You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
Schools Division Office of Navotas City

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO


BAITANG 4

Pangalan:______________________________________Petsa:______________Guro:_________________
Paaralan:______________________________________ Baitang at Pangkat:______________________

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Itiman ang bilog na katumbas
ng letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang wastong paraan ng pagpapakilala ng inyong sarili sa harap ng klase?


A. Ako ay si Kael Reyes ang inyong bagong kamal-aral
B. Ako nga pala si Kael Reyes ang inyong bagong kamag-aral.
C. Ako daw ay si Kael Reyes ang inyong bagong kamag-aral.
D. Baka ako si kael Reyes ang inyong bagong kamag-aral.

2. Masipag na mag-aaral si Isagani. Lagi siyang gumagawa ng kanyang mga


takdang-aralin. Ang may salungguhit na mga salita ay tumutukoy sa _____.
A. panghalip C. pang-uri
B. pangngalan D. pang-abay

3. Natutuwa dahil ikaw ay matalino, mabait at may direksiyon sa buhay. Malayo ang
iyong mararating. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. magtatagumpay C. makapangibang bansa
B. maglalakbay D. mamamasyal

4. Ngayong may matatag na silang hanapbuhay. Ano ang ibig ipakahulugan ng


salitang may salungguhit?
A. malaki C. kumikita ng maayos
B. tapos ng mag-aral D. maraming Gawain

5. Inutusan ni Aling Martaang kanyang anak na si Juan na bumili sa tindahan .


Anong elemento ng kuwento ang isinasaad sa pahayag?
A. tagpuan C. pangyayari
B. banghay D. tauhan

6. Hindi nila akalain na masasagasaan ang mga batang naglalakad sa bangketa ang
wika ng mga naka saksi sa insidente. Anong elemento ng kuwento ang isinasaad
sa halimbawa?
A. tagpuan C. pangyayari
B. banghay D. tauhan

Bagumbayan Elementary School Compound, M. Naval St., Sipac-Almacen, ISO Certified:


Navotas City
(02) 83555032, (02) 83327985 9001:2015
navotas.city@deped.gov.ph https://depednavotas.ph Passion...Purpose...Productivity…
Angat Pa, NAVOTAS!
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
Schools Division Office of Navotas City

7. Noong unang panahon, bata pa ang mundo, may mag-asawa na biniyayaan ng


malusog na sanggol… Anong bahagi ng kuwento ang pahayag?
A. simula C. tunggalian
B. kasukdulan D. wakas

8. Sila’ namuhay ng masaga dahil sa kanilang pagpapakumbaba sa mga


pangyayari sa kanilang buhay hanggang sa paglipas ng mga panahon. Anong
bahagi ng kuwento ang pahayag?
A. simula C. tunggalian
B. kasukdulan D. wakas

9. Nais ni Rommel na ipakilala ang kanyang sarili sa kapwa niya kamag-aral. Ano
ang maari niyang isulat?
A. pangalan, kapanganakan, tirahan , pangalan ng magulang at kapatid
B. kapanganakan, tirahan , mga magulang at mga kapatid.
C. kapanganakan, tirahan , mga magulang at kapatid, pangarap sa buhay
D. tirahan , mga magulang at kapatid, pangalan ng kanyang mga kaibigan

10. Si Emmanuel ay nangangarap na maging musikero. Ano ang maari niyang isulat
na talata?
A. Ako ay isang simpleng tao na nagmumula sa isang maliit na pook sa
kanayunan. Ang pangalan ko ay Maria, at ang aking buhay ay puno ng mga
pagsubok at tagumpay. Isa akong guro sa isang paaralan at itinuturing ko
ito bilang aking tawag sa buhay. Mahal ko ang pagtuturo dahil sa
pagkakataon na magbigay-kaalaman at inspirasyon sa mga kabanata.
B. Ako'y mula sa lungsod ng Maynila. Ako si Miguel, at simula
pa noong bata pa ako, ito na ang aking hilig at pangarap. Ang pag-awit ay
naging parte na ng aking buhay, at sa bawat tugtugan, nararamdaman ko
ang pag-usbong ng emosyon at pagpapahayag.
C. Ako ay isang manunulat na may malalim na pagmamahal sa pagsusulat.
Ako
si Sarah, at ito ang aking kwento. Mula pa noong bata ako, ako'y
napapaligiran ng mga libro at kuwento, at ito ang nagtulak sa akin na
magsulat.
A. D.
Bilang isang alagad ng sining, ang aking layunin ay hindi lamang ang
magkwento kundi pati na rin ang magbigay-inspirasyon at maghatid ng
mensahe sa aking mga mambabasa. Gusto kong mapukaw ang kanilang
mga damdamin at magbahagi ng kaalaman na maaaring magdulot ng pag-
asa at pag-asa sa kanilang mga puso.

Bagumbayan Elementary School Compound, M. Naval St., Sipac-Almacen, ISO Certified:


Navotas City
(02) 83555032, (02) 83327985 9001:2015
navotas.city@deped.gov.ph https://depednavotas.ph Passion...Purpose...Productivity…
Angat Pa, NAVOTAS!
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
Schools Division Office of Navotas City

ANG MAGKAPATID
ni Sharon H. Manuel

Ang mag-asawang Mang Juan at Aling Tasiang ay biniyayaan ng dalawang


anak, sina Aron at Sharlin. Masayang-masaya ang mag-asawa sa pagdating ng
dalawang bata sa kanilang pamilya. Lahat ng pangangailangan ng dalawang
magkapatid ay sinisikap ibigay ng mag-asawa. Pinalaki nila nang puno ng
pagmamahal ang magkapatid. Walang naging problema ang mag-asawa sa pag-
aalaga sa mga bata. Subalit lumaking parang aso’t pusa ang magkapatid. Madalas
na nag-aaway ang magkapatid sa maraming bagay laro na sa mga laruan at sa
gawaing-bahay.
Minsan, sa gitna ng pag-aaway ng magkapatid, hindi naiwasan ni Aling
Tasiang ang magalit. Pinagsabihan niya ang kanyang mga anak. “Aron, Sharlin,”
pagsisimula ni Aling Tasiang. “Hindi maganda sa magkapatid ang nag-aaway.
Dapat kayong dalawa’y laging magmahalan, mag-unawaan at magbigayan. Paano na
lamang kung wala na kami ng tatay ninyo. Walang ibang magdadamayan kundi
kayong dalawa lamang,” ang sunod-sunod na paalala ni Aling Tasiang.
Minsan, nagkasakit si Aling Tasiang. Nagkataon namang bumiyahe ang
kanilang ama upang maghatid ng mga produktong gulay sa kabilang bayan. Hindi
makapagtrabaho si Aling Tasiang dahil nanghihina siya. Tinawag niya ang kanyang
dalawang anak upang sabihing magsaing at maglaga na muna ng itlog upang sila’y
makakain habang wala pa ang kanilang ama.
“Ikaw na ang magluto,” sabi ni Aron kay Sharlin.
“Bakit ako?” tanong naman ni Sharlin. “Di ba ikaw ang mas matanda dapat
ikaw ang gumawa,” patuloy na sumbat ni Sharlin.
“Bahala ka! Kung hindi ka kikilos eh di walang kakain!” paismid na sagot ni
Aron. Dahil sa sobrang pagkadismaya sa dalawang anak, tumayo si Aling Tasiang sa
kanyang higaan upang pumunta sa kusina. Subalit sa kanyang pagtayo bigla siya
nahilo at walang anu-ano’y natumba.
Agad namang nilapitan ng magkapatid ang kanilang ina upang tulungang
makabangon. Nagkatinginan sila at agad na humingi na patawad sa kanilang ina.
Magmula noon hindi na nakitang nag-away ang magkapatid. Magkasundong-
magkasundo sila sa lahat ng bagay. Hindi lamang sa paglalaro kundi sa pagtulong
sa kanilang mga magulang.

11. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa ibaba?


I. Nagkasakit si Aling Tasiang
II. Magkasundong-magkasundo na ang magkapatid.
III. Masaya ang mag-asawa sa pagdating ng kanilang anak.
IV. Bumiyahe ang kanilang ama upang maghatid ng gulay.

A. II-IV-I-III B. III-I-IV-II C. III-IV-I-II D. II-I-IVIII

Bagumbayan Elementary School Compound, M. Naval St., Sipac-Almacen, ISO Certified:


Navotas City
(02) 83555032, (02) 83327985 9001:2015
navotas.city@deped.gov.ph https://depednavotas.ph Passion...Purpose...Productivity…
Angat Pa, NAVOTAS!
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
Schools Division Office of Navotas City

12. Alin sa mga pahayag ang naglalawaran na hindi nagkakasundo ang magkapatid?
A. “Ikaw na ang magluto,” sabi ni Aron kay Sharlin.
B. “Bakit ako?” tanong naman ni Sharlin.
C. “Di ba ikaw ang mas matanda dapat ikaw ang gumawa,” patuloy na sumbat
ni Sharlin.
D.“Bahala ka! Kung hindi ka kikilos eh di walang kakain!” paismid na sagot ni
Aron.

Para sa tanong 13 at 14: basahin ang SMS

"Kamusta ka? Anong plano mo ngayong Sabado? Tara, nood tayo ng sine o kaya
magkape tayo sa paborito mong café?"

13. Ano ang iminumungkahi ng nagpadala ng mensahe na gawin nila sa Sabado?


A. manonood ng sine
B. magkape sa paborito niyang café
C. maghanda ng kakaibang plano
D. Hindi sinsasbi kung anong plano

14. Batay sa Short Messaging Text (SMT), ano ang maaari mong itugon sa mensahe?
A. Sino Ka? Wrong send po yata kayo?
B. Anong pelikula ang nais mong panoorin?
C. Paano mong nalaman na libre ako sa sabado?
D. saan ba ang may masarap na Café?

“Simpleng Pamilya”
Isinulat ni: Donit E. Macoy

Ito ang aking pamilya


Namumuhay ng payapa at masaya
Ligaya ang hatid sa bawat isa
___________________sa oras ng problema
15. Ano ang maaring ilagay na salita sa patlang.
A. Mapatid-patid C. Ama
B. Habang-buhay D. nagdadamayan

Bagumbayan Elementary School Compound, M. Naval St., Sipac-Almacen, ISO Certified:


Navotas City
(02) 83555032, (02) 83327985 9001:2015
navotas.city@deped.gov.ph https://depednavotas.ph Passion...Purpose...Productivity…
Angat Pa, NAVOTAS!
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
Schools Division Office of Navotas City

Ang aming ________, Haligi ng tahanan


Bigay niyang pagmamahal ay walang hangganan
Siya rin ang aming sinasandalan
Sa mga oras na kami ay nangangailangan
16. Aling salita ang maaring ilagay sa patlang.
A. Mapatid-patid C. Ama
B. Habang-buhay D. nagdadamayan

Siya ang Ilaw ng tahanan


Sa aming paglaki, kami’y kanyang .________
Oh! Mahal na Ina pano ka sususkilian
Sa kahat ng iyong kabutihan.
17. Aling salita ang maaring ilagay sa patlang.
A. Mapatid-patid C. Ama
B. Habang-buhay D. ginagabayan

Kami namang mga magkakapatid


Sa aming Ama’t Ina kasiyahan lagi nang hatid
Kaligayahan na halos di ______________
Upang manatili kasiglahan ng mga kasapi.
18. Aling salita ang maaring ilagay sa patlang.
A. Mapatid-patid C. Ama
B. Habang-buhay D. ginagabayan

Para sa bilang 19-20:


Ika- 7 ng Oktubre, 2023 Sabado

Naging sentro ng balita ang pagsalakay ng mga Hamas sa bansang Israel na


nagresulta ng halos 500 ang nasawi at 1500 na sugatan sa magkabilang panig.

19. Ano ang iyong sariling opinion sa naganap na giyera?


A. Masmarami pa ang bilang ng mga mamamatay kapag hindi natigil ang
giyera.
B.Tama lang na magkaroon ng digmaan dahil sa maling paniniwala.
C. Dapat magkaroon ng pag-uusap ang dalawang bansa kaugnay sa isyu.
D. Dapat na ipakita sa buong mundo ang lumalalang tensyon sa
magkabilang panig.

Bagumbayan Elementary School Compound, M. Naval St., Sipac-Almacen, ISO Certified:


Navotas City
(02) 83555032, (02) 83327985 9001:2015
navotas.city@deped.gov.ph https://depednavotas.ph Passion...Purpose...Productivity…
Angat Pa, NAVOTAS!
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
Schools Division Office of Navotas City

20. Sa ganitong siswasyon, ano ang maari mong maitulong bilang isang mapagmahal
sa bayan?
A. Tulungan ipadala sa mga hospital ang sugatan.
B. Magbigay ng suporta sa mga kasundaluhan.
C. Ihanda ang sarili upang makipaglaban sa mga terosista.
D. magbigay ng tulong pinansyal sa mga nasawi sa digmaan.

21. Isulat ang pangalan ng iyong paaralan sa isang kahon. Alin dito ang tama?
A. C. Tangos Elementary School

Tangos Elementary
School
Tangos Elementary School

B. D.
Tangos Elementary School
D. D.

22. Isulat ang wastong salitang Nanay sa Tatsulok at lagyan ng puso. Alin dito ang
tama?
A. C.
Nanay
NaNay

B. D.
NANAY
Naynay

23. Ito ay uri ng media na nagbibigay sa atin ng mga impormasyon tungkol sa iba't
ibang pangyayari.
A. pang-aliw C. panghikayat
B. pang-impormasyon D. panggulo

24. Ito ay uri ng media na ang layunin ay hikayatin ang mga tao na bumili ng isang
produkto o kaya ay maghimok sa isang panawagan.
A. pang-aliw C. panghikayat
B. pang-impormasyon D. panggulo

25. Sa akin ang tuwalyang pula na nakasabit sa sampayan. Ano ang panghalip na
ginamit sa pangungusap?
A. tuwalyang pula C. sampayan
B. nakasabit D. akin

Bagumbayan Elementary School Compound, M. Naval St., Sipac-Almacen, ISO Certified:


Navotas City
(02) 83555032, (02) 83327985 9001:2015
navotas.city@deped.gov.ph https://depednavotas.ph Passion...Purpose...Productivity…
Angat Pa, NAVOTAS!
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
Schools Division Office of Navotas City

26. Nagtimpla ng kape si Aling Aurora para sa kanyang asawa. _____ ay isang
mapagmahal na kabiyak. Ano ang panghalip na maaaring ilagay sa patlang.
A. Ako B. Sila C. Siya D. Kami

27. Bukod tanging sa ating bansa ay makikita ang mga Philippine Eagle na
maituturing na masagana pa ang kagubatan. Ano ang ginamit na pahalip sa
pahayag.
A. Bukod tangi C. Philippine Eagle
B. Atin D. kagubatan

28. Aling panghalip pananong ang gagamitin kung gusto mong malaman ang tirahan
ng iyong kaibigan?
A. Ano B. Kailan C. Saan D. Magkano

29. Bumili ng bag si Addie sa Mall of Asia. Anong tanong ang maaari para sa
pangungusap?
A. Kailan bumili ng bag si Addie? C. Ano ang binili ni Addie?
B. Magkano ang bag na binili ni Addie? D. Paano bumili ng bag si Addie?

30. Kani-kanino mo ibibigay ang mga regalo? Ano ang ginamit na panghalip
pananong?
A. Ibibigay C. Kani-kanino
B. Ang mga D. Regalo

31. _____ ang iyong pangarap sa buhay, matutupad ito kung magsisikap ka. Alin sa
sumusunod ang angkop na panghalip panaklaw?
A. Anuman B. Saanman C. Gaanuman D. Kailanman

32. Ang _______ hindi sumunod sa utos ng hari ay parurusahan. Alin ang maaring
ilagay sa panghalip panaklaw sa pangungusap.
A. Alin man B. Sinumang C. Gaanuman D. kailanman

33. Bawat isa ay may tatanggaping tulong mula sa gobyerno. Aling panghalip
panaklaw
ang ginamit sa pangungusap?
A. Bawat isa B. tatanggapin C. tulong D. gobyerno

34. Ilang araw nang hindi umuulan, kaya wala nang sigla ang mga panamin. Ano
ang nais ipakahulugan ng salitang may salungguhit?
A. kulang sa dilig C. mahina na
B. natutuyo na D. mamatay na

Bagumbayan Elementary School Compound, M. Naval St., Sipac-Almacen, ISO Certified:


Navotas City
(02) 83555032, (02) 83327985 9001:2015
navotas.city@deped.gov.ph https://depednavotas.ph Passion...Purpose...Productivity…
Angat Pa, NAVOTAS!
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
Schools Division Office of Navotas City

35. Ang mga mamamayan ay nagsama-sama at nag-alsa upang mahinto na ang


maling gawain sa kapaligiran. Ano ang nais ipakahulugan ng salitang may
salungguhit?
A. nakipaglaban C. nagprotesta
B. nag-alsa balutan D. nagkaisa

36. Naalarma ang mga residente nang makita ang malakas na tubig na umaagos o
dumadaloy sa bundok. Ano ang kasingkahulugan ng salitang umaagos mula sa
pangungusap?
A. naalarma B. dumadaloy C. malakas D. tubig

37. Ang pag-ibig ay nagdudulot ng kapayapaan at hindi kaguluhan. Ano ang


kasalungat ng kapayapaan sa pangungusap?
A. pag-ibig B. nagdudulot C. kaguluhan D. kayamanan

38. Ano ang wastong pagkakasulat ng liham ayon sa iyong karanasan bilang mag-
aaral. Alin ang tama?
A. kumusta kana? Napag-alaman ko na ikaw ay masaya sa iyong pag-aaral dahil
sa mga mahuhusay mong kaklase.
B. Kumusta kana? Kung ako ang iyong tatanungin, mabuti ang aking lagay
kasama
ang aking mga kalaro.
C. Kumusta kana? Nawa’y magkaroon tayo ng panahon sa ating paglilibot.
D. Kumusta kana? Sana dumating ang araw na tayo ay magkikita sa mall.

39. Tingnan ang larawan, Isulat ang iyong maaaring naging karanasan ukol dito?
Ano ang maari mong isulat?
A. Ang aking Centennial Park ng Navotas
B. Ang Aking karanasan sa pamamasyal sa Lungsod
ng Navotas.
C.Ang aking karanasan sa pagpunta ng Centennial
Park sa Navotas.
D.Ang aking karanasan sa Navotas

40. Naglalaro ka nang nag-message sa cellphone mo ang iyong ate at kuya upang
utusan. Ano ang maari mong mong isulat
A. Hindi ako pwede ngayon
B. Sige, pupuntahan ko kayo upang malaman ang inyong utos.
C. Puntahan ko si nanay para magsumbong
D. Sige, bukas ko kayo pupuntahan

Bagumbayan Elementary School Compound, M. Naval St., Sipac-Almacen, ISO Certified:


Navotas City
(02) 83555032, (02) 83327985 9001:2015
navotas.city@deped.gov.ph https://depednavotas.ph Passion...Purpose...Productivity…
Angat Pa, NAVOTAS!
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
Schools Division Office of Navotas City

Bagumbayan Elementary School Compound, M. Naval St., Sipac-Almacen, ISO Certified:


Navotas City
(02) 83555032, (02) 83327985 9001:2015
navotas.city@deped.gov.ph https://depednavotas.ph Passion...Purpose...Productivity…
Angat Pa, NAVOTAS!

You might also like