You are on page 1of 2

Unang Markahang Pagsusulit

Filipino 4

Pangalan: ____________________________________ Petsa: _____________________

Baitang/Pangkat: ______________________________ Iskor: ______________________

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Siya ang bathala ng karagatan, ang lumikha ng mga isda at pang lamang dagat. Ano ang kasiingkahulugan ng may
salungguhit?
a. alipin b. Diyos c. Tagabantay d. Prinsesa
2. Isa itong uri ng akdang pampanitikan na tumatalakay sa pinagmulan ng iba’t ibang bagay sa mundo.
a. alamat b. sanaysay c. tula d. kuwento
3. Sa akdang Alamat ng Pusit, saan ang tagpuan ng kuwento?
a. isla b. puno c. lawa d. karagatan
4. Sila ang mga magulang ni Eric sa akdang nagbago na si Eric.
a. Aling Elvira at Mang Rod c. Aling Fe at Mang Josie
b. Aling Marta at Mang Fernan d. Aling Jo at Mang Samuel
5. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan kay Eric mula sa akdang Nagbago na si Eric?
a. Malinis at masinop sa sarili c. Marumi at hindi naliligo
b. Mabait at masunurin sa kaniyang mga magulang d. Maraming kaibigan at kinaaliwan ng lahat
6. Ano ang naging suliranin sa akdang nagbago na si Eric?
a. Siya ay hindi sumusunod sa kaniyang mga magulang.
b. Wala siyang mga kaibigan.
c. Siya ang hindi mahilig maligo at maglinis ng katawan.
d. Siya ay hindi mahilig mag-aral.
7. Ano ang nagbago sa pagkatao ni Eric?
a. Siya ay araw-araw nang naliligo.
b. Siya ay umalis sa kanilang tahanan.
c. Naging tahimik at mahiyain si Eric.
d. Siya ay naging bully sa kanilang lugar.
8. Paano nagbago si Eric?
a. Dahil sa kanyang mga magulang.
b. Dahil sa katakot-takot niyang panaginip.
c. Dahil sawa na siya sa pagiging marumi.
d. Hindi nagbago si Eric
9. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng kalinisan sa sarili?
a. pagligo araw-araw c. pagsuklay ng buhok
b. paggupit ng kuko d. pagkain nang hindi naghuuhugas ng kamay
10. Ang mga salitang guro, puno, at bulaklak ay mga halimbawa ng __________________.
a. Pangngalan b. Panghalip c. Pang-uri d. Pandiwa
11. Uri ng pangngalan na tumutukoy sa maramihan o pangkalahatang ngalan.
a. Pambalana b. Pantangi c. Tahas d. Basal
12. Ang mga pangngalang grupo at hukbo ay isang uri pangngalang ___________.
a. Tahas b. Basal c. Palansak d. Pambalana
13. Ang mga pangngalang kapayapaan, pagmamahal, at kalungkutan ay halimbawa ng pangngalang _________.
a. Tahas b. Basal c. Palansak d. Pambalana
14. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangngalang pambalana?
a. Bb. Karene b. Matematika c. Yakult d. laptop
15. Tumutukoy sa mga pangngalang maaaring gamitan ng limang pandama.
a. Tahas b. Basal c. Palansak d. Pambalana
16. Ang mga pangngalang kuya, tatay, at Ben ay may kasariang _______________.
a. pambabae b. di-tiyak c. walang kasarian d. panlalake
17. Alin sa sumusunod na mga pangngalan ang hindi kabilang sa pangnglang pambabae?
a. mag-aaral b. nanay c. tita d. ditse
18. Ano ang kasarian ng mga sumusunod na pangngalan: mag-aaral, kapatid, at guro.
a. pambabae b. di-tiyak c. walang kasarian d. panlalake
19. Ano ang kasarian ng mga pangngalang tumutukoy sa isang bagay?
a. pambabae b. di-tiyak c. walang kasarian d. panlalake
20. Siya ay aalis bukas patungong Amerika. Ang salitang may salungguhit ay halimbawa ng _____________.
a. Pangngalan b. Panghalip c. Pang-uri d. Pandiwa
21. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng panghalip panao na may unang panauhan?
a. sila b. ko c. kami d. kanila
1
22. Tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa panghalili sa pangngalan na sumasaklaw sa bilang o dami.
a. Panghalip Pananong c. Panghalip Pamatlig
b. Panghalip Panao d. Panghalip Panaklaw
23. Lahat ng nilalang ay mahal Diyos. Tukuyin ang panghalip panaklaw sa pangungusap.
a. mahal b. Diyos c. nilalang d. lahat
24. _____________ ang gagawin natin mamaya. Tukuyin ang wastong panghalip pamatlig na kukumpleto sa
pangungusap.
a. Ganito b. Nandiyan c. Hayun d. Iyon
25. _____________ ang kaarawan ng iyong bunsong kapatid? Tukuyin ang wastong panghalip pananong na kukumpleto
sa pangungusap.
a. Ilan b. Saan c. Kailan d. Ano

II. Panuto: Tukuyin ang pangngalang pambalana ng bawat pangngalang pantangi.


1. Practical English
2. Bb. Karene
3. St. Gregory College of Valenzuela
4. Pilipinas
5. Jansport

III.Panuto: Tukuyin ang pangngalang panlalaki o pangngalang pambabae na katumbas ng bawat pangngalan.
1. dalaga 6. maestra
2. tiyo 7. kuya
3. tandang 8. nanay
4. reyna 9. senyor
5. ginang 10. tindera

IV. Panuto: Isang liham ang ipinakikita sa ibaba. Salungguhitan ang panghalip na panao na bubuo sa bawat
pangungusap. Pumili sa mga panghalip na panao sa loob ng panaklong.

Mahal (niyang, kong, kitang) Emily,


Kumusta (ka, siya, ikaw) na? Pasensiya na at ngayon lamang (ikaw, tayo,ako) nakasagot sa sulat mo.
Malapit na kasi ang pagsusulit sa paaralan kaya abala (siya, ako, kami) sa pag-aaral. Ang paborito (mong, niyang, kong)
asignatura ay Science. Dahil hindi (ako, ikaw, ka) masyadong magaling sa Math, tinuturuan ako ni kuya Mio.

Sana magustuhan mo ang larawan na ipinadala (ko, mo, niya) kasama ng liham na ito. Ang buong
pamiliya (mo,ko,niya) ay pumunta sa isang resort sa Laguna. Pati si Lolo Manuel ay sumama sa (kanila, kayo, amin).
Nahalata mo ba sa larawan na tumangkad na si kuya Mio? Nahilig nga (sila, siya, ka) sa paglalaro ng basketbol.
Badminton naman ang hilig ko ngayon.

Hihintayin ko ang tawag mo sa Sabado dahil marami pa (akong, ikaw, siyang ) ikukwento sa iyo. Sabik
na akong marinig muli ang boses mo.

Nagmamahal,
Myra

You might also like