You are on page 1of 3

ST.

GREGORY COLLEGE OF VALENZUELA


162 P. Faustino St., Punturin Valenzuela City
S.Y. 2021-2022
Unang Markahang Pagsusulit
Filipino 5
Pangalan: ____________________________________ Petsa: _____________________
Baitang/Pangkat: ______________________________ Iskor: ______________________
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na aytem. Piliin ang titik ng tamang
sagot.
1. Siya ang pangunahing tauhan sa akdang Miriam Magic.
a. Miriam Quiambao c. Miriam Defensor-Santiago
b. Gloria Macapagal-Arroyo d. Gloria Diaz
2. Sa anong titulo pinakilala si senador Santiago?
a. Graft Buster c. Iron Lady of Asia
b. Queen of All Media d. Queen of Pickup Lines
3. Ano ang lubos na kinagigiliwan ng mga kabataan sa kaniyang mga talumpati at panayam?
a. punch lines c. quotable quotes
b. pick up lines d. bagong kaalaman
4. Anong sakit ang kaniyang nilabanan mula noong taong 2014?
a. diyabetes c. kanser sa baga
b. pulmonya d. karamdaman sa puso
5. Siya ang batan heneral sa tulang Goyong.
a. Gregorio S. del Pilar c. Emilio Aguinaldo
b. Marcelo H. del Pilar d. Andres Bonifacio
6. Si Goyong ay isang matapang na _________ na dapat ipagmalaki.
a. anak b. kapatid c. guro d. bayani
7. Ano ang propesiyon ni Bb. Corpuz sa akdang Aral na Natutuhan ni Binibining Corpuz?
a. guro b. pulis c. doctor d. inhinyera
8. Ano ang naging alalahanin ni Bb. Corpuz sa akda?
a. Ang kaniyang sakit na kanser.
b. Ang kaniyang mga pasaway na estudyante.
c. Ang kaniyang mga katrabaho.
d. Ang kaniyang mga gawain sa paaralan.
9. Bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari.
a. panghalip b. pangngalan c. pang-uri d. pandiwa
10. Tumutukoy sa pangngalang binubuo lamang ng salitang-ugat.
a. tambalan b. inuulit c. payak d. maylapi
11. Ang mga salitang punongkahoy, halamang-ugat, at dapithapon ay nasa anong kayarian ng pangngalan?
a. inuulit b. payak c. tambalan d. maylapi
12. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga kayarian ng pangngalan?
a. maylapi b. tambalan c. panlapi d. payak
13. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangngalang palansak?
a. hukbo b. grupo c. barkada d. mangingisda
14. Pangngalang tumutukoy sa bagay na isinasaalang-alang nang nag-iisa.
a. Palansak b. Di-Palansak c. Pambalana d. Pantangi
15. Tungkol sa kaniyang buhay ang talumpati. Ang pangngalang nakasalungguhit ay ginamit bilang?
a. Layong ng Pang-ukol c. Paksa
b. Layon ng Pandiwa d. Kaganapang Pansimuno

16. Ang kagandahan ay makikita sa kalooban ng tao. Ang pangngalang nakasalungguhit ay ginamit bilang?
a. Layon ng Pang-ukol c. Paksa
b. Layon ng Pandiwa d. Kaganapang Pansimuno
17. Bahagi ng pananalita na ginagamit upang maiwasan ang paulit-ulit na pagbanggit ng pangngalan.
a. Pangngalan b. Panghalip c. Pandiwa d. Pang-uri
18. Mga panghalip na ipinapalit sa ngalan ng tao.
a. Panghalip Panaklaw c. Panghalip Pamatlig
b. Panghalip Pamalit d. Panghalip Panao
19. Ito ay tumutukoy sa bilang o dami ng tinutukoy na panghalip.
a. panauhan b. bilang c. sukat d. kailanan
20. Piliin ang panghalip na hindi kabilang sa grupo.
a. anuman b. sinuman c. kayo d. saanman

II. A. Panuto: Bumuo ng isang pangungusap gamit ang mga sumusunod na pangngalan.

1. Pangngalan: Luneta Park


Pangungusap: __________________________________________________________

2. Pangngalan: paaralan
Pangungusap: __________________________________________________________

3. Pangngalan: Dr. Jose Rizal


Pangungusap: __________________________________________________________

4. Pangngalan: mag-aaral
Pangungusap: __________________________________________________________

5. Pangngalan: aklat
Pangungusap: __________________________________________________________

B. Panuto: Suriing mabuti ang sumusunod na mga pangngalan. Tukuyin ang uri at kasarian ng mga ito
(2 puntos bawat bilang).
1. Pangngalan: Binibining Corpuz
Uri ng Pangngalan: _____________________________
Kasarian ng Pangngalan: ________________________

2. Pangngalan: Mayor Rex Gatchalian


Uri ng Pangngalan: _____________________________
Kasarian ng Pangngalan: ________________________

3. Pangngalan: upuan
Uri ng Pangngalan: _____________________________
Kasarian ng Pangngalan: ________________________

4. Pangngalan: ninang
Uri ng Pangngalan: _____________________________
Kasarian ng Pangngalan: ________________________

5. Pangngalan: kapatid
Uri ng Pangngalan: _____________________________
Kasarian ng Pangngalan: ________________________

III. Panuto: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang at tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang
nakasalungguhit.
1. Nababagabag siya na baka malaman nila ang kaniyang lihim.
a. natitinag b. natatakot c. nag-aalala d. nag-aapura
2. Napakahigpit niya sa mga mag-aaral, kaya sila natatakot sa kaniya.
a. napakasikip b. napakalupit c. napakaingat d. napakaestrikto
3. Nahimasmasan si Pugita matapos matanggal ang napulupot niyang galamay sa kaniyang katawan.
a. natauhan b. kailaliman c. naisip d. napanatag
4. Sabay-sabay nilang naibulalas ang kanilang pagsasaya
a. biglang nasambit nang malakas c. pangkat
b. nilalang sa dagat d. sinilip
5. Si pugita ay isang matapang na lamandagat.
a. pagtatago c. nilalang sa dagat
b. isda sa dagat d. bantay sa dagat

IV. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng panghalip ang ginamit sa bawat pangungusap.
1. Tutulong ako sa pagpapanatili ng kalinisan sa aking kapaligiran.
2. Ang lahat ay may tungkuling dapat gampanan sa ating pamayanan.
3. Ang sinumang lalabag sa batas ay parurusahan.
4. Hayun ang mga ibong nagliliparan pabalik sa kanilang pugad!
5. Ito ang mundong ginawa ng Diyos para sa tao.
6. Gawin mo ang sa tingin mo ay tama.
7. Ang pangangalaga sa kalikasan ay responsibilidad ng bawat isa.
8. Marami kaming natutunan sa aming guro.
9. Siya ay marunong magkumpuni ng kahit anong bagay.
10. Lagi kitang sasamahan saanman sa mundo.

You might also like