You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

Panapos na
Pagtatasa sa
Pagbasa

FILIPINO
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

Panapos na Pagtatasa sa Pagbasa

Paunawa:
Ang materyal na ito ay gagamitin bilang Panapos na
Pagtatasa sa Pagbasa sa Filipino 1 para sa Taong
Panuruang 2020-2021. Ang mga babasahin at teksto ay
kinalap at halaw mula sa mga teksto ng PHIL-IRI na ginamit
sa mga nakalipas na taong panuruan.
Paalaala sa Paggamit:
➢ Nilalayon ng pagtatayang ito na masukat ang tunay
na estado at kakayanan ng mga mag-aaral sa bawat
lebel sa pagbasa.

➢ Ang guro ang magbibigay at magsasagawa ng


panapos na pagsusulit sa pamamaraang naaayon sa
kanyang malayang pagpili gamit ang materyal na
ito.

➢ Sa Panapos na Pagtataya ay binubuo ng apat (4) na


teksto at dalawampung (20) mga katanungan na
sasagutin ng bawat mag-aaral.

➢ Ang guro ang magrerekord ng resulta ng pagtataya


para sa bawat mag-aaral hanggang mapabasa ang
buong klase.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

➢ Kapag natapos ang pagbibigay ng pagtataya sa


lahat ng mag-aaral sa buong klase, isusumite ng guro
ang kabuoang record at resulta ng Panapos na
Pagtataya sa Punongguro na siyang gagawa ng
kabuoang record para sa buong paaralan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

Baitang 1

Pangalan:____________________ Baitang at Pangkat:______


Panuto: Basahin ang bawat teksto at sagutin ang
sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Pagganyak: Ano ang natatangi ninyong talento? Paano
mo ito pinamamalas? Alamin natin sa talata ang kayang
gawin ni Gracie.
Kaya ko Rin!
Araw ng Sabado. Nasa sala ang mag-anak at
nanonood ng telebisyon. Lumapit si Gracie kay Lola Lita.
Gracie: Lola, sino po iyang umaawit?
Lola Lita: Siya si Sarah Geronimo
Gracie: Ang husay po niya. Nais ko pong maging katulad
niya.
Lola Lita: Maganda ang boses mo, apo. Kaya mo iyan.
Kailangan lamang ng ibayong pagsasanay.
Gracie: Paano po?
Lola Lita: Sumali ka sa samahan sa pagkanta.
Gracie: Sige Lola, gagawin ko po ang mga iyan. Kaya ko
pong kumanta.
Baitang 1
Bilang ng mga Salita: 72
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

Mga Tanong:
Literal
1. Ano ang ginagawa ng mag-anak?
A. Nagkukuwentuhan C. Naglalaro
B. Nanonood ng telebisyon D. Nakikinig ng balita
2. Sino ang lumapit kay Lola Lita?
A. Gracie C. Lita
B. Ama D. Anak

Pagpapakahulugan
3. Ano sa palagay mo ang mangyayari kung susundin ni
Gracie ang payo ng lola niya?
A. Darami ang kanyang kakilala.
B. Mananalo siya sa patimpalak.
C. Mahahasa ang kanyang kakayanan sa pag awit.
D. Makakalahok siya sa patimpalak sa pag-awit.

4. Bakit sinabi ng Lola na maaari siyang maging katulad


ni Sarah Geronimo?
A. Dahil maganda at kamukha si Gracie ni Sarah
Geronimo.
B. Dahil may kakayahan at talento si Gracie sa pag-
wit.
C. Dahil popular din sa eskwelahan si Gracie.
D. Dahil maraming kaibigan si Gracie.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

Paglalapat
5. Ano ang gagawin mo sa talentong mayroon ka?
A. Ipagmamalaki C. Sasarilinin
B. Paghuhusayin D. Iingatan
6. Maliban sa sinabi ni Lola Lita, ano pa ang kailangan
upang maging mahusay na mang-aawit?
A. Magsanay sa pag-awit.
B. Makinig sa ibang-ibang uri ng awitin.
C. Sumulat ng sariling awitin.
D. Bumili ng mga CD ng iba’t ibang mang-aawit.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

Sakay Na!
Sabik nang umalis sina Ranny at Kristel. Ngayon
lamang kasi sila nakasakay sa tren.
“Ang sarap palang sumakay sa tren, Tatay,” sabi ni
Ranny. Tumatalon siya sa tuwa.
“Ate, tingnan mo. Ang daming malalaking gusali!”
sabi pa niya.
“Oo, nakatutuwang pagmasdan. Ang sarap
sumakay rito. Para tayong nakalutang sa ulap,” wika ni
Kristel.
“Tatay, Nanay, sakay tayo ulit dito ha!” bulalas ni
Ranny pagbaba nila.
Baitang 1
Bilang ng mga salita: 65
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

Literal
7. Saan sasakay sina Ranny at Kristel?
A. Bus B. Tren C. Kotse D. Motor
8. Ayon kay Kristel, bakit masarap sumakay sa tren?
A. Dahil parang nakalutang sa ulap habang sakay
sa tren.
B. Dahil mahaba ang sasakyang tren.
C. Dahil mabilis tumakbo ang tren.
D. Dahil maraming nakikita sa daan.
Pagpapakahulugan
9. Bakit kaya gusto uling sumakay ni Ranny sa tren?
A. Dahil nasiyahan sila sa karanasan sa pagsakay
sa tren.
B. Dahil gusto ulit nilang makapamasyan.
C. Dahil marami silang nakita sa daan.
D. Dahil mabilis ang tren.
Paglalapat
10. Isa sa mga gagawin ng inyong klase sa lakbay-
aral ay ang pagsakay sa tren. Ano ang gagawin
mo?
A. Papaiwan ako sa gawain dahil natatakot ako.
B. Sasali ako sa lakbay-aral at pagmamasdan ko
ang mga tanawin sa daan.
C. Sasama ako at sasakay sa pinakagitnang upuan
ng tren at ipipikit ang aking mata.
D. Gagawa at magpapasa ako ng ibang gawain
kapalit ng paglahok sa lakbay-aral.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

“Sako ni Rita”
May sako si Rita. Malaki ang sako. Puti ang sako.
Nasa mesa ang sako ni Rita. May saba ang sako.
Marami ang saba sa sako. May tali ang sako. Pula ang
tali ng sako.
Aba! May laso pa sa tali ng sako!

Baitang 1
Bilang ng mga salita: 42
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

Literal
11. Sino ang may sako?
A. Rita C. Rico
B. Maya D. Nita

12. Ano ang laman ng sako?


A. laso C. saba
B. tali D. pako

Paghinuha
13. Ano kaya ang gagawin ni Rita?
A. Mag-iipon ng sako.
B. Magpapakain ng baka.
C. Magtitinda ng saba.
D. Maglilinis ng sako.

14. Ano ang damdamin na ipinahahayag sa


katapusan ng kuwento?
A. gulat C. lungkot
B. takot D. galit

Pagsussuri
15. Ano pa ang puwedeng gawin sa sako?
A. lalagyan ng gamit
B. panligo sa hayop
C. pagkain ng Insekto
D. kulungan ng hayop
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

“Ang Papaya at Kamote”

Malaki ang mga papaya.


Nasa puno ang mga papaya kanina.
Kinuha ni Ate ang apat na papaya.
May kamote si Kuya.
Dalawa ang kamote ni Kuya.
“Tara!”, sabi ni Ate.
“Nasa mesa na ang mga papaya!
Halika! Nasa mesa na ang mga kamote!”
Baitang 1
Bilang ng mga salita: 43
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

16. Ano ang malaki ?


A. ang mga mesa C. ang mga papaya
B. ang mga kamote D. ang ate

17. Sino ang nagsabi ng “Nasa mesa ang kamote!”?


A. si Ate C. ang ale
B. si Kuya D. ang ina

18. Saan naganap ang kuwento?


A. sa sala C. sa bakuran
B. sa kusina D. sa sapa

19. Ano ang nadama ni Ate at Kuya sa katapusan ng


kuwento?
A. nagalit C. nagulat
B. natuwa D. nalungkot

20. Bakit kaya sinabi na “Halika! Nasa mesa na ang


kamote!”?
A. Kakain na sila ng kamote.
B. Inilabas ni Ate ang kamote.
C. Nakita na ang nawawalang kamote
D. Magtatanim sila ng kamote
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

You might also like