You are on page 1of 2

ST.

GREGORY COLLEGE OF VALENZUELA


#162 P. Faustino St., Punturin, Valenzuela City
S.Y. 2021-2022
Ikatlong Markahang Pagsusulit
Mother Tongue 1

Pangalan: ________________________________ Petsa: ______________

Baitang/Pangkat: Grade 1 – Love Iskor: _______________


I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay mga salitang naglalarawan sa isang pangngalan o panghalip.
a. pang-uri b. pandiwa c. pang-abay
2. Ito ay mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw ng isang pangngalan o panghalip.
a. pang-uri b. pandiwa c. pang-abay
3. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pang-uring panlarawan maliban sa _________.
a. malaki b. tahimik c. panlima
4. Ang mga bata ay magagalang sa mga nakatatanda. Tukuyin ang pang-uring ginamit sa
pangungusap.
a. bata b. magagalang c. nakatatanda
5. Ang kuya ni Jose ay mabait. Tukuyin ang pang-uring ginamit sa pangungusap.
a. kuya b. mabait c. Jose
6. Maputing-maputi ang sapatos ng nurse. Tukuyin ang pang-uring ginamit sa
pangungusap.
a. maputing-maputi b. sapatos c. nurse
7. Matatamis ang mga prutas na binili ni Nanay. Tukuyin ang pang-uring ginamit sa
pangungusap.
a. matatamis b. prutas c. binili
8. Pula ang kulay ng rosas. Anong uri ng pang-uri ang ginamit sa pangungusap?
a. pantangi b. panlarawan c. pamilang
9. Maraming bata ang nagpunta sa kaarawan ni Joy. Anong uri ng pang-uri ang ginamit
sa pangungusap?
a. pantangi b. panlarawan c. pamilang
10. Ang puno ng niyog ay mataas. Anong uri ng pang-uri ang ginamit sa
pangungusap?
a. pantangi b. panlarawan c. pamilang
11. Limang mag-aaral lamang ang naglinis ng silid-aralan. Anong uri ng pang-uri ang
ginamit sa pangungusap?
a. pantangi b. panlarawan c. pamilang
12. Sampung mag-aaral ang tumanggap ng medalya. Anong uri ng pang-uri ang
ginamit sa pangungusap?
a. pantangi b. panlarawan c. pamilang
13. Bumili ako ng apat na kendi. Anong uri ng pang-uri ang ginamit sa
pangungusap?
a. pantangi b. panlarawan c. pamilang
14. Malaki ang bahay ng aking kaibigan. Anong uri ng pang-uri ang ginamit sa
pangungusap?
a. pantangi b. panlarawan c. pamilang
15. Ang dalawang bata ay naglalaro. Anong uri ng pang-uri ang ginamit sa
pangungusap?
a. pantangi b. panlarawan c. pamilan
II. Panuto: Basahin ang mga salita. Piliin ang pandiwa sa bawat bilang.
1. kumatok malinis nanay
2. mahusay bilog umakyat
3. mataas makapal nagsulat
4. sundalo nagtanim suklay
5. umalis bola kami

III. Panuto: Piliiin ang wastong pang-abay na kukumpleto sa bawat pangungusap.


1. ___________ maglakad (masinop, paluhod)
2. ___________ sumigaw (mabagal, malakas)
3. ___________ tumalon (mataas, malalim)
4. ___________ pumila (matiyaga, malambing)
5. ___________ kumain (pagalit, tahimik)

IV. Panuto: Tukuyin ang uri ng pang-abay na may salungguhit sa bawat bilang.
1. Tuwing hapon kami naglalaro sa bakuran.
2. Si nanay ay namimili sa palengke.
3. Kami ay gagala sa parke mamaya.
4. Gising na si Nanay tuwing madaling araw.
5. Sumasayaw ang mga bata sa entablado.
6. Nagtago sa ilalim ng mesa ang pusa.
7. Bukas kami maglalaro ng kaibigan ko.
8. Sa Biyernes magtatanim ng mga gulay ang mga magsasaka.
9. Naghahanda kami tuwing Pasko.
10. Tinago ni ate ang laruan sa kwarto.

You might also like