You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Division of Mabalacat city

Lingguhang Pagtataya
Ikasiyam na Baitang
Bahagi ng Maikling Kuwento
Panuto: TAMA o MALI
1. Sa gitna, dito ipinapakilala ang mga tauhan at mga tagpuan ng mga
gumaganap sa kwento. Bahagi ng magiging suliranin sa kwento ay mababasa
rin sa bahaging ito 
2. Ang wakas ay ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
3. Ang saglit na Kasiglahan ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo
ng mga tauhang masasangkot sa suliranin at tunggalian 
4. Ang maikling kwento ay isa sa mga anyo ng panitikan na tinatawag
ding maikling katha.
5. Ang Kakalasan ay tulay sa wakas.
6. Ang kasukdulan ay makakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. 
7. Ang tunggalian ay kadalasan nagsisimula sa bahaging papataas na
aksyon at ito rin ang dahilan ang pagkakaroon ng suliranin sa kuwento. 
8. Ang tagpuan ay ang mga karakter na gumaganap sa kuwento.
9. Ang suliranin ay ang kadalasang pinagmumulan ng paksa ng
kuwento na kailangang lutasin.

MABALACAT NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Violeta St., San Isidro Village, Brgy. Dau, Mabalacat City (P)

Email: mabalacat.nhs@depedmabalacat.org
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Division of Mabalacat city

10. Ang tauhan ay nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga


aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang
kuwento.
11. Lima ang bahagi ng maikling kuwento.
12. Ang Maikling kuwento ay nagpapahayag ng damdamin, kaisipan,
hangarin at karanasan ng isang tao.
13. Ang tao laban sa tao ay isang halimbawa ng tunggalian na kung
saan ang pangunahing tauhan ay nahaharap sa suliraning kumakalaban sa
kapaligiran.
14. Nagsanib pwersa ang bagyo at lindol upang pabagsakin si Ralph sa
kanyang puwesto bilang pangulo ng bansa. Ito ay isang halimbawa ng tao
laban sa kalikasan.
15. Tuwing gabi, hindi makatulog nang maayos si Maria dahil sap ag-
iisip ng kung ano-ano. Ang suliraning kanyang kinahaharap ay isang
halimbawa ng tao laban sa sarili.

MABALACAT NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Violeta St., San Isidro Village, Brgy. Dau, Mabalacat City (P)

Email: mabalacat.nhs@depedmabalacat.org
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Division of Mabalacat city

Lingguhang Pagtataya
Ikasiyam na Baitang
Pangatnig
Panuto: Piliin ang ginamit na pangatnig sa loob ng pangungusap.
1. Magbabasa ako ng aklat o manonood ako ng telebisyon.
2. Mag-aaral ako nang mabuti upang mataas ang makuha kong marka sa
pagsusulit.
3. Nagmadaling pumunta si Ted sa istasyon ngunit hindi niya naabutan
ang tren.
4. Sumali sa paligsahan si Danilo kahit sinabi nila na wala siyang pag-
asang manalo.
5. Si Janice ang kakanta sapagkat siya ang pinakamagaling na mang-aawit
sa klase natin.
6. Sasabay sana ako kay Maricar pauwi subalit nakaalis na pala siya.
7. Ang mga magulang ay namatay sa gutom maging ang kanilang mga
supling.
8. Sa wakas, ang mga magkakaibigan ay nagkita.
9. Ang mga mag-aaral sa MNHS ay mababait saka masisipag.
10. Sakaling hindi ibigay ang kagustuhan, itutuloy ang welga.

Panuto: Punan ang patlang ng angkop na pangatnig. Pumili ng sagot sa


kahon.
at ngunit subalit sapagkat
upang kapag samantala kahit

MABALACAT NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Violeta St., San Isidro Village, Brgy. Dau, Mabalacat City (P)

Email: mabalacat.nhs@depedmabalacat.org
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Division of Mabalacat city

1. Sa panahon ng krisis, tumataas ang presyo ng mga bilihin ang bayad


sa kuryente.
2. Hindi ako nakatulog kagabi masyadong maingay ang aking
kapitbahay.
3. Magsasanay ako tuwing hapon gumaling ako sa pagtugtog ng
piyano.
4. Mahimbing pa rin ang tulog ni Juan napakalakas ng tilaok
ng mga manok sa kanyang bakuran.
5. Pagod na si Carlo hindi siya makatulog.
6. Wala kang ginagawa diyan kanina pa abalang-abala sa
pagluluto ang nanay mo.
7. Sasama ako sa inyo manood ng sine papayagan ako ni
Nanay
8. Marami ang kakainin ko hindi ako magutom sa mahabang biyahe.
9. Pinagalitan ang mga mag-aaral hindi sila ang nagsimula ng away.
10. Magaling siya maglaro ng basketbol mas gusto niya ang
paglalangoy

MABALACAT NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Violeta St., San Isidro Village, Brgy. Dau, Mabalacat City (P)

Email: mabalacat.nhs@depedmabalacat.org

You might also like