You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

BATAAN PENINSULA STATE OF UNIVERSITY


CITY OF BALANGA BATAAN 2100
COLLEGE OF EDUCATION

Paaralan: Baitang/Antas
LOGO Guro: Asignatura
Petsa/oras Markahan

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8


Inihanda ni: ROSARIO V. DANTES
Kurso at Seksyon: BSEd FILIPINO 2B

I. LAYUNIN:

A. Naipapaliwanag ang mga pangyayari sa kabanata 7 ng Noli Me Tangere.


B. Naihahambing ang suyuan noon at ngayon sa pamamagitan ng pagsasadula.
C. Napapahalagahan ang kultura at ugaling Pilipino na ipinamalas ni Ibarra at Maria Clara.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Kabanata 7 ng Noli Me Tangere


(Suyuan sa Asotea)
Kompetensi: F9PB-IVd-58, F9PN-IV-58
C.Kagamitan:Laptop, Powerpoint,Manila paper
D. Pagpapahalaga: Napahahalagahan ang mga mensahe o aral na nakapaloob sa kwento.
E. PamamaraangGinamit: Ugnayang tanong-sagot, Malayang talakayan.
III. PAMAMARAAN

Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral


A. Paghahanda

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
4. Pagtsetsek ng atendans

B. Pag-babalik aral Ang tinalakay natin kahapon ay tungkol sa


Tungkol saan ang ating nakaraang talakayan? kabanata 6 ng Noli Me Tangere na pinamagatang
“Si Kapitan Tyago”.
Republic of the Philippines
BATAAN PENINSULA STATE OF UNIVERSITY
CITY OF BALANGA BATAAN 2100
COLLEGE OF EDUCATION

Mahusay! Paano nga ba inilarawan si Kapitan Si Kapitan Tyago ay mailalarawan bilang isang
Tiyago sa kabanatang ito? magandang lalaki, may morenong pangangatawan,
pandak, at bilugan ang mukha. Ang kanyang hitsura
ay sinira ng pananabako at pag-nganga nito.

Magaling!Ano pa ang mga mahahalagang bagay na Maam, Nalaman po namin na hindi pala tunay na
natuklasan niyo tungkol kay Kapitan Tiyago at anak anak ni Kapitan Tiyago si Maria Clara. Nang dahil
nitong si Maria Clara? sa ginawang panggagahasa ni Padre Damaso kay
Donya Pla ay nagkaanak sila. Yun po ay si Maria
Clara.

Magaling!Talagang nakikinig kayo sa ating talakayan


nung nakaraan.

C. Pagganyak

Magkakaroon tayong role play sa umagang ito.


Sa umagang ito ay magkakaroon tayo ng gawain.
Meron akong box dito. Sa loob ng box ay may mga
hugis puso na may nakasulat na mga pick up line ng
mga sikat na loveteam sa ating henerasyon ngayon.
Ang gagawin niyo ay ipapasa niyo ito sa mga
kaklase niyo habang may ipinapatugtog akong
musika. Kung sino ang may hawak ng box paghinto
ng kanta ay siyang bubunot ng laman sa loob.
Pagkatapos ay pumili ng kapares upang isabuhay o
isadula kung ano ang nakasulat dun.
Opo maam
Nagkakaintindihan ba?
(Ipapasa ang box hanggang hindi tumitigil ang
tugtog.)
Alam na ba ang gagawin?
Okey magsimula na tayo.

(Magsasadula)
(Ang mga linyang isasabuhay ng mga mag-aaral:

1. Boy: Nag-review ka na ba?


Girl: Bakit?

Boy: Kasi mamaya, pasasagutin na kita.

2. Girl: Alam mo, 'pag kasama kita


mayaman ako.

Boy: Bakit? .
Republic of the Philippines
BATAAN PENINSULA STATE OF UNIVERSITY
CITY OF BALANGA BATAAN 2100
COLLEGE OF EDUCATION

Girl: kasi mahirap kapag wala ka.

3. Boy: KAPE ka ba? Girl: Bakit?

Boy: Kasi ginigising mo ang natutulog

kong puso! ,

4.Boy: Hindi mo na kailangan ng RELO,


Girl:Bakit?
Boy: Kasi handa kong ibigay lahat ng
ORAS ko sayo!)

Ang unang pares na magsasadula ay sina


Alyza a Pete. Tunghayan natin ang kanilang
pagsasabuhay sa linyang nakuha.

Palakpakan natin ang mahusay na pagganap


nin Alyza at Pete. Magaling!

Ang pangalawa... ang pangatlo...at pang-


apat.

Palakpakan natin ang lahat ng mga


nagsadula dito sa harapan. Napakagaling ng
kanilang pagganap.

Ano ang naramdaman niyo habang


pinapanood ang mga kaklase niyo na Kinikilig po ako habang pinapanood ko sila kanina.
nagsadula kanina?

Ikaw Marialyn? Tuwang-tuwa po ako mam kasi nadala. Talaga ako


sa mga linya na kanilang.Sinabi at nadala rin po ako
sa kanilang Pag-arte. Sobrang galing po nila.
Okay. Eh, ikaw naman Julie?

Syanga. Talagang nakakadala ang kanilang


kagalingan. Nakaramdam tayo ng kilig at
saya habang pinapanood sila. Saan ba natin
kalimitang naririnig aat natutunghayan ang Tuwing dumidiskarte po ang lalaki sa babae.
mga linyang ito?

Tuwing nanliligaw o sinusuyo po ng mga lalaki ang


Sige Marian. mga babae mam.
Republic of the Philippines
BATAAN PENINSULA STATE OF UNIVERSITY
CITY OF BALANGA BATAAN 2100
COLLEGE OF EDUCATION

Tama! Ano pa?


Sinasabihan po ng lalaki ang mga babae ng mga
matatamis na salita o di naman kaya ay nagbibigay
ng sulat, bulaklak at hinaharanahan nila ang mga
babae..
Tumpak! Ano ba kalimitan ang ginagawa o sinasabi ng
mga lalaki sa babae tuwing nanliligaw o nanunuyo?

Hindi po lahat mam. Kasi ngayon isang text o isang


chat lang pwede na. Hindi na gaanong
Magaling! Ang ganitong uri ba ng suyuan ay ginagawa pinaghihirapan pa nung lalaki para maipakita niya
pa rin ng mga magkakasintahan ngayon o ng mga ang pagmamahal o sagutin siya ng babae.
nagliligawan ngayon?

Opo. Tungkol po sa pagliligawan ma’am at


Tama! Ganun din ba kayo? pagsusuyuan.
Mabuti naman kung ganon.

Kaya naman may ideya na ba kayo kung tungkol saan


ang kabanata na tatalakayin natin ngayon?

Tama. Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa


kabanata 7 ng Noli Me Tangere na pinamagatang
“Suyuan sa Asotea”. Tunghayan natin ang nilalaman ng
nasabing kabanata. Alamin rin natin kung paano nga ba
naiiba ang pagsusuyuan noon at ngayon at tingnan
natin anong kaugaliang Pilipino ang dapat nating
panatilihin.

B. Paglalahad

1. Pagahahawan ng Sagabal

Bago ninyo babasahin ang buod ng Kabanata 7,


bibigyan muna ninyo ng kahulugan ang mga mahihirap
na salita at gamitin ito sa pangungusap. Tingnan ninyo
ang nasa pisara. Kung makikita ninyo, may nakasampay
na mga pang-itaas na damit na may nakadikit na salita
dito. Ang gagawin niyo ay pipiliin ninyo ang kahulugan
ng mga salitang ito sa mga nakadikit na pang- ibabang Mam!
damit na nakadikit rin dito sa ibabang bahagi ng pisara.
Nagpapasikdo-nagpapatibok.

Sino ang gustong sumagot sa una?

Sige ikaw Charie.


Republic of the Philippines
BATAAN PENINSULA STATE OF UNIVERSITY
CITY OF BALANGA BATAAN 2100
COLLEGE OF EDUCATION

Tama! Magaling!

1. Napatda -natigilan
.
2. Natatalos-nakaaalam

3. Mag-ulayaw-mag-usap
Tama po.

4. Nagtulos -nagtirik

Suriin natin kung tama ba ang inyong mga kasagutan.


Tama ba? Ang maamo mong mukha ang nagpapasikdo ng
malakas sa puso ko tuwing nakikita kita.
Okay, magaling!

Ngayon ay gagamitin naman natin sa pangungusap ang


mga salita.

Oh Arian.

Tama.

Sa pangalawa...pangatlo...

Magaling at nabigyan ninyo ng kahulugan at


halimbawang pangungusap ang mga salita.

2. Pagbasa ng Kabanata ng Nobela (Magbabasa ang mga mag aaral)

Meron akong mga sipi dito na ibibigay sa inyo. Sa loob


ng tatlong minuto ay babasahin ninyo nang tahimik ang
buod ng Kabanata 7 ng Noli Me Tangere na
pinamagatang “Suyuan sa Asotea”. Pero bago ang lahat
ay basahin muna ninyo ang idinikit kong mga gabay na
katanungan dito. Sa harapan upang magabayan kayo sa
mga dapat malaman at maunawaan habang binabasa
ang kabanata. Basahin ng sabay- sabay.

Mga gabay na katanungan:

1. Sinu-sino ang mga tauhan sa binasang


kabanata?

2. Bakit maagang nagsimba sina Maria


Republic of the Philippines
BATAAN PENINSULA STATE OF UNIVERSITY
CITY OF BALANGA BATAAN 2100
COLLEGE OF EDUCATION

Clara at Tiya Isabel?

3. Paano pinatuyan nina Ibarra at Maria

Clara na hindi nila nalimot ang isa’t-isa?

4. Anong pagpapahalagang Pilipino ang


ipinamalas ni Ibarra? Ni Maria Clara? 5. May
pagkakaiba ba ang paraan ng panunuyo noon at
ngayon? Patunayan.
(Tapos na)
Alin sa dalawang paraan ang higit na

Kasiya-siya?

3. Pagtalakay sa Binasa

Tapos na ba ninyong basahin ang kabanata?

Kung ganon ay tingnan natin ano nga ba ang


naunawaan ninyo sa binasa. Sa ilalim ng inyong mga
armchair ay may nakadikit na mga hugis puso. Kung
sino ang nakakuha ng mga hugis puso na iba ang kulay
bukod sa pula ang siyang sasagot sa mga ibinigay kong
katanungan. Paalala lang, huwag niyo munang itapon
Sinu-sino ang mga tauhan sa binasang
ang mga hugis puso sapagkat may isusulat kayo diyan
mamaya.
kabanata? Ang mga tauhan po sa kabanata 7 ay sina
Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Tiya Isabel at
Ngayon ay simulan nating suriin kung ano ba ang
Kapitan Tiyago.
naintindihan ninyo sa binasa. Ang ating unang tanong
ay, “Sinu-sino ang mga tauhan sa binasang kabanata?”
.
Sino sa inyo dito ang nakakuha ng dilaw na puso?
Maaga pong nagsimba sina Maria Clara at Tiya
Isabel sa araw na iyon sapagkat magkikita sila
Kung ganun, maaari mo bang basahin ulit ang unang
katanungan at bigyan ng kasagutan?
Maria Clara at kasintahan nitong si Crisostomo
Ibarra.

Sinariwa po nila ang mga alaala ng kanilang pag-


Tama! Sino naman ang nakakuha ng berdeng puso? ibig.

Maaari mo bang sagutan ang pangalawang


katanungan?
Sinariwa po nina Ibarra at Maria Clara ang pag-
iibigan sa pamamagitan ng pag- babasang muli sa
sulat na bigay ni Ibarra kay Maria Clara bago ito
Tama rin. Hana, dahil ikaw ang nakakuha ng hugis puso
umalis papuntang Europa at sinariwa din nila ang
na kulay bughaw, paano naman pinatunayan ni Ibarra
mga alaala ng kanilang kamusmusan. Yung pag-
at Maria Clara na hindi nila nalimot ang isa’-isa?
aaway at pagbabati rin naman nila agad.

Ano ang pagpapahalagang Pilipino ang ipinamalas


Republic of the Philippines
BATAAN PENINSULA STATE OF UNIVERSITY
CITY OF BALANGA BATAAN 2100
COLLEGE OF EDUCATION

ni Ibarra at ni Maria Clara?


Magaling. Maaari niyo bang ilahad kung paano sinariwa
nina Ibarra at Maria Clara ang kanilang pag-iibigan? Sige Ang mga pagpapahalaga pong ipinakita nina Maria
nga Angelika. Clara at Ibarra ay una, ang pagkamatiisin ng mga
Pilipino. Tiniis nila ang pangungulila sa isa’t-isa
upang matupad ang pangarap nila sa buhay at
unahin ang kagustuhan ng kani-kanilang mga
magulang. Naghintay sila ng mahabang panahon
Tumpak! Ganun nga. Sa nakakuha ng kulay puting para magkitang muli. Pangalawa po ay ang
puso? Pakibasa at sagutan ang mga katanungan. kakayahang umangkop ng mga Pilipino saan mang
lugar mapadpad gaya ng ipinakita ni Ibarra. Nakaya
niyang makihalubilo sa ibang lahi na hindi
nawawala ang pagmamahal sa bayan.

Mam. Naipamalas po nina Maria Clara at Ibarra


ang tunay at wagas na pagmamahal sa magulang, sa
kasintahan at para po sa bayan.

Malinaw po sa kabanata kung bakit kailangang


magpakasakit ang isang Pilipino upang makapag-
aral. Ito’y upang harapin ang panahong darating o
isipin ang hinaharap at ang kanyang tungkulin -ang
Tama! Ano pa? pag-aralan ang karunungan ng buhay at
mapakinabangan ng inang bayan balang araw.

Ipinakita po ni Ibarra ang pagmamahal sa magulang


noon pong sinunod niya ang kagustuhan ng ama na
Tama! Puntong-punto mo! Sa anong paraan ba nila mag-aral sa ibang bansa.
ipinakita ang pagmamahal sa bayan?
Nanatili po siyang tapat kay Maria Clara kahit na
wala ito sa kanyang tabi. Napapaligiran man siya
ng magagandang babae ay si Maria Clara pa rin ang
laman ng kanyang isipan. Ganun din po sa parte ni
Maria Clara.
Tama! Napakahusay! Para sa magulang naman?

May pagkakaiba ba ang pagsusuyo noon at ngayon?


Patunayan.
Magaling! Sa kasintahan naman?
Marami pong pagkakaiba ang suyuan noon at
ngayon na ipinakita sa kabanata. Una, noon, ang
mga lalaki ang kalimitang pumupunta sa bahay ng
mga babae sapagkat konserbatibo po ang mga
babae noon. Samantalang ngayon, kalimitan ang
Talaga ngang napakawagas ng pagmamahalan nina
mga babae na ang pumupunta sa bahay ng mga
Maria Clara at Ibarra.
lalaki. Tapos, noon, mahiyain ang mga babaeng
magparamdam ng kanilang mga damdamin
samantalang ngayon sila pa ang nanliligaw sa mga
Sino naman dito sa inyo ang sasagot ng panghuling
lalaki.Kaya mas mainam po ang uri ng suyuan noon
katanungan?
kesa ngayon dahil makikita mo talaga ang
Republic of the Philippines
BATAAN PENINSULA STATE OF UNIVERSITY
CITY OF BALANGA BATAAN 2100
COLLEGE OF EDUCATION

sinseridad ng lalaki kapag nanliligaw kasi


pumupunta talaga siya sa bahay ng babae
samantalang ngayon sa text na lang o sa chat. Hindi
na pinaghihirapan ng mga lalaki ang pangliligaw.

Kuhang-kuha mo! Sang-ayon din ako sa mga sinabi mo.


Sang-ayon din ba kayo?

Natutuwa ako dahil napakahusay at napakagaling ng


inyong mga kasagutan at pagpapaliwanag. Talagang
naunawaan ninyo ang inyong binasa.

Dun naman sa mga hugis puso na nakuha ninyo ay mag-


isip kayo ng isang pangungusap na maaari ninyong
lugnay o natutunan sa binasang kabanata.

Kung tapos na kayong magsulat ay ipasa niyo dito sa


harapan.

C. Pagsasanay

Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng pangkatan. Ito Opo mam.


ang unang pangkat... pangalawa... at pangatlo.
(Matapos ang limang minuto ay nagkakaroon nang
Mag-isip kayo ng tila isang status update sa inyong pagtatanghal ang bawat pangkat)
natutunan sa binasang kabanata. Pero, ibabahagi niyo
iyan sa pamamagitan ng isang yell o jingle. Ang isusulat
niyo lang dito sa ibibigay kong facebook status box ay
ang malikhaing hashtag at hugot line na naisip ninyo
para kay Maria Clara at Ibarra.

Maliwanag ba?

Mahusay naman kung ganun. Kaya, ang Tatlong


minutong paghahanda ninyo ay magsisimula na ngayon.
Republic of the Philippines
BATAAN PENINSULA STATE OF UNIVERSITY
CITY OF BALANGA BATAAN 2100
COLLEGE OF EDUCATION

Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang bawat


pangkat na nagtanghal. Napakahusay ng inyong ginawa.

D. Paglalapat

Sa puntong ito ay hahatiin ko ulit kayo sa dalawang


pangkat. Ang bawat pangkat ay magtatanghal ng dula-
dulaan na magpapakita ng pagkakaiba sa suyuan noon
at ngayon. Ang unang pangkat ay magtatanghal ng
halimbawa ng suyuan noon samantalang halimbawa ng
suyuan naman ngayon ang pangalawang pangkat. Kung
makikita ninyo may dalawang malaking strip ng
Cartolina ako dito. Nakasulat ang “NOON” at
“NGAYON”sa bawat isa nito, Ibibigay ko sa unang
pangkat ang “NOON” at “NGAYON” sa ikalawang
pangkat.

Mamarkahan ang inyong pagtatanghal sa pamamagitan


ng mga sumusunod na pamantayan:

Rubriks sa Gagawing Pagtatanghal

Kagalingan sa Pagganap 50%

Angkop na ekspresyon ng
mukha sa ipinapakitang 15%
emosyon o sa damdaming
pinalilitaw.

Nilalaman 25%

(Pagkatapos ng limang minuto ay magtatanghal ang


Mahusay at bawat pangkat)
Malinaw na pagkakabitiw 10%
ng mga pahayag

Kabuuan 100%

Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto para


makapaghanda.

Nakuha niyo ba klas?

Kung ganun ay simulan niyo na ang paghahanda.


Republic of the Philippines
BATAAN PENINSULA STATE OF UNIVERSITY
CITY OF BALANGA BATAAN 2100
COLLEGE OF EDUCATION

Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili sapagkat


napakagaling ng inyong ginawang pagtatanghal.

D. Paglalahat

Ang tanging permanenteng bagay lamang sa mundo ay


pagbabago. Sa pag-usbong ng bagong milenyo,
maraming kapansin-pansing pagbabago ang ganap na
nangyari sa lipunan. At isa na rito ang panliligaw.
Bagama't maraming pagbabagong nagaganap sa istilo
ng panliligaw mula noon hanggang ngayon, sana'y
manatili ang tunay na kabuluhan nito, ang maipakita ng
manliligaw ang sinseridad at malinis na paghahangad sa
kanyang nililigawan.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ito sa kalahating papel.

1. Anong katangian ni Ibarra o ni Maria Clara ang nagustuhan at nais mong sundin? Bakit?

2. Inamin mismo ni Ibarra na iisa ang pag-ibig niya kay Maria Clara at sa bayan. Ano ang pagkakatulad ni Maria
Clara sa bansang Pilipinas?

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Magsaliksik at basahin ng pauna ang kabanata 8 ng Noli Me Tangere na pinamagatang "Ang mga Alaala".

Inilahad ni (St) Iniwasto ni (Ct) Pinasiyaan ni(Head) Itinala ni Principal

You might also like