You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED SCHOOL
Balete, Batangas City

Ikatlong Lagumang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8


Ikalawang Markahan

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat
ang titik ng iyong napiling sagot sa iyong sagutang papel.

1. Paano ka makaiiwas sa pananakit ng taong dahilan ng iyong galit?


a. suntukin na lamang ang pader
b. kumain ng mga paboritong pagkain
c. huwag na lamang siyang kausapin muli
d. isipin na lamang na sadyang may taong nakasasakit ng damdamin ng iba

2. Pangarap ni Joey na maging katulad sa kaniyang hinahangaang guro. Ngunit sinasabi ng kaniyang magulang
kung siya ay magiging Accountant ay madali siyang aasenso gaya ng kaniyang pinsan na ngayon ay nasa ibang
bansa.Malungkot si Joey ng di pagsang-ayon sa kaniyang mga magulang sa nais niya. Ngayon na siya ay nasa
unang taon sa kolehiyo sa kursong Accountancy nakita niya na angkop ang kaniyang kakayahan sa kursong
ito.Komportable siya sa kaniyang mga ginagawa . Ano ang nakapagbabago sa kalagayan ng kaniyang emosyon?
a. ang kaniyang mood b. ang naparaming nararamdaman
c. ang mga pagsubok na naranasan d. ang dikta ng kaniyang isip

3. Ito ay kagyat na tugon o reaksiyon ng tao sa mga bagay na kaniyang nakita, naramdaman, naamoy, nalasahan,
at narinig na binibigyan ng interpretasyon ng kaniyang pag – iisip.
a. kilos b. mood c. emosyon d. desisyon

4. Nasaktan mo ang iyong kapatid dahil sa hindi pagsunod sa inuutos mo sa kaniya.Ano ang mabisang paraan na
magkabalikan ang mabuti ninyong ugnayan?
a. sampalin ng kaliwa’t kanan ang pisngi b. magbigay ng regalo sa kapatid
c. humingi ng tawad sa nagawang di mabuti d. pagtawanan pagkatapos masaktan

5. Kung nalilito ka sa kursong gusto mong kunin.Sino ang taong gusto mong lapitan at magtanong?
a. mga barkada b. mga taong nakakatanda sa inyo
c. mga nakababatang kapatid d. mga palaboy – laboy sa daan

6. Ito ay nagbibigay palatandaan sa ibang tao ng tunay mong nararamdaman.


a. Ang ating mga opinion b. Ang ating mga kilos o galaw
c. Ang ating ugnayan sa kapwa d. Ang mabilis na pagtibok ng ating puso

7. Kinausap ng kaniyang guro si Hilda na kailangan niyang dagdagan pa ang kaniyang pagsisikap upang
makakuha na mataas na marka sa susunod na markahan. Ito ay dahil hindi naging kasiya – siya ang kaniyang
grado sa nakaraan. Nag- alala ng lubos si Hilda dahil baka hindi siya makapasa sa ganitong pagkakataon, anong
pagpapahalaga ang dapat patibayin upang mapagtagumpayan ang pagsubok na ito?
a. sumuko at umulit na lamang sa susunod na taon
b. tanggapin na lamang na sadyang may pangyayaring gaya nito
c. magkaroon ng katatagan ng loob at maniwala na kakayanin niya ito
d. humingi ng paumanhin sa guro sa nagging pagkukulang sa klase

8. Nagalit ka sa iyong magulang dahil sa pinagbawalan kang lumabas kung gabi na. Bilang pagpapakita ng galit
sa kanila ay hindi mo sinunod ang kanilang mga kautusan.Kinabukasan nabalitaan mo na lamang na ang iyong

Balete Integrated School Bridge.Inspire.Serve


Address: Balete, Batangas City
Telephone No.: (043) 726-5560
Email Address: 301470@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED SCHOOL
Balete, Batangas City

kaibigan ay binaril sa di kilalang mga tao.Ano ang masasabi mo sa mga magulang na laging nagpapaaalala sa
inyo?
a. mapagmahal na mga magulang b. mapagbaya na mga maglang
c. mapagkumbaba na mga magulang d. lahat ng nabanggit

9. Sa tuwing tayo ay nakararanas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon mahalaga na tayo ay magrelax.
Alin sa sumusunod ang hindi magandang paraan ng pag relax?
a. paglakad – lakad sa parke b. paninigarilyo
c. pagbabakasyon d. panonood ng sine

10. Gabi na nang makauwi si Ana mula sa praktis nila para sa gagawing pagtatanghal sa paaralan. Habang siya ay
naglalakad sa madilim na kalsada nakarinig siya ng kaluskos sa kung saan. Siya ay nagulat at nakaramdam ng
takot. Tinalasan ni Ana ang kaniyang pandinig at bilisan ang kaniyang paglalakad upang mas madali siyang
makarating sa kanilang bahay. Ano ang idudulot nito sakaling maranasan niya muli ang ganitong sitwasyon?
a. makapag – iingat si Ana
b. mapoprotektahan na ni Ana ang sarili
c. hindi na muling dadaan si Ana sa madidilim na kalsada
d. makaiiwas sa mga nakatatakot na sitwasyong maaring maranasan muli

11. Ang birtud na ito ay nagbibigay kakayahan sa tao na malampasan ang kahirapan, labanan ang mga tukso at
pagtagumpayan ang mga balakid tungo sa higit na maayos na pamumuhay.
A. Katatagan B. Pagmamahal C. KahinahunanD. Katarungan

12. Nasaktan mo ang iyong kapatid dahil ginamit niya ang iyong bag na walang paalam. Ano ang idinulot ng
iyong kilos?
A. Nailabas mo ang iyong sama ng loob
B. Hindi na niya inulit ang kanyang ginawa
C. Gumaan ang iyong loob dahil ikaw ay nakaganti
D. Nagkaroon ng suliranin sa ugnayan sa iyong kapatid

13. Nalilito si Roel kung anong kurso ang kukunin niya sa kolehiyo bagamat nakapasa siya sa pagsusulit para sa
iba’t - ibang kurso. Sa ganitong pagkakataon, ano ang pinakainam niyang gawin upang mapili niya ang angkop sa
kurso para sa kaniya?
A.Magtanong at humingi ng payo sa mga nakakatanda
B.Pumili alinman sa mga kurso dahil naipasa naman niya ang pagsusulit
C. Huwag munang mag-aral sa kolehiyo upang makapaglaan ng mahabang panahon sa pag-iisip
D. Pag-isipan at pag-aralang mabuti ang desisiyon na gagawin upang hindi magsisi sa huli.
14. Nagalit ka sa iyong kaibigan dahil nalaman mo na nililigawan niya ang iyong kasintahan. Pakiramdam mo ay
nainsulto ka sa kaniyang ginawa. Isang araw ay nakasalubong mo sila na masayang magkasama. Umiwas ka na
muna dahil sa iyong palagay ay hindi angkop ang oras na iyon para sa pag-uusap dahil matindi pa rin ang iyong
galit sa kaibigan mo. Ano ang kabutihang idudulot ng ginawa mong pagtitimpi (temperance)?
A. Nakaiiwas sa pananakit sa sarili at sa kapwa
B. Napatutunayan ang kabutihan ng sarili sa iba
C. Nahaharap ang matinding pagsubok sa buhay
D. Nakaiiwas sa pag – iisip ng solusyon sa suliranin

15. Gabi na nang makauwi si Ana mula sa praktis nila para sa gagawing pagtatanghal sa paaralan. Habang siya ay
naglalakad sa madilim na kalsada nakarinig siya ng kaluskos sa kung saan. Siya ay nagulat at nakaramdam ng

Balete Integrated School Bridge.Inspire.Serve


Address: Balete, Batangas City
Telephone No.: (043) 726-5560
Email Address: 301470@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED SCHOOL
Balete, Batangas City

takot. Tinalasan ni Ana ang kaniyang pandinig at binilisan ang kaniyang paglalakad upang mas madali siyang
makarating sa kanilang bahay. Ano ang idudulot nito sakaling maranasan niya muli ang ganitong sitwasyon?
A. Makapag – iingat si Ana
B. Mapoprotektahan na ni Ana ang sarili
C. Makaiiwas sa mga nakakatakot na sitwasyon mararanasan sa sarili
D. Lahat ng nabanggit

II. Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung hindi wasto.
_________16. Ang damdamin ang pinakamahalagang larangan sa pag – iral ng tao.
_________17. Nararamdaman muna ang mga pagpapahalaga bago mahusgahan ang mga ito.
_________18. Sa gitna ng pagkabalisa at agam – agam, mahalagang pairalin ang galit sa puso.
_________19. Sa gitna ng galit at matinding pagdaramdam, pairalin ang kahinahunan.
_________20. Ang wastong pamamahala sa emosyon ay magdudulot ng kabutihan sa sarili at sa
pakikipagkapwa.
_________21. Ang emosyon na hindi napapamahalaan ay maaring maganda ang impluwensiya sa ating mga
kilos.
_________22. Ang lahat ng tao ay may kakayahang mapamahalaang maayos ang kaniyang emosyon.
_________23. Madaling makabangon sa pagsubok ng buhay ang mga taong marunong mamahala sa kanilang
sariling emosyon.
_________24. Upang malampasan ang kahirapan at takot kailangan ng tao ang katatagan ng loob.
_________25. Gumanti kaagad kung ikaw ay may galit sa iba

III. Panuto: Kumpletuhin ang batayang konsepto. Piliin sa kahon ang angkop na salita. Isulat ang sagot sa bawat
patlang.

Ang pagtataglay ng mga (26) ___________________ at (27) __________________ ay nakatutulong sa


pagpapaunlad ng (28) ____________at (29) ______________. Ang (30) _____________ (fortitude) at (31)
__________________(prudence) ay nakatutulong upang harapin ang matinding (32) ______________,
matinding (33) _________________,
(34) _______________ at (35) _________________.

Balete Integrated School Bridge.Inspire.Serve


Address: Balete, Batangas City
Telephone No.: (043) 726-5560
Email Address: 301470@deped.gov.ph

You might also like