You are on page 1of 8

ANG ALAMAT NG UNANG SAGING

May isang prinsesang napakaganda; at di makabasag pinggan kaya ang tawag sa kanya ay
Mariang Maganda. Ang kanyang tahanan ay malapit sa isang maliit na gubat; doo'y maraming
magaganda't mababangong halamang namumulaklak. Araw-araw, ay nagpapasyal ang prinsesa sa
gubat na ito. Namimitas siya ng mga bulaklak na katangi-tangi ang ayos.

Isang araw, sa kanyang pamamasyal, ay nakatagpo siya ng isang lalaking mukhang maykaya at
nalaman nya na ito pala ay prinsipe. Magandang lalaki prinsipeng iyon. Nang makita ni Mariang Maganda
ay nakaramdam siya agad ng kakatuwang damdamin. Ang prinsipe naman pala'y gayon din. Kaya agad
silang nagkapalagayan at nagkahulihan ng loob.

Araw-araw ay namamasyal sila ng prinsipe, hanggang sa magtapat ng pag-ibig ang prinsipe.


Palibhasa'y sadyang may inilalaan nang pagtingin ang prinsesa, hindi na ito nagpaumat-umat at
tinanggap ang iniluluhog na pag-ibig ng prinsipe.

Isang hapon matapos silang mamasyal, nag-ulayaw ang dalawa sa lilim ng mabangong
halamanan ng prinsesa.
"Mariang Maganda, kay ganda ng mga bulaklak mo, nguni't ang mga bulaklak doon ay hitik na
hitik sa aming kaharian ay higit na magaganda at mababango; walang makakatulad dito sa inyo."
"Bakit, saan ba ang inyong kaharian?"
"Doon sa dako roon na hindi maaaring marating ng mga taong may katawang-lupa."
Ilan pang saglit at nagpaalam na ang prinsipe na malungkot na malungkot. Kaya napilitang
magtanong si Mariang Maganda. "Mangyari'y…" at hindi na nakuhang magpaliwanag ang prinsipe.
"Mangyari'y ano? Ano ang dahilan?" ang tanong ng prinsesang punung-puno ng agam-agam.
"Dapat na akong umuwi sa amin,na di pa nagbubukang liwayway kung hindi, hindi na ako
makababalik. Ibig ko sanang isama kita, nguni't hindi maaari, hindi makapapasok doon ang tulad ninyo.
Kaya paalam na irog."
"Bumalik ka mamayang gabi, hihintayin kita sa halamanang ito. Babalik ka ha?"
"Sisikapin ko Mariang Maganda," ang pangako ng prinsipe.

Nang malapit ng maghatinggabi, dumating ang prinsipe. Sinalubong siya ng prinsesang


naghihintay sa loob ng hardin. Nag-usap na naman sila ng nag-usap. Kung saan-saan nadako ang
kanilang pag-uusap. Hawak-hawak ng prinsesa ang mga kamay ng prinsipe.

Kaginsa-ginsa'y biglang napatindig ang prinsipe. "Kailangang umalis na ako, Mariang Maganda.
Maghahatinggabi na, kapag hindi ako lumisan ay hindi na ako makababalik sa amin. Diyan ka na subali't
tandaan mong ikaw rin ang aking iniibig," at ginawaran ng halik ang mga talulot na labi ni Mariang
Maganda.

Pinigilan ng prinsesa ang mga kamay ng prinsipe. Hindi niya mabatang lisanin siya ng kanyang
minamahal. Sa kanilang paghahatakan, biglang nawala ang prinsipe at naiwan sa mga palad ng dalaga
ang dalawa niyang kamay. Natakot ang prinsesa, kaya patakbong nagtungo sa isang dako ng kanyang
halamanan at ibinaon ang mga kamay.

Ilang araw, pagkatapos ay may kakaibang halamang tumubo sa pinagbaunan niya. Malalapad
ang mga dahon at walang sanga. Ilan pang araw pagkaraa'y nagbulaklak. Araw-araw, ay dinadalaw ng
prinsesa ang kanyang halaman. Makaraan ang ilang araw, ang mga bulaklak ay napalitan ng mga bunga.
Parang mga daliring nagkakaagapay. Iyon ang mga unang saging sa daigdig.
Banghay Aralin sa Filipino V

I. LAYUNIN:

Nagbibigay kahulugan ang matalinhagang salita.

II. PAKSANG ARALIN:

Pagbibigay kahulugan sa matalinhagang salita.

a. SANGUNIAN: http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/mga-halimbawa-ng-
alamat.html

b. KAGAMITAN: tsart,cartolina, activity card

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG BATA


a. Panalangin
Magsitayon ang lahatpara sa panalangin.
Jason pangunahan mo ang panalangin,
Jason: Handa na ba kayo?

klase: Handan a kami.


(panalangin)
Magandang umaga mga bata?
klase: Magandang umaga Bb.
Ramilo,magandang umaga mga
guro,magandang umaga.
Bago kayo maupo, aawitin muna natin ang
kantang “Ito ay mundo”
klase: ito ay mundo
maupo ang lahat.

Ano ang dapat gawin kapag ang guro nasa


inyung harapan? Nadene?
Nadene: Makinig ng mabuti.
Tama!
b. 1. Pagbabaybay

1. Alamat
2. saging
3. Prensipe
4. bulaklak
5. liwayway

2. Pagbibigkas

/ay/ /oy/
gulay kahoy
tulay taghoy
amoy kamay

c. Balik Aral
Ibigay ang sumusunod na salita.

Magkasingkahulugan Magkasalungat
maganda-marikit malinis-marumi
mabango-mahalimuyak madami-konti
mababa-bansot labis-kulang

d. Pagganyak
SAGING

Alam nyo ba kung ano ito?


klase: opo
Anong prutas ito?
Rochelle: Ang prutas na iyan ay saging.
Tama! Ito ay saging. Nakakain nab a kayo ng
saging?
klase: opo
ito ba ay masarap?
klase: opo
Oo ito ay masarap lalo na kung ito ay hinog.
Ngayon babasahin natin ang kwento na tiyak
inyung magugustuhan.

Ito ay ang ALAMAT NG SAGING.

e. Paglalahad
Pagbasa sa Alamat ng Saging
klase: nagbabasa ..
f.Pagtatalakay
( ballons RELAY)

1. Sino ang dalawang tauhan sa kwento? Marlon: ang dalawang tauhan sa kwento ay
si Mariang Maganda at ang Prensipe.

2. Anong katangiang taglay meron si Mariang


Maganda? Jomarie: Si Mariang maganda ay maganda
at di makabasag pinggan.

3. Sino ang natagpuan ni Mariang maganda


habang siay ay namamasyal? Mercilyn: Ang Prensipe

4. Ano ang naramdaman ni Mariang maganda


sa Prensipe?
Arselyn: Nakaramdam siya na
nakakatuwang damdamin
5. Anong prutas ang hugis daliri? Arriane: ito ay saging

Basahin ang mga pangungusap na hinango sa


kwento. Pansinin mo ang mga salitang may
salungguhit.

1. May isang prinsesang napakaganda; at di


makabasag pinggan kaya ang tawag sa kanya ay
Mariang Maganda
--mahinhin

2. nakatagpo siya ng isang lalaking mukhang


maykaya at nalaman nya na ito pala ay prinsipe
--mayaman

3. ang mga bulaklak doon ay hitik na hitik sa aming


kaharian ay higit na magaganda at mababango
--marami

4. "Dapat na akong umuwi sa amin,na di pa


nagbubukang liwayway kung hindi, hindi na ako
makababalik
--madalin araw

5. Kaya paalam na irog.


--kasintahan

Ito pa ang ibat-ibang halimbawa sa mga


matalinhagang salita.

1. Butas ang bulsa - walang pera


2. Ilaw ng tahanan – ina
3. Ikurus sa noo – tandaan
4. basing-sisiw-kawawa
5.alimuom-tsismosa
6.Nagbibilang ng poste - walang trabaho
7. Basag ang pula - luko-luko
8. Ibaon sa hukay – kinalimutan
9. Taingang kawali - nagbibingi-bingihan
10. Buwayang lubog - taksil sa kapwa

Ano ang tawag sa mga salitang ito?

Ito ay ang mga matalinhagang salita. Ito ay ang


mga salitang tago ang kahulugan at kadalasan
ang mga salitang ito ay nakadagdag sa laong
ikalilinaw ng diwang nais ipahayag.
g. Pagpapayang Gawain
---Pang isahang Gawain ( cabbage relay)

1. Kasintaas ng Poste ang panganay niyang


anak.
a.matangkad na matangkad
b. matalino
c. madaldal

2. Parang kiti-kiti ang batang ito.


a. mapag usisa
b. malakas
c. malikot at di mapirmi

3. Anak-pawis si Andres Bonifacio.


a. mahirap
b.gwapo
c. payat

4. Bakit bernes Santo iyang mukha mo?


a. makulit
b. malungkot
c. maganda

5. Basang sisiw ang batang di nakasilong sa


ulan.
a. kawawa
b. masipag
c. malikot

---Pangkatang Gawain
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at
bigyan ng pansin ang mga matalinhagang may
salungguhit.Piliin ang kahulugan nito sa lipon
ng mga salitang nasa ibaba ng bawat bilang.

1. Butas ang bulsa ng batang walang magulang.


a. walang pera
b.malungkot
c. Masaya

2. Ang aming ilaw ng tahanan ay mapagmahal.


a.ate
b.ina
c.kuya

3. Ikuros sa noo ang mga sinabi ko sayo.


a.kalimutan
b.iwasan
c. tandaan
4. Basang sisiw ang batang iniwan sa
lansangan.
a.kawawa
b.maganda
c.maligaya

5. Ang aming mga kapitbahay ay mga alimoum.


a. maganda
b. tsismosa
c. tahimik

h. Paglalahat

Ano ang tinatawag namatalinhagang salita?

Joy: Ang matalinhagang salita salita ay mga


salitang may malalim na kahulugan. Ito
ang kadalasang binubuo ng tambalang
i. Paglalapat salita na ang kahulugan ng dalawang
salitang pinagtambal.
Bigyan mo ng kahulugan ang mga sumusunod
na salkitang matalinhaga. Hanapin ang
kahulugan nito sa Hanay B.

Hanay A Hanay B
1. Butas ang bulsa a.tsismosa
2. ilaw ng tahanan b.tandaan
3. ikuros sa noo c.ina
4. basing sisiw d.walang pera
5. alimuom e.kawawa
f.mataas

IV. PAGTATAYA

Panuto: Basahin ang mga pangungusap at


bigyan ng pansin ang mga matalinhagang may
salungguhit.Piliin ang kahulugan nito sa lipon
ng mga salitang nasa ibaba ng bawat bilang.

1. Butas ang bulsa ng batang walang magulang.


a. walang pera
b.malungkot
c. Masaya

2. Ang aming ilaw ng tahanan ay mapagmahal.


a.ate
b.ina
c.kuya

3. Ikuros sa noo ang mga sinabi ko sayo.


a.kalimutan
b.iwasan
c. tandaan

4. Basang sisiw ang batang iniwan sa


lansangan.
.kawawa
b.maganda
c.maligaya

5. Ang aming mga kapitbahay ay mga alimoum.


a. maganda
b. tsismosa
c. tahimik

V. TAKDANG ARALIN

May mga matalinhagang salita sa loob ng


kahon sa ibaba. Pumili ka ng 5 at gamitin mo
ito sa sariling mong pangngusap.

agaw- buhay malamig ang kamay


bukas-palad utak-lamok
magaan ang loob basing-sisiw
Felix Quimbo Memorial Elementary School

Gil Sanchez, Labason Zamboanga Del Norte

Pangalan;_____________________________________________________ Baitang:__________________________

Score:__________

Panuto: Basahin ang mga pangungusap at bigyan ng pansin ang mga matalinhagang may
salungguhit.Piliin ang kahulugan nito sa lipon ng mga salitang nasa ibaba ng bawat bilang.

1. Butas ang bulsa ng batang walang magulang.

a. walang pera b.malungkot c. Masaya

2. Ang aming ilaw ng tahanan ay mapagmahal.

a.ate b.ina c.kuya

3. Ikuros sa noo ang mga sinabi ko sayo.

a.kalimutan b.iwasan c. tandaan

4. Basang sisiw ang batang iniwan sa lansangan.

a.kawawa b.maganda c.maligaya

5. Ang aming mga kapitbahay ay mga alimoum.

a. maganda b. tsismosa c. tahimik

Magandang Buhay!

Teacher Nica ^_^

You might also like