You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
TANAY SUB-OFFICE

Learning Competencies No. of No. of Days Percent of Item Placement


Items Taught Distribution

1. Nakapagsasabi ng
katotohanan anuman ang
5 5 12.50% 1-5
maging bunga nito
2. Nakapagsusuri ng
katotohanan bago gumawa
ng anumang hakbangin
batay sa mga nakalap na 15 13 37.50% 6-20
impormasyon
2.1.balitang
napakinggan
2.2. patalastas na
nabasa/narinig
2.3. napanood na
programang
pantelebisyon
2.4 pagsangguni sa
taong kinauukulan

Address: M.H. Del Pilar Street, Brgy. Plaza Aldea Tanay, Rizal 1980
FB Page: DepEd Tayo Tanay Sub-Office
https://www.facebook.com/profile.php?id=61552680471207
Email Address: rizal.tanay@deped.gov.ph
Telephone No.: 847-788-90
3. Nakapagninilay ng 15 12 37.50% 20-35
katotohanan BATAY sa
mga NAKALAP NA
IMPORMASYON:
3.1. balitang
napakinggan
3.2. patalastas na
nabasa/narinig
3.3. napanood na
programang
pantelebisyon
3.4. napapanood
sa internet at mga
social networking
sites
Nakapagsasagawa nang 5 5 12.50% 36-40
may mapanuring pag-iisip
ng tamang pamamaraan/
pamantayan sa katotohanan
TOTAL 40 35 100% 40

Address: M.H. Del Pilar Street, Brgy. Plaza Aldea Tanay, Rizal 1980
FB Page: DepEd Tayo Tanay Sub-Office
https://www.facebook.com/profile.php?id=61552680471207
Email Address: rizal.tanay@deped.gov.ph
Telephone No.: 847-788-90
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
TANAY SUB-OFFICE

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 4


Pangalan:______________________________________ Iskor: __________________________
Baitang at Pangkat: ____________________________ Petsa: _________________________
I. PANUTO: Basahin at unawain mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon.
ang letra ng tamang sagot.
1. Pinalinis ng Lola ni Celso sa kanya ang pinaka-iingatan nitong banga ngunit hindi sinasadyang
ito ay nahulog at nabasag. Kung ikaw si Celso, ano ang nararapat mong gawin?
A. iwan ang banga sa lamesa nang basag at magkunwaring buo pa ito ng iyong iwan.
B. maglagay ng pusa sa gilid ng basag na banga para kunwari ay ito ang nakabasag.
C. lagyan ng pandikit ang banga at pinturahan ito para hindi mahalata
D. umamin at humingi ng tawad kay Lola, sabihing hindi mo ito sinasadya

2. Natapunan mo ng orange jiuice ang cellphone ng iyong Tatay habang ikaw ay nagmemeryenda.
Agad mong niligpit ang natapon at kinausap ang iyong Tatay tungkol sa iyong nagawang kasalanan.
Anong magandang katangian ang iyong pinakita?
A. mahinahon
B. magalang
C. matapat
D. umiinom ng masustansiyang inumin

3. Isang umaga ay nakita mo ang iyong mahiyaing kaklase na si Marian na naglagay ng bulaklak sa
lamesa ng inyong guro. Natuwa ang guro sa bulaklak na nasa lamesa niya at nagpasalamat agad sa
iyo dahil buong akala niya ay sayo ito galing. Ano ang iyong dapat gawin?
A. Magsabi nang totoo at magalang na sabihin na galing ito kay Marian at hindi sa
iyo.
B. Huwag nang sabihin para masaya ang iyong guro.
C. Siguradong hindi iimik ang iyong kaklaseng mahiyain, kaya huwag mo nalang sabihin ang totoo.
D.Magsabi ng “Welcome” at sabihing maaga kang gumising para mapitas ang bulaklak.

4. Nakita mong palihim na kumuha ng pera ang iyong Kuya sa inyong tindahan at binigyan ka nito
ng sampung piso upang huwag kang magsumbong. Sa ganitong sitwasyon ano ang nararapat mong
gawin?

Address: M.H. Del Pilar Street, Brgy. Plaza Aldea Tanay, Rizal 1980
FB Page: DepEd Tayo Tanay Sub-Office
https://www.facebook.com/profile.php?id=61552680471207
Email Address: rizal.tanay@deped.gov.ph
Telephone No.: 847-788-90
A. Isumbong ito sa iyong mga magulang matapos tanggapin ang sampung piso.
B. Tanggihan ang pera, ipasauli ito ng maayos at sabihin sa kapatid na mali ang kanyang ginagawa
kaya dapat niya itong sabihin sa kanilang magulang
C. umiyak at humingi pa ng dagdag na pera.
D. isumbong agad sa rumurondang tanod si Kuya

5. Papasok ka na sa paaralan nang biglang nagbell. Nakita mong nalaglag ng isang bata ang
kanyang pitaka. Bigla mong naalala ang inyong pinag aralan sa ESP kaya ang nararapat mong
gawin ay___________________?
A.Kalimutan ang pinag aralan sa ESP.
B. Agad itong isilid sa bag upang hindi mapansin ng ibang bata.
C.Subukang hanapin ang bata na nakalaglag nito o ibigay ito sa guro upang sila ang maghanap sa
batang nawawalan ng pitaka.
D.Hayaan na lamang ang pitaka dahil baka mapagbintangan kang kumuha nito.
6. Narinig ni Daniel mula sa isang balita na may isang kometa ang maaaring sumabog at bumagsak
sa ating planeta kaya’t agad niya itong pinagsabi sa klase kinabukasan. Sa iyong palagay, tama ba
ang ginawa ni Daniel?
A. Opo, para makapaghanda ang buong klase.
B. Opo, dahil mas mabuti na ang nag iingat.
C. Hindi po, dahil baka hindi naman ito isang kometa.
D. Hindi po, dahil hindi pa niya napapatunayan kung may katotohanan ang balita na ito.

7. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapakita ng tamang kaisipan sa tuwing tayo ay


nakakabasa o nakakarinig ng isang mahalagang balita, maliban sa isa:
A. Pag-alam ng katotohanan ukol sa balitang napakinggan.
B. Pag-iwas sa pakikining ng mga negatibong balita lalo’t wala itong basehan.
C. Ipamahagi ang lahat ng balitang naririnig upang makatulong sa kapwa.
D. Suriin at pagnilayan kung may katotohanan ang balitang napakinggan.

8. Ilang araw nang binabalita ang kaguluhan sa Israel at narinig mo sa isang komento na ang dahilan
nito ay tungkol sa usaping relihiyon. Ano ang nararapat mong maging reaksyon?
A. Paniwalaan agad ito.
B. Hindi ito papansinin.
C. Alamin kung ito ay may katotohanan bago ito paniwalaan.
D. Huwag pansinin dahil hindi naman kasali dito ang ating bansa.
9. Ayon sa balita ng iyong kaklase ay magkakaroon daw kayo ng panibagong tatlong kamag-aral.
Alin ang mga sumusunod ang nararapat mong gawin upang mapatunayan kung ito ay may
katotohanan?
A. Gumawa ng Welcome Banner para sa mga bagong kaklase.
B. Ibalita din ito agad sa iba mo pang kaklase.
C. Tanungin ang iyong gurong tagapayo kung ito ay may katotohanan
D. Huwag pansinin ang iyong kaklase.

Address: M.H. Del Pilar Street, Brgy. Plaza Aldea Tanay, Rizal 1980
FB Page: DepEd Tayo Tanay Sub-Office
https://www.facebook.com/profile.php?id=61552680471207
Email Address: rizal.tanay@deped.gov.ph
Telephone No.: 847-788-90
10. Napakinggan mo ang isang patalastas tungkol sa isang produktong pampatalas ng memorya.
Gusto mo itong subukan para sa iyong darating na pagsusulit. Bibili ka ba nito ,upang gamitin?
A. Oo, dahil sabi ito raw ay nakakapagpatalino.
B. Hindi, dahil baka hindi ito ipadala pag umorder ako.
C. Ipagbigay alam sa magulang upang makahingi ng pambili nito.
D. Susuriin at aalamin ko muna kung tunay ang patalastas na aking narinig .

11. Habang nakikinig ka ng patalastas ay narinig mo ito:“Bumili ka ng Lucky bracelet na ito at


tiyak na ikaw ay susuwertihin ng buong araw…” kaya’t bumili ka ng apat na piraso upang tuloy-
tuloy ang iyong swerte.
Ano ang ipinapakita sa sitwasyon na ito tungkol sa pag-alam ng katotohanan?
A. Kahanga-hanga ang bracelet na ito.
B. Dapat ay isa lamang muna ang aking binili.
C. Hindi sapat na makinig sa sabi-sabi, dapat tayo ay nagsisikap upang makuha natin ang ating
naisin sa buhay.
D. Mali dahil hindi naman ako mahilig sa bracelet.

12. Ang pagiging mapanuri sa mga patalastas na ating nababasa o naririnig ay isang mabuting
katangian na maaari mong taglayin hanggang sa pagtanda.
Ano ang masasabi mo tungkol sa pahayag?
A. Sang ayon ako dito.
B. Hindi ako sang ayon.
C. Maaari
D. Parehong A at B

13. Nakita mo sa isang patalastas na may nabibili nang sabong nakapagbubura ng mga marka ng
sugat sa loob lamang ng isang araw. Agad mo itong pinabili sa iyong nanay dahil kaunti lamang ang
produktong ito sa ating bansa. Kung ikaw ang nakapanuod ng nasabing patalastas ano ang iyong
gagawin?
A. Dapat munang suriin kung may katotohanan ang napanuod na patalastas .
B. Bibili din agad ako ng nasabing produkto.
C. Patayin agad ang TV para makatipid sa kuryente.
D. Kuhaan o picture-an ang sabon at humanap ng kagaya nito sa mas murang
halaga.
14. Sinabi ng iyong kaibigan na ang iyong paboritong Korean Star na si Lisa ay patay na. Sinabi
mo sa iyong kaibigan na titignan mo muna sa balita at sa mapagkakatiwalaang site sa internet kung
ito ay may katotohanan ba o wala.
Ang pangungusap ay nagpapahayag ng tamang kaisipan tuwing may naririnig o
nababasa o napapanood na balita.
A. tama C. mali
B. maaari D. parehong tama at mali
15. Habang kayo ay nanunuod ng telebisyon ay namangha ka ng biglang pasabugin ng lalaki ang
bangko at kuhanin ang napakaraming salapi. Ayon sa kanya “ ito ang madaling paraan ng
pagyaman ng wala masyadong hirap… “ Ano sa tingin mo ang tinuran o sinabi ng lalaki?
A. Totoo dahil marami talagang salapi sa bangko.

Address: M.H. Del Pilar Street, Brgy. Plaza Aldea Tanay, Rizal 1980
FB Page: DepEd Tayo Tanay Sub-Office
https://www.facebook.com/profile.php?id=61552680471207
Email Address: rizal.tanay@deped.gov.ph
Telephone No.: 847-788-90
B. Hindi ito tama dahil masama ang paraan na kanyang ginawa upang yumaman.
C. Totoo ito dahil sa isang saglit lang ay magkakapera kana.
D. Hindi ito tama, dapat ay manlimos na lamang siya.

16.Napanood ni Amy ang programang “DARNA” ni Mars Ravelos, kung saan nakita niya na sa
bawat pagsubo nito ng makapangyarihang bato ay nagpapalit ito ng anyo upang maging isang
ganap na “SUPER HERO”. Hinangaan ito ng labis ni Amy, kung kaya nais niya itong gayahin.
Kung ikaw si Amy, Ano ang gagawin mo?

A. Gagawin ko ang ang ginawa ni Amy, na sobrang paghanga kay “DARNA”.


B. Gagayahin ko si “DARNA” para maging isang “SUPER HERO”.
C.Susuriin ko muna may katotohanan at kung dapat bang gayahin ang napanood kong programa sa
TV .
D.Hindi ko na lang papansinin ang aking napanood.

17.Napanuod mo sa telebisyon na delikado ang paggamit ng mga imitation o peke at mababang


kalidad na Christmas Lights sa panahon ngayon. Naglagay pa naman ng Christmas Lights ang
iyong ate sa inyong Christmas Tree. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Sabihin sa ate ang napanood at sumangguni muna sa nakakaalam kung ang inyong christmas
lights ay magandang klase,,kung ito ay mahinang uri ay huwag na itong gamitin.
B. Huwag na lamang itong pansinin.
C. Tama lamang na ito ay tanggalin, upang iwas gastos sa konsumo ng kuryente.
D. Huwag itong alisin dahil sayang ang bili dito.

18. Isang araw ay nakatanggap ka ng chat mula sa naagpakilalang tiyahin mo na nasa ibang bansa.
Kinamusta ka niya at sinabing papadalhan ka nito ng package kaya’t kailangan niya ang iyong
personal na impormasyon.
Kung ikaw ang nakatanggap ng mensahe, ano ang susunod na hakbang na dapat mong gawin?
A.Ibigay ang lahat ng kanyang hinihingi bilang paggalang sa iyong tiyahin.
B. Kamustahin din siya at hingian mo din ng larawan nang sa ganon ay makilala mo ang iyong iba
pang kamag-anak
C. Awayin ang ka-chat at i-block agad ito upang hindi na manggulo
D. Kausapin ang mga magulang at tanungin kung totoo ang sinasabi nito o kung kakilala nila ito,
kung hindi ay i-report ang account nito upang hindi na makapangloko.

19. “Sa aking palagay ay mainam talaga na panglunas ang halamang gamot na Tawa-tawa sa
Dengue, nawala ang aking sakit dahil dito”
Ano ang masasabi mo tungkol sa pahayag na ito?
A. Mabisang tunay ang tawa-tawa sa paggamot sa sakit na dengue
B. Kailangan magtanim sa ating bakuran ng halamang gamot na ito
C. Higit na mainam sumangguni sa eksperto ukol dito bago ito gamitin o inumin.
D. Hindi tayo dapat makinig ng radyo o telebisyon.

Address: M.H. Del Pilar Street, Brgy. Plaza Aldea Tanay, Rizal 1980
FB Page: DepEd Tayo Tanay Sub-Office
https://www.facebook.com/profile.php?id=61552680471207
Email Address: rizal.tanay@deped.gov.ph
Telephone No.: 847-788-90
20. Naging usapin sa inyong barangay ang asong may sakit na pagala-gala at tila wala na sa
katinuan. Piliin ang tamang sitwasyon na nagpapakita ng wastong pagsangguni sa taong
kinauukulan ukol dito.
A. Agad umiyak si Janna matapos sabihin ng kanyang kalaro na nakagat ng asong may rabies ang
kanyang tatay.
B. Si Dani ay sumangguni sa tanod kung may katotohanan ba na nahuli na ang asong may rabies na
gumagala sa kanilang lugar.
C. Nag video si Sam ng mga aso na posibleng may rabies upang maipost ito sa kanyang facebook
account at makaani ng maraming likes
D. Pinakawalan lahat ni Eman ang kanilang aso baka dahil may rabies din ang mga ito.

II. Panuto: Isulat ang letrang W sa patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng wastong
kaisipan bago gumawa ng anumang hakbang o desisyon patungkol sa pagninilay ng katotohanan
at DW naman kung ito naman ay di-wasto.

________ 21.Madilim ang langit at sa iyong tingin ay may paparating na bagyo. Binuksan mo agad
ang radyo upang makinig ng balita kung tama ang iyong palagay.
_________22. Sinabi ni Vivian kay Helen ang napakinggan niyang balita sa radyo na puwede nang
lumabas sa gabi ang mga bata. Inalam niya mula sa ina at ama ang totoo.
_________23.Inalam ni Maria sa pamamagitan ng pakikinig sa isang mapagkakatiwalaang istasyon
ang dahilan ng pagsususpinde sa isang sikat na noontime show.
_________24. Nais mong malaman ang sanhi ng pagguho ng lupa kaya’t ikaw ay nakinig sa isang
Educational Channel o channel na nagbibigay kaalaman upang malaman mo ang
impormasyon ukol dito.
________25. May paligsahan ng paggawa ng parol sa inyong barangay. Interesado ang inyong
pamilya na sumali kaya’t inalam mo ang detalye mula sa nakapaskil na patalastas
mula sa barangay.
________26.Agad kang bumili ng isang Long-Lasting Magic ballpen ng marinig mo sa patalastas
na tumatagal ito ng isang taon bago ito maubos.
________27. Madalas kong gayahin ang mga salitang aking naririnig lalo na kung sa paborito kong
artista ito nagmula.
________28.Masasabing ang mga impormasyong ating naririnig at nababasa ay totoo kaya dapat
natin itong paniwalaan.
________29. Naikwento sa akin ng aking kamag-aral na pwedeng kainin ang hilaw na langka ng
may balat basta’t ito’y isasawsaw sa suka, batay ito sa napanuod niya sa isang show sa
telebisyon. Pagkauwi sa bahay ay sinangguni ko ito sa aking mga magulang.
________30. Ayon sa napanood ni Tonton sa telebisyon ay may bago na namang uri ng sakit ang
kumakalat sa bansang India na mas malala kaysa sa COVID-19. Inalam ko muna kung
ito ay may katotohanan o wala.
________ 31. Tumatalon ako sa matataas na lugar upang makapag ensayo, dahil gusto kong
matutong lumipad tulad ng napapanood ko sa paborito kong programang Darna.
________ 32. Nakita mo sa telebisyon na epektibo ang Puti Kutitap Soap kaya’t agad
mo itong sinabi sa iyong kapatid na nais magpaputi.

Address: M.H. Del Pilar Street, Brgy. Plaza Aldea Tanay, Rizal 1980
FB Page: DepEd Tayo Tanay Sub-Office
https://www.facebook.com/profile.php?id=61552680471207
Email Address: rizal.tanay@deped.gov.ph
Telephone No.: 847-788-90
________ 33. Napanood mo sa vlog sa youtube na kapag ikaw ay naliligaw maaari mong baliktarin
ang iyong suot at mahahanap mo na ang daan pauwi kaya ginaya mo ito nang minsan
kang maligaw sa gubat.
________ 34. Mga makatotohanan, may aral at positibong bagay ang iyong madalas panoorin sa
tiktok.
________ 35. Agad mong iniiwasan ang mga hindi akmang video sa youtube lalo na
kung ito ay nagtuturo ng hindi kaaya-aya.

III. Panuto: Iguhit ang bituin sa loob ng kahon kung ang nakasaad sa pangungusap ay dapat
mong tularan at naman kung hindi.
36. Hindi nais ng inyong pamilya na magpabakuna ng COVID-19 Vaccine dahil sabi ng
inyong kapitbahay ay nagkasakit silang lahat
dahil sa bakuna.

37. Inalam muna ng iyong nanay kung sinu-sino nga ba ang maaaringmakatanggap ng
Educational Fund Assistance na napablita sa
telebisyon bago siya magpasa ng requirements.

38. Nakita mo sa isang Facebook Post na ang sikat na milktea sa inyong kalapit barangay
ay madumi at nakasisira ng tiyan agad mo itong i-shinare para makita ng iba mong
kabarangay.

39. May nag text sa iyong kapatid na siya ay nanalo ng bagong Cellphone dahil sa
kanyang pag la-like sa isang advertisement.Kailangan lamang niyang magpadala ng 300
piso para maipadala ito. Tinulungan mo siyang manghingi sa iyong mga magulang para
makuha niya ito.
40. Maingat kang gumamit ng internet at iniiwasan na ma-click ang kahina-hinalang site
lalo na ang mga site na hindi maaari sa batang tulad mo.

Address: M.H. Del Pilar Street, Brgy. Plaza Aldea Tanay, Rizal 1980
FB Page: DepEd Tayo Tanay Sub-Office
https://www.facebook.com/profile.php?id=61552680471207
Email Address: rizal.tanay@deped.gov.ph
Telephone No.: 847-788-90
In ih a n d a n i:
MERRY CHRIST O. FRANCISCO
Te a c h e r I
Bin ig ya n g Pa n sin :

CRISENCIA R. CASTILLO
Da lu b g uro I – MES

VIVIAN P. MARAŇO
Da lu b g uro I – SRBSMES
Pin a g tib a y:

MAY A. ORIONDO
ESP C o n su lta n t – Ta n a y SO

ANSWER KEY:

1. D 11. C 21. W 31. DW

2. C 12. A 22.W 32. DW

3. A 13. A 23.W 33.DW

4.B 14 A 24. W 34. W

5.C 15. B 25.W 35. W

6.D 16. C 26.DW36.

7.C 17.A 27.DW37.

8.C 18.D 28.W 38.

9. C 19.C 29.W 39.

Address: M.H. Del Pilar Street, Brgy. Plaza Aldea Tanay, Rizal 1980
FB Page: DepEd Tayo Tanay Sub-Office
https://www.facebook.com/profile.php?id=61552680471207
Email Address: rizal.tanay@deped.gov.ph
Telephone No.: 847-788-90
10.D 20.B 30.W 40.

Address: M.H. Del Pilar Street, Brgy. Plaza Aldea Tanay, Rizal 1980
FB Page: DepEd Tayo Tanay Sub-Office
https://www.facebook.com/profile.php?id=61552680471207
Email Address: rizal.tanay@deped.gov.ph
Telephone No.: 847-788-90
Address: M.H. Del Pilar Street, Brgy. Plaza Aldea Tanay, Rizal 1980
FB Page: DepEd Tayo Tanay Sub-Office
https://www.facebook.com/profile.php?id=61552680471207
Email Address: rizal.tanay@deped.gov.ph
Telephone No.: 847-788-90
Address: M.H. Del Pilar Street, Brgy. Plaza Aldea Tanay, Rizal 1980
FB Page: DepEd Tayo Tanay Sub-Office
https://www.facebook.com/profile.php?id=61552680471207
Email Address: rizal.tanay@deped.gov.ph
Telephone No.: 847-788-90
Address: M.H. Del Pilar Street, Brgy. Plaza Aldea Tanay, Rizal 1980
FB Page: DepEd Tayo Tanay Sub-Office
https://www.facebook.com/profile.php?id=61552680471207
Email Address: rizal.tanay@deped.gov.ph
Telephone No.: 847-788-90
Address: M.H. Del Pilar Street, Brgy. Plaza Aldea Tanay, Rizal 1980
FB Page: DepEd Tayo Tanay Sub-Office
https://www.facebook.com/profile.php?id=61552680471207
Email Address: rizal.tanay@deped.gov.ph
Telephone No.: 847-788-90
Address: M.H. Del Pilar Street, Brgy. Plaza Aldea Tanay, Rizal 1980
FB Page: DepEd Tayo Tanay Sub-Office
https://www.facebook.com/profile.php?id=61552680471207
Email Address: rizal.tanay@deped.gov.ph
Telephone No.: 847-788-90

You might also like