You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA MTB MLE I

SALITANG NAGLALARAWAN

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga bata ay inaasahang:

a. Natutukoy kung ano ang salitang naglalarawan.


b. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng mga salitang naglalarawan.
c. Nagagamit ang iba’t ibang salitang naglalarawan upang maipakita ang
pagpapahalaga sa mga biyayang natanggap.

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa : Salitang Naglalarawan
b. Sanggunian : Mother Tongue Multilingual Based Education
Teacher’s Guide Part II p. 98 to 100
c. Kagamitan : Big Book; lobo; pocket chart; larawan; puso;
TV; at laptop

III. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
a. Panalangin
Tumayo tayong lahat at simulan
natin ang ating araw sa isang
panalangin.
(Tatawag ang guro ng bata upang
manguna sa panalangin.)

b. Pagbati Magandang umaga rin po, Bb.


Magandang umaga mga bata! Fernando. Mabuhay!

c. Pagtatala ng may liban sa klase Ikinagagalak ko pong sabihin na wala


Sino ang makakapagsabi sa akin pong lumiban sa aming grupo.
kung sino-sino ang mga lumiban Ikinalulungkot ko pong sabihin na
sa klase natin ngayon? lumiban sa klase sina ______ ngayong
araw.

d. Balik Aral
Maaari niyo bang basahin ang mga
salita na nakadikit sa pisara?
(Tatawag ang guro ng bata na
magbabasa.)
May tatlong kategorya ng mga
salita sa pisara kung saan natin
ilalagay ang mga salitang inyong
binasa. Basahin nga natin nang
sabay sabay.
(Magtatawag ang guro ng bata
na kukuha ng isang salita at
ilalagay sa tamang grupo kung
saan nabibilang ang nasabing
salita.)

Tao Bagay Lugar

Ano na nga ba uli ang tawag natin Tiyak na ngalan po ng tao, bagay, at
sa mga salitang inyong binasa? lugar.

Mahusay!

Paano natin isinusulat ang Ang tiyak na ngalan ng tao, bagay, at


simulang titik ng tiyak na ngalan lugar po ay nagsisimula sa malaking
ng tao, bagay, at lugar? titik.

Magaling!

e. Pagganyak Opo!
Gusto niyo bang maglaro? Dahil
mababait kayong bata, tayo ay
maglalaro.

PINOY HENYO

f. Paglalahad
Paano ninyo nahulaan ang mga Nagbigay po kami ng katangian ng
nasa larawan? mga nasa larawan.

Bago ko ilahad ang ating aralin,


may babasahin muna tayong
kwento tungkol sa lugar na
pinuntahan ng isang bata noong
bakasyon.

Kayo ba, nagbakasyon na ba Opo!


kayo?

Sa SM po.
Saan kayo nagpunta at anu-ano Sa Baguio po.
ang mga nakita ninyo doon? Sa Manila po.
Sa beach po.
g. Pagtalakay sa Aralin
Basahin natin ang kwento upang
malaman natin kung saang lugar
nakapunta ang bida sa ating
kwento.

Ang pamagat ng ating kwento ay ANG


AKING BAKASYON.

Ako si Cardo Dalisay. Tawagin


niyo nalang akong Cardo. Isa
akong makulit ngunit masipag na
mag-aaral sa Masagana
Elementary School.

Sinipagan ko ang pag-aaral at


dahil naging maganda ang mga
marka ko sa aming mga
pagsusulit, pumayag si papa na
mamasyal habang bakasyon.

Nagpunta kami sa beach!


Malayo palang kitang-kita ko na
ang bughaw na dagat. Dama ko na
rin ang mabangong amoy ng
malinis na dagat na tila ba nag-
aayang magswimming.

Pagkababa ng sasakyan, dali-


dali akong tumakbo papunta sa
malawak na dagat. Hindi ko
alintana ang mainit na buhangin.
Pagsuong ko sa malinaw at
malinis na tubig, ramdam ko agad
ang malamig na tubig na tila
umaakap sa aking katawan. Sa
wakas, nasa beach na kami!

Hinayaan ako nila papa at mama


na magbabad. Tinawag lang akong
umahon nang handa na ang
aming masarap na tanghalian,
mga sariwang isda. Nakaidlip ako
at nakapagpahinga, at sa takip-
silim habang papauwi ramdam ko
naman ang malamig na simoy ng
hangin mula sa dagat na tila
nagsasabing “ingat kayo,
hanggang sa muli.” Ang pangalan po ng bata sa kwento ay
Cardo Dalisay.
Ano ang pangalan ng bata sa ating
kwento?

Tama! Mahusay! Sa beach/Sa dagat po sila namasyal.

Saan sila namasyal?

Tama! Opo!

Nakapunta na rin ba kayo sa beach? Tubig.


Buhangin.
Anu-ano naman ang nakita niyo doon? Isda.
Bato.

Cardo po ang pangalan niya.

Ano na nga ba uli ang pangalan ng


bida sa ating kwento? Magaling.
Makulit.
Tulungan nga ninyo akong ilarawan si Masipag.
Cardo batay sa ating kwento
Mataas po.

Ano ang masasabi ninyo sa markang


nakuha ni Cardo sa kanyang card? Sa beach!

Saan na nga ba nagpunta uli sina


Cardo? May malawak na dagat.
Mainit na buhangin.
Tulungan nga ninyo akong ilarawan Malinaw at malinis na tubig.
ang beach batay sa ating kwento. Malamig na tubig.

Sariwa.
Malaki.
Paano naman natin mailalarawan ang Masarap.
mga isda batay sa ating kwento?

Tumpak!

Basahin nga natin ang mga salitang


ibinigay ninyo.

Ang mga salitang ito ay mga salitang


naglalarawan.

Ang salitang naglalarawan ay mga


salitang nagsasabi ng kulay, hugis,
laki, bilang, at uri ng tao, lugar, bagay,
at pangyayari. Ang salitang naglalarawan ay mga
salitang nagsasabi ng kulay, hugis,
Basahin nga natin ang kahulugan ng laki, bilang, at uri ng tao, lugar, bagay,
salitang naglalarawan. at pangyayari.

Magpapakita ako ng mga larawan.


Maaari ba ninyo akong tulungan na
magbigay ng mga salitang
naglalarawan para sa mga ito?
1. langgam
2.Coco Martin
3.elepante
4.sorbetes

h. Paglalapat
Mga bata, may problema ako. Maaari
niyo ba akong matulungan? Nawawala
ang kalahati ng mga puso. Mahahanap
ba ninyo ang mga kapareha nito para
sila ay makumpleto?

1. Magpapakita ang guro ng


kalahating puso na may larawan.
2. Mamimili ang guro ng mga bata na
gustong hanapin ang nawawalang
kalahati ng puso upang mabuo ito.
3. Ang nawawalang kalahati ng puso
ay may nakasulat na salitang
naglalarawan sa larawan.

i. Paglalahat
Tatandaan natin na ang salitang
naglalarawan ay mga salitang
nagsasabi ng kulay, hugis, laki, bilang,
at uri ng tao, lugar, bagay, at
pangyayari. Opo. Ang salitang naglalarawan ay
mga salitang nagsasabi ng kulay,
Maaari ba ninyong ulitin ang hugis, laki, bilang, at uri ng tao, lugar,
kahulugan ng salitang naglalarawan? bagay, at pangyayari.

Mahusay!

IV. PAGTATAYA
Bilugan ang salitang naglalarawang ginamit sa bawat pangungusap.

1. Malalaki ang mga isda sa dagat.


2. Masipag si tatay.
3. Ang mansanas ay masarap.
4. Mabango ang bulaklak.
5. Ang paligid ay malinis.

V. TAKDANG ARALIN
Sumulat ng limang halimbawa ng salitang naglalarawan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Gerona North District
GABALDON ELEMENTARY SCHOOL
Pob. 3, Gerona, Tarlac
SY 2017-2018

BANGHAY ARALIN SA MOTHER


TONGUE BASED MULTILINGUAL
EDUCATION (MTB – MLE)

Inihanda ni:

GELLAINE L. FERNANDO
Pre-Service Teacher

Ipinasa kay:

JOY R. REGUA
Cooperating Teacher

Ipinagbigay kay:

RICHARD R. MELCHOR, Ed.D.


Principal I

You might also like