You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Divisyon ng Ilocos Sur
Sulvec Integrated School

SUMATIBONG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7


IKAAPAT NA MARKAHAN
(Module 5 & 6)

A .Piliin ang wastong damdamin na namayani sa akda at isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang naramdaman ng hari nang mapunang hindi kasama ng magkapatid si Don Juan?
A. sakit B. galit C. lungkot D. saya
2.Nakaranas ka na rin ba ng matinding pagsubok sa buhay?Paano mo ito napagtagumpayan?
A. Oo,kinalimutan B. Oo,pinagdasal C. Oo,pinagalitan D. Oo,pinabayaan
3.Paano ipinakita ni Haring Fernando ang tunay na pagmamahal sa pamilya?
A. pagpakumbaba B. pagtitimpi C. pagkagalit D. pagdurusa
4.Bilang kabataan, ano ang pinakamahalagang damdamin na dapat ipairal sa magkakapatid upang mapaunlad ang
ugnayan sa isa’t isa?
A. pagmamahal B. pagtutulungan C. pag-uunawaan D. pagtitiyaga
5.Bakit mahalaga ang pananampalataya at determinasyon sa pagharap sa mga hamon ng buhay?
A. Dahil kailangan ang pagtitiyaga sa gawain C. Sapagkat mahalaga ang pagharap sa mga pagsubok
B. Upang mapaunlad at malampasan ang pagsubok sa buhay D. Upang malalaman ang kahirapan sa buhay

B. Panuto: Piliin ang titik ng wastong solusyon sa mga suliranin na ipinahayag sa bawat bilang. Isulat ang letra ng
iyong sagot sa sagutang papel.

6. Ang inggitan at awayan ng magkakapatid ay isang pangyayaring nagaganap hindi lang kina Don Pedro, Don Diego
at Don Juan na naging dahilan kaya nagtaksil si Don Pedro sa kanyang kapatid.Paano mo ito maiiwasan?
A. Laging isipin ang pagmamahal sa kapatid. C. Kalimutan ang mga kapatid.
B. Palaging gawin ang pagkuha ng hindi sa iyo. D. Huwag makikipag-usap sa iba.
7. Kadalasan ang mga taong nasa mataas na posisyon ay sila pa ang dahilan kung bakit marami ang naghihirap na mga
mamamayan. Anong solusyon ang nararapat gawin para maiwasan ito?
A. Pagpili sa nararapat mamuno ng walang kapalit C. Pagsunod sa mga tuntuning ipinapatupad
B. Pagtulong sa ating pamayanan ng bukas sa puso D. Lahat ng nabanggit
8. Ang patuloy na paglaganap ng karahasan katulad ng pananakit,pagiging bayolente at paggamit ng dahas sa
kasalukuyan ay kinamulatan ng kabataan at nagdudulot ng hindi maganda sa ating mga kabataan. Paano
mapipigilan ang patuloy na paglaganap nito?
A. Ipamulat ang tamang pag-uugali at ilayo sa mga magulong lugar ang iyong anak
B. Palakihin ang bata sa malupit na pagdidisiplina
C. Bigyan ng matinding pagpaparusa kapag may nagawang mali
D. Ibigay ang lahat ng gusto ng bata
9. Ang labis na pagpapahalaga sa kapangyarihan at salapi ay karaniwang nagiging dahilan ng pagkasira ng relasyon sa
ating kapwa at pamilya. Paano ito mabibigyan ng solusyon na maiwasan ang ganitong sitwasyon.
A. Ibigay ang lahat ng kayamanan sa paboritong anak
B. Pagiging pantay at pagkakaintindihan ng bawat isa
C. Kalimutan ang mga kapatid at pamilya para sa pera
10. Maraming kabataan ang walang sariling paninindigan at nagiging sunudsunuran kahit masamang impluwensiya
ang dulot nito sa kanila. Maiiwasan ang ganitong bagay sa pamamagitan ng ___________.
A. Pagiging sarado ang isipan sa payo ng magulang
B. Pakikinig sa mga maling payo ng kaibigan
C. Pagtitiwala sa sariling kakayahan at pag-iwas sa mga maling tao na may masamang dulot sa iyo.
D. Sundin ang makapagbibigay sa iyo ng kasiyahan
C. Panuto: Suriin ang mga pangyayari sa ibaba. Lagyan ng tsek(/) ang patlang kung ang mga suliraning panlipunan na
ito ay nabanggit sa binasa. Ekis (X) naman ang ilagay kung hindi.
____ 11.Ang pagiging bayolente, pananakit, o paggamit ng dahas laban sa kapwa
____ 12.Ang kawalan ng sariling paninindigan at pagiging sunod-sunuran sa masamang impluwensiya ng iba
____ 13.Ang paggawa ng masama para lang mapagtakpan ang isang kabiguan o kahihiyan.
____ 14.Ang hindi malabis na pagpapahalaga sa kayamanan o salapi.
____ 15.Ang pagsasamantala ng isang pinuno o lider sa kanyang nasasakupan.

B. Sagutin ng TAMA o MALI ang mga suliranin o solusyon sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

______16. Pagtulong sa mga mahihirap na lubos na nangangailangan ng pagdamay.


______17. Pagsama sa mga gawaing illegal para mapadali ang Paghahanap ng pagkakitaan.
______18 Laging makisama sa mga kaibigan na gumagamit ng bawal na gamot.
______19. Makinig sa mga payo ng magulang upang hindi matulad sa mga naliligaw ang landas.
______20.Sisihin ang magulang dahil sa sobrang kahirapan na nararanasan

You might also like