You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
RIZAL ELEMENTARY SCHOOL
RIZAL, LIPA CITY

Pangalan:________________________________________________
Baitang at Seksyon:________________________________________
SUMMATIVE TEST NUMBER 3 IN FILIPINO 3

I. PANUTO: Basahin ang sumusunod na kwento. Sagutin ang mga tanong at bilugan ang letra
ng tamang sagot sa patlang.

Isang maliit at magandang nayon ang aming lugar sa probinsiya. Sa


bukid nagtatrabaho ang aming mga magulang. Sila ay magsasaka.
Nagtatanim sila ng iba’t ibang uri ng mga halaman na ibinibenta sa bayan.
Isang araw, habang sila ay nasa bukid, naiwan kaming magkakapatid sa
bahay. “Ella, ikaw ang maghuhugas ng pinggan sa umaga at si Nico naman
sa gabi. Ako na ang magluluto ng ating pagkain,” wika ni Ate Lany. Tulong-
tulong ang magkakapatid sa mga gawain sa bahay, at ginagawa nila nang
maayos ang kani-kanilang tungkulin. Pag-uwi sa bahay ng mag-asawa ng
hapong iyon, nawika ng ina, “Salamat anak, napapanatili ninyong malinis at
maayos ang ating tahanan.”

1. Sa bukid nagtatrabaho ang aming mga magulang, sila ay _________________.


A. mangingisda B. Magsasaka C. Magtotroso D.Magkakaingin
2. Ang magkakapatid ay nagtutulong-tulong sa gawaing-bahay upang .
A. mapanatili ang kalinisan C.papurihan sila
B. matuwa ang magulang D. mabigyan ng pabuya o regalo
3. Tama ba ang ginawang pagpapalaki ng mga magulang ni Nico sakanila? Bakit?
A. Oo, dahil lalaki sila na responsableng mamamayan.
B. Oo, dahil palaging matutuwa ang kaniyang mga magulang.
C. Hindi, dahil inaabuso ng kaniyang mga magulang ang kanilang karapatan.
D. Hindi, dahil hindi makatarungan na sila ay pagtrabahuhin sa loob ng tahanan.
II. PANUTO: Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit mula sa mga salitang nasa loob ng panaklong.
Bilugan ito.
4. Langhapin mo ang bango ng bulaklak. (titigan, amuyin, hawakan)
5. Ang puno ay hitik sa bunga, lahat ay nais kumuha. (marami,malaki, kokonti)
6. Ang kaniyang damit ay mamahalin siguradong ginto ang halaga. (murang halaga, mataas ang halaga, walang halaga)
7. Masarap maglakad sa baybayin at panoorin ang mga bangkang papalaot. (tabi ng dagat, malayo sa dagat, ilalim ng
dagat)
III.
IV. PANUTO: Bumuo ng tanong mula sa salaysay na nasa unang hanay.

Hanay A Hanay B

Halimbawa: Gamit ko ang laptop sa pagtuturo. Ano ang gamit ko sa pagtuturo?

8. Pumunta sina Erika sa Makati.

9. Sa ika 25 ng Pebrero ang EdsaPeople Power Anniversary.

10. Paborito ni Bernice ang leche flan.

11. Si Sarah Geronimo ang paborito kong mang awit.

V. PANUTO: Dalawa sa tatlong salita sa bawat bilang ay magkasingkahulugan. Lagyan ng ekis ang
salitang kasalungat ng dalawang salita.

12. maliit malaki munti


13-14. mali tama wasto
15-16. sobra labis kulang
17-18. masaya maligaya malungkot
19-20. bukod-tangi ordinaryo Karaniwan

You might also like