You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

Panapos na
Pagtatasa sa
Pagbasa

FILIPINO
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

Panapos na Pagtatasa sa Pagbasa

Paunawa:
Ang materyal na ito ay gagamitin bilang Panapos na
Pagtatasa sa Pagbasa sa Filipino 2 para sa Taong Panuruang 2020-
2021. Ang mga babasahin at teksto ay kinalap at halaw mula sa
mga teksto ng PHIL-IRI na ginamit sa mga nakalipas na taong
panuruan.

Paalaala sa Paggamit:
➢ Nilalayon ng pagtatayang ito na masukat ang tunay na
estado at kakayanan ng mga mag-aaral sa bawat lebel sa
pagbasa.

➢ Ang guro ang magbibigay at magsasagawa ng panapos na


pagsusulit sa pamamaraang naayon sa kanyang malayang
pagpili gamit ang materyal na ito.

➢ Sa Panapos na Pagtataya ay binubuo ng apat (4) na teksto


at dalawampung (20) mga katanungan na sasagutin ng
bawat mag-aaral.

➢ Ang guro ang magrerekord ng resulta ng pagtataya para sa


bawat mag-aaral hanggang mapabasa ang buong klase.

➢ Kapag natapos ang pagbibigay ng pagtataya sa lahat ng


mag-aaral sa buong klase, isusumite ng guro ang kabuoang
resulta ng Panapos na Pagtataya sa Punong-guro na siyang
gagawa ng kabuoang record para sa buong paaralan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

Baitang 2
Pangalan:_________________________ Baitang at Pangkat:_________
Panuto: Basahin ang bawat teksto at sagutin ang sumusunod na
tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.
Pagganyak: Ano ang alaga mong hayop? Paano mo ito
inaalagaan?

“Tayo na sa Manukan”
Maagang ginising ni Rona ang nakababatang kapatid.
“Gising na, Roy! Mamumulot tayo ng mga itlog sa manukan,”
sabi nito.
“Naku, ganito pala mangitlog ang mga manok mo, Ate. Ang
dami! Gusto ko ring mag-alaga ng mga manok,” natutuwang sabi
ni Roy.
“Sige, tuturuan kita. Halika, ibigay na natin kay Inay itong mga
itlog. Masarap itong almusal,” wika ni Rona.

Baitang 2
Bilang ng mga Salita: 59
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

Mga Tanong:

Literal
1. Sino ang may alagang manok?
A. si Roy B. Si Rona C. Si Inay D. Si Kuya
2. Ano ang pamagat ng kuwento?
A. Taya Magmanukan C. Tayo na Manahi
B. Tayo na Maghalaman D. Tayo na sa Manukan

3. Kanino ibibigay ang mga itlog?


A. kay Roy
B. kay Inay
C. kay Rona
D. kay Tatay

Pagpapakahulugan
4. Bakit kaya maaga silang nanguha ng itlog ng mga manok?
A. upang may makain sa almusal
B. upang may maipagbiling mga itlog
C. upang may maipamigay na itlog sa kapit-bahay
D. upang makapagparami ng manok

Paglalapat
5. Ano-ano ang pakinabang sa pag-aalaga ng manok?
A. May naibibigay na pagkain at dagdag na kita.
B. Masayang marinig ang tilaok ng manok.
C. Nagbibigay ng tuwa at saya.
D. May mapaglilibangan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

“Maliit na Duhat, Malaking Pakwan”


Nasa silong ng puno si Pido. Sabi niya, “Ang laki ng punong
ito, ang liit naman ng bunga. Ang pakwan na gumagapang
lamang sa lupa, kay laki ng bunga. Mali kaya ang pagkagawa ng
Diyos?”
Biglang nalaglag ang isang bunga ng duhat. “Aray!” sigaw
niya. “Tama pala ang Diyos. Kung kasinlaki ng pakwan ang duhat,
may bukol ang ulo ko ngayon,” pailing na sabi ni Pido.
Baitang 2
Bilang ng mga salita: 65
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

Literal
6. Nasaan si Pido ayon sa kuwento?
A. nasa silong ng puno
B. nasa itaas ng puno
C. nasa sanga ng puno
D. nasa pagitan ng mga puno
7. Saan gumagapang ang pakwan?
A. sa tubig
B. sa lupa
C. sa ibabaw ng puno
D. sa sanga ng puno
8. Ano ang tumama sa ulo ni Pido?
A. Bunga ng pakwan
B. Bunga ng duhat
C. Buto ng duhat
D. Buto ng pakwan
Pagpapakahulugan
9. Bakit kaya nalaglag ang bunga ng duhat sa ulo ni Pido?
A. Dahil bulok na ito
B. Dahil hinog na ang duhat
C. Dahil tinuka ito ng ibon
D. Dahil may tao sa itaas ng puno na kumakain nito
Paglalapat
10. Sa palagay mo tama ba ang Diyos sa pagkakagawa sa
mga bunga ng pakwan at duhat? Bigyan ng katwiran.
A. Mali, dahil dapat malalaki lahat ng prutas
B. Mali dahil magkaiba ang lasa ng mga prutas.
C. Tama dahil masarap ang mga prutas.
D. Tama dahil may iba’t ibang katangian ang bawat
nilalang ng Diyos.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

“Laging Handa”

Kamping ng mga batang Iskawt. Masaya silang umaawit


habang naglalakad.
“Narito, narito, narito kami! Handa na! Handa na! Handa
na kami! Narito kami, para makiisa!” “Tumulong sa pangkat. At
mananalo tayo!” wika ni Zen.
“Ang batang iskawt, ang batang iskawt ay laging handa!”,
dagdag ni Dona.
Mabilis ang kilos ng lahat. Malapit na magsimula ang palaro.
Oops! Naku! Bigla na lamang nadulas si Rica.

Baitang 2
Bilang ng mga salita: 64

11. Sino ang may kamping?


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

A. mga lider ng iskawt


B. mga lalaking iskawt
C. mga batang iskawt
D. ang mga guro ng iskawt

12. Sino and nagsabing , “Ang batang iskawt ay laging


handa” ?
A. si Zen
B. si Rica
C. si Dona
D. si Dina

13. Ano kaya ang HINDI gagawin ng mga batang iskawt sa


kamping?
A. Maglalaro sila.
B. Magpapaligsahan sila.
C. Mamimili sila ng mga gamit.
D. Magsasagot sa mga pagsusulit.

14. Ano kaya ang mangyayari sa katapusan ng kuwento?


A. Wala nang palaro para sa mga iskawt.
B. Aalamin nila kung nasaktan ang nadulas.
C. Hindi na magmamadali ang lahat ng mga iskawt.
D. Uuwi na ang mga iskawt at ititigil na ang kamping.

15. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat


para sa kuwento?
A. Dulot ng Kamping
B. Awitan sa Kamping
C. Handa na sa Kamping
D. Kamping ng mga Iskawt
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

Mag-ingat!

Ang ahas ay isang uri ng reptilyang hayop. Sa madilim


at masusukal na lugar nais manirahan nito. Gumagapang ang
mga ito sa pamamagitan ng kanilang katawan. Singnipis ng
buhok ang dila nito. Kamandag ang ibinubuga ng tuklaw ng
ahas. Ang tuklaw nito ay makamandag at nakamamatay
kung walang anomang lunas na gagawin agad.

Ang kobra ang isa sa may pinakamabagsik na


kamandag ng ahas. Ang sawa, wala mang kamandag ay
mapanganib din. Kapag ikaw ay nalingkis nito, siguradong
patay ka. Kaya mag-ingat sa mga ahas.

Baitang 2
Bilang ng mga Salita: 85
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

Literal
16. Ano ang hayop na nabanggit sa iyong binasa?
A. ahas B. aso C. agila D. daga

17. Ano ang tirahan ng ahas?


A. sa malamig at mahanging lugar
B. sa madilim at masukal na lugar
C. sa mainit, maliwanag na lugar
D. sa lugar na maraming puno

18. Ano ang ibinubuga ng kagat ng mga pangil ng ahas?


A. laway B. kamandag C. lason D. likido

Pagpapakahulugan
19. Bakit dapat tayong mag-ingat sa ahas?
A. Sapagkat nakamamatay ang kamandag kapag natuklaw
ng ahas.
B. Sapagkat mahaba ang ahas at mahirap makita sa
damuhan.
C. Sapagkat kakulay ng mga damo at halaman ang ahas.
D. Sapagkat nakakatakot ang mga ahas.

Paglalapat
20. Upang di pamugaran ng ahas ang paligid ng inyong paaralan
at bahay, ano gagawin mo bilang mag-aaral?
A. Lalagyan ko ng semento ang lahay ng lupa na walang
tanim.
B. Gagapasin ko ang mga damo at lilinisin ang aming paligid.
C. Patutubuin ko ang mataming mga halaman at damo sa
hardin.
D. Babakuran ko ang paligid ng aming bahay ng mataas na
pader.

You might also like