You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CONCEPCION EAST DISTRICT
CAFE ELEMENTARY SCHOOL
Concepcion, Tarlac
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CONCEPCION EAST DISTRICT
CAFE ELEMENTARY SCHOOL
Concepcion, Tarlac
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGKAKATAO 6

Pangalan_________________________________________________Iskor______________
Baitang/Pangkat_________________________________________ Petsa____________
Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Inanunsyo ng inyong guro na magkakaroon kayo bukas ng pagsusulit sa asignaturang Filipino. Ano ang dapat mong
gawin?
a. Mag-aral ng mga aralin
b. Maglaro kasama ang mga kaibigan
c. Sumama sa mga kakilala sa pagpasyal
d. Matulog at magbasa ng magasin upang malibang

2. Araw ng Sabado, inutusan si Rita ng kaniyang ina na mamili ng mga sangkap na kakailanganin sa pagluluto ng
tanghalian. Nakita ni Rita na maraming tao ang namimili. Ano ang nararapat niyang gawin?
a. Uunahan nalang mga unang nakapila
b. Pupunta muna sa kaibigan upang makipaglaro
c. Uuwi at sasabihin na wala ang ipinabibili sa kaniya
d. Pipilitin na makabili ng mga sangkap na kakailanganin

3. Ang iyong paaralan ay may programa na ilulunsad sa darating na Biyernes. Ito ay tungkol sa pagtulong sa mga
kabataan na hindi na nag- aaral. Ano ang maaari mong gawin?
a. Huwag sumali at maglaro na lamang
b. Baliwalain ang programa sa paaralan
c. Magdahilan na may gagawin sa araw ng Biyernes
d. Sumali sa programa na ilulunsad ng iyong paaralan

4. Ang iyong nakababatang kapatid ay nahihirapan sa pagsagot ng kaniyang takdang-aralin. Bilang kuya o ate, ano ang
dapat mong gawin?
a. Pagtawanan dahil hindi siya magaling
b. Tulungan ang kapatid sa abot ng makakaya
c. Pabayaan lamang na mahirapan ang iyong kapatid
d. Payuhan ang magulang na humanap ng magtuturo sa kaniya

5. Ang iyong barangay ay naglunsad ng programa tungkol sa paglilinis ng kapaligiran. Gusto mong makilahok ngunit
niyaya ka ng iyong kaibigan na pumunta sa pook-pasyalan. Ano ang gagawin mo?
a. Sasama sa kaibigan kahit na napipilitan
b. Yayayain ang kaibigan na sumali sa programa
c. Magsisinungaling sa kaibigan na masama ang pakiramdam
d. Sabihin na mas magandang mamasyal kaysa sa programa ng barangay

6. Malakas ang ulan at nakita mong nababasa ang nakatali ninyong aso na si Brownie sa harap ng gate. Ano ang dapat
mong gawin?
a. Hahayaan ko lang siya
b. Uutusan ko ang aking ina na isilong si Brownie
c. Mabilis na ililipat si Brownie upang hindi mabasa
d. Pagtatawanan ko pa siya habang siya ay nababasa

7. Naiwan kayo ng bunso mong kapatid sa inyong bahay nang mapansin mong inaapoy siya ng lagnat. Ano ang iyong
gagawin?
a. Hihingi ako ng tulong sa aming kapit-bahay
b. Hihintayin ko ang aking ama at ina sa pag-uwi ng bahay
c. Uupo lang ako at hahayaan ko siyang kumuha ng kanyang gamot
d. Makikipaglaro ako sa aking kapatid upang mawala ang kaniyang Sakit

8. Araw ng Linggo ay niyaya ka ng iyong kaibigan sa kaniyang kaarawan. Ikaw ay kasalukuyang nag-aaral para sa iyong
pagsusulit. Ano ang nararapat mong gawin?
a. Hahayaan ko lang ang aking kaibigan
b. Sasabihin kong susunod ako agad sa kanya

Address: Brgy. Cafe, Concepcion, Tarlac


Telephone No.: 0949-4459198
Email Address: 106393.cafees@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CONCEPCION EAST DISTRICT
CAFE ELEMENTARY SCHOOL
Concepcion, Tarlac
c. Hihingi ng payo mula sa aking mga magulang
d. Ititigil ang aking pagbabasa at dadalo sa kaniyang kaarawan

9. Nakaligtaan mo na magdasal bago kumain dahil sa sobra mong pagkagutom. Ito ay karaniwan mong ginagawa araw-
araw. Ano ang dapat mong gawin?
a. Ipagpapatuloy ang pagkain
b. Magdarasal nalang pagkatapos kumain
c. Titigil sa pagkain at uumpisahan ang pagdarasal
d. Di na ako magdadasal kasi wala naman nakakakita

10. Natamaan ka ng bola ng iyong pinsan sa mukha nang hindi sinasadya. Humingi ito ng tawad sa iyo habang
pinupunasan ang dugo na tumutulo sa iyong ilong. Ano ang iyong gagawin?
a. Isusumbong ko siya sa aking tatay
b. Hindi na ako ulit sasama sa aking pinsan
c. Gagawin ko rin kung ano ang ginawa niya sa akin
d. Patatawarin ko ang aking pinsan dahil hindi niya ito sinasadya

11. Ang mga kabataan ngayon ay madaling maniwala sa mga nakikita nila sa social media. Ano ang dapat nilang tandaan?
a. Maging mapanuri sa lahat ng pagkakataon
b. Sundin ang lahat ng nakikita sa social media
c. Gayahin lahat ng nababasa sa social media
d. Maniwala sa lahat ng post sa facebook dahil ito ay totoo

12. Nakahiligan na ng kapatid ni Eric ang manood sa Youtube at maniwala sa anumang nakikita rito. Ano ang maipapayo
mo sa kaniya?
a. Ipagpatuloy ang kaniyang ginagawa
b. Suportahan siya sa kaniyang kagustuhan
c. Ipaliwanag sa kaniya ang kahalagahan ng pagiging mapanuri
d. Sabihin na sundin lahat ng nababasa at napapakingan sa youtube

13. Kailangan ni Angel ang pagsasaliksik ng impormasyon para sa kaniyang takdang-aralin tungkol sa COVID-19. Anong
solusyon ang iyong ibabahagi?
a. Ipagtanong sa mga kaibigan ang tungkol dito
b. Makinig at paniwalaan ang usapan ng mga kapit-bahay
c. Kumuha ng impormasyon kung sinu-sino
d. Pumunta sa mga lehitimong sanggunian sa internet upang makakuha ng
wastong impormasyon

14. Habang naghahanap si May ng impormasyon tungkol sa kaniyang takdang-aralin ay biglang may lumabas sa screen
ng kaniyang kompyuter na siya ay nanalo ng isang iphone. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Agad paniwalaan ito
b. I-click agad ito upang makuha ang premyo
c. Itanong sa magulang kung ito ba ay totoo o hindi
d. Kausapin agad kung sino ang contact person doon

15. Habang gumagamit ng telepono si Joseph ay may nabasa siyang isang post tungkol sa nakamamatay na sakit. Ano ang
dapat niyang gawin?
a. Huwag na lamang itong pansinin
b. Agad na maniwala sa nabasa
c. Ipagkalat agad ito sa mga kaibigan
d. Magsaliksik kung ito ay tototo o hindi

16.Alam ni Edgar na hindi na siya kayang pag-aralin ng kaniyang mga magulang dahil sa mas marami ng gastusin simula
Junior High School. Ipinaintindi ito sa kaniya ng kaniyang mga magulang kaya hindi siya nagalit o nagtanim ng sama ng
loob. Ano ang katangiang tinataglay ni Edgar?
a. pagkamatiyaga
b. pagkabukas ng isipan
c. pagkamahinahon
d. pagmamahal sa katotohanan

Address: Brgy. Cafe, Concepcion, Tarlac


Telephone No.: 0949-4459198
Email Address: 106393.cafees@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CONCEPCION EAST DISTRICT
CAFE ELEMENTARY SCHOOL
Concepcion, Tarlac

17. Maraming basura ang nakita ni Myrna sa likuran ng kanilang paaralan. Hindi pala nakuha ang mga ito ng basurero at
ngayon ay nakakalat na. Dali-daling kumuha ng walis at dustpan si Myrna upang linisin ang basura upang hindi
makaperwisyo ang amoy nito sa ibang mag-aaral. Ano ang katangian tinataglay ni Myrna?
a. pagiging malinis
b. may paninindigan
c. mapanuring kaisipan
d. pagiging mahinahon

18. Inimbita ka ng iyong kaklase na magpunta pagkatapos ng klase sa kanilang bahay. Ngunit nagbilin ang nanay mo na
umuwi ka ng maaga dahil babantayan mo ang nakababata mong kapatid. Ipinaliwanang mo sa iyong kaklase kung bakit
kailangan mong umuwi ng maaga. Anong katangian ang ipinakita ng tauhan sa senaryo?
a. kaalaman
b. lakas ng loob
c. pagiging responsible
d. may paninindigan

19. Sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi nawalan ng pag-asa si Julia na balang araw magiging maayos din ang buhay ng
kaniyang pamilya. Araw- araw niyang ipinagdarasal ito sa Panginoon. Anong katangian ang ipinakita Julia?
a. may paninindigan
b. katatagan ng loob
c. may pananampalataya
d. pagmamahal sa katotohanan

20. Bawat buwan ay nagpapadala si Marta ng sahod na natatanggap niya upang ipambili ng pagkain para sa magulang at
mga kapatid. Anong katangian ang ipinapakita ni Marta?
a. kaalaman
b. lakas ng loob
c. bukas na isipan
d. pagmamahal sa pamilya

21. Sinabi ng kapitbahay mo na ang iyong kapatid ay palaging lumiliban sa klase. Ano ang gagawin mo?
a. Pagagalitan ko ang aking kapatid.
b. Pagagalitan ko ang aking kapitbahay.
c. Isusumbong ko ang aking kapatid sa aming mga magulang.
d. Kakausapin ko ang aking kapatid tungkol dito, tatanungin ko siya kung
bakit siya lumiliban sa klase at ipaliliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral

22. Pumapangalawa ka sa klase ninyo sa Mathematics. Mayroong paligsahan sa inyong paaralan at ang kasali sa contest
ay absent. Ikaw ang napiling ihalili. Ano ang iyong gagawin?
a. Sasali sa paligsahan.
b. Hindi ka sasali sa paligsahan.
c. Sasabihin mo sa titser na iba na lang ang isali sa paligsahan.
d. Sasabihin sa titser mo na hintayin na lang pumasok ang iyong
kaklase na lumiban.

23. Niyaya ka ng kaibigan mong maligo sa ilog. May pasok kayo sa araw na iyon at mahigpit na ipinagbabawal ng iyong
magulang ang maligo sa ilog. Ano ang iyong gagawin?
a. Sasama kang maligo sa ilog.
b. Sasama ka ngunit hindi maliligo.
c. Hindi ka sasamang maligo sa ilog.
d. Uuwi ka muna ng bahay at magpapaalam sa iyong mga magulang.

24. Nakita mong umiiyak ang kapatid mo habang nakikipaglaro sa batang kapitbahay ninyo. Ano ang gagawin mo?
a. Pagagalitan ko ang aking kapatid.
b. Pagagalitan ko ang batang kapitbahay namin.
c. Tatanungin ko ang aking kapatid kung bakit siya umiiyak at pauuwiin.
d. Sasali ako sa kanilang laro at aawayin ko ang batang kapitbahay namin.

Address: Brgy. Cafe, Concepcion, Tarlac


Telephone No.: 0949-4459198
Email Address: 106393.cafees@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CONCEPCION EAST DISTRICT
CAFE ELEMENTARY SCHOOL
Concepcion, Tarlac
25. Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng toyo at suka sa tindahan. Pagkatapos mong bumili, nalaman mong sobra ang
isinukli sa’yo ng tindera. Ano ang gagawin mo?
a. Isasauli ko agad-agad sa tindera ang sobrang sukli.
b. Uuwi ako sa bahay at hihingin kay nanay ang sobrang sukli.
c. Tatanungin ko muna si nanay kung ano ang gagawin sa sobrang sukli.
d. Ipambibili ko ng kendi ang sobrang sukli para sa aking nakababatang
kapatid.

26. Ang pagpapahalaga at ang pagsang-ayon sa pasya ng nakararami ay isang katangian na kaaya-aya bilang isang kasapi
ng pamilya. Paano mo ito maipapakita?
a. Magsasawalang kibo na lamang kung sila ay nakapagpasya na.
b. Hayaan silang magdesisyon dahil wala ka namang maitutulong.
c. Magbibigay ng iyong sariling pananaw at hindi susunod sa kanila.
d. Bigyang halaga, respetuhin at tumulong upang maisakatuparan ang desisyon ng nakararami.

27. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos at matatag na pamilya?
a. Pagpadami ng mga anak.
b. Pagbibigay ng luho sa mga anak.
c. Balewalain ang karapatan ng bawat kasapi pamilya.
d. Pagkakaroon ng responsableng ama at mapagmahal na ina na nagsasama nang matiwasay at payapa.

28. Ang pamilya Vergara ay sama-samang nagsisimba tuwing Linggo at sama- sama ring nananalangin sa araw-araw.
Anong katangian ang ipinapakita ng pamilyang ito na dapat tularan?
a. Pamilyang nagkakaisa sa pananampalataya.
b. Pamilyang may pagmamahal at respeto sa isa’t isa.
c. Pamilyang may malasakit sa karapatan ng bawat isa.
d. Pamilyang nagkakaunawan at nagbibigayan suporta sa bawat kasapi

29. Ang pagsang-ayon ay pagtanggap, pagpayag at pakikiisa sa opinyon ng iba. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng
pagsang ayon sa nakararami?
a. “Wala na ba kayong maisip na paraan?”
b. “Bakit kailangan sundin ang plano?”
c. “Bakit hindi ninyo naisipang ibahin ang plano?”
d. “Kaisa mo ako sa bahaging iyan, lubos akong nananalig.”

30. Bakit natin pinahahalagahan ang makakabuti para sa nakakarami?


a. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat kasapi.
b. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
c. Upang maiwasan ang pagkamasarili.
d. Lahat ng sagot ay tama.

31. Pumunta ka sa isang aklatang-bayan. Hinihingi ang impormasyon ng iyong tirahan.


a. Ibibigay mo ang kumpletong address ayon sa hinihingi.
b. Ibibigay mo ang buong pangalan ng tatay at nanay mo.
c. Ibibigay mo ang address ng iyong paaralan.
d. Alamin muna bakit hinihingi.

32. May dumating sa bahay ninyo na bagong katulong o kasambahay. Gabi na at bukas pa uuwi ang mga magulang ninyo.
a. Pabalikin siya kinabukasan.
b. Patuluyin mo siya at patulugin sa gabi.
c. Hayaan mo siyang maghintay sa labas ng bahay.
d. Ipagbibigay alam sa kaniya na ang mga magulang mo ay umalis pa at uuwi ang mga ito kinabukasan.

33. May dumating, nagpapakilalang kolektor ng appliances. Wala sa bahay ang nanay at tatay mo. Hinihingi niya ang
cellphone number ng mga magulang mo. Ano ang gagawin mo?
a. Papasukin ang tao sa bahay at papaghintayin sa tawag ng iyong ina.
b. Humingi ng opinyon ng kapitbahay kung papasukin ang tao.
c. Hindi papasukin ang tao at tawagan ang iyong ina sa cellphone.
d. Isara ang pinto at hayaang maghintay ang tao sa labas.

Address: Brgy. Cafe, Concepcion, Tarlac


Telephone No.: 0949-4459198
Email Address: 106393.cafees@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CONCEPCION EAST DISTRICT
CAFE ELEMENTARY SCHOOL
Concepcion, Tarlac
34. May isang van na huminto sa tapat ng bahay ninyo. Lumabas ang isang lalaki at nagbalitang naaksidente ang kapatid
mo at kasalukuyang nasa ospital. Nasa trabaho pa ang mga magulang mo. Ano ang gagawin mo?
a. Ikaw na lang ang sasama sa ospital.
b. Magtatanong sa kapitbahay ano ang gagawin.
c. Ipagbibigay alam at hihikayatin ang mga kaibigan na sumama ospital.
d. Ipaaalam sa mga magulang ang nangyari at hintayin ang kanilang desisyon.

35. Lilipat ka ng papasukang paaralan. Kakailanganin ang mga impormasyon ng pamilya mo sa iyong mga sasagutin. Alin
sa sumusunod ang hindi kasama?
a. Pangalan ng nanay mo sa pagkadalaga. b. Edad at pangalan ng iyong mga kapatid.
c. Iyong mga kaibigan at nakaraang mga kaklase. d. Buong pangalan ng tatay at pinagta-trabahuhan niya.

36. Nakita mo sa facebook na kinansila ang pasok dahil sa malakas na hangin at pabugso-bugsong ulan.
a. Maniwala at huwag ng pumasok.
b. Alamin sa mga kaibigan kung totoo na walang pasok.
c. Itanong sa guro kung totoo ang impormasyong iyong nabasa.
d. Sasabihin sa ina na walang pasok dahil sinabi ito ng iyong kaklase.

37. Nag-chat ang kaibigan mo tungkol sa programa para sa Buwan ng Wika. Nagtatanong siya kung ano ang isusuot sa
palatuntunan. Ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong siya sa guro dahil hindi siya nakinig.
b. Hayaan na makadalo sa palatuntunan ng paaralan na walang dala.
c. Ipagbigay alam sa kaibigan ang mga palabas at kung ano ang dapat.
d. Ibigay agad sa kaniya ang lahat ng impormasyong nalalaman tungkol
sa programa sa Buwan ng Wika.

38. May umugong na balita na may naganap na nakawan sa Barangay. Isang araw, kumatok sa pinto ang isang lalaki at
sinasabing kaibigan siya ng kaniyang mga magulang. Pinapasok naman siya ng bata sa kanilang bahay kaya malayang
nakapagnakaw ang kawatan. Kung ikaw ang bata, ano ang iyong gagawin?
a. Isara ang pinto at hayaang maghintay ang tao sa labas.
b. Papasukin ang tao sa bahay at pahihintayin sa iyong ina.
c. Humingi ng opinyon ng kapitbahay kung papasukin ang tao.
d. Hindi papasukin ang tao at tatawagan ang iyong ina upang itanong
kung totoong kaibigan siya.

39. Una mong nabasa sa inyong group chat na mayroong Clean-Up Drive sa inyong paaralan upang maiwasan ang
pagbara ng estero at makaiwas sa sakit na dengue. Batid mong hindi pa ito alam ng iyong mga kaklase at kaibigan. Ano
ang gagawin mo?
a. Ipaaalam sa mga kaklase kung tapos na ang Clean-Up Drive dahil marami pa namang pagkakataon
b. Ipagbibigay alam at hihikayatin ang mga kaibigan mo na sumama sa Clean Up Drive.
c. Ikaw na lamang ang sasama sa Clean-Up Drive
d. Wala ang sagot sa mga nabanggit.

40. Nalaman mo sa isang pagsaliksik sa social media na ang palagiang paglalaro ng mobile legend ay nakakasama. Alam
mo na ang iyong kapatid na lalaki ay palaging naglalaro nito. Ang gagawin mo ay...
a. Hahayaan ang kapatid.
b. Pagagalitan ang kapatid.
c. Sasabihin sa magulang ang iyong natuklasan.
d. Sabihin na iwasan ang palagiang paglaro ng mobile legend dahil may masamang epekto ito.

41. Tinatanong ka ng inyong punongguro kung ano pangalan ng mga magulang mo. Ano ang gagawin mo?
a. Isusulat mo sa papel ang mga pangalan nila.
b. Itanong muna sa guro kung ano ang gagawin mo.
c. Alamin sa mga kaibigan kung ano ang ginawa nila.
d. Sasabihin mo ang buong pangalan ng mga magulang mo.

42. Sa application form kailangan mong isulat ang petsa ng kapanganakan ng


nanay mo. Ano ang gagawin mo?
a. Mamaliin ang petsa.
b. Sasagutin at isusulat mo ang petsa.

Address: Brgy. Cafe, Concepcion, Tarlac


Telephone No.: 0949-4459198
Email Address: 106393.cafees@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CONCEPCION EAST DISTRICT
CAFE ELEMENTARY SCHOOL
Concepcion, Tarlac
c. Laktawan ang tanong sa application form.
d. Tatanungin mo ang kuya mo kung sasagutin ito.

43. May census enumerator ng Barangay na dumating sa bahay ninyo. Hinihingi niya ang cellphone number ng tatay mo.
Ano ang gagawin mo?
a. Ibigay mo dahil saulado mo ito.
b. Papasukin ang tao sa bahay at pahintayin sa iyong tatay.
c. Humingi ng opinyon ng kapitbahay kung papasukin ang tao.
d. Isara ang pinto at hayaang maghintay ang tao sa labas.

44. Tumawag ang Tatay mo galing sa ibang bansa. Hinihingi niya ang ATM number ng nanay. Magpapadala siya ng pera.
Ano ang gagawin mo?
a. Ibibigay mo ang numero dahil saulado mo na ito at wastuhin mo pagkatapos.
b. Paghintayin ang tatay sa pag-uwi ng nanay galing palengke.
c. Itanong sa kapatid ang tamang numero.
d. Wala ang sagot sa mga nabanggit.

45. Inaalam ng taong ka-chat mo ang pagkakakilanlan mo. Alin sa mga ito ang dapat mong ilihim sa kaniya?
a. PIN ng ATM mo
b. Buong pangalan mo
c. Tirahan at edad mo
d. Pangalan ng mga miyembro ng pamilya mo

46. Si Mang Ernie ay may mga kaibigan. Ilan sa kanila ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Ibinibigay niya sa mga ito ang
cellphone number at e-mail address niya. Sa tingin mo, tama ba ang ginawa ni Mang Ernie?
a. Hindi, kasi kailangan huwag basta basta ipagkatiwala ang impomasyon tungkol sa iyong sarili.
b. Oo, kasi mga kakilala niya ang mga ito.
c. Oo, kasi ito ay kaniyang kaibigan
d. Wala sa nabanggit

47. Nawala mo ang pambayad sa kuryente. Sinabihan ka ng pinsan mo na ipaalam ang totoo sa iyong mga magulang kahit
na magalit at malungkot sila dahil inutang lamang ang pera nanaiwala mo. Ano ang iyong imumungkahi?
a. Hindi ko papakingan ang payo ng pinsan.
b. Ipagwawalang bahala ang aking napakinggan.
c. Susundin ang sinabi ng aking pinsan dahil ito ang nararapat gawin.
d. Sasabihin kong siya ang nakawala ng pambayad sa kuryente.

48. Ito ay tawag sa pagbili ng aksyon o gagawin sa ibat-ibang sitwasyon?


a. Pagdesisyon b. Paggawa
c. Pagpasiya d. Pagsangguni

49. Ano sa palagay mo ang magandang bunga nang mabuti at mapanuring pagpapasya?
a. Walang magandang naidudulot nito sa tao.
b.May naibibigay itong magandang bunga sa tao
c. Ito ay nagiging dahilan ng pag-aaway.
d. Wala sa mga nabanggit.

50. May meeting ang inyong samahan sa EsP at napagpasyahan ng marami na


sasama sa Clean up drive ng paaralan. Hindi ka sumama dahil tinatamad ka. Kung ikaw ang nasa sitwasyon, ano ang
gagawin mo?
a. Matutulog nalang ako sa bahay
b. Magkukunwari akong nagkasakit
c. Sasama ako upang makatulong sa pangangalaga sa kapiligiran.
d. Hindi ako sasama sa kanila dahil wala din naman itong maitutulong sa akin

_____________________________
Parent’s Signature
Prepared by:
LEA G. SAMBILE / RIZA G. DELA CRUZ
Teacher III / Master Teacher - I

Address: Brgy. Cafe, Concepcion, Tarlac


Telephone No.: 0949-4459198
Email Address: 106393.cafees@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CONCEPCION EAST DISTRICT
CAFE ELEMENTARY SCHOOL
Concepcion, Tarlac

Checked by: School Validation/QR Team:


ARLENE P. TANEDO
School LRMS Coordinator

ELVIRA T. VELOSO RIZA G. DELA CRUZ,EdD MARIVIC S. WONG


Content Validator Content Validator Illustrator Validator

LEA G. SAMBILE
Layout Validator

Noted by:

WILSON G. MATAGA
ESHT – III

Susi sa pagwawasto:

Address: Brgy. Cafe, Concepcion, Tarlac


Telephone No.: 0949-4459198
Email Address: 106393.cafees@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CONCEPCION EAST DISTRICT
CAFE ELEMENTARY SCHOOL
Concepcion, Tarlac
1. a
2. d
3. d
4. b
5. b
6. c
7. a
8. a
9. c
10.d
11.a
12.c
13.d
14.c
15.d
16.b
17.a
18.c
19.c
20.d
21.d
22.a
23.c
24.c
25.a
26.d
27.d
28.a
29.d
30.d
31.a
32.a
33.c
34.d
35.c
36.c
37.d
38.d
39.b
40.d
41.d
42.b
43.a
44.b
45.a
46.a
47.c
48.a
49.b
50.c

Address: Brgy. Cafe, Concepcion, Tarlac


Telephone No.: 0949-4459198
Email Address: 106393.cafees@deped.gov.ph

You might also like