You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

Baitang 6 - Edukasyon sa Pagpapakatao


Ikalawang Markahang Pagsusulit - Week 4 Modyul 2

Pangalan: _________________________________________ Iskor: _______


A. Panuto: Basahing mabuti ang mga sitwasyon. Bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. Ipinangako ng ate mo na ibibili ka niya ng bagong sapatos bilang regalo sa iyong


darating na kaarawan. Sa kasamaang palad, nagkasakit ang inyong bunso kung kaya’t
ang naipong pera ng iyong ate na pambili ng iyong sapatos ay nagastos nyo sa
pagpapagamot ng inyong bunso. Ano ang magiging reaksiyon mo?
a. Magagalit ka sa iyong ate.
b. Magpasalamat ka pa rin sa iyong ate kahit di man nabili ang pangakong
sapatos nito para sa iyo ay naipagamot naman at gumaling ang inyong bunso.
c. Kamuhian si bunso.

2. Napagkasunduan ninyong magkakaibigan na maglalaro kayo ng volleyball sa


volleyball court ng inyong barangay. Nakatakda kayong magkita-kita sa tapat ng
bakery sa may kanto ika-3 ng hapon para sabay-sabay kayo na magtungo sa court.
Matagal kang naghintay pero hindi dumating ang mga kaibigan mo. Nalaman mo na
lang na nauna na pala sila sa volleyball court. Ano ang magiging reaksiyon mo?
a. Kausapin mo sila tungkol sa nangyari at ipahayag mo ang tunay mong
damdamin.
b. Balewalain na lang ang nangyari dahil napatunayan mo naman ang tunay
nilang ugali.
c. Huwag na silang kausapin kailanman.

3. Inutang ng kaibigan mo ang inilaan mong pera para sa iyong pamasahe pauwi
pagkatapos ng klase. Nangako siyang babayaran ka niya sa recess kapag naibigay na
ng kuya niya ang baon niyang pera. Subalit, naglakad ka na lang pauwi sa bahay dahil
hindi ka niya binayaran. Ano ang magiging reaksiyon mo?
a. Magalit ka at huwag na siyang pautangin muli.
b. Paalalahanan siya sa kahalagahan ng pagbayad ng utang sa takdang oras na
pinag-usapan.
c. Awayin siya at isumbong sa inyong guro.

4. Nangako ang bestfriend mo na ipapasyal ka niya sa museum sa darating na Sabado.


Isinugod sa hospital ang kanyang nanay sa mismong araw ng inyong kasunduan. Ano
ang magiging reaksiyon mo?
a. Magalit ka sa kanya ngunit hahayaan mo na lang siya.
b. Pupunta ka sa museum mag-isa.
c. Intindihin na lamang siya at ipagdasal ang kaligtasan ng kanyang nanay.

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

5. Hiniram ng kapitbahay mo ang pantalon mong itim dahil gagamitin niya itong
costume sa folkdance nila sa PE. Nangako siyang isasauli ito kaagad dahil gagamitin
mo rin ito sa susunod na araw ngunit nakalimutan niyang isauli ito. Ano ang magiging
reaksiyon mo?
a. Hayaan na lang siya at ibigay na lang sa kanya ang pantalon.
b. Ipagsabi mo sa iba ang ginawa niya.
c. Puntahan mo siya kaagad sa bahay nila at kunin mo ang pantalon. Labhan ito
kaagad nang may magamit ka sa susunod na araw.

B. Panuto: Pag-aralan ang talata sa ibaba. Piliin ang naaangkop na salitang makikita sa loob
ng kahon upang mapunan ang mga patlang.

tuparin damdamin makasakit pangako natupad

Masaya at magaan sa pakiramdam kapag ang 1.)_________________ na

ating binitawan ay ating 2.)_________________. Iwasang magbitiw ng mga

pangakong hindi mo naman kayang 3.)___________________. Sa ganitong


paraan

maiiwasan mong 4.)________________ sa 5.)__________________ ng iba.

pagkatao pangako tiwala relasyon responsible

Ang pagtupad sa 6.) __________________ o pinagkasunduan ay may

malaking bahaging ginagampanan sa paghubog ng mabuting 7.) ________________.

Ito ay tanda ng pagkamapanagutan dahil ang taong 8.) ______________________ ay

ginagawa ang kanyang sinasabi. Bata man o matanda ito ay madalas pinaghuhugutan

ng 9.) _______________________ sa isa’t isa at nagbibigay ng kadahilanan sa

pagtatagal ng ugnayan at matagumpay na 10.) _____________________.

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

SUSI NG PAGWAWASTO

1. B
2. A
3. B
4. C
5. C
B.
1. pangako
2. natupad
3. tuparin
4. makasakit
5. damdamin
6. pangako
7. pagkatao
8. responsible
9. tiwala
10. relasyon

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com

You might also like