ina para
hingin ang kamay ng dalaga.
Isang dating manliligaw ang nakaisip siraan si Tanggol.
Ikinalat nito ang balita na hindi na babalik si Tanggol dahil may
asawa na ito. Tinalo ng lungkot at panibugho ang puso ni
Liwayway. Nagkasakit siya at namatay.
Ilang araw makaraang mailibing si Liwayway ay dumating
si Tanggol kasama ang mga magulang. Sa sobrang
paghihinagpis, araw-araw ay halos madilig ng luha ni Tanggol
ang puntod ni Liwayway. Isang araw ay may napansin si Tanggol
sa ibabaw ng puntod ni Liwayway. May tumubong halaman doon
na ubod ng bango. Tinawag iyong ‘sumpa kita’, ang mga huling
salitang binigkas ni Liwayway bago namatay. Ang ‘sumpa kita’
ay ang pinagmulan ng salitang ‘sampaguita’.

13
Mga Tanong:

1. Bakit biglang naglaho ang pag-asa ni Liwayway na


babalik si Tanggol?
2. Ano ang aral na natututunan mo sa alamat?

B. Panuto: Pakinggan at intindihin nang mabuti ang awiting


Sitsiritsit sa ibaba at sagutin ang mga tanong.

S I T S I R I T S IT
Sitsiritsit alibangbang
Salaginto Salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang.

Santo Nino sa Pandacan,


Puto seco sa tindahan
Kung ayaw kang magpautang
Uubusin ka ng langgam.

Mama, Mama, namamangka


14 yaring bata
Pasakayin
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika.

Ale, Ale, namamayong


Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.

14
Mga Tanong:
1. Ano ang pamagat sa napakinggang awit?
2. Kung ikaw ang babae, ipagpalit
14 mo rin ba ang iyong
sanggol sa isang bagoong? Bakit?

C. Panuto: Basahin ang tula nang mabuti at sagutin ang


tanong. Isulat ang sagot sa notbuk o papel.

Ang Pato at ang Bulate

Sa mga inakay, inahi’y tumawag


Nang may maraanang bulate sa daan;
Agad ay tinuka ang ulong naglitaw
Ng kaniyang biktimang hindi makagalaw.

“Sa aki’y maawa,” samo ng bulate,


“Sa kapayatan ko’y wala ring silbi.
Marami pa namang ibang mahuhuli
Kagutuman ninyo’y hindi mapapawi.”

Ang wika ng pato’y, “Kung gayo’y ang himok,


Saan may pagkaing iyong inaalok?
Kanina pa kami nagpaikot-ikot
Wala ni butil man kaming matalisod.”

“Sandaling maghintay,” sagot ng bulate.


“Sa inyo’y dadalhin ang susong Malaki.”
Hangad mabusog kaniyang mga bibe
Pinawalan agad yaong bulate.

15
Buhat sa malayo, muling nagsalita
Matalinong bulate, tila nanunuya.
“Sa panga-pangako’y huwag maniniwala,
Nang di-maiwanang tutunga-tunganga.

Tanong:

1. Ano ang aral na iyong natutunan sa tula?

16
Ipakita Ko

Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot


sa notbuk o sagutang papel.

Alamat ng Upo

Noong araw ay may isang matangkad na lalaki pangalan ay


Palupo. Bilog at mahahaba ang kanyang binti at braso. Makinis
at maputi ang kanyang balat na tila sa isang babae. Sa kabila ng
mga katangian niyang ito, si Palupo ay palaging bigo sa pag-ibig
dahil pangit ang kanyang pagmumukha.
Paano ko magugustuhan si Palupo, wika ng isang babaing
kanyang nililigawan. Mabait nga siya, masipag at matulungin
pero ang pangit-pangit naman niya at hindi kami bagay.
Sa kabila naman ng kanyang kapangitan ay may
magandang kalooban si Palupo. Siya ay mapagbigay, lalo na sa
mga nangangailangan. Kahit sino ang kumatok sa kanyang
bahay na nangangailangan ay kanyang pinatutuloy at
pinapakain. At bago umalis ay pinababaunan niya ng anumang
makakaya niyang ibigay tulad ng mga gulay.
Dahil sa kanyang kabiguan sa pag-ibig nangako si Palupo
sa sarili na hindi na siya iibig pa. Sa halip ay iuukol niya lamang
ang kanyang buhay sa pagtulong sa kapwa.
Lalong pinararami ni Palupo ang mga pananim sa kanyang
maluwang na bakuran upang ang lahat ng mga nanghihingi ay
kanyang mabibigyan.

17
Ang pagbibigay sa kapwa ang naging kaligayahan niya.
Isang araw ay dinapuan ng mabigat nakaramdaman si Palupo.
Dahil nag-iisa lamang siya walang nakaalam na nagkasakit siya.
Natagpuan na lamang siyang patay ng mga taong nanghihingi sa
kanya ng mga gulay at prutas.
Inilibing si Palupo sa kanyang bakuran, at nang lumipas
na taon may tumubong gulay sa kanyang kinalibingan at
tinawag itong upo.

Mga Tanong:

1. Ano ang pamagat ng alamat na iyong binasa?


2. Bakit hindi nagustuhan ng babae si Palupo?
3. Sa paanong paraan tinutulungan ni Palupo ang mga taong
nangangailangan?
4. Sa palagay mo, bakit mahalaga ang pagtulong sa mga
taong nangangailangan?
5. Kung ikaw si Palupo, tutulungan mo rin ba ang mga taong
nangangailangan? Sa anong paraan?

18
Dagdag Kaalaman

Ang pagbasa ay isang magandang gawain na dapat ugaliin


kung dahil maraming naidudulot na magandang bagay sa isang
tao. Mahalaga ang pagbasa sa buhay ng bawat tao sapagkat ito
ang nagsisilbing pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng
karunungan, kung baga ito ang gintong susi na magbubukas ng
pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan.

SANGGUNIAN:
Mga Aklat, Halimbawa, Gawain
Sitsiritsit by Mabuhay Singers. Retrieved from:
http://www.songlyrics.com/mabuhay-singers/chit-chirit-chit-
lyrics/

Dokumen Indonesia. Ang Alamat ng Upo. Retrieved from:


https://dokumen.tips/documents/ang-alamat-ng-upo.html

Lydia P. Lalunio & Francisca G. Ril. Hiyas sa Wika. LG & M


Corporation, 2010, pp. 84-85

Pinoy Collection. Alamat ng Sampaguita. (2020). Retrieved from:


https://pinoycollection.com/alamat-ng-sampaguita/

Larawan
Classroomclipart.com
Pinterest.com

19
Wastuhin Ko

Gawain 1 Gawain 2
1. C 1. Pamilya
2. D 2. ama’t ina
3. D 3. may takot sa Dios.
4. D 4. responsable
5. C 5. Edukasyon

Gawain 3
1. Sa baryo nakatira ang mga magsasaka.
2. Pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga tao sa baryo.
3. Ang mga lalaki ang siyang nag-aararo at mga babae
naman ang nagtatanim.
4. Hindi pinapansin ang mga taong tinatawanan
lamang sila dahil wala silang pakialam dito. Mahirap
lang sila at marami silang ginagawa para sa kanilang
kabuhayan.
( Maaaring iba-iba ang sagot. )

5. ( Maaaring iba-iba ang sagot. )

20
Subukan Ko
A. Alamat ng Sampaguita
1. Biglang naglaho ang pag-asa ni Liwayway na babalik
si Tanggol sapagkat wala na siyang balita nito at
sinisiraan pa ng isa sa kanyang manliligaw.
2. Ang aral na ating matutunan sa alamat ay huwag
agad maniwala sa sabi-sabi at matututong
maghintay kahit gaano man ito katagal at huwag
ding manira sa kapwa.
B. Sitsiritsit
1. Ang pamagat ng awitin ay Sitsiritsit.
2. Kung ako ang babae sa awit ay hindi ko ipagpalit
ang sanggol sa bagoong dahil hindi mabuting
ipamigay mo ang sariling anak.
Maaaring iba-iba ang sagot.

C. Ang Pato at ang Bulate


1. Ang aral na matutunan sa tula ay huwag
maniniwala sa mga pangako nang di-maiwanang
tutunga-tunganga.
Maaaring iba-iba ang sagot.

21
Ipakita Ko
1. Alamat ng Upo.
2. dahil pangit ang kanyang pagmumukha
3. Tinulungan ni Palupo ang mga taong
nangangailangan sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mga pananim sa kanyang bakuran kagaya ng mga
gulay at prutas.
4. Para sa akin, mahalaga ang pagtulong sa mga
taong nangangailangan dahil masarap sa
pakiramdam ang makatulong sa ating kapwa.
Matutuwa ang ating Panginoon kung tayo ay
magtutulungan at pagdating ng panahon na tayo
na naman ang mangangailangan ng tulong ay sila
na naman ang tutulong sa atin.
( Maaaring iba-iba ang sagot )
5. Kung ako si Palupo, tutulungan ko rin ang mga
taong nangangailangan sa abot ng aking makakaya.
Bibigyan ko rin ng pagkain sila at ipagdarasal ko
sila na sana’y nasa mabuti silang kalagayan.
( Maaaring iba-iba ang sagot )

22
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental
Osilao St., Poblacion 1, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872/ 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com

You might also like