You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
PANGDIBISYONG PAGSUSULIT

Pangalan:___________________________________ Iskor: _________________________

Baitang/Pangkat: __________________________Paaralan: _________________________

I. Panuto: Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang at piliin ang titik ng tamang sagot sa
mga katanungan. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
_____1. Araw ng Huwebes, sinabi ng inyong guro na magkakaroon kayo ng pagsusulit sa
Edukasyon sa Pagpapakatao kinabukasan ngunit niyaya ka ng iyong kaklase na
mamasyal sa bahay ng isa pa ninyong kaklase dahil ito ay may sakit. Ano ang
iyong gagawin?
a. Sasama ako upang maipakita ko sa kaklase namin na nag-aalala ako sa kanya.
b. Hindi ako sasama dahil hindi kami nakapagpaalam sa aming magulang.
c. Sasabihan ang kaklase na mas mainam na magbalik-aral para sa pagsusulit
at hindi ligtas ang paglabas ngayong pandemya.
d. Imumungkahi sa kaklase na sa susunod na lang kami pumunta sa kaklase
kapag magaling na siya.
_____2. Sa bawat sitwasyon na kinakaharap natin sa araw ay naglalaan tayo ng malalim na
pagsusuri sa mga ibinibigay na impormasyon at ito ay tinatawag nating
_________?
a. Paglutas ng suliranin
b. Mapanuring pag-iisip
c. Pagbabasa ng impormasyon
d. Pangangalap ng impormasyon
_____3. Kaarawan ng pinsan mo. Niyaya ka ng kapatid mo na dumalo sa kanyang kaarawan
na gaganapin sa kanilang bayan. Alam mong ipinagbabawal ang mga ganitong
salo-salo dahil sa pandemyang COVID 19 at may nakapagsabi sa iyong
nagkaroon ng kaso ng COVID sa kapitbahay ng pinsan mo. Ano ang gagawin mo?
a. Hayaan mo na lang ang babala tungkol sa pandemya at pupunta sa salo-salo
upang hindi magtampo ang pinsan ninyo.
b. Payuhan ang kapatid na iwasan ang pagdalo sa mga salo-salo dahil laganap
pang pandemya.
c. Dadalo kami ng kapatid ko sa kaarawan ng pinsan. Magsusuot na lang kami ng
face mask at face shield para maging ligtas sa COVID.
d. Magpadala na lang ng regalo sa pinsan upang hindi siya magtampo.
_____4. Pumunta kayo ng nanay mo sa doktor upang magpasuri dahil madalas sumakit ang
iyong tiyan. Pagdating sa ospital, hindi kayo pinapasok ng guwardiya dahil wala
kayong suot na face shield. Ano ang nararapat ninyong gawin?
a. Bumili sa pinakamalapit na tindahan ng face shield.
b. Makiusap sa guwardiya na papasukin kayo dahil malayo pa ang inyong
pinanggalingan.
c. Babalik na lang sa ibang araw para magpasuri sa doktor.
d. Pakikiusapan ang guwardiya na ibili kayo ng nanay mo ng face shield.

Address: Zone VI, Iba, Zambales


Telephone No: (047) 602 1391
Email Address: zambales@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

II. Panuto: Para sa aytem bilang 5 hanggang 9, basahin at unawain ang kuwento at sagutin
ang mga tanong na kasunod nito. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

ng bakuran ni Mang Estong ay katabi ng isang eskinita na patungo sa marami pang mga
kabahayan sa looban. Dahil sa dalas ng sunog na nangyayari sa kanilang lugar, pinakiusapan
siya ng kapitan kasama ang mga opisyales ng barangay na iatras nang kaunti ang kanyang
bakod upang makadaan ang trak ng bumbero kapag nagkasunog. Noong una ay atubili pa
siyang pumayag dahil liliit ang kanyang espasyo ngunit sa kanyang pagsusuri ay naisip niyang
marami ang masasalanta kapag hindi siya pumayag. Agad na pumayag si Mang Estong at
iniatras ang kanyang bakod upang lumaki ang dating masikip na eskinita.

_____5. Ano ang hiniling ng mga opisyal ng barangay kay Mang Estong na sinang-ayunan
niya?
a. Ipasara ang eskinita upang hindi makadaan ang mga trak.
b. Magsilbi bilang bumbero sa kanilang barangay dahil madalas magkasunog dito.
c. Lakihan ang espasyo ng daanan upang mabilis makakilos ang mga tao kapag may
sunog.
d. Iatras ang kanyang bakod upang makadaan ang trak ng bumbero,
_____6. Bakit kinakailangan niyang isakripisyo ang kaunting bahagi ng kanyang espasyo
para lumaki ang daanan sa kanilang barangay?
a. Ito ang makabubuti sa mga mamamayan ng kanilang barangay.
b. Utos ito ng opisyales ng mga barangay na dapat sundin.
c. Marami ang maaapektuhan kapag nagkasunog sa kanila at hindi kaagad
makakarating ang trak ng bumbero.
d. Mabilis na kakalat ang apoy kapag nagkaroon ng sunog sa kanila dahil sa makitid
na daan.

Address: Zone VI, Iba, Zambales


Telephone No: (047) 602 1391
Email Address: zambales@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

_____7. Pumayag si Mang Estong sa kahilingan ng mga opisyales ng barangay na iatras ang
kaniyang bakod. Ano ang kanyang isinaalang-alang sa desisyong nabuo?
a. Kaligtasan ng mga tao sa barangay.
b. Kapakanan ng nakararami
c. Pakikipagkaibigan sa mga opisyales ng barangay.
d. Reaksyon ng mga tao sa kanya kung hindi siya pumayag.
_____8. Ang mga sumusunod ay kabutihang maidudulot ng pagpayag ni Mang Estong sa
pag-atras ng kanyang bakod, maliban sa isa. Ano ito?
a. Mabilis na pagresponde ng mga bumbero sakaling magkasunog sa kanila.
b. Mas maayos na daloy ng mga sasakyan sa kanilang lugar.
c. Pagdami ng mga taong pupunta sa kanilang lugar dahil sa pagluwang ng daan.
d. Pagkatuwa at pasasalamat ng mga residente ng barangay dahil mas lumuwang
ang kanilang daan.
_____9. Tama ba ang ginawa ni Mang Estong? Kung ikaw siya, gagawin mo rin ba ang
kanyang ginawa? Bakit?
a. Opo, upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan ng barangay.
b. Opo, bilang bahagi ng barangay, tungkulin ko ang sumunod sa mga opisyales nito.
c. Hindi, dahil mababawasan ang espasyo para sa mga halaman.
d. Hindi, dahil kahit lumuwang ang daan, magkakaroon pa rin ng sunog sa barangay.
_____10. Madalas tayong makabasa ng iba’t ibang post sa social media. Sa paggamit ng
social media tulad ng Facebook, Instagram, Twitter at iba pa ay
dapat _______________.
a. Basahin lamang ngunit huwag paniwalaan lahat ng makikita at mababasang datos at
impormasyon mula sa mga ito.
b. Basahin at siguraduhin kung tama ang impormasyong nabasa mula rito bago gamitin.
c. Basahin ang mga datos at impormasyon at ipagbigay alam din sa iba.
d. Wala sa mga nabanggit.
_____11. Ito ay isang uri ng media na nagbibigay ng datos at impormasyon at tinatawag ding
pahayagan o peryodiko.
a. Magasin c. Dyaryo
b. Aklat d. Atlas
_____12. Napanood mo sa telebisyon na mayroong ibinibentang murang selpon sa online
shopping. Ayon sa patalastas, matibay at maganda ang kalidad ng gadyet. Nag-order
ka kaagad nito, nang dumating nakita mong depektibo ang selpon. Napagtanto mo
na hindi totoo ang sinabi sa patalastas. Alin sa sumusunod na hakbang ang gagawin
mo?
a. Sa susunod ay hindi na kaagad maniniwala sa mga napapanood sa telebisyon
b. Tumawag sa numerong ibinigay ng online shopping at sabihin na depektibo ang
nabili.
c. Sisikaping mabawi ang ibinayad na pera sa gadyet.
d. Lahat ng nabanggit.
_____13. Bumili ng asukal si Lucy sa tindahan ni Aling Maring. Nang ibinigay na ang sukli sa
kanya, ay napansin niyang sobra ito kaya ibinalik niya. Ano sa palagay mo ang magiging
reaksyon ni Aling Maring?
a. Bibigyan si Lucy ng libreng kendi dahil sa kaniyang pagiging responsable at tapat.
b. Sasabihan ang kanyang mga anak na tularan si Lucy.
c. Matutuwa at magpapasalamat siya kay Lucy.
d. Wala sa mga nabanggit.

Address: Zone VI, Iba, Zambales


Telephone No: (047) 602 1391
Email Address: zambales@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

_____14. Humiram ka ng pera sa pinsan mo upang may pambili ng mga gamit para sa inyong
proyekto sa paaralan dahil nagkataong walang huli sa pangingisda ang iyong tatay.
Sinabi mong babayaran mo pagkaraan ng isang linggo subalit nagkataon na wala ka
pa ring perang pambayad. Ano ang gagawin mo?Makikiusap ka sa pinsan mo na
hindi mo pa mababayaran ang nahiram mong pera sa kanya.
a. Magbebenta ng mga naipon ni nanay na lata at plastik na bote para makabayad ng
utang sa pinsan.
b. Iiwasan mo muna ang iyong pinsan upang hindi ka niya masingil.
c. Manghihiram ka sa iyong kaibigan ng pera upang may maipambayad sa iyong
pinsan.
_____15. May bagong lipat kayong kaklase mula sa ibang probinsiya. Napansin mong hindi
siya nakikipag-usap kahit kanino at mukhang mahiyain. Ano ang gagawin mo?
a. Imumungkahi sa guro na sabihan ang kaklase na magpakilala sa lahat.
b. Kakausapin mo siya at makikipagkaibigan.
c. Sasabihan ang mga kaklase na makipagkaibigan sa kanya.
d. Yayayain mo siya palagi na makipaglaro sa maraming bata.
_____16. Hindi napansin ng iyong kaibigan na butas ang bulsa ng kanyang pantalon kaya
nawala ang pera na dapat sana ay kanyang pamasahe. Ano ang gagawin mo?
a. Pahihiramin siya ng pamasahe upang makauwi.
b. Imumungkahi sa kanya na ipatahi ang bulsa upang hindi na mawalan ng pera.
c. Yayain siyang maglakad na lamang sa pag-uwi ng bahay.
d. Sasabihan siyang ingatan ang kanyang pera upang hindi mawala
_____17. Nakita mong parating ang inyong guro na maraming bitbit na gamit sa pagtuturo.
Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin?
a. .Salubungin siya para tulungan
b. Pakiusapan ang dyanitor na tulungan ang guro sa pagbitbit ng mga gamit.
c. Kunin ang mga bitbit ng guro pagdating niya sa pinto ng silid-aralan.
d. Utusan ang kamag-aral na tulungan ang inyong guro
_____18. May kaklase kang mahiyain na nakaupo lang nang tahimik sa oras ng recess
dahil wala siyang baon. Hindi man niya sabihin ay batid mong nagugutom siya.
Marami lagi ang baon na ibinibigay sa iyo ng nanay mo.Ano ang gagawin mo?
a. Sabihan ang mga kamag-aral na magbahagi ng baon sa kanya.
b. Ibili siya ng pagkain sa kantina.
c. Bigyan siya ng pagkain mula sa tira ng aking mga kaibigan.
d.Lapitan siya at hatian ng dala mong baon
_____19. May pagpupulong ang grupo ng kabataan para sa darating na palaro ng barangay
para sa kabataan. Hiningan ng suhestiyon ang bawat miyembro ng kanilang lider.
Lahat ay nagmungkahi at napili ang iminungkahi ng pinakabata sa grupo na si Dante.
Kung ikaw ang pinakamatanda sa lahat ng nagmungkahi, ano ang gagawin mo?
a. Hihilingin ko sa mga kasama na makinig sa akin dahil ako ang pinakamatanda sa
grupo.
b. Magpoprotesta dahil sa tingin ko mas maganda ang iminungkahi ko.
c. Sasang-ayon ako dahil mas marami ang makikinabang sa napiling suhesyon.
d. Pababayaan ko na lang upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
_____20. Nagbigay ng proyekto sa kanyang klase si Ginang Castro.Nakangiting
pinakinggan ni Dory ang mga ideya ng kanyang kapangkat sa proyekto. Ito ay
pagpapakita ng _________?
a. .Katapatan sa kapwa c. Mapagparaya sa kapwa

Address: Zone VI, Iba, Zambales


Telephone No: (047) 602 1391
Email Address: zambales@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

b. .Paggalang sa kapwa d. Panggagaya sa kapwa


_____21. Hinikayat ni Cris ang kaniyang miyembro na magbigay ng kanilang opinyon o ideya
sa gagawing paliga ng kabataan. Iminungkahi ni Ana na isa sa miyembro ng
kanyang grupo, na bigyan nila ng premyo ang mga kabataang magwawagi sa
iba’t ibang palaro. Ano ang nararapat na gawin ni Cris?
a. Tanungin din ang ibang miyembro ng grupo kung sang-ayon sila sa mungkahi
ni Ana.
b. Sasabihin kay Ana na maganda ang ideya niya at iyon ay gagawin ng grupo sa
gaganaping paliga.
c. Pupurihin si Ana na maganda ang kaniyang mungkahi.
d. Maghahanap ng mga taong pwedeng hingian ng donasyon upang magkaroon ng
papremyo para sa gaganaping paliga.
_____22. Hindi sinang-ayunan ng grupo ni Arnel ang kanyang mungkahi para sa kanilang
proyekto. Bilang kagrupo, ano ang gagawin mo?
a. Sasabihan siya na hayaan na ito at sa susunod ay huwag nang magmungkahi.
b. Papayuhan siya na tanggapin ang desisyon ng nakararami sa grupo.
c. Hihikayatin siya na magbigay ng iba pang mungkahi na tatanggapin ng kagrupo.
d. Lahat ng nabanggit.
_____23. Napili ka ng iyong kamag-aral na pamunuan ang isang espesyal na proyekto ng
inyong seksyon upang ipresenta sa inyong paaralan. Ano ang magiging desisyon
mo?
a. Tatanggapin mo ito dahil alam mong kaya mong gampanan ang tungkulin ng
isang lider.
b. Tatanggapin mo ito ngunit magtatalaga ka ng isa pang lider ng inyong
seksyon.
c. Tatanggapin mo ito dahil ito ang napagkasunduan ng mga kaklase mo.
d. Ipasa mo na lang sa iba ang tungkuling ipinagkatiwala sa iyo ng grupo.
_____24. Si Jose ay tahimik lamang sa klase. Isang araw, sa oras ng talakayan ay tinanong
siya ng guro kung ano ang maibibigay na suhestyon sa mga nagkalat na basura
sa likod ng paaralan. Pinagtawanan ng iyong kaibigan ang opinyong ibinigay ni
Jose sa klase. Tama ba ang ginawa ng iyong kaibigan?
a. Oo, dahil iyon ay kaniyang opinyon.
b. Hindi, dahil pagpapakita ng hindi paggalang ang kanyang ginawa.
c. Oo, dahil kailangan ay laging masaya sa klase.
d. Hindi, dahil tama naman ang suhesityon ni Jose.
_____25. Bilang presidente ng inyong klase, naatasan ka ng inyong guro na mamili sa mga
kaklase mo ng ilalahok ninyo sa patimpalak sa sayaw. Ano ang dapat mong
gawin?
a. Imumungkahi sa guro na magbigay ng gawain sa mga mag-aaral kung saan
sila ay sasayaw at makikita ang pinakamahusay magsayaw.
b. Pipiliin ang kaibigan mong marunong sumayaw ngunit di kagalingan.
c. Ipasa sa iyong bise ang pagpili upang hindi masisi sa bandang huli
d. Kukunin ang suhestiyun ng mga kaklase upang mapili ang pinakamagaling.
_____26. Nagbaba ng ordinansa ang inyong barangay na bawal lumabas ang mga bata sa
lansangan dahil sa pandemyang COVID 19. Pinagsabihan kayo ng inyong
magulang na sundin ang ordinansa. Ano ang gagawin mo?
a. Sundin ang ordinansa ng barangay sa loob ng isang buwan.
b. Kunwari hindi ko narinig ang sinabi ng magulang ko at lalabas pa rin ako.

Address: Zone VI, Iba, Zambales


Telephone No: (047) 602 1391
Email Address: zambales@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

c. Sundin ko ang bilin ng aking mga magulang dahil para sa kabutihan namin
iyon.
d. Sabihan ang kapatid ko na sundin ang ordinansa ng barangay.
_____27. Binigyan ng parangal si Bb. Catriona Gray sa pagkakapanalo niya sa Miss Universe
2018. Ipinakikita nito na_______________?
a. Mayaman sa talento o kakayahan ang mga Pilipino.
b. Nais ng bansa na malaman ng buong mundo ang tagumpay ng isang
Pilipino.
c. Tinutupad ng pamahalaan ang tungkulin sa mamamayan nito.
d. Binibigyang halaga at pagkilala ang anumang tagumpay ng isang Pilipino
mula sa isang pandaigdigang paligsahan.
_____28. Tinalo niya ang 50 iba pang modelo sa buong mundo sa naganap na pagpili ng
Ford’s Supermodel of the World International noong. 2011. Siya rin ang kauna-
unahang Pilipina na nagwagi sa nabanggit na kompetisyon.
a. Danica Magpantay c. Charlene Almarvez
b. Charo Ronquillo d. Samantha Gomez
_____29. Si Bb. Agustin ay isang guro sa paaralang pampubliko. Alin sa mga pagpipilian ang
hindi nagpapakita ng katapatan sa trabaho ni Bb. Agustin?
a. Pumapasok si Bb. Agustin araw-araw at ginagawa ang tungkulin nang maayos.
b. Nagtuturo si Bb. Agustin kahit walang nakasubaybay na punong-guro
c. Nagbibigay si Bb. Agustin ng mga aklat sa mga batang mabagal magbasa
d. Naglilingkod si Bb. Agustin sa loob ng itinakdang oras ng pamahalaan.
_____30. Nagtatanim ako ng puno upang mapalitan ang mga nawala at naputol na mga puno.
Ito ay nangangahulugan ng __________ ?
a. Pagmamalasakit sa kapwa na pumutol ng mga puno at hindi na pinalitan ang
mga ito.
b. Pagpapahalaga sa kalikasan na kaloob ng Diyos at dapat alagaan ng mga tao.
c. Paglinang ng ispiritwalidad dahil ang pagmamahal sa Diyos ay makikita sa
pangangalaga ng mga likha Niya.
d. Pagkakawanggawa sa mga nasalanta ng baha dahil ubos na ang mga puno.
_____31. Habang kayo ay namamasyal, napansin mong itinapon ng kaibigan mo ang
pinagkainan niya ng tsitserya sa gilid ng daan. Ano ang gagawin mo?
a. Pupulutin ang kalat niya at itatapon ito sa basurahan.
b. Maghahanap ng dyanitor sa paligid na maaaring magwalis ng kalat.
c. Papayuhan siya na hindi tamang itapon kung saan-saan ang basura.
d. Yayayain siyang umuwi na ng bahay dahil baka may makakita ng kaniyang
ginawa.
_____32. Ang kalayaan ay matatamasa ng mga tao kung sila ay sumusunod sa __________?
a. Kabutihan ng kaniyang kapwa
b. Batas sa loob at labas ng bansa
c. Kaayusan ng pamumuhay ng bawat isa
d. Kapayapaan ng kalooban
_____33. Si Mang Ismael ay matuwid na mamamayan. Hindi siya natatakot na magpahayag
ng kaisipan. Sinasabi niya ang mga nakikita niyang mali sa kanilang barangay.
Naniniwala siyang lahat ng tao ay may ______________?
a. Karapatan sa pagmamay-ari c. Karapatan sa paghahanapbuhay
b. Karapatan sa pagboto d. Karapatan sa pagsasalita

Address: Zone VI, Iba, Zambales


Telephone No: (047) 602 1391
Email Address: zambales@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

_____34. Ang Dangerous Drugs Act Law ay ipinapatupad ng pamahalaan upang mabigyan
ng proteksyon ang mga mamamayan. Ano ang isa sa layunin ng batas na ito?
a. Matigil ang paninigarilyo ng mga tao sa mga pampublikong lugar
b. Mabigyan ng babala ang mamamayan hinggil sa pagbabakuna.
c. Pahabain ang buhay ng mga tao at maitaguyod ang kanilang kalusugan.
d. Pangalagaan ang kapakanan ng mamamayan, lalung-lalo na ang mga kabataan,
laban sa pinsalang dulot ng droga
_____35. Si Andrea ay nagsisimba araw-araw. Inaalam din niya kung ano ang dapat na
maging gawi upang maging isang mabuting mananampalataya ng kanyang
relihiyon. Alin sa mga sumusunod ang hindi bunga ng pagkakaroon ng maunlad
na ispiritwalidad?
a. Paghikayat sa kaibigan na magsimba sa inyong simbahan.
b. Pagtulong sa kapwa nang walang hinihinging kapalit.
c. Pagsunod sa mga magulang sa lahat ng pagkakataon
d. Pagdadasal araw-araw nang buong puso.
_____36. Si Anton ay isang Kristiyano, Nakikipagkaibigan at nakikisalamuha siya kay Sajid
na isang Muslim. Nagpapalitan din sila ng paniniwala ng isa’t-isa nang hindi nag-
aaway. Ang ipinakikita ng sitwasyong ito ay__________?
a. Ang pagpapalitan ng paniniwala ay paraan upang maunawaan ang isa’t-isa.
b. Sina Anton at Sajid ay may paggalang sa paniniwala at pananampalataya ng
bawat isa dahil naniniwala sila na pareho silang sumasamba sa Panginoon.
c. Ang paniniwala at paraan ng pananampalatya ng Kristiyano at Muslim ay iisa
kaya hindi dapat magtalo sa kung ano ang tama o mali.
d. Sina Anton at Sajid ay nagpapalitan ng paniniwala at pananampalataya upang
makita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kanilang paniniwala.
_____37. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaroon ng pananampalataya sa
Diyos?
a. Naniniwala ako na laging lulutasin ng Diyos ang aking alalahanin at mga suliranin.
b. Gagantimpalaan ako ng Diyos dahil madalas akong gumagawa ng kabutihan sa
aking kapwa.
c. Mananalangin ako sa Diyos upang ipagkaloob Niya ang lahat ng naisin ko.
d. Gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya at Diyos na ang bahala sa
kung ano ang kalooban Niya sa akin.
_____38. Pinaniniwalaan ng isang taong espirituwal ang lahat maliban sa ______________.
a. Lahat ay posible sa Diyos basta ikaw ay nananalig sa Kanya.
b. Kapag ikaw ay nagpasya nang ayon sa tama, buhay mo ay gaganda.
c. Kung may nais kang makamit, kunin mo sa anumang paraan.
d. Lahat ay may tungkuling ibinigay ng Diyos kaya ito ay nararapat na gampanan
nang tama at buong husay.
_____39. Kasali ka sa choir ng simbahan ninyo pati ang iyong matalik na kaibigan. Isang
araw sinabi niyang huwag na kayong dumalo sa lingguhang pagi-ensayo at
mamasyal na lamang total ay magaling naman na kayong umawit at kabisado na
ninyo ang mga aawitin ninyo. Ano ang magiging pasiya mo sa kanyang sinabi?
a. Hindi ka papayag dahil kailangan pa rin namang mag-ensayo upang maiwasan
ang pagkakamali.
b. Papayag ka dahil totoo namang magaling na kayong umawit.
c. Papayag ka dahil kapag wala kayo ay matututukan ng inyong tagapagsanay ang
ibang kasamahan.

Address: Zone VI, Iba, Zambales


Telephone No: (047) 602 1391
Email Address: zambales@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

d. Hindi ka papayag dahil wala nang gagawing modelo ang inyong mga kasamahan.
_____40. Taon-taon ay dumaranas ng kalamidad ang ating bansa tulad ng bagyo, sunog,
lindol at iba pa. Bilang isang batang may kagalingang ispiritwal at may positibong
pananaw, alin sa mga sumusunod ang pinakatamang gawin upang makatulong
sa mga taong biktima ng kalamidad?
a. Pilitin silang gumaya sa iyo na may kagalingang moral at kayang unawain kung
bakit nangyayari ang iba’t-ibang kalamidad sa bansa.
b. Mag-organisa ng grupo na magpapayo o kakausap sa mga kabataan na
magdasal at manalig sa Diyos upang hindi sumuko anuman ang dumating na
suliranin.
c. Hikayatin silang pabayaan na lamang ang mga nangyayari sapagkat
pinaparusahan ang ating bansa sa pamamagitan ng ibat-ibang kalamidad.
d. Kausapin ang kanilang mga magulang at sabihing turuan ang kanilang mga
anak ng kagalingang moral.

Address: Zone VI, Iba, Zambales


Telephone No: (047) 602 1391
Email Address: zambales@deped.gov.ph

You might also like