You are on page 1of 11

SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

INOSLOBAN- MARAWOY INTEGRATED


NATIONAL HIGH SCHOOL
Marawoy, Lipa City, Batangas | 301491
(043) 404-1480 inoslobanmarawoynationalhs@gmail.com

DETAILED LESSON PLAN

Pang-araw- PAARALAN: Inosluban- Marawoy BAITANG AT Baitang7- Ruby


araw na Integrated National SEKSYON
Tala sa High School
Pagtuturo GURO: Rhea A. Martija ASIGNATURA Filipino
GurongNagsasanay
ARAW/PETSA/ARAW Disyembre 6, 2019 MARKAHAN Ikatlong
Markahan

I.Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipapamalas ng mag-aaral ang mga pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon.

B. Pamantayan sa Pagganap

Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting) tungkol sa

kanilang lugar

C. Kasanayan sa Pagkatuto

1. Natutukoy ang magkakasunod at magkakaugnay na mga pangyayari sa tekstong

napakinggan. (F7PN-IIId-e-14)

2. Nakalalahok nang masigla at aktibo sa talakayan.

3. Napahahalagahan ang mga aral na mapupulot sa bawat talakayan.

II. Nilalaman

Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao


ni Simplicio P. Bisa

III. Kagamitang Panturo

A. Sanggunian

Pinagyamang Pluma 7; p. 294-302

B. Iba Pang Kagamitan

Laptop, telebisyon, pantulong at larawang biswal

IV. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Balik Aral sa mga Unang Natutunan
 Panalangin
(Kakatok sa pinto)
(Tatawa)
Ang aking kapangyarihan ay walang kapantay,
kaya nitong magpahirap ng isang buhay. HAHAHA!
Ngunit ganoon pa man ay may takot pa rin ako sa Diyos,
kaya simulan natin ang araw na ito sa isang panalangin.

( Mananalangin ang mga bata.)


Upang maging maganda ang daloy ng inyong
pakikinig, isang tsek ang kailangan ninyong isaalang-
alang. At gamit ang inyong sariling mahika, sundin ang
#KUBA TSEK;

K – alat sa ilalim ay inyong pulutin


U – puan niyo ay iayon sa tamang linya
B – agong kaalaman ay makakamtan,
kung kayo ay susunod sa aking panuntunan.
A – raw ay dumating na bumati ng
Maligayang Araw, Mabuhay!

Maligayang Araw, Mabuhay!


Maaari na kayong magsiupo aking nasasakupan. ( Ipapabasa sa mag-aaral.)

 Pagtatala ng Liban (Ang mga mag-aaral ay magsisiupo na.)

Tila may mga tinig akong hindi naririnig. Nais


kong malaman kung sino ang hindi makakasama sa ating
pagtuklas ng bagong kaalaman. Kaya binibining kalihim
mangyaring itala mo ang liban sa araw na ito.

Maraming salamat.

( Itatala ng kalihim ng klase.)


(Maghahalo sa kanyang kawa)
HAHAHA!
Atin munang balikan ang madilim na nakaraan,
alamin ang aral na inyong natutunan.
Isang tanong sa nakaraan ang nais kong inyong
bigyan ng kasagutan.
“ Nang aking bilhin ito ay parisukat, nang aking
buksan ito ay naging pabilog, at ng aking kainin ito ay
naging tatsulok. Ano ito?

( Ang mga bata ay magtataas ng


kanilang mga kamay.)
Tama! At ito ay halimbawa ng? Pizza po ang sagot.

( Ang mga bata ay magtataas ng


kanilang mga kamay.)
Ito po ay halimbawa ng palaisipan.
Mahusay! Dahil aking katanungan ay nabigyang
kasagutan. Isang mensahe ang nais kong iwan;

TANDAAN!!!
#POTD- Pulot Of The Day

“MASAKIT MAN ANG NAKARAAN


MAHIRAP MAN ANG PINAGDAANAN
ANG BAWAT ARAL NA NATUTUNAN
ANG HUHUBOG SA INYONG KATAUHAN”.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin ( Pagganyak)


May inihanda akong isang gawain. Nais kong
simulan ito nang may sigla. At dahil kayo ay kabilang sa
aking nasasakupan kayong lahat ay maaaring sumali sa
gawaing ito.
Imulat ang mga mata.
Ano ang inyong nakikita?
Ako’y may taong pinarusahan
dahil sa kanyang kalapastanganan
Pagsunod sa akin ay binalewala lang.
Nais nyo bang matulad sa kanya?

Hindi po./ Ayaw po.


Kung gayon ay ihahayag ko na sa inyo ang
inyong gawain na tatawagin kong “# HIPAN MO AT
KUHAIN AKO”. Narito na ang mekaniks ng laro:

 Hahatiin ko sa dalawang pangkat ang klase.


 Ang bawat pangkat ay kinakailangan ng tig-
limang kinatawan.
 Ang bawat kinatawan ay pipila sa harap ng silya
na may lamang isang plato na mayroong polbo at
pera/barya.
 Hihipan ng bawat kinatawan ang plato at kukuha
ng isang barya/pera na makikita dito.
 Kapag nakuha na ng lahat ang barya/pera ay
isasaayos ninyo ito sa pinakamaliit na halaga
hanggang sa pinakamalaking halaga at ilagay sa
lalagyan na nakakapit sa pisara at pagkatapos ay
kukwentahin ninyo kung magkano iyong lahat.
 Kapag narinig ninyo ang tunog ng bell ay saka pa
lamang kayo magsisimula.
 Ang unang pangkat na matatapos ay siyang
tatanghalin na panalo.

Naunawaan ba ang mekaniks?

Opo.
( Papatunugin na ang bell.)

( Sisimulan na ang gawain.)


C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

Batay sa inyong ginawang gawain, nais ko ay


tingnan ninyo ang mga perang nasa lagayan. Ano ang
inyong napansin?

( Ang mga bata ay magtataas ng


kanilang mga kamay. Ang mga bata ay
magkakaroon ng iba pang kasagutan)
Napansin po namin na isinaayos
namin ang mga barya mula sa maliit na
halaga hanggang sa malaking halaga.
Napansin po naming na marami
ang bilang ng limang pisong barya.
Mahusay! Anong kulay ang limang piso?

( Ang mga bata ay magtataas ng


kanilang mga kamay.)
Kulay ginto po.
Magaling! Ang kulay ginto ay sumisimbolo sa
pera o kayamanan. Bago natin makamtan ang ginto ay
kinakailangan muna natin na pagsikapan at
paghirapanang isang bagay.
Sa oras na ito ay pinaghirapan ninyo ang gawain
kaya makakatanggap kayo ng isang gintong mensahe;

TANDAAN!!!

#POTD- Pulot OfTheDay

“ANG PAGTANGGAP SA BAGONG KAALAMAN


AY SUKATAN NG KATALINUHAN”.

D. Pagtatalakay ng Bagong konsepto at Paglalahad


ng Bagong Konsepto #1

Ako ay pansamantalang magpapaalam at darating


na rin ang babaeng sinumpa dahil sa kanyang
kalapastanganan. Paalam! HAHAHA!

(Papasok ang kuba)


Ako si Kim
ang taong sakim.
Labis akong nasilaw sa kinang ng ginto
na mula sa mahiwagang puno.
Kaya heto ang aking anyo
ang dating maganda bigla na lang naglaho.
Isinumpa ng mangkukulam
dahil sa ugaling kasuklam-suklam.
Ngayon labis ko ng pinagsisihan
ang aking nagawang kasalanan,
ngunit sa paanong paraan?

Nais nyo ba akong tulungan?

Maraming salamat mga bata. Nais ko munang Opo.


ilahad sa inyo ang pangyayari na naganap noong gabi ng
pagdiriwang.

Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao


Nagtungo ang aming pinuno na si Lifu-O sa
kaingin, nakakita siya ng isang uwak sa gitna ng daan. At
yun ay isang masamang pangitain. Kaya nagpasya siyang
magdaos ng Cañao. ‘Knock!knock!’
‘Cañao’
‘Cañao! Cañao! Cañao! Cañao!’
Binuhay ng mga tunog ng gangsa at pag-awit ang ‘Who’s there?’
mga am-ama sa ay-yeng. ‘Knock!knock!’
‘Ay-ayeng’ ‘Cañao who?’

‘Sa Ay-ayeng ngiti ako’y nahuhumaling at sa


tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko’y tumitigil…’

Hinabol ng mga batang Igorot ang baboy na ‘Who’s there?’


papatayin sa pagdiriwang ng Cañao. Sa kanilang
paghahabulan ay hindi nila napansin ang matandang ‘Ay- ayeng who?’
kuba na nakaupo sa lusong kaya natumba siya. Nakita ng
aming pinuno ang pangayayari kaya tinulungan niya ang
matanda . At ito ay nagwika sa mahiwagang tinig. Ang
pagdiriwang ay natigil.
‘Natigil? Parang feelings n’ya sayo, may
nakilala lang siyang iba biglang natigil na agad ang
nararamdaman n’ya sayo.’
“Ang idinaraos ninyong Cañao ay bibiyayaan
ng mga anito. Dininig iyan ni Kabunian. Ngayon ay ibig
kong maghandog sa inyo ng isang alaala. Takluban
ninyo ako ng isang malaking kawa at ipagpatuloy ang
pagdiriwang. Huwag ninyong gagalawin ang
pagkakataob sa akin ng kawa. Sa ikatlong araw, isang
kahoy ang magsusupling. Huwag ninyong gagalawin ang
puno. Ang magiging bunga lamang ang maaari ninyong
kuhain.”(‘ Kuhain mo na ang lahat sa akin wag lang ang
aking mahal…’)
Sa hudyat ng aming pinuno ay itinaklob na
ang kawa. Sa silangan pumusiyaw ang liwanag at
nagkahugis na ang puno. Ito na ang itinakdang araw ng
matandang kuba, apat na matitipunong Igorot ang
lumapit sa kawa upang ito ay buksan ngunit… sila’y
nanalangin, nag-aawitan. May nagsisiindak- mga lalaki,
mga babae, mga bata at matanda. (‘mga lalaki, mga
lalaki,e,e,e,e… mga babae,mga babae,e,e,e,,e…’)
Mangyaring tumayo ang lahat para maisagawa natin
ang sayaw na ito.
sapagkat kadakilaan… isang halamang ginto ang
umusbong. “Ginto! Puno ng ginto!” (Tutugtog ang
theme song ng Kadenang Ginto) Sigaw naming lahat na
hindi magkamayaw. Ang puno ay dinumog namin.
Hawak ang matatalim na bakal, tinaga, tinapyas, binali-
bali at pinagtutuklap ang katawan ng puno. Nag-
aagawan, nagtutulakan, nagkakasakitan na ngunit
patuloy pa din kami sa aming ginagawa sapagkat kami
ay nasilaw na gintong hatid ng puno. Kasabay nito ang
pagtaas ng puno at patuloy na pagkaubos ng katawan
nito. Tila napahinto kami ng bumuhos ang malakas na
ulan.(‘ Heto ako! Basang basa sa ulan walang
masisilungan walang malalapitan…’) Ang puno ay
nabuwal bumagsak ang mahiwagang kahoy.Kasabay nito
ang pagbabago ng anyo ng lahat ng nasa pagdiriwang na
iyon. At aming naisip na ang matandang iyon ay
dumating sa hindi natin inaasahang pagkakataon.

Naunawaan niyo ba ang kwentong inyong


napakinggan?

E.Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan No.2

May ilang sanga ng katanungan akong ibibigay


sa inyo na mula pa rin sa akdang napakinggan.
Malaking tulong ito upang lubusang maunawaan
natin ang mahalagang aral na hatid ng akda. Gayundin,
ang pagtupad ng aking hangaring maibalik ang dati kong
anyo.

Opo.
1.Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
2. Ano ang dahilan at nagdiwang ng Cañao si Lifu-O?

3. Ano ang ibinilin ng matandang kuba sa mga Igorot na (Ang mga bata ay tataas ng kamay at
nasasakupan ni Lifu-o? Tinupad ba nila ang bilin ng sasagot.)
matanda, Oo o hindi? Pangatwiranan ang kasagutan? Ang pangunahing tauhan sa kwento
ay sina Lifu-O, at ang matandang kuba.

4. Kung ikaw ay isa sa kasama sa pagdiriwang ng gabing


iyon, gagawin mo din ba ang ginawa ng mga tao doon?
Pangatwiranan ang iyong kasagutan. (Ang mga bata ay tataas ng kamay at
sasagot.)
Ang dahilan nila sa pagdaos ng
Cañao ay nakakita si Lifu-O ng isang uwak
sa daan na ito ay may masamang pangitain.
5. Bilang isang kabataan, bakit hindi mabuting
maghangad ng labis lalo na sa kayamanan? Paano mo ito
maiiwasan?
(Ang mga bata ay tataas ng kamay at
sasagot. Ang mga bata ay magkakaraon ng
iba’t ibang kasagutan.)

Dahil aking mga katanungan ay napagtagumpayan


ninyong sagutan hayaan nyong bigyan ko kayo ng
gintong aral;
TANDAAN!!!
(Ang mga bata ay tataas ng kamay at
#POTD- Pulot Of The Day sasagot. Ang mga bata ay magkakaraon ng
iba’t ibang kasagutan.)
“WALANG SAGOT SA TANONG KUNG BAKIT
KA MAHALAGA, PERO MAY KASAGUTAN SA
MGA TANONG KUNG NAKINIG KA”.

(Ang mga bata ay tataas ng kamay at


sasagot. Ang mga bata ay magkakaraon ng
F. Paglinang saKabihasan (Tungo sa Formative iba’t ibang kasagutan.)
Assessment)

Nararamdaman ko na ang lunas sa sumpa ay


matatagpuan ko mula sa pagtulong niyo sa akin. Unti-
unti ko rin nararamdaman ang lakas na nagmumula sa
galing at husay na inyong maipapakita pa. Upang
maganap ang tuluyang pagsira sa sumpa, nais kong
pangkatin kayo sa apat na pangkat.
PANGKAT 1 # KWENTISTA
Gamit ang iba’t ibang larawan, napagsusunod-sunod ang
mga pangyayari sa kwento. At lagyan ng HASHTAG ang
bawat pangyayari.
PANGKAT 2 # TALAKERO’T TALAKERA
Gamit ang isang sikat na segment mula sa It’s showtime
na Ms. Q @ A, ipaliwanag ang katagang ito;
*“Ang paghahangad nang labis sa anumang kayamanan
ay nagbubunga ng pagkagahaman sa kawalan”

PANGKAT 3 #STAR FOR ALL SEASON


Bumuo ng isang dula-dulaan na naglalaman ng mensahe
ng akdang inyong napakinggan.

PANGKAT4 # PRINSESA AT PRINSIPE MAKATA


Bumuo ng isang tula na mayroong dalawang saknong
patungkol sa aral na nakuha mula sa akda. At ipost ito sa
Facebook.

Upang maging makabuluhan ang isasagawang


gawain, narito ang pamantayan sa pagmamarka:

Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto


upang isagawa ang pagpaplano.

Tapos na ang sapat na oras na aking ibinigay.


Maaari na ninyong ayusin ang inyong mga upuan. Bago
natin matunghayan ang presentasyon ng bawat pangkat
ay may ipapamahagi muna akong reaksyon sa inyo.
Gagamitin ninyo ang mga reaksyon na ito sa pagbibigay
ninyo ng komento sa presentasyon na ipapakita ng
inyong mga kasamahan.
(Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng
brainstorming)
Ngayon ay tutunghayan na natin ang mga
presentasyon ng bawat pangkat.

(Ang guro ay magbibigay ng hatol.)

TANDAAN!!!

#POTD- Pulot Of The Day

“PAGIGING GANID AY HUWAG PANATILIHIN


BAGKUS ITO AY ATING BAGUHIN”. (Ang mga mag-aaral ay magpapakita ng
iba’t ibang presentasyon. At magbibigay
sila ng hatol sa naging presentasyon ng
kanilang mga kamag-aral.)
G.Paglalahat ng Aralin (Generalization)

Mga bata nararamdaman ko nang malapit na


akong bumalik sa dati kong anyo. Pero bago yun
kailangan muna natin malampasan at mapagtagumpayan
muli ang pagsubok na ito.
Matutulungan nyo pa ba ko?

KAYAMANAN
Opo.
Bilang isang kabataan, ano ang maituturing ninyo
na kayaman?

H. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na buhay


( Application/ Valuing) pag-aaral
pag-aaral

Nais ko ay ipikit ninyo ang inyong mga mata.


Damhin ang ihip ng hangin.
Maari na ninyong buksan ang inyong mata.
Maraming salamat sa inyo mga bata. Bumalik na pamilya
ako sa aking dating anyo. At kasabay ng pagbalik kong
pera KAYAMANAN pamilya

ito ay ang aral na natutunan ko.

Pansinin nyo ang punong ito. Ano ang inyong


nakikita?
pagmamahal

Magaling! Paano ninyo mailalarawan ang punong


ito sa inyong buhay?

(Ang mga bata ay tataas ng


Kaya bago ko lisanin ang lugar na ito ay kamay at sasagot. Ang mga bata ay
hayaang iwan ko sa inyo ang mga aral na ito. magkakaraon ng iba’t ibang kasagutan.)

“Ang lahat ng bagay ay mayroong hangganan


katulad ng punong ito na noong una ay hitik sa ginto
ngunit sa pagiging gahaman at sakim ng mga tao ay
hindi nila naisip na may hangganan din naman ito.
Kaya’t inyong pagkakatandaan na ang hangganan ng
isang bagay ay may kalakip na kawalan.

I.Pagtataya ng Aralin
(Ang mga bata ay tataas ng
Mga bata nais kong imbitahan kayo sa kamay at sasagot.)
pagdiriwang muli namin ng Cañao. Ngunit bago kayo Napansin po naming na yung
makadalo ay kailangan muna ninyong sagutan ang kaninang puno na puro ginto ay bigla
tanong ng nakapaloob sa imbitasyon na aking nalamang napalitan ng kulay itim.
ipapamahagi.
Panuto: Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 ang (Ang mga bata ay tataas ng
patlang upang mapagsunod-sunod ang mga naganap sa kamay at sasagot. Ang mga bata ay
akda. magkakaraon ng iba’t ibang kasagutan.)

___1. Tila napahinto kami ng bumuhos ang malakas na


ulan. Ang puno ay nabuwal at bumagsak ang
mahiwagang puno. At naisip naming ang matandang
kuba na dumating sa hindi inaasahang pagkakataon.
___2. Nagsalita ang matandang kuba at nagsabing
dininig ni Kabunian at bibiyaan ang mga anito ang
pagdiriwang ng Cañao ng mga katutubo. Nagpalagay ng
taklob na kawa at naghabilin siya sa mga katutubo
hinggil sa mangyayari pagkalipas ng tatlong araw.
___3. Nagpasyang magdaos ng Cañao si Lifu-O sa
kanila matapos makakita ng uwak sa gitna ng daan na
may masamang pangitain.
___4. Unti-unting nagkalamat ang kawa pagdating ng
takdang araw at ito ay naging punong ginto. Dinumog ng
mga tao ang puno at ito ay kanilang tinaga, tinapyas at
pinagbabali-bali.
___5. Hinabol ng mga batang Igorot ang baboy at sa
kanilang paghahabulan ay hindi nila napansin na
nakaupo ang matandang kuba sa lusong kaya natumba
ito.

SUSI SA PAGWAWASTO
1. 5
2.3
3. 1
4. 4
5. 2
J. Karagdaganggawain para satakdang-aralin
(Assignment)

Lumikha ng isang scrapbook na naglalaman ng


mga larawan ng mga tauhan at katangian nila at sa
huling bahagi ng scrapbook ilagay ang mahalagang
aral na inyong natutunan.

Inihanda ni:

PANGALAN
Gurong Nagsasanay

Binigyang-pansin:

Guro sa BEM 105


Gurong Tagapagsanay

You might also like