You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division of Palawan
Narra del Norte District
NARRA INTEGRATED SCHOOL
(Formerly Narra National High School)
Narra, Palawan
Omayao Road, Panacan II, Narra, Palawan, Email address: 301710nnhs@deped.gov.ph, Telephone No. (048) 433-5449

Paaralan NARRA INTEGRATED Baitang/Antas 2


SCHOOL
Pangalan NENEVEH GRACE Asignatura FILIPINO
RIVERA
DAILY
Linggo/ Petsa MARCH 4, 2024 Markahan IKATLONG
LESSON
(WEEK 6) MARKAHAN
PLAN

I. LAYUNIN
A. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
PAMANTAYANG sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
PANGNILALAMAN

B. PAMANTAYAN Naipahahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong


SA tono, diin, bilis, antala at intonasyon
PAGGANAP F2TA-0a-j-2

C. MGA Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isang paksang napakinggan


KASANAYAN SA F2PS-IIIa-g-5.3
PAGKATUTO
(Isulat ang code
ng bawat kasanayan)

II. NILALAMAN IKAANIM NA LINGGO


Aralin 6: Produktong Gawa Natin, Ating Tangkilikin!
Pagbibigay ng Hinuha
A. Sanggunian K-12 CG. p

1. Mga Pahina sa 126-127


Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa 332-337
Kagamitang
Pangmag-aaral
B. Kagamitan larawan mga batang nagbabakasyon sa probinsiya, puno ng hitik sa
bunga,lungsod at baryo

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Balik-aral at/o 1.Panalangin


pagsisimula
ng bagong aralin Maari bang tumayo ang
lahat para sa ating
panalangin? Francis,
pangunahan mo ang ating
panalangin.
Amen!

2. Pagbati Magandang umaga rin po!


Magandang umaga mga bata! Opo ma’am.
Bago kayo maupo, maaari bang
ayusin ninyo muna nang maayos
ang inyong mga upuan at damputin
ang mga kalat na makikita ninyo sa
paligid ng inyong upuan.

3. Pagtala ng mga dumalo sa klase


Narito po ang lahat ma’am
Sino ang limiban sa ating klase
ngayon?

4. Mga Paalala

Bago tayo dumako sa ating


talakayan, ano- anon ga ang ating
mga panuntunan sa loob ng silid-
aralan ?

5. Balik- aral

Isulat sa sagutang papel ang letra ng


tamang sagot.

Ang mga mag-aaral ay masayang


naglalaro sa paaralan habang ang
guro ay nakabantay. Maya-maya ay
biglang umiyak ang isang bata.
Hawak-hawak niya ang kaniyang
tuhod na nagdurugo.

1. Sino ang naglalaro sa paaralan?

a. guro

b. mag-aaral

c. guwardiya

d. magulang

2.Sino ang nakabantay sa kanila?

a. guro
b. nanay

c. punong- guro

d. tatay

3. Ano kaya ang nangyari sa bata?

a. Inaway siya

b. Nadapa siya

c. Natalo siya

d. Sinipa siya ng kaklase

4.Ilan ang batang nadapa?

a. isa

b. dalawa

c. tatlo

d. lima

5. Si Joseph ay ibinili ng nanay ng


tatlong bagong t-shirt. Alin ang
naglalarawan ng bilang sa
pangungusap?

a. Joseph

b. nanay

c. t-shirt

d. tatlong

6. Marami akong laruan na


nakatago sa bahay. Aling ang
salitang nagsasaad ng bilang?

a. laruan

b. nakatago

c. marami

d. bahay

7. Alin sa mga pang-uri ang


nagsasaad ng bilang?

a.wala

b.tatlo
c. lima

d. marami

8. Piliin ang salitang may diptonngo

a. araw

b.sayawan

c.talon

d. wala

9. Ang mamamayan ay nawalan ng


bahay dahil malakas ang bagyo. Ang
nagpapahayag ng sanhi ay ______.

a. malakas na bagyo

b.nawalan ng bahay

c. ang mga mamamayan

d.mamamayan ay nawalan

10. Alin sa mga pangungusap ang


nagpapahayag ng sanhi at bunga?

a.Umiiyak ang ale

b.Ang kanyang bag

c.Nawala ang bag nya sa

d. Nawala ang kanyang bag kaya


umiyak ang ale

B. Paghahabi sa Pumili sa kahon ng limang bagay na


layunin ng aralin gusto mong bilihin sa palengke at
isulat kung ilan ang bilang ng bagay
na napili mo.

Tatlong mansanas

isang pinya

Apat na mangga

Isang bangus

Dalawang bayabas
Tatlo na tatlong

Lima na itlog

Apat na hotdog

Dalawang orange

Tatlong saging

Dalawang ampalaya

BAGAY BILANG

C. Pag-uugnay ng
mga halimbawa sa
bagong aralin
“Ang Pamimili ni Aling Sonia”

Malapit na ang araw ng Pasko.


Abala si Aling Sonia sa pag-aayos ng
kaniyang listahan ng mga bibilhin
para sa mga anak. Kasama niya si
Bing nang pumunta sa Divisoria.
Bumili siya ng dalawang t-shirt at
dalawang pantalon para sa mga
anak na lalaki isang bestida naman
para sa anak na babae at limang
pares ng sapatos.

Pinagkakasya niyang mabuti ang


kaniyang dalang pera. Pinipili niya
ang mga gawa sa ating bansa dahil
naniniwala siya na magaganda at
matitibay ang mga ito.

Masayang umuwi si Aling Sonia.


Nabili niyang lahat ang nasa
listahan.
D. Pagtalakay ng
bagong konsepto at
1.si Aling Sonia
paglalahad ng 1. Sino ang nagpunta sa
bagong kasanayan Divisoria? 2. Bumili siya ng dalawang t-shirt at
#1 2. Ano-ano ang pinamili ni dalawang pantalon para sa mga anak
Aling Sonia? na lalaki isang bestida naman para sa
anak na babae at limang pares ng
sapatos.

3. Ano ang dahilan kung bakit 3.Pinagkakasya niyang mabuti ang


nagbabadyet si Aling Sonia? kaniyang dalang pera.

4. Tama bang ibadyet ang


pera? Bakit? 4.Opo, para tayo ay makatipid
5. Ano ang pamantayan niya
sa pagpili niya ng kaniyang 5.Pinipili niya ang mga gawa sa ating
bibilhin? bansa dahil naniniwala siya na
magaganda at matitibay ang mga ito.
6. Tama ba ang ginawa niya?
6.Opo.
7. Paano mo siya tutularan?
7.Magtipid ng baon para makaipon

E. Pagtalakay ng
bagong konsepto at
paglalahad ng
bagong kasanayan Isang paraan ng pagpapakita ng
#2 pagmamahal sa ating bansa ay ang
pagbili ng produktong gawa rito.

F. Paglinang sa Ibigay ang sariling hinuha sa


kabihasnan sumusunod na sitwasyon.
(Tungo sa
Formative Unang Pangkat – Nakakita ng puno
Assessment) ng bayabas ang mga bata. Marami
itong bunga. Dali-daling nag-
akyatan ang mga bata. Tuwang-
tuwa silang nanguha at kumain ng
mga bayabas. Maya-maya ay bigla
silang natakot at nagtakbuhan
palayo.
Ikalawang Pangkat – Naglalaro ng
basketbol ang mga anak ni Gng.
Navarro. Pinatitigil sila ng kanilang
kuya ngunit tuloy pa rin sila sa
paglalaro. Bigla na lang silang
natakot nang tamaan ng bola ang
babasaging plorera sa sala.

Ikatlong Pangkat – Magkaibigang


matalik sina Aida at Irene. Palagi
silang magkasama sa pagpasok sa
paaralan at sa paglalaro. Isang
araw, dumating na umiiyak si Aida
sa bahay nina Irene. Ibinalita nito na
paalis na ang pamilya nila. Sa Davao
na sila maninirahan.

Ikaapat na Pangkat – Isang araw,


pupunta sa palengke si Dory.
Inuutusan siya ng nanay na bumili
ng mga kailangan sa bahay. Sa
kaniyang paglalakad, nakita niya
ang mga kaibigan na naglalaro.
Tinawag nila si Dory at
inanyayahang sumali sa laro.

G. Paglalapat ng
aralin sa
pang-araw-araw na Ibigay ang sariling hinuha .
buhay
Nagpunta ang mag-inang sina Aling
Lita at Letty sa groseri. Punong-
puno ng tao ang groseri dahil sa
maraming namimili. Biglang nagulat
ang mag-ina. May nakita silang
tumatakbo habang ang matandang
babae ay humihiyaw, “Ang pitaka
ko!”
H. Paglalahat ng
aralin

Ang pagbibigay ng hinuha ay


pagbibigay ng maaaring kalabasan
ng isang pangyayari.

I. Pagtataya ng Panuto: Basahin ang talata . Sagutin


aralin ang mga tanong tungkol dito.

Malapit na ang paligsahan sa pag-


awit. Nagsasanay nang mabuti si
Boboy. Naghahanda siya ng
kaniyang isusuot para sa paligsahan
nang makita niyang sira na pala ang
kaniyangsapatos.Nagmamadali
siyang pumasok sa kuwarto ng
kaniyang ina. Nakita niya ang nanay
niyang nilalagnat.

1. Sino ang sasali sa paligsahan sa


pag-awit? 1.Si Boboy

2. Bakit kaya siya pumasok sa 2.Dahil sira na ang kanyang sapatos


kuwarto ng nanay?

3. Ano kaya ang nangyari kay


3. (Maaaring magkakaiba ang sagot
Boboy?
ng mga bata)

J. Karagdagang
gawain para sa
takdang-aralin at
remediation

IV. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan ng
iba pang gawain para
sa remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mga mag-aaral na
naka-unawa sa aralin

D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation

E. Alin sa mga
istratehiya sa
pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?

F. Anong suliranin
ang aking naranasan
na nasolusyunan sa
tulong ng aking
punongguro?

G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Neneveh Grace Rivera Princess Mayla A. Lagrada


Student Teacher Cooperating Teacher

You might also like