You are on page 1of 7

Banghay-Aralin sa Filipino 4

I. MGA LAYUNIN
A. Nakikilala ang mga salitang naglalarawan o pang-uri.

C. Nakapagbibigay ng sariling halimbawa ng pang-uri.

D. Nabibigyang-halaga ang mga bagay nakapaligid sa pamamagitan


ng tamang paglalarawan sa mga ito.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Salitang Naglalarawan o Pang-uri

Sangunian: Baybayin Paglalayag sa Wika at Pagbasa, Wika sa ating


Panahon at Curriculum Guide

Kagamitan: slide presentation, kahong naglalaman ng mga bagay, at


big book.

III. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
Tayo’y manalangin (Ang mga bata ay
magdarasal)
b. Pagbati
Magandang Umaga mga bata Magandang Umaga rin po.

c. Pagtatala ng lumiban
Mayroon ba tayong lumiban sa klase
ngayon? Wala pong lumiban sa klase.

Magaling!

d. Balik-Aral
Nais kong malaman kung natatan-
daan pa ninyo ang nakaraan nating aralin.
May ipapakita akong mga larawan at
ibibigay naman ninyo ang pandiwa o kilos.
Anong kilos ang ipinapakita ng larawan? Ang bata ay nagsusulat po.

Mahusay!

Ano ang ginamit na pandiwa upang Ang mga bata ay sumasayaw


mailarawan ang kilos? po.

Magaling!

Ano ang ginagawa ng bata? Ang bata po ay Kumakain.

Tama!

B. Panlinang na Gawain
a. Pangganyak
Sino sa inyo ang nakakaalam sa (magtataas lahat ng kamay
kantang tatlong bibe? ang mga Estudyante)
Ako po Sir.
Magaling!

Lahat pala kayo alam yun.

Magsitayo kayo at tayo’y aawit.

May tatlong bibe akong nakita May tatlong bibe akong nakita
Mataba mapayat mga bibe Mataba mapayat mga bibe
Ngunit ang may pakpak Ngunit ang may pakpak
Sa likod na iisa Sa likod na iisa
Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak Siya ang lider na nagsabi ng Kwak,kwak
Tayo na sa ilog ang sabi Tayo na sa ilog ang sabi
Kumending ng kumending Kumending ng kumending
ang mga bibe ang mga bibe
Ngunit ang may pakpak Ngunit ang may pakpak
Sa likod na iisa Sa likod na iisa
Siya ang lider na nagsabi ng Siya ang lider na nagsabi ng
Kwak, kwak Kwak, kwak
Kwak, kwak, kwak (2x) Kwak, kwak, kwak (2x)
Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak
Magaling!
Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili.

Anu-ano ang mga salitang ginamit sa mataba at mapayat po.


paglalarawan sa bibe?

Tama!

Ang mga salitang mataba at mapayat ay


ginagamit sa paglalarawan.

Mayroon akong big book na dala nais kung


titigan ninyo ang bawat pahina
pagkatapos ay ilarawan ninyo ang inyong
nakikita.

Sino ang gustong ilarawan ang nasa (ang mga bata ay magtataas
pahinang ito? ng kamay at sasagot)

Ang puno ay nagyeyelo.

Magaling!

Ang dahon ay kulay berde.

Mahusay!

Mainit ang sikat ng araw.

Tama!

Ang mga dahon ay


nahuhulog.

Magaling!

Nailarawan ninyo ang bawat pahina.


Sapagkat ang aralin natin ngayon ay
pang-uri.
b. Pagtatalakay

PANG-URI O SALITANG NAGLALARAWAN


Ang mga pang-uri ay ang mga salitang
naglalarawan ng isang bagay, tao, lugar o
pangyayari.

Pang-uring panlarawan ay tumutukoy sa


kulay, hugis, hitsura, lasa, amoy, katangian
at damdamin.

Halimbawa:
Masasarap na pagkain

Ang pang-uring ginamit ay masasarap


sapagkat ang pagkain ay inilarawan ayon
sa lasa.

Magagandang babae

Ano ang pang-uring ginamit? (ang mga bata ay magtataas


ng kamay, tatawagin ng guro
at sasagot.)

Ang pang-uring ginamit ay


magaganda.
Magaling!

Ano ang inilarawan sa babae? Inilarawan po ang babae


ayon sa kanyang hitsura.

Mahusay!

Tatawag ako ng isa sa inyo at may


itatanong ako.

Sino ang may gusto? (magtataas ng kamay si Nika)

Nika ano ang gusto sa isang tao? Sir, ang gusto kupo sa isang
tao ay mabait, mapagmahal,
at maunawain.

Ano naman ang ayaw mo? Ang ayaw kupo ay salbahe,


makasarili, at palaaway.
Ok, Salamat Nikka!

Anong mga salita ang ginamit sa usapan? (ang mga bata ay sasagot)
Mabait, salbahe, maunawin,
makasarili, mapagmahal, at
palaaway.
Magaling!

Ang lahat ng inyong binanggit ay mga


salitang naglalarawan o pang-uri.

Meron akong mahiwagang kahon dito,


tatawag ako nang bubunot sa
mahiwagang kahon at ipapakita sa klase.

Itaas ang kamay ng may gusto? (ang mga bata ay magtataas


ng kamay, tatawagin ng
guro.)

Ano ang nabunot mo Lawrence? Ang nabunot kupo ay rosas.

Ngayon ilarawan mo ang rosas gamit ang Ang rosas ay mabango.


angkop na pang-uri.

Magaling!

Anong pang-uring ginamit upang (sasagot ang mga bata)


mailarawan ang rosas? Ang pang uring ginamit ay
mabango.

Tama, Mahusay!

Tatawag muli ang guro upang bumunut sa


mahiwagang kahon.

c. Paglalahat

Ano nga ba ang pang-uri? ang mga bata ay magtataas


ng kamay, tatawagin ng
guro.)

Ang pang-uri po ay
ginagamit upang ilarawan
ang isang bagay, tao, hayop,
lugar at iba pa.
Magaling!
Sabihan ang mga bata na tumingin sa
kanilang paligid at gagawa sila ng
pangungusap na may pang-uri.

Magaling! (sasagot ang mga bata)


Ang aking panulat ay matulis.
Sino pa ang makakapagbigay ng
pangungusap na may pang-uri?
Ang aming silid-aralan ay
maganda
Mahusay!

C. Pangwakas na Gawain
a. Paglalapat
Hahatiin sa tatlong grupo ang mga bata.
Paramihan ng mahuhulaang bugtong
kung sinong grupo ay ang may
maraming mahula sila ang panalo.

Isulat ang inyong mga sagot sa itim sa


parte ng illustration board at pagkatapos
isulat itaas ito.

Handa na ba kayo? Opo handa napo kami.

1. Isang magandang prinsesa punong -Pinya


puno ng mata.
2. Maliit na bahay, puno ng patay. -Pusporo
3. Yumuko man ang reyna, di malalaglag -Bayabas
ang korona.
4. Heto na si kaka, bubuka-bukaka. -Gunting
5. Dalawang batong itim,mala yang -Mata
nararating.
6. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin -Tenga
Makita.
7. Buto't balat na malapad, kay galing -Saranggola
kung lumipad.
8. Nagtago si Pedro, labas ang ulo. -Pako
9. Ang alaga kong hugis bilog, barya- -Alikansya
barya ang laman-loob.
10. Lumalakad walang paa lumuluha -Ballpen
walang mata.
IV. PAGTATAYA
Piliin at isulat sa papel ang sampung (ang mga mag-aaral ay
pang-uring ginamit sa talata. nasasagot sa pagsusulit.)

Ang Aking Ina


Si Inay ay larawan ng isang babaeng Mahaba, maitim, bilog,
Pilipina. Siya ay may mahaba at maitim na maningning, katangusan,
buhok. Bilog ang kaniyang maningning na mapupulang, pantay at
mga matta bagama’t hindi katangusan ang puting-putting, maliit,
kaniyang ilong. Siya ay may mapupulang balingkinitan, at morena
labi. May pantay at putting-puting mga
ngipin. Bagama’t medyo maliit siya,
balingkinitan ang kanyang katawan. Kulay
morena ang kutis niya. Larawan siya ng isang
tunay na Pilipina.

V. Takdang-Aralin

Gumawa ng talata na may paksang:


“Ang aking Idolo”. Gumamit ng mga pang-
uring panlarawan.

Prepared by:
Marithony Q. Buan
Teacher Applicant

You might also like