You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Lungsod ng Batangas
Colegio ng Lungsod ng Batangas
Contact No. (043) 402-1450

BANGHAY NA ARALIN SA EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN


IV (K TO 12)
I. LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nakasusuri ng mga salitang pang-uri sa pamamagitan ng maikling kwento;
B. Napapahalagahan ang paggamit ng salitang naglalarawan sa positibong paraan; at
C. Nakagagamit ng mga salitang naglalarawan sa pamamagitan ng pagbuo ng
pangungusap

II. PAKSANG ARALIN:


A. PAKSA: Salitang Ngalalarawan (Pang-uri)
B. SANGGUNIAN: Makabagong Balarila, Pahina 97-99
C. KAGAMITAN: tsart, mga larawan, powerpoint
D. PAGPAPAHALAGA: Kahalagahan ng paggamit ng mga salitang naglalarawan sa
araw-araw na Gawain.
III. PAMAMARAAN:
Teacher’s Activity Student’s Activity
A. Panimulang gawain/Paglalahad
Panalangin:
Sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu
Santo. Amen. O Diyos na malaking awa,
Gawin mo po kaming mabuting bata.
Ilayo mo po kami sa lahat ng masama.
Ingatan po ninyo si ama at si ina,
Mga kapatid at kasama.

Sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen.

Awit:
(Sasabay ang mga bata sa (https://youtube.com/watch?
inihandang awit ng guro gamit ang v=3ViyElHfiL8&feature=share)
multi-media.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Mga bata may mga larawan akong ipapakita at
pagmasdan ninyong mabuti kung ano ito. Pumili
kayo ng isa at magbahagi kayo sa inyong (Magbabahagi ng kanya-kanyang karanasan ang
karanasan dito. mga bata)

Tanong:

Creating Lifelong Builders


Republika ng Pilipinas
Lungsod ng Batangas
Colegio ng Lungsod ng Batangas
Contact No. (043) 402-1450

Kayo ba ay nakapunta na sa mga pook na ito?


Opo Ma’am
Magbigay ng dalawa o tatlong pangungusap sa
mga naranasan ninyo sa mga pook na ito.

(Magbabahagi ng karanasan ang mga bata)


(Magaling mga bata! Salamat sa pagbabahagi ng
inyong karanasan)

2. Balik-aral
Mga bata, balikan natin ang ating tinalakay
kahapon. Ano nga ba ang pang-abay?
Mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa
pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-abay.
Magaling mga bata, mahusay ninyong naibahagi
ang lahat ng mga bagay na binigay ko sa inyo.

3. Paglalahad
Mga bata may inihanda akong maikling kwento
dito.

(Isasagawa ito sa pamamagitan ng dugtungang


pagkukwento)

Bagong Kaibigan
May napulot akong papel. Nakasulat doon na
may matatagpuan daw akong isang kaibigan.
Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan
ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na
ang kaibigang tinutukoy sa papel.
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala
doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang
binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming
halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro
pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa
likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng
bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero
walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid
ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng
dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at
halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya
bumalik na lamang ako sa amin.
Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay
may natanaw ako na maliwanag sa langit.

Creating Lifelong Builders


Republika ng Pilipinas
Lungsod ng Batangas
Colegio ng Lungsod ng Batangas
Contact No. (043) 402-1450

Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah!


Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at
pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa (Babasahin ng mga bata sa paraan ng dugtungang
itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at pagkukwento)
nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong
bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at
kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas
ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang
sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa
bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro kaya
gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa
kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon
ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila
maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-
sakay ng isang elepante. Maya-maya ay kinalabit
na ako ni inay.

“Gising na anak, may pasok ka ngayon”

“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong


bagong kaibigan!”

“Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya


gumising ka na at darating na ang school bus.“

4. Pagtatalakay

5. Paglalahat

6. Paglalapat

Panuto: Bilugan ang pang-uring ginamit sa


pangungusap.

1. Lanta na ang mga bulaklak sa plorera.


2. Mabaho na ang amoy ng isda.
3. Masangsang ang amoy ng pabango niya.
4. Sampung katao ang dumating kanina.
5. Sandaang panauhin ang inaasahan nilang

Creating Lifelong Builders


Republika ng Pilipinas
Lungsod ng Batangas
Colegio ng Lungsod ng Batangas
Contact No. (043) 402-1450

dadalo sa handaan.
6. Makipot ang daang ito.
7. Bilasa na yata ang isdang binili mo.
8. Napakatayog ng kanyang pangarap.
9. Malamig na ang simoy ng hangin.
10. Mahapdi iyan sa balat.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Isulat kung ang mga pang-uri sa bawat
bilang ay kaugnay ng pandama, panlasa, paningin,
pang-amoy, o pandinig.

1. Makulimlim __________
2. Mataginting __________
3. Mapakla ____________
4. Maasim ____________
5. Maliwanag ___________
6. Mabango __________
7. Mahapdi ___________
8. Matalas ____________
9. Maganda ____________
10. Matamis ___________

V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Punan ng pang-uring panlarawan ang
pangungusap.
1. Kailangan ko ng ________ na gunting para
sa papel na ito.
2. _______ ang batang iyan kaya naiiwan sa
lakaran.
3. _______ na ba ang iyong mata kaya hindi
mo makita ang butas ng karayom.
4. Nakapaglaba sila sa ______ na batis.
5. _______ ang tunog ng radio kaya’t
pakilakasan mo.

Creating Lifelong Builders

You might also like