You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

BAITANG 8 - EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pangalan: _________________________________________ Iskor: _______


Paaralan: _____________________________________ Seksyon: _________
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong o pangungusap at bilugan ang titik ng
pinakaangkop na sagot sa bawat bilang.

1. Saan ba nakabatay ang sarili nating pananaw sa pamilya?


a. Ito ay nababatay sa sariling karanasan sa pamilya
b. Ito ay batay sa aklat na ating nababasa
c. Ito ay nakabatay sa ating kultura
d. Ito ay nakabatay sa paningin ng iba

2. Batay sa iyong sariling karanasan, kailan mo masasabi na ang isang anak ay malapit
sa Diyos at may takot sa paggawa ng kasamaan?
a. Kung ang pamilya ay laging naniniwala sa Diyos
b. Kung ang pamilya ay laging nagsisimba
c. Kung ang mga magulang ay nagtuturo ng mabuting asal at pananampalataya sa
maykapal
d. Kung ang mga magulang ay nagdidisiplina

3. Bakit mahalagang magampanan ng pamilya ang kanyang mga gampanin?


a. Upang ito ay maging mabuti at maunlad
b. Upang ito ay matagumpay at matiwasay
c. Upang ang mga kasapi nito ay magiging maligaya
d. Upang makamit nito ang kabutihan,kaunlaran at kaganapan

4. Paano mo napapahalagahan ang kontribusyon ng pamilya sa iyo?


a. Sa pagsunod sa kanilang mga utos
b. Sa paggawa lagi ng ikabubuti sa aking sarili at sa buong pamilya
c. Sa pagiging isang masunuring kapitbahay
d. Sa pagiging mapasalamatin sa Diyos

5. Ano ang posibleng mangyayari kapag ang ibang kasapi ng pamilya ay hindi
tumutupad ng kani-kanilang mga tungkulin?
a. Magbibigay ito ng mabuting halimbawa
b. Magdudulot ito ng pag-aaway at maraming problema
c. Magiging diskontento ang bawat isa
d. Ang pamilya ay magiging masama

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

6. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang
nilalang?
a. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling pangangailangan.
b. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.
c. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala.
d. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan.

7. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ________


a. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
b. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
c. pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad.
d. pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa.

8. Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng sumusunod maliban


sa _______________.
a. kakayahan ng taong umunawa
b. pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
c. espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
d. pagtulong at pakikiramay sa kapwa

9. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod ng


________ bilang paglilingkod sa kapwa at sa kabutihang panlahat.
a. hanapbuhay b. libangan c. pagtutulungan d. kultura

10. Aling aspeto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng


paghahanapbuhay?
a. Panlipunan b. Pangkabuhayan c. Politikal d. Intelektwal

11. Ano ang isinasabuhay ng isang taong makatao?


a. nakikipagkapwa
b. nagbabahagi kung anong meron sya
c. tumutulong kung kaya niya
d. tunay na mabuti sa kapwa

12. Ano ang kahulugan ng transcendence? _________


a. pagmamalasakit c. kakayahang malampasan ang pagsubok
b. pagmamahal d. may pagmamalasakit sa kapwa

13. Ano ang ultimate end ng tao, ayon kay Aristoteles?


a. kayamanan c. pagkikiisa
b. pagmamahal d. kaligayahan

14. Ano ang tumutulong sa tao upang hindi niya sukuan ang paggawa ng mabuti

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

a. kalikasan ng tao b. lakas ng loob c. transcendent self d. puso at isip

15. Paano makakamit ng tao ang tunay na kaligayahan?


a. sa dami ng iyong kaibigan
b. sa taas ng nararating sa buhay
c. sa tagumpay na tinatamasa ng tao pagkatapos ng magsumikap
d. sa pamamagitan ng pagpapakita ng kabutihan sa kapwa

16. Ano ang seksuwalidad ng tao?


a. Ay ang pagkakaroon ng maraming nobyo o nobya.
b. Ay ang pagkakaroon ng maraming kalaban at pagiging matapang.
c. Ay nakikita sa dami ng nabuntis ng isang lalaki na walang ibinigay na suporta
kahit kailan.
d. Ay may kaugnayan sa pagiging ganap na lalaki o babae ng isang tao

17. Bakit iba ang katutubong simbuyong seksuwal ng tao sa seksuwal na pagnanasa
ng isang hayop?
a. Dahil ang seksuwal na pagnanasa ng hayop ay nakabase sa kanilang “instinct”
kaya nagiging awtomatikong kilos at hindi ginagamitan ng kamalayan.
b. Dahil ang hayop ay marunong mag-isip at magpigil ng kanilang seksuwal na
pagnanasa.
c. Dahil ang hayop ay may kakayahang magpasya kung ano ang dapat at hindi.
d. Dahil ang hayop ay ginagabayan ng konsensya.

18. Ano ang Puppy Love?


a. Pag-ibig ng mga aso
b. Isang paghanga lamang at hindi tunay na pagmamahal
c. Pag ibig na katulad ng sa mga aso
d. Gustong gawin ng mga aso

19. Ang tunay na pagmamahal ay malaya at nagpapahalaga sa kalayaan ng


minamahal. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Walang pagmamahal sa taong nasa loob ng kulungan.
b. Ang tunay na pagmamahal ay nakikita lamang sa labas ng bawat bahay.
c. Dahil sa ating malayang kilos-loob walang makapagdidikta sa atin kung sino
ang ating mamahalin at kung sino ang magmamahal sa atin.
d. Mahal ang presyo ng pagmamahal.

20. “Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang
makapagsisilang ng isa pang tao, na tulad niya ay may kakayahang magmahal”,
Ito ay ayon kay…
a. Papa Juan Paolo ll b. President Rodrigo R. Duterte
c. Vice Ganda d. Leonor M. Briones

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

SUSI NG PAGWAWASTO
1. a
2. c
3. d
4. b
5. b
6. a
7. c
8. c
9. c
10. b
11. d
12. c
13. d
14. c
15. d
16. d
17. a
18. b
19. c
20. a

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com

You might also like