You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

Maikling Pagsusulit Bilang 4

I. A. Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang
ginagawang aksyon.
_____1. Kahit na nabasa ni Callie sa diyaryo ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 ay
naghanap pa siya ng ulat sa internet upang malaman kung pareho ang isinasaad na bilang ng
mga ito.
_____2. Agad na bumili ng sabon sa mukha si Erica dahil nakapagpapaganda raw ito ng
mukha ayon sa nagtitinda.
_____3. Hindi agad nagbibintang si Cardo kung hindi siya sigurado.
_____4. Nakipagtalo si Ana ky Fe tungkol sa kung anong programa sa telebisyon ang
maganda.
_____5. Sinabihan si Tony ng nakatatandang kapatid na iulat ang totoong nabasa.

B. Panuto: Tukuyin ang bawat pangyayari, kung ito ay tamang pagpapasiya isulat ang TM at M
kung maling pagpapasiya.
_____6. Hayaan mo ang iyong kaibigan na makinig ng malalaswang patalastas.
_____7. Iwasan ang pakikinig ng patalastas na walang aral.
_____8. Tangkilin ang pagkakaroon ng tamang pagpapasiya.
_____9. Huwag ng suriin ang nakalap na impormasyon.
_____10. Magsanay sa pagbabasa at pakikinig ng mga impormasyong galing sa lehitimong
pinagkukunan.

Pangalan: _______________________________________ IV - ________________

Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Maikling Pagsusulit Bilang 1

Address: Belvedere Towne III Pasong Kawayan II, General Trias City
E-Mail Address: 164008@deped.gov.ph
Cellphone No.: 0917-639-8980/0919-066-3729
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

I. A. Panuto: Basahing mabuti ang mga sitwasyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Nahuli mong nangungupit ng barya ang kapatid mo sa maliit na tindahan ng inyong


ina. Alam mong pagagalitan siya ng inyong ina at parurusahan ng inyong tatay kapag
nalaman niya ito. Ano ang iyong gagawin?
A. Ipagsawalang bahala ito sapagkat barya lamang ang kinupit nito.
B. Kausapin ang kapatid na huwag ng gawin ito at bigyan siya ng pera.
C. Sabihin sa magulang ang ginawa ng kapatid. Tulungan ang tatay sa pagbigay ng
parusa upang hindi lumaking magnanakaw ang kapatid.
D. Tanungin ang kapatid kung para saan niya gagamitin ang pera. Ipaliwanag na
mali ang kanyang ginawa. Kausapin ang nanay at tatay at hayaan silang
magpasya sa tamang pagdidisiplina.
2. Nagsasagot ang inyong klase ng markahang pagsusulit ng makita mong may mga sulat
ng solution sa Matematika sa braso ang matalik mong kaibigan. Ano ang gagawin
mo?
A. Hingiin ang solution sa kaibigan para makakuha ng mataas na marka
B. Ipagsawalang bahala ito upang hindi magalit sa iyo ang kaibigan mo.
C. Hayaan ang kaibigan. Pagkatapos ng klase ay pagsabihan ito.
D. Hayaan muna ito. Pagkatapos ng klase ay lapitan ang guro at sabihin ang nakita.
3. Nakipagsuntukan ang kaibigan mo dahil sa natalo siya sa sugal. Pumutok at dumugo
ang kanyang labi. Pinakiusapan ka niya na huwag magsusumbong sa magulang niya
dahil natalo ang pambili ng proyekto na binigay ng kanyang ina. Nagtanong ang
kanyang ina kung napaano ito at kung nabili na niya ang kailangan sa proyekto. Ano
ang gagawin mo?
A. Sabihing nadapa ito at pinatago ng kaibigan ang nabiling proyekto sa bahay
ninyo.
B. Sabihing nakipagsuntukan ito dahil kinuha ng ibang bata ang perang pambili ng
proyekto.
C. Sabihing nakipagsuntukan ito dahil sa sugal at natalo ang perang pambili ng
proyekto.
D. Sabihing nadapa ito at tulungan ang kaibigan na dumiskarteng maghanap ng pera
pambili ng proyekto.
4. Nilibre ka ng kapatid mo sa Jollibee. Habang kumakain kayo sinabi niyang nakapulot
siya ng isang daang pera. Inaanyayahan ka niyang maglaro ng video games sa
computer shop pagkatapos ninyong kumain. Pagdating ninyo sa bahay nakita ninyong
may hinahanap ang inyong Ate. Tinanong ka niya kung may Nakita kang isang daang
pera. Ano ang gagawin mo?
A. Humingi ng tulong sa nanay dahil baka magalit ang Ate.
B. Sabihin sa Ate na wala at tulungan siya sa paghahanap

Address: Belvedere Towne III Pasong Kawayan II, General Trias City
E-Mail Address: 164008@deped.gov.ph
Cellphone No.: 0917-639-8980/0919-066-3729
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

C. Sabihin sa Ate na ninakaw ng iyong kapatid ang pera at hindi mo alam na iyun
pala ang pinambayad niya sa kinain at nilaro ninyo
D. Samahan ang kapatid sa paghingi ng paumanhin sa Ate. Sabihin ang inyong
ginawa at pagipunan na maibalik ang pera nito.
5. Matalik na magkaibigan sina Maria at Angelica. Parati silang magkasama at parehas
ang mga kinahihiligan nila. Isang araw narinig mo si Angelica na nagsasabi ng
masasamang bagay patungkol kay Maria sa iba ninyong kaklase. Ngunit ng
magkasama sila ng araw na iyun nakita mong puro pagpupuri lamang ang sinasabi ni
Angelica sa kaibigan. Ano ang gagawin mo?
A. Sabihan si Angelica na plastik ito sa kaibigan
B. Ipagkalat sa buong klase ang ginagawa ni Angelica para walang maniwala sa
kanya
C. Kaibiganin si Maria para malaman kung totoo nga ang mga sinasabi ni Angelica
D. Kausapin si Angelica na mali ang ginagawa nito. Sabihin din kay Maria ang
nakita at narinig. Hayaan siyang magpasya tungkol sa kanilang pagkakaibigan.

B. Panuto: Isulat ang TAMA kung nagsasabi ng katotohanan at MALI kung hindi.

_____6. Umaayon na lang sa sinasabi ng nakararami kahit ito ay hindi nakabubuti.


_____7. Inaalam ang totoo bago magbigay ng opinyon o palagay.
_____8. Hindi pinagtatakpan ang kaibigan na nakagawa ng kasalanan.
_____9. Sinasabi sa guro ang totoong dahilan kung bakit lumiban sa klase.
_____10. Ibabalik ang pitakang pag-aari ng iba.

Maikling Pagsusulit Bilang 2

I. A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Piliin at isulat
ang titik ng pinakawastong kasagutan sa iyong kwaderno.
1. Narinig ni Yuan na may parating na bagyo at sinuspinde na ang mga klase sa kalapit
na lugar. Ano ang dapat gawin ni Yuan?
A. Tawagin ang mga kamag-aral at sabihing wala na rin silang pasok.
B. Muling matulog dahil wala na rin sigurong klase sa paaralan.
C. Makinig sa radyo o manood sa telebisyon para sa mahalagang pahayag
D. Magdasal na lalong lumakas ang ulan.
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagsasabi ng magandang balita?
A. Isang sanggol, nakaligtas sa sakit na COVID-19.
B. Mga mag-aaral ng General Trias City, binigyan ni Mayor ng mga “school
supplies”

Address: Belvedere Towne III Pasong Kawayan II, General Trias City
E-Mail Address: 164008@deped.gov.ph
Cellphone No.: 0917-639-8980/0919-066-3729
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

C. Kaso ng COVID-19, lalo pang nadadagdagan.


D. Kumpanyang Maxim, nagbigay ng tulong sa mga frontliners.
3. Nabasa mo sa isang pahayagan na bawal ng lumabas ang mga bata dahil sa dulot ng
COVID-19 pandemya. Ano ang iyong gagawin?
A. Lalabas pa din ako ng bahay dahil mainit ang panahon.
B. Hindi na ako lalabas ng bahay upang hindi ako magkasakit.
C. Hindi ko na lang papansinin ang aking nabasa.
D. Maglalaro na lang ako.
4. Dahil sa COVID-19 pandemya, hindi ka na nakakasimba dahil sarado ang mga
simbahan. Nalaman mo na mayroong misa sa istasyon ng radyo. Ano ang iyong
gagawin?
A. Sa radyo na lang ako makikinig ng misa.
B. Aantayin ko na lang kung kailan magbbubukas ang simbahan.
C. Hindi na ako magsisimba.
D. Pupunta pa din ako sa simbahan kahit ito ay sarado.
5. Paano nakatutulong sa atin ang radyo at pahayagan?
I. Nahahatid ng mahahalagang balita at impormasyon
II. Napapanooran ng mga teleserye
III. Nagiging alerto tayo sa nangyayari sa ating paligid
IV. Naghahatid patalastas
a. I, II
b. II, IV
c. I, II, IV
d. I, III, IV
B.Panuto: Ayusin ang mga titik sa kahon upang maibigay ang wastong kasagutan. Isulat ang
sagot sa linya.

6. N A I U R M P A 7. O N I Y N O P

8. N A G A Y A H A P

Address: Belvedere Towne III Pasong Kawayan II, General Trias City
E-Mail Address: 164008@deped.gov.ph
Cellphone No.: 0917-639-8980/0919-066-3729
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

9. L A T I A B 10. D Y R O A

Maikling Pagsusulit Bilang 3

I. A. Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang puso kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap at buwan naman kung hindi.

Mga Pahayag Wasto Hindi


1. Sinasabi sa iba ang maling impormasyon kahit di
ito ang nabalitaan sa radyo.
2. Mabilis na hinuhusgahann ang balitang narinig.
3. Isang dagdag kaalaman ang pagbabasa ng
pahayagan o dyaryo.
4. Inuunawa ko ang bawat detalyeng narinig na
balita.
5. Maaaring ikapahamak ang pagsasabi ng maling
balita.

B. Panuto: Iguhit sa loob ng kahon sa kanan ang masayang mukha kung


nagpapahiwatig ng tamang gawain at malungkot na mukha kung hindi.

1. Naipapaliwanag nang maayos at may kompletong detalye ang


balita ukol sa balitang narinig o nabasa sa pahayagan.
2. Nababasa at nauunawaan ang mga kaganapang nangyayari sa
bansa.
3. Naikukumpara ang tama at mali sa mga nabasa sa pahayagan.
4. Naisasagawa ang mga pamantayan sa pagbabasa ng balita sa
pahayagan.
5. Walang pakialam sa mga balitang nababasa sa pahayagan.

Address: Belvedere Towne III Pasong Kawayan II, General Trias City
E-Mail Address: 164008@deped.gov.ph
Cellphone No.: 0917-639-8980/0919-066-3729

You might also like