You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Tayabas
TAYABAS EAST CENTRAL SCHOOL
CM Recto St. Angeles Zone 1, Tayabas City

Name: __________________________________ Score: ________________


Grade/Section: _________________________
Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ang bata ay kasalukuyang ________________ kasama ang kaniyang mga kaibigan.Alin ang
angkop na pandiwa upang mabuo ang diwa ng pangungusap?

a. lumangoy b. naglalangoy c. naglangoy d. maglalangoy

2. Sa isang madilim na kagubatan, mayroong isang leon na gumagala upang maghanap ng pagkain.
Ano ang aspekto ng pandiwang may salungguhit?

a. perpektibo b. imperpektibo c. kontemplatibo d. katatapos

3. Ang larawan sa ibaba ay nangyari noong nakaraang Brigada Eskwela, ano ang angkop na
pangungusap na maglalarawan tungkol dito?

a. Ang guro ay makikipag-usap sa mga magulangin hinggil sa


pagkakaroon ng Brigada Eskwela.
b. Makipag-usap ka sa mga magulangin.
c. Ang guro ay nakikipag-usap sa mga magulangin noong nakaraang
Brigada Eskwela.
d. Ang guro ay nakipag-usap sa mga magulangin noong nakaraang
Brigada Eskwela.

4. Aling pangungusap ang nagpapakita ng halimbawa ng kilos na nasa aspektong kontemplatibo?

a. Masayang nagsasayaw ang mga mag-aaral kasabay ang masiglang tugtugin.


b. Kumain kami sa Kamayan sa Palaisdaan noong kaarawan ni Lola.
c. Marahil ay maglalaba si nanay kaya dalian siyang umuwi ng bahay.
d. Kakakain pa lamang namin ng meryenda nang dumating si tatay dala ang pansit at tinapay.

5. Habang ikaw ay abala sa pagwawalis ng harapan ng inyong bahay, narinig mong sumigaw si Aling
Minda sa kanyang anak.,“Janine , pumunta ka nga sa tindahan at ibili mo ako ng suka at toyo.”
Bigla mong naalala ang inyong aralin sa Filipino tungkol sa aspekto ng pandiwa. Ano ang aspekto
ng pandiwa ang ginamit ni Aling Minda?

a. perpektibo b. imperpektibo c. katatapos d. neutral

email us at: tecs1928@gmail.com Cellphone: 0906-1960314


website: https://tayabas.depedr4a.ga/ Telephone Nos.: (042)797-3122/797-3110
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Tayabas
TAYABAS EAST CENTRAL SCHOOL
CM Recto St. Angeles Zone 1, Tayabas City

Basahin ang isang maikling usapan ng dalawang magkaibigan. Sagutin ang mga sumusunod na tanong
pagkatpos nito.
Mariel: Carmela, sasama ka ba sa akin?
Carmela: Bakit? Saan ka ba tutungo?
Mariel: Pupunta ako sa ilog at maglalangoy.
Carmela: Pero hindi ba delikado ang pagpunta roon?
Mariel: Hindi. At hindi rin naman alam ni inay na pupunta tayo.Ano sasama ka ba?
Carmela: Naku! Hindi na lang Mariel. Mag-aaral nalang ako para sa pagsusulit natin bukas. Kung gusto mo ay
sumama ka na lang sa akin pag-aaral at huwag ka ng pumunta sa ilog.
Mariel: Tama ka Carmela! Higit na kapaki-pakinabang ang pag-aaral at makatutulong pa ito sa atin para
magkaroon ng magandang kinabukasan.
Carmela: Oo ganoon na nga. Makakamit natin ana ating mga pangarap kapag pinaghusay natin ang ating pag-
aaral.Tara na! Mag-aral na tayo!

6. Bakit inaakit ni Mariel si Carmela sa ilog?

a. Dahil maglalangoy sila roon.


b. Upang makilahok sa isasagawang paglilinis ng ilog.
c. Upang maglaba sa ilog.
d. Upang doon sila maligo sapagkat wala silang tubig.

7. Kung si ikaw Carmela, sasama ka ba kay Mariel?

a. Oo, sapagkat makakatakas ako sa mga utos ni nanay kapag sumama ako kay mariel.
b. Hindi, sapagkat sayang lang ito sa oras.
c. Oo, sapagkat isa itong paraan upang makatulong sa kalikasan.
d. Hindi, sapagkat delikado ang pagpunta roon at may mga bagay na mas higit na kapaki-pakinabang gawin
kaysa sa pagpunta sa ilog.

8. Kung ikaw si Carmela at nagdesisyon ka na hindi sumama sa ilog, anong mga bagay ang maari mo
pang gawin maliban sa pag-aaral na makatutulong sa iyo?

a. Makikipaglaro sa mga kaibigan.


b. Maglalangoy na lamang sa swimming pool.
c. Magbabasa ng mga kwento at iba pang babasahing makatutulong sap ag-unlad.
d. Manonood ng mga pelikula.

email us at: tecs1928@gmail.com Cellphone: 0906-1960314


website: https://tayabas.depedr4a.ga/ Telephone Nos.: (042)797-3122/797-3110
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Tayabas
TAYABAS EAST CENTRAL SCHOOL
CM Recto St. Angeles Zone 1, Tayabas City

9. Ano sa tingin mo ang maaaring mangyari kung tumuloy ang dalawang magkaibigan sa pagpunta
sa ilog?

a. Matutuwa ang kanilang mga magulang.


b. Mapapahamak sila sapagkat delikado ang pagpunta sa ilog.
c. Marami silang matutunan sa pagpunta sa ilog.
d. Gagaling sila sa pag-aaral.

10. Gumawa ng pangungusap na magbibigay mensahe sa mga kapwa mo kabataan kung paano
magiging matagumpay sa buhay. Gumamit ng pangungusap na mayroong pandiwang nasa
aspektong neutral (pautos).

_______________________________________________________________________________________

email us at: tecs1928@gmail.com Cellphone: 0906-1960314


website: https://tayabas.depedr4a.ga/ Telephone Nos.: (042)797-3122/797-3110

You might also like