You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Division of Mabalacat City
ATLU BOLA NATIONAL HIGH SCHOOL

HALIMBAWA NG MGA GAWAIN SA ANTAS NG WIKA

Gawain 1
PANUTO: Tukuyin kung anong antas ng wika napabilang ang mga salitang nakahilig
at nasalungguhitan. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

Lalawiganin Kolokya Pambansa


Pampanitikan Balbal

1.Hindi nagagamit ang paaralan ngayon dahil sa covid-19.


2.Ermat, tayo na aalis na tayo.
3.Si Maria ay bunga ng pag-ibig nina Juan at Josefa.
4.Si nanay ay barat sa pagbibigay ng baon.
5. Si Mario ay napabulaslas ng buang ka nang siya ay ginulat nang kanyang
kaibigan.
6. Nasan ang daan papuntang paaaralan.
7. Si tatay ang tunay na haligi ng tahanan.
8. Maraming mga tao ang nalolong sa yosi.
9. Ang magnanakaw ay nahuli ng mga pulis.
10. Malikot ang kamay ni John kaya hindi na siya pinapasok sa bahay nina Aling
Martha.

Gawain 2
PANUTO: Basahin ang talata at ibigay ang kahulugan ng pormal na salitang may
salungguhit na nakasulat sa ibaba.

Magka-isip Ama Nagtitipid


Hanapbuhay Nagugutom

Iba’t ibang (1) pantawid-buhay ang maaaring pagkakitaan kahit nasa bahay lamang.
Maaaring magtinda ng mga pagkaing pang-agahan o pangmeryenda gaya ng
tsamporado, lugaw, pansit at iba pang lutuing makatitighaw sa (2) kumakalam na
sikmura. Malaking tulong ito sa pamilya lalo pa’t maliit lamang ang kita ng (3) haligi
ng tahanan lagi na lamang (4) naghihigpit ng sinturon at di-man lang mabili ang mga
pangunahing pangangailangan ng mag-anak. Sa ganitong negosyo’y maaaring
makatuwang ang mga anak upang sila’y (5) maagang mamulat sa kalakaran ng buhay.

Shaping Futures, Leading with Passion

Address: Northville 16 Resettlement Center, Atlu-Bola, Mabalacat City, Pampanga


Email Address: atlubola.hs@depedmabalacat.org
“SHAPING FUTURES, LEADING WITH PASSION”
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Division of Mabalacat City
ATLU BOLA NATIONAL HIGH SCHOOL

GAWAIN 3
A. Panuto: Basahin ang sumusunod. Isulat sa hiwalay na sagutang papel ang titik ng
tamang sagot.
1. Tuba , lamang ang tunay na kasiyahan. Anong antas ng wika napabilang ang
salitang nakaiitim ang tipo?
A. Pambansa B. Balbal C. Lalawiganin D. Kolokyal
2. Mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa
rin.
A. OPM B. RNB C. Bahay Kubo D. Awiting-bayan
3. Awiting-bayan patungkol sa pag-ibig.
A. Kundiman B. Dalit C. Kumintang D. Oyayi
4. Sa gabing malamig hanap ko’y di banig. Nais ko’y piling mo, Inday siya kong ibig.
Anong antas ng wika napabilang ang mga salitang nakaitim?
A. Balbal B. Kolokyal C. Pampanitikan D. Pambansa
5. Ito ay awit patungkol sa patay.
A. Dungaw B. Dalit o Imno C. Suliranin D. Tagumpay

B. Panuto: Isulat kung ang salitang nakaitim ang tipo sa talataan ay pormal o
impormal. Sagot lamang ang isulat sa sagutang papel.

Malaki ang naitutulong ng kalakalan sa (1)pagpapakadalubhasa ng tao sa


kanyang gawain. Natatamo niya ang kasanayan dahil sa paggawa ng mga produktong
pangkalakal na di- (2)palpak. Nagagamit din niya ang kasanayang ito sa pagpapaunlad
pang lalo ng kanyang kaalaman at pagtuklas pa ng ibang bagay na makatutulong sa
pagangat ng sariling kabuhayan. Maging (3)maatik sabi nga ng iba. Tumataas ang uri
ng produkto dahil sa kompetisyon hindi sa (4)gulangan. Sinisikap ng mga may-ari ng
pagawaang mapabuti’t mapahusay ang kanilang kalakal nang sa gayo’y maging mabili
sa (5)pamilihan. Sa rami nga naman ng mga produktong maaaring pagpilian, kung di-
mahusay-husay ang kalakal ay tiyak na (6)dedma ito sa mga (7)mamimili o
(8)parokyano.

HALIMBAWA NG PERFORMANCE TASK

MEKANIKS SA PAGGAWA AT PAG-AWIT


a. Ang mga kalahok ay magmumula sa hinahawakan kong mga mag-aaral sa apat na
seksyon sa ika-pitong baitang
(St. Galentine, St. Sebastian, St. Bonaventure at St. Teresa)
b. Ang piyesa ng awit ay sariling gawa ng bawat-isa na nakabase sa tono ng mga
awiting-bayan na ang gamit ay mga iba’t ibang salita na nakapaloob sa araling antas ng
wika.
c. Maaaring magkakapareho sila ng gamit na musika, ngunit magkaiba ang liriko o ang
mga letra.
Shaping Futures, Leading with Passion
d. Iminumungkahi na ang bawat mag-aaral ay magpapadala ng bidyo ng kanilang mga
awitin at liriko nito sa Address: Northville 16 Resettlement Center, Atlu-Bola, Mabalacat City, Pampanga
Email Address: atlubola.hs@depedmabalacat.org
“SHAPING FUTURES, LEADING WITH PASSION”
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Division of Mabalacat City
ATLU BOLA NATIONAL HIGH SCHOOL

pamamagitan ng platform na messenger.

e. Ang kraytirya sa pag-awit ay ang sumusunod:


A. Tonal Quality 40%
Diksyon (10%)
Voice Projection (15%)
Blending (15%)
B. Ekspresyon 40%
Dynamiks (30%)
Lakas at hina, bilis at bagal, Emosyon at Interpretasyon
Kabuuang Impak(10%)
Pagtayo, Paningin, kagamitan at koreograpiya
C. Kumpas 20%
Total 100%

HALIMBAWA NG AWITIN

(Awitin sa himig ng “Leron, Leron Sinta.”)

Leron, Leron Sinta,


Imong mama gwapa,
Ermat mo`y maganda,
At Modrakels werpa.
Beautiful siya, iyang lips ay pula,
Singkit kanyang mata,
Mayuming dalawa.

Inihanda ni:

Maria Lee A. Junio


Guro sa Filipino

Shaping Futures, Leading with Passion

Address: Northville 16 Resettlement Center, Atlu-Bola, Mabalacat City, Pampanga


Email Address: atlubola.hs@depedmabalacat.org
“SHAPING FUTURES, LEADING WITH PASSION”

You might also like