You are on page 1of 13

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 3

I.Layunin

Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naiintindihan ang tamang gamit ng pangngalan sa pagsasalaysay.

2. Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar, at bagay sa


paligid.

3.Mapapahalagahan ang gamit ng pangngalan sa pagsasalaysay.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Paggamit ng pangngalan sa pagsasalayasay tungkol sa mga tao, lugar at


bagay sa paligid.

B. Sanggunian: MELC K to 12 Curriculum

https://www.depedk12.com/2020/05/filipino-grade-1-10-most-essential.html?
m=1&fbclid=IwAR2qkr-Gu5Jgp3P2smOymes6P2q6SCBV-
xaH2eHZwXNxwipJiLG1aryWqp8

C. Kagamitan: Powerpoint Presentaion, at mga larawan.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A.Panimulang Gawain

1.Pagbati
Magandang araw mga mag-aaral!
Magandang araw din po Bb.Panzuelo!
2.Panalangin
Tayo’y tumayo at iyuko natin ang ating
mga ulo para sa ating panalangin.

“Ama Namin”

Ama namin,
sumasalangit ka,
Sambahin ang ngalan mo,
Mapasaamin ang kaharian mo,
Sundin ang loob mo,
Dito sa lupa, para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo ang aming mga sala,
Para ng pagpapatawad naming,
Sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Amen.
Amen.

3.Pagtala ng Liban
Wala po!
May lumiban ba sa araw na ito?

Nakakatuwang malaman. Maaari na


kayong umupo!
B. Panlinang na Gawain

1. Balik-Aral
Mga bata, base sa inyong
natatatandaan ano ang araling ating Ang pangngalan po ay salita o bahagi

tinalakay noong nakaraang ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan


ng tao, bagay, pook, hayop, at
pangyayari.

Magaling! Maaari ba kayo magbigay ng


halimbawa ng ngalan ng tao? Kent
Kaye
Ela
Robert

Tama! Ano naman ang halimbawa ng


pangalan ng pook, bagay, at hayop? Pook: Luneta Park, Intramuros, Bohol
Bagay: gunting, mesa, lapis,pisara
Hayop: aso, kalabaw, pusa

Mahusay mga bata!

2. Pagganyak
Panuto: Buohin ang mga jumbled letters
para makabuo ng makabuluhang salita.
Gamit ang salitang nabuo gumawa ng
isang pangungusap na maaaring
maglarawan dito.

(Ang guro ay magpapakita ng mga


larawan.)

1.
DERNOKWA

2.
TIONALSEUMMU

3.
GIALA
Sagot:
1. Kwaderno
2. National Museum
3. Agila
4. Pasko
4.
KOSPA
( Ang mga bata ay magkakaiba sa
paglalarawan ng mga nabuo nilang
salita.)

Magaling! Ang inyong mga salitang


nabuo ay tama at maganda ang
pangungusap na inyong nabuo na
naglalarawan sa mga salitang ito.

3. Paglalahad
Mga bata, hindi lingid sa ating
kaalaman na maraming mga tao ang
nawalan ng hanapbuhay sa panahong ito.
Ito ay sa kadahilanang ang karamihan sa
mga negosyo ay nagsara at ang ilan naman
ay nagbawas ng mga manggagawa o
trabahador dahil sa wala silang sapat na
pera pampasahod dahil sa nangyayaring
pandemya sa ating bansa. Ang ilan sa inyo
ay tumigil sa pag-aaral sa kadahilanang
walang gadget na gagamitin at walang
maayos na internet.

Ngunit sa kabila ng dagok na ito, mas


lalong tumatag ang ating pananampalataya
sa Panginoon at mas lalong tumibay ang
ating relasyon sa bawat myembro ng ating ( Apat sa dalawampo’t apat na bata
pamilya. At noong Disyembere nga sa ang magbabahagi ng kanilang kwento
taong 2020 ay ipinagdiwang natin ang araw patungkol sa kanilang pagdiriwang ng
ng Pasko kasama ang ating pamilya ng pasko at ang ibang mag-aaral ay
masaya at may pag-asa. makikinig sa salaysay ng kanilang mga
kaklase.)
Mga bata, maaari niyo ba isalaysay
ang pagdiriwang ninyo ng pasko nakaraang
Disyembre?

(Pagkatapos magbahagi ng kwento ang


mga piling mag-aaral.)

You might also like