You are on page 1of 3

LINGGUHANG BANGHAY ARALIN

KWARTER: UNA BAITANG: IKA-APAT


LINGGO: IKA-APAT NA LINGGO ASIGNATURA: FILIPINO

Natutukoy ang bahagi ng binasang kuwento- simula-kasukdulan-katapusan. (F4PB-Ii-24)


UNANG ARAW
LAYUNIN K Nakatutukoy ang bahagi ng binasang kuwento- simula, kasukdulan at
katapusan;
S Nakapagsunod-sunod sa mga pangyayari sa kuwentong binasa;
A Napapahalagahan ang mga bahagi sa binasa o napakinggang ng
kuwento
PAKSA Pagtukoy sa Bahagi ng Kuwento-simula, kasukdulan, katapusan
SANGUNIAN FILIPINO IV, Quarter 1, Modyul 4
PAMAMARAAN:
A. PAGHAHANDA A.Sisimulan ang klase ng isang panalangin.
B.Pagtala ng liban sa klase.
C.Pagbabalik-aral sa nakaraang aralin.
B. PAGLALAHAD Basahin mong mabuti ang kwento at tandaan mo ang mga
pangyayaring nagaganap dito. (Sumangguni sa Filipino 4 Module
4, kwarter 1, Linggo 4, pahina 4-6)

C. PAGTATALAKAY Maikling kuwento o katha ay isang uri ng panitikan na bunga ng


isang maikling
guni-guni ng may akda.
Ang maikling kuwento ay may tatong bahagi:
1. Simula – ang bahaging ito ay naglalaman ng tauhan, tagpuan
at suliranin.
2. Kasukdulan- ang pinakamataas na bahagi ng kuwento.
Masasabing dito sa bahaging ito ang pinakakapana-panabik na
bahagi ng kuwento
Katapusan/ Wakas- Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o
natapos ang kwento. Ang kababasahan o tunggalian ng magiging
resolusyon ng kuwento. Maaaring masaya, malungkot, panalo o
talo. Kung minsan
binibitin ng awtor ang wakas.

D. PAGLALAHAT Panuto:Lagyan ng bilang 1-4 ayon sa pagkasunodsunod sa


pangyayari ng kuwento tungkol kay Mia. Isulat ang bilang ng
inyong sagot sa sagutang papel.
E. PAGSASANAY Nanimbang sa Katig
Hango sa : Pagpapaunlad ng Pagbasa St. Mary’s Publishing House

Masayang-masaya ang mga bata. Nakasakay sila sa bangkangmay


motor. Nag-aawitan sila sa saliw ng palakpak at padyak ng mga
paa.Umiindayog sila kasabay ng pagtaas at pagbaba ng alon. Tuwang-
tuwa sila lalo kapag may malaking along sumasalpoksa kanilang bangka.
Mayamaya buong pagmamalaking nanimbang sa katig siArmando.
Tumayo siya nang walang hawak. Nagpalakpakan anglahat. Ang tapang
ni Armando! Hindi nila napansin ang malaking alon na dumarating. Sa
uwian, walang kibuan ang lahat. Ang iba naman ay mugtona ang mga
mata at tahimik na humihikbi.

PANUTO: Suriing mabuti ang iba’t ibang bahagi ng kuwentong binasa.


Isulat sa inyong sagutang papel kung ito ay pamagat, tauhan, tagpuan,
simula, kasukdulan o katapusan.

___________________1. bangkang may motor, sa


dagat___________________2. Nanimbang sa
Katig___________________3. mga bata______________________4.
Buong pagmamalaking nanimbang sakatig si Armando. Hindi niya
napansin angmalalaking alon na dumarating.__________________5.
Umuwi silang walang kibuan, mugto ang mgamata at tahimik na
humihikbi.__________________6. Masayang nakasakay ang mga bata
sabangkang may motor.

F. PAGLALAPAT Dapat mong tandaan na may tatlong mahalagang elemento ang


maikling kuwento: tauhan, tagpuan at banghay.  Samantala, ang
banghay naman ay may tatlong bahagi: simula, kasukdulan, katapusan.

PANUTO: Punan ng tamang sagot ang puwang bago ang bilang saiyong
worksheet. Hanapin sa kahon ang tamang bahagi ngkuwentong
inilalarawan.
Katapusan Tagpuan Tauhan Banghay Simula Kasukdulan Suliranin
___________________1. DitoKalutasan
nangyayari ang problema o suliranin sa
kuwento. ___________________ 2. Ito ay tumutukoy sa bida o
panauhin sa kuwento. ___________________3. Ito ay tumutukoy sa
pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
___________________4. Ito ay tumutukoy kung saan naganap o
nangyari ang kuwento. ___________________5. Ito ay tumutukoy kung
paano natapos ang kuwento. ___________________6. Ito ay
tumutukoy kung saan at paano nagsimula ang kuwento.
G. PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong sagutang papel.
1. Ito ang pinakamadulang bahagi ng maikling kuwento kung
saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kaniyang ipinaglalaban.
A. Kakalasan B.kasukdulan C. Tunggalian D . wakas

2. Bahagi ng maikling kuwento na naglalaman ng mga tauhan,


tagpuan
at suliranin sa kuwento.
A. simula B.. banghay C. . gitna D. wakas

3.Ito ang problemang kakaharapin ng tauhan sa kuwento.


A. Suliranin B. Kakalasan C. Tunggalian D. Kasukdulan

4. Isinasaad dito ang lugar kung saan nangyayari gayundin ang


panahon kung
kailan nangyayari ang kuwento.
A. Simula B. Kasukdula C. Tagpuan D. wakas

TAKDANG ARALIN Panuto: Magbasa o makinig ng isang maikling kuwento mula


sa iyong magulang, nakakatandang kapatid o kasambahay.
Pagsunudsurin ang mga pangyayari ayon sa mga bahagi ng
kuwento:

1. Simula
2. Kasukdulan
3. Katapusan o wakas

You might also like