You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

ISABELA STATE UNIVERSITY


Echague, Isabela

COLLEGE OF EDUCATION

Masusing Banghay Aralin sa Filipino


Baitang 3

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard):


Naipapakita ang pang-unawa sa kahulugan ng pangngalan
PAMANTAYANG SA PAGGANAP (Performance Standards):
Nagagamit ng mag-aaral ang pangngalan sa pangungusap.
PAMANTAYANG SA PAGKATUTO (Learning Competencies):
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangngalan ng tao, lugar,
hayop, bagay, at pangyayari (FIWG-IIc-f-2)

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng 40 minuto na talakayan, ang mga mag- aaral ay;
a. nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng pangngalan,
b. nakakikilala ng halimbawa ng pangngalan sa pangungusap; at
c. nakagagawa ng halimbawa tungkol sa ngalan ng tao, lugar, hayop, bagay, at pangyayari.
II. PAKSANG ARALIN
a. Paksa: Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at bagay sa
paligid.
b. Sanggunian: Self- Learning Module F3WG-Ia-d-2
c. Kagamitan: tsart, powerpoint presentation, manila paper, laptop, pisara, chalk
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Estudyante
A. Panimulang Gawain

1.Pagbati
Magandang araw mga bata. Magandang umaga po Bb.

Nasasabik na ba kayo para sa isang


masayang sesyon ng pag-aaral?
Opo ma’am

2. Panalangin
Hinihiling ko na tayo muna ay tumayo para
sa ating panalangin.
(Pambungad na panalangin)
Amen Amen.
Maaari na kayong umupo mga bata. Lahat ba
ay present ngayon?
Opo ma’am.

Mahusay!
3. Alituntunin sa klase
Upang maging maayos at lalo ninyong
maintindihan ang ating aralin ay may
inihanda akong ilang mga tuntunin na dapat
sundin at isaisip.
 Maging mabuting tagapakinig.
 Isulat ang mga mahahalagang
impormasyon
 Sundin ang mga panuto
 Maging maingat sa paggawa ng mga
gawain

4. Balik-Aral

Bago tayo magsimula sa ating talakayan nais


ko munang tanungin sa inyo kung anong Mga bahagi ng wika ma’am.
tinalakay natin kahapon?

Tama!

Sinong makapagbibigay ng mga bahagi ng Pangalan Panghalip


wika? Itaas ang kamay. Pandiwa Pang-uri
Pangatnig Pantukoy
Pang-ukol Pang-angkop

Mahusay!

5. Pagganyak

Si Mario, si Ana, at ang Isda

Tuwang-tuwa ang mangingisdang si Mario


nang may nabingwit siyang isang malaking
isda. Nang ilalagay na niya ito sa buslo,
bigla itong nagsalita, “Huwag!” Muntik nang
mahulog sa bangka si Mario sa malabis na
pagkagulat.

“Ibalik mo ako sa tubig at bibigyan kita ng


kayamanan,” sabi ng isda, na nagpipilwag.

Nang mahulasan si Mario, tinanong niya ang


isda, “Ano ka ba, impakto?”

“Hindi, ako ay alagad ng mga sirena na


naatasang magbantay dito sa malapit sa
pampang. May kapangyarihan ako – mahika!
Kaya ibalik mo lang ako sa tubig at
ipagkakaloob ko sa iyo ang hihilingin mo.”

Naalaala ni Mario ang dampang tinitirhan


niya. Lagi itong inirereklamo ng asawa dahil
sa kaliitan. “Nais ko ang malaking tirahan,”
sabi niya sa isda.

“Masusunod. Umuwi ka na at makikita mo


ang iyong malaking tahanan,” sabi ng isda
na kaagad namang ibinalik ng lalaki sa tubig.

Hindi lang malaki ngunit tila palasyo ng hari


sa gara ang nadatnan niya. “Sa palagay ko,
hindi na ako aawayin ni Ana. Malaki na ang
bahay namin.”

Nguni’t hindi pa pala nasisiyahan ang asawa.


“Hulihin mo uli ang isda. Sabihin mong
walang mga kasangkapan. Dapat ay iyong
magagandang mesa, silya, kama at mga
dekorasyon sa bahay.”

Palibhasa’ y takot sa babae, bumalik si


Mario sa dagat at namingwit. “Sana’y huwag
ko na siyang mahuli para hindi na ako
makahingi. Nakakahiya naman ang asawa
ko,” bulong niya sa sarili.

Nagkataong lumalangoy pala sa malapit ang


malaking isda at nang makita si Mario, ito’y
lumukso sa kanyang bangka. “Ano,
kaibigan, nagustuhan mo ba ang bahay mo?”

“Oo nga, maraming salamat. Nguni’t


nakikiusap ang asawa ko, kung maaari raw,
mabibigyan mo ba raw kami ng mga
kasangkapan?” nahihiyang tanong ng
mangingisda.

“O, sige. Bumalik ka na sa inyo at naroon na


ang mga hinihiling ng asawa mo.”

Natitiyak ni Mario na matutuwa na ngayon


si Ana. Malaking biyaya na talaga ang
ibinigay sa kanila ng isda. Pagdating niya sa
bahay, sinalubong siya ng asawa sa pintuan.

“Balikan mo uli ang isda. Humingi ka naman


ngayon ng magagarang alahas at
magagandang kasootan. Nais kong makita
ng lahat dito sa bayan natin na tayo ang
pinakamayaman dito,” utos ng babae sa
asawa, na alam niyang hindi kayang
sumuway sa bawa’t sabihin niya.

Hiyang-hiya si Mario na humarap uli sa isda,


na madali niyang nakita sa pampang na
pinaglalagian nito. “Nakakahiya sa iyo,”
halos hindi niya maibuka ang bibig, “ngunit
may hinihingi na naman ang asawa ko.”

Matagal na hindi sumagot ang isda, parang


nag-iisip. Kapagkaraka ay nagsalita,
“Nakikilala ko na kung ano ang uri ng
pagkatao ang asawa mo. Isa siyang sakim at
walang pakundangang babae. Hindi siya
marunong mahiya, at hindi rin siya mabait
na asawa. Parurusahan ko siya. Kukunin ko
uli lahat ng naibigay ko na sa kanya.”
Lumukso sa tubig ang isda at matuling
lumangoy papunta sa laot.

Nang umuwi si Mario, nakita niya si Ana na


nakaupong umiiyak sa hagdang kawayan, ng
dati nilang dampa.

Batay sa kwento na ating binasa,


magkakaroon tayo ng aktibiti. Handa na ba Handang-handa na po ma’am.
kayo mga bata?

Batid ko ang inyong kasiglahan mga bata


kaya halina’t ating simulan ang ating
aktibiti.

Panuto: Batay sa kuwentong “Si Mario, si


Ana at ang Isda” ipaskil ang mga larawan sa
angkop na hanay.

Bangka

Pamingwit

Sapa
Mario

Anna Isda

Nakahuli ng isda na nagsasalita

Ta Hayo Baga Luga Pangyayar Ta Hayop Bagay Lugar Pangyayar


o p y r i o i
Nakahuli
ng isda na
nagsasalit
Sige dahil na tapos na ninyong ipaskil ang a
mga Larawan, ating aalamin kung nailagay
ba ito sa tamang hanay.

Tao- Mario at Ana, tama!


Hayop- Isda, magaling!
Bagay-Pamingwit, tama!
Lugar- Sapa, mahusay!
Pangyayari- Nakahuli ng isda na nagsasalita,
magaling!

Aba! Napakahusay ninyo mga bata at


naihanay ninyo ng wasto ang mga ibinigay
na larawan.

Ang mga larawan na iyong ipinaskil sa


harapan ay may kinalaman sa ating aralin
ngayon.

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad
Sa araling ito ay ating kikilalanin ang mga
pangngalan. Ano nga ba ang pangngalan?
Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay,
lugar, hayop at pangyayari.
Halimbawa ng ngalan ng tao:
Maria, Juan, nanay, tatay, ate, kuya, ale,
guro, bata at marami pang iba.
Halimbawa ng lugar:
Isabela, Cagayan, Manila, parke, simbahan,
paaralan, bukid, hardin at marami pang iba.
Halimbawa ng hayop:
Aso, pusa kambing, kalabaw, baka, ibon,
paru-paro at marami pang iba.
Halimbawa ng bagay:
Lapis, papel, upuan, aklat, relo, kotse at
marami pang iba.
Halimbawa ng pangyayari:
Kaarawan, pasko, fiesta, bagong taon, araw
ng kalayaan at marami pang iba.

Mga bata ginagamit ang pangngalan sa Ang pagsasalaysay ay isang uri ng


pagsasalaysay. Ano naman ang ibig sabihin pagpapahayag. Ito ay may layuning ikuwento ang
ng pagsasalaysay? Janice maaari mo bang mga pangyayari sa paraang pasalita o pasulat.
basahin ang nakasulat?

Salamat Janice.

Mayroon tayong halimbawa:


1. Ang mga mag-aaral ay naghahanda para
sa kanilang programa sa paaralan.
Ang pangngalan sa pangungusap na ito ay
ang mag-aaral. Isinasalaysay sa
pangungusap na ito ang ginagawa ng mga
mag-aaral.

2. Si Lloyd ay maagang umalis ng bahay.


Ang pangngalan sa pangungusap na ito ay si
Lloyd. Isinasalaysay sa pangungusap na ito
ang pag-alis ni Lloyd.

3. Naputol ang lapis.


Ang pangngalan sa pangungusap na ito ay
ang lapis. Isinasalaysay sa pangungusap na
ito ang nangyari sa lapis.

4. Malakas ang tahol ng aming alagang aso.


Ang pangngalan sa pangungusap na ito ay
ang aso. Isinasalaysay sa pangungusap na ito
ang ginawa ng aso.

5. Ang aking kaarawan ay napakasayang


ipinagdiriwang.
Ang pangngalan sa pangungusap na ito ay
ang kaarawan. Isinasalaysay sa pangungusap
na ito ang tungkol sa kaarawan.

6. Ang lalawigan ng Isabela ay


napakagandang lugar.
Ang pangngalan sa pangungusap na ito ay
ang Isabela. Isinasalaysay sa pangungusap
na ito kung anong uri ng lugar ang Isabela.

2. Paglalahat

Ayan mga bata nagamit natin ang mga


halimbawa ng pangngalan.

Sa oras na ito ay maglabas kayo ng papel at


lapis at subukan natin sagutin ang mga
sumusunod.

Panuto: Piliin ang angkop na pangngalan sa


pagsasalaysay sa mga sumusunod:
1. Mataas ang talon ng _________
a. Batanes
b. pasko
c. pusa Mga bata: c. pusa
Ano ang tamang sagot?

2. Si _________ ay maagang kumain ng


umagahan.
a. Nena
b. saranggola
c. papel Mga bata: a. Nena
Ano ang tamang sagot?
3. Ang __________ ay magandang pasyalan.
a. Boracay
b. bisekleta
c. nanay Mga bata: a. Boracay
Ano ang tamang sagot?

4. Ang _______ ay araw ng pagsamba.


a. lunes
b. martes
c. linggo Mga bata: c. linggo
Ano ang tamang sagot?

5. Nahulog ang _________ sa sahig.


a. Juan
b. aklat
c. Ilocos Sur Mga bata: b. aklat
Ano ang tamang sagot?

Napakahusay ninyo mga bata. Mukha


talagang naintindihan ninyo ang ating aralin.
Dahil jan bibigyan ko kaya ng “Ang galing
Clap

( Ang galing clap)

C. Pangwakas na Gawain

1. Pagsasanay
Oh mga bata wag ninyong kalilimutan na Opo ma’am!
ang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar at
pangyayari ay tinatawag nating pangngalan.
Naintindihan nyo ba mga bata?

Ngayon papangkatin ko kayo sa limang


grupo basahin niyo muna ang mga panuto na
inyong gagawin.
Magbigay ng limang halimbawa ng pangngalan
Unang pangkat ng TAO. Isulat ito sa manila paper at ipaskil sa
pisara at ipaliwanag ang mga isinulat.

Magbigay ng limang halimbawa ng pangngalan


Pangalawang pangkat ng HAYOP. Isulat ito sa manila paper at ipaskil
sa pisara at ipaliwanag ang mga isinulat.

Magbigay ng limang halimbawa ng pangngalan


Pangatlong pangkat ng BAGAY. Isulat ito sa manila paper at ipaskil
sa pisara at ipaliwanag ang mga isinulat.

Magbigay ng limang halimbawa ng pangngalan


Pang-apat na pangkat ng LUGAR. Isulat ito sa manila paper at ipaskil
sa pisara at ipaliwanag ang mga isinulat.

Magbigay ng limang halimbawa ng pangngalan


Panglimang pangkat ng PANGYAYARI. Isulat ito sa manila paper at
ipaskil sa pisara at ipaliwanag ang mga isinulat.

Opo ma’am.
Naiintindihan niyo ba mga bata?

(Ang mga mag-aaral ay pupunta sa kanilang


Bibigyan ko kayo ng 5 minuto para isagawa grupo at gagawin ang aktibidad)
ang inyong mga Gawain at 3 minuto naman
para ipresenta sa harap.

Mahusay mga bata! Nagawa ninyo ito nang


napakahusay! Palakpakan ninyo ang inyong
mga sarili.

IV. Pagtataya
Panuto: Guhitan ang mga pangngalan sa bawat pangungusap
1. Ang aking pamilya ay nakatira sa Cavite.
2. Mahaba ang ilong ng elepante.
3. Ang mga guro ay mahusay sa pagtuturo.
4. Masayang ipinagdiriwang ang araw ng bagong taon.
5. Ang aking damit ay kulay pula.

V. Takdang Aralin
Panuto: Magsulat ng sanaysay na naglalaman ng mga pangngalan.

Pamantayan:
Paggamit ng Pangngalan sa pagsasatao 50%
Maayos na pananalita 25%
Kaayusan 25%
Kabuuan 100%

Inihanda ni: Iniwasto ni :

ACOB, KRISEL ANN R.


BUGAWAN, ANGEL ANN M.
DEQUI ÑA, PRINCESS JANE C. DAYSON LATA
GALUTERA, VEA MAE S. Guro Tagapagsanay
RUIZ, ROCHELLE B.

You might also like