You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

FILIPINO 4
Ikalawang Markahan – Ikalawang Linggo

Eugenia M. Moresca
Manunulat

Nelia G. Abejar
Tagasuri

Dr. Yaledegler C. Maligaya Dr. Raul T. Felix


Jennifer S. Joson Jayson S. Manikan
Mga Validator

Marissa S. Muldong
Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang isang alamat na mag-iiwan sa iyo ng
mga karanasang maaaring kapulutan ng aral. Kasabay ng pag-aaral na ito ay
lilinangin sa iyo ang kasanayan sa paghihinuha at ang paggawa ng timeline.
Higit na makatutulong sa iyong kasanayan sa pagsulat ang mga uri ng pandiwa
para sa pagsasalaysay ng isang nasaksihang pangyayari.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:


1. Nasasagot ang mga tanong mula sa napakinggan at nabasang alamat,
tula, at awit (F4PN-IIf-3.1, F4PN-IIIb-3.1)
2. Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa
napakinggang teksto (F4PN-IIb-12)
3. Nakasusulat ng timeline tungkol sa mga pangyayari sa binasang teksto
(F4PU-IIc-d-2.1)
4. Nagagamit ang uri ng pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng
nasaksihang pangyayari (F4WG-IId-g-5)

I. Panuto: Salungguhitan ang pandiwang bubuo sa mga pangungusap sa


talata.

Sa hindi inaasahang pangyayari, buwan ng Marso ay bigla na lamang


1. (ibinalita, ibinabalita, babalita, balita) sa telebisyon na paiiralin ang
lockdown. Hindi pa man kami 2. (nabigyan, nabibigyan, mabibigyan,
bigyan) ng pagsusulit ng aming guro ay 3. (nagsara, nagsasara,
magsasara, sumasara) na ang aming paaralan. Mabuti na lamang at may
Deped Commons at mga pagsasanay na ibinigay ang aming guro na siyang
4. (inaaral, inaral, aralin, aaralin) namin mula Abril hanggang
Setyembre.
Ngayon ay nagsimula nang muli ang pasukan ngunit hindi na sa
classroom ang talakayan bagkus ito ay 5.(gagawin, ginawa, ginagawa,
gawa) na sa tahanan. Gayunpaman, ay puspusan pa rin ang paghahanda
ng mga guro katulong ang mga magulang upang maipagpatuloy ang
edukasyon ng kabataan.
II. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng
wastong sagot.
_____ 6. Ano ang dahilan ng pagsasara ng paaralan noong Marso?
A. dahil walang guro C. dahil sa lockdown
B. graduation na D. dahil malapit na pasukan

2
_____ 7. Ano ang iyong hinuha sa maaaring mangyari kung hindi nagsara
ang paaralan habang may kumakalat na virus?
A. matutuwa ang mga magulang
B. dadami ang mag eenrol
C. maraming mag-aaral at guro ang magkakasakit
D. tatamarin ang mga mag-aaral

______ 8 -10. Gamitin ang mga detalyeng nabanggit sa talata upang makabuo
ng timeline tungkol sa naranasan ng mga mag-aaral noong
magsimula ang lockdown.

Marso 9. Oktubre

8. Abril hanggang Setyembre 10.

I. Panuto: Ilarawan ang mga tauhan ayon sa kanilang kilos, sinasabi at


damdamin. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. “Opo susundin ko pong lahat ang bilin ninyo sa akin”, ang wika ni Mathew
habang palingong umalis ng bahay. _______________

2. Hindi pumayag si Evan na hindi niya ako maihatid sa bahay dahil


nag-aalala siya sa akin. __________________

3. Alam ni Vita na pagod ang nanay niya mula sa trabaho kaya nagkusa na
siyang magluto ng kanilang pagkain. ________________

4. Hindi makakatulog si Alma hanggat hindi niya nayayakap at nahahalikan


ang kaniyang mga magulang gabi-gabi, ganito niya kamahal ang mga ito.
________________

5. Kaunting kaluskos lamang ay napapasigaw na agad si Tessa at kahit sa


madilim hindi siya makapag-isa. _______________

3
Bakit Walang Amoy ang Gumamela
Bersyon ni Gina Moresca

Noong unang panahon ay may isang malawak na hardin na


pinangangalagaan ng isang diwata. Makikita dito ang iba’t ibang uri ng
magagandang halaman ngunit ang bawat isa ay walang halimuyak. Masaya na
nagkakaisa at nagtutulungan ang mga bulaklak. Sina Sampaguita, Ilang-ilang,
Rosas at iba pang halaman ang nagpapanatili ng kagandahan at kalinisan ng
hardin. Sa lahat ng bulaklak si Gumamela lamang ang naiiba. Siya ang
natatanging halaman na hindi marunong makisama, makipagkaibigan at
tumulong sa iba. Tanghali na kung siya ay magising kaya hindi na rin siya
makatulong sa pagpapaganda ng hardin. “Napakatamad naman niyang si
Gumamela! Kahit kailan ay hindi pa nakatulong yan sa atin”, wika ni
Sampaguita. “Oo nga, palagi siyang may dahilan sa tuwing sasabihan natin siya
para tumulong”, tugon ni Rosas.
Isang gabi ay nagpatawag ng pulong ang diwata. Ang lahat ay dumalo
maliban kay Gumamela. Binalewala niya ang imbitasyon ng diwata dahil sa
pagod sa paglalaro maghapon kasama ng mga damo sa hardin. “Hindi ko na
kailangang dumalo at wala naman siguro akong mapapala doon, mas mainam
na ako’y matulog na lang”, sambit ni Gumamela.
Kinabukasan, nagising si Gumamela sa malakas na ingay na waring
nagsasaya ang lahat ng mga halaman. Laking gulat niya nang maamoy niya na
humahalimuyak na sa bango ang mga kasama niyang bulaklak. Lingid sa
kaalaman niya na ang pagpupulong pala na naganap noong gabing iyon ay
tungkol sa pagbibigay ng diwata ng bango sa bawat halamang masipag gumising
nang maaga sa araw na iyon. Dahil hindi niya nagawa ang mga bagay na iyon
ay wala siyang nakamit na gantimpala. Hindi rin ipinabatid sa kaniya ng kapwa
niya bulaklak ang balak na pagbibigay ng biyaya mula sa diwata dahil nakita
nilang hindi naman siya karapat-dapat para dito. Malaking pagsisisi ang
naramdaman ni Gumamela sa hindi niya pagdalo sa pulong noong gabing iyon.

4
“Kung hindi ako naging tamad at nakisama ako nang mabuti sa ibang mga
bulaklak, siguro ay may bango din akong tulad nila” bulong niya sa sarili.

Pag-unawa sa binasa:
1. Tungkol saan ang alamat?
_____________________________________________________
2. Ano ang ginagawa ng mga bulaklak upang mapanatili nila ang ganda ng
hardin?
___________________________________________________________
3. Ano ang naganap ng gabing iyon sa kuwento?
_____________________________________________________

4. Bakit hindi nakadalo si Gumamela sa pagpupulong?


_____________________________________________________
5. Ano ang kinahantungan ni Gumamela dahil sa hindi niya pagsunod sa
diwata?
_____________________________________________________
6. Kung hindi tinamad sa pagdalo sa pagpupulong si Gumamela, ano kaya
ang maaaring nangyari sa kaniya? Ibigay ang iyong hinuha.
___________________________________________________________

PAGBIBIGAY HINUHA
Ang Paghihinuha ay isang kasanayang naglalayong hulaan ang
kalalabasan ng pangyayari sa kuwento.

PAGGAWA NG TIMELINE
Kung ikukuwento mong muli ang iyong nabasa, mailalahad mo ba ang
mga mahahalagang pangyayari sa kuwento nang may tamang pagkakasunod
sunod? Ano ang unang nangyari, ikalawa, sumunod at ang katapusan?

Kung naibigay at naiayos mo ang mga pangyayaring naganap ayon sa


kuwento, ikaw ay nakagawa ng timeline. Sa paggawa ng timeline kailangang
ayusin ang mga pangyayari ayon sa panahon kung kailan ito naganap.

PAGGAMIT NG PANDIWA
Anong salitang kilos sa kuwento ang ginawa dapat ni gumamela nang
umagang iyong upang nakatanggap sana siya ng gantimpala? ______________

5
Tingnan ang chart ng mga pandiwa, dito makikita ang iba’t-ibang aspekto
nito.

Payak na salita Naganap Nagaganap Magaganap

laro naglaro naglalaro maglalaro

gising gumising gumigising gigisng

Naganap- ito ay kilos na nangyari na o tapos na.


Halimbawa: Tumulong sila sa mga gawain sa hardin kahapon.

Nagaganap- ito ay nagsasaad ng kilos na laging ginagawa o kasalukuyang


nagaganap.
Halimbawa: Nagsasaya ngayon ang mga bulaklak dahil sa natanggap na
halimuyak.

Magaganap- ito ay kilos na gagawin pa lamang.


Halimbawa: “Simula bukas ay tutulong na ako sa kanila”, bulong
ni Gumamela sa sarili.

Panuto: Basahin at unawain ang tula. Piliin ang letra ng wastong sagot.

Frontliners
ni Gina Moresca

Bagong bayaning naglilingkod sa bayan


Buwis buhay din ang pinagdadaanan
Balot ang katawang humaharap sa kalaban
Mailigtas lang tayong nasa tahanan.

Araw-araw gumigising nang maaga sa ospital ang punta nila


Maghapong mag-aalaga ng taong sakit ay nakahahawa
Pagod na uuwi sa gabi pero pamilya’y hindi makasama
Titiisin ang lahat makatulong lang sa iba.

Hindi baril o sandata ang panlaban nila


PPE ang armored shield pero nakalulusot pa
Kay bagsik na kalaban na parang walang katapusan
Pero hindi susuko mga frontliners ng ating bayan.

6
_____ 1. Tungkol saan ang binasa mong tula?
A. virus B. frontliners C. pamilya D. PPE

_____ 2. Ang salitang naglilingkod ay nasa aspektong ________.


A. naganap B. magaganap C. nagaganap D. ginanap

_____ 3. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa mga frontliners kung hindi sila
mag-iingat habang nagtatrabaho sa ospital?
A. makaliligtas sila C. marami ang gagaling
B. mahahawa sila D. mawawala ang virus

_____ 4. Araw-araw ________ang mga frontliners sa ospital. Ano ang tamang


pandiwa na kukumpleto sa pangungusap?
A. pumasok B. pinasok C. pumapasok D. papasok

_____ 5. Ano ang gamit ng mga frontliners sa pakikipaglaban sa sakit ayon sa


tula?
A. baril B. espada C. PPE D. sibat

_____ 6. Ano kaya ang mangyayari kung ang bawat frontliner ay mangingibang
bansa?
A. mawawalan ng mag-aalaga sa mga may sakit
B. mabilis ang paggaling ng mga may sakit
C. wala nang magkakasakit
D. ang lahat ng nabanggit ay tama

_____ 7. Ayon sa tula ano ang turing ngayon sa mga frontliners?


A. kaaway B. kakampi C. bayani D. katulong

8.-10. Gawan ng timeline ang mga ginagawa ng mga frontliners araw-araw.


Ibatay ito sa tulang nabasa at isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Maibibigay mo ba ang mga salitang angkop sa bawat patlang base sa iyong


napag-aralan? Isulat mo ito upang makumpleto ang mga pangungusap.
Ang pandiwa ay ____________________________. Ito ay may tatlong panahunan
o aspekto: _____________, ________________ at _______________.
Ang paghihinuha ay ______________________________________.
Ang mga pangyayaring nakaayos ayon sa panahon ng pagkakasunod-sunod
ng kaganapan nito ay tinatawag na ___________.

7
Isa pang bayani kung ituring ang iyong makikilala. Sila ay ang mga
magsasaka na walang pagod sa pagtatanim para tayo ay mabigyan ng pagkain.
Magsaliksik tungkol sa awiting bayan na “Magtanim ay ‘di Biro” upang malaman
ang mga sakripisyo nila. Pakinggan at sabayan ito, pagkatapos ay sagutin ang
mga tanong tungkol dito.
1. Ayon sa awit bakit hindi biro ang magtanim?
___________________________________________________________

2. Ano ang hindi magawa ng magsasaka na nabanggit sa awit?


___________________________________________________________

3. Bakit kaya sa tingin mo hindi niya ito magawa?


___________________________________________________________

4. Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari sa magsasaka


kung aabusuhin niya ang kaniyang katawan sa maghapong
pagtatrabaho sa bukid?
___________________________________________________________

5. Magtanim ay di biro, maghapong nakayuko. Anong aspekto ng


pandiwa ang may salungguhit?
___________________________________________________________

6. Anong pandiwa na nasa aspektong magaganap ang maaaring


ipalit sa nakasalungguhit na salita sa linyang; Sa umaga paggising,
ang lahat ay iisipin.
___________________________________________________________

7. Ano ang mangyayari kung magiging pabaya sa bukid ang mga


magsasaka?
___________________________________________________________

8-10. Ano-ano ang mga gawain ng isang magsasaka maghapon?


Gawan ng timeline kung paano nagsisimula ang kanilang
araw hanggang matapos ito.

8
PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT

I. Panuto: Punan ng angkop na sagot ang bawat bilang. Punan ng angkop


na pandiwa ang patlang upang mabuo ang maikling talata.
Ngayong may pandemya nauuso ang ___________ ng halaman.
Araw-araw ang mga plantita at plantito ay abala sa ____________ng mga ito
upang hindi mamatay. Ayon sa kanila, ang mga halaman na ito ay
______________ pa nila online noong nakaraang lockdown. Ito ang
_______________ ng pag-asa sa kanila. At _____________ din sila na matatapos
rin ang pandemya, dahil habang may buhay ay may pag-asa.

II. Panuto: Punan ng angkop na sagot ang bawat bilang.


6. Sa tingin mo, ipagpapatuloy pa kaya ng mga plantito at plantita ang
paghahalaman kahit tapos na ang pandemya? Bakit?
_________________________________________________________

7. Kung ang lahat ng tao ay mahihilig sa pagtatanim ng halaman, ano kaya


ang mangyayari sa kapaligiran?
________________________________________________________

8-10. Ang sumusunod ay timeline kung paano inalagaan ni Mang Ambo ang
kanyang mga pananim. Ayusin ang pangyayari upang makagawa ng timeline
nito.

Inalagaan niya ang mga tanim mula Hunyo hanggang Oktubre.


Hunyo nang simulang magtanim si Mang Ambo
Inani niya ang mga pananim noong Nobyembre.

1. 3.

2.

9
Sanggunian:
Panitikang Asyano (Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino) (DepEd)
pahina 108-115
Epikongpersiyanoblog.wordpress.com

Susi ng Pagwawasto:
Unang Pagsubok:
1. ibinalita 2. nabibigyan 3. nagsara 4. inaral 5. gagawin
6. C 7. C 8-10.
Balik Tanaw
1.masunurin 2. maalalahanin 3. responsable
4. mapagmahal 5.matatakutin
Gwain
1B, 2C, 3B, 4C, 5C, 6A, 7C, 8-10.
Pag-alam sa Natutunan
1. dahil mahirap 2. Umupo, tumayo 3.dahil abala
4. magkakasakit 5. Naganap 6. gagawin
7-10
Pangwakas na Pagsusulit: maraming posibleng sagot
1 pagtatanim 2 pagdidilig 3 binili 4 nagbibigay 5 umaasa
6-10.

10

You might also like