You are on page 1of 4

Grade 7 Oral Reading Verification

Ang cellphone ay isang elektronikong kagamitang ginagamit sa komunikasyon. Maraming


kapakinabangang ibinibigay ito sa tao.

Magkakausap ang dalawang taong magkakalayo ang kinaroroonan. Gamit din sa paglalaro ng
computer games at sa pakikinig ng musika at mga balita. At saka mayroon din itong video kung saan
maaaring kunan ang masasayang pangyayari sa buhay ng tao.

Tunay na kapaki-pakinabang ang cellphone sa buhay ng tao subalit may kaakibat itong masamang
epekto. Nagiging sanhi ito ng aksidente, holdapan at higit sa lahat, ang paghina ng mga mag-aaral sa
ispeling sa Filipino at maging sa Ingles.

Grade 7 Pag-unawa sa Binasa


1. Ano ang elektronikong kagamitang ginagamit sa komunikasyon na binanggit sa teksto?
a. kompyuter b. cellphone c. tablet d. radyo
2. Maraming pakinabang na dala ang cellphone sa tao. Alin ang hindi binanggit sa teksto?
a. nagkakausap ang nagkakalayo c. maaaring kumuha ng video
b. makikinig sa balita o musika d. makapag-selfie hanggang magsawa
3. Alin ang binanggit sa teksto na kaakibat na masamang epekto ng cellphone?
a. awayan ng mag-textmate c. sanhi ng aksidente at holdapan
b. bukuhan ng nangangaliwa d. cyber-bullying
4. Anong uri ng video ang kukunin gamit ang cellphone na binanggit sa teksto?
a. masasayang pangyayari sa buhay ng tao c. pagnanakaw sa mga tindahan at restoran
b. nakakatawang karanasan ng ibang tao d. paninira sa mga kaaway
5. Higit sa lahat, alin ang pinakamasamang epekto ng paggamit ng cellphone ayon sa teksto?
a. makasisira sa buhay ng kahit na sinong tao c. paghina ng mga mag-aaral sa ispeling
b. ginagamit sa mga balak na gagawing krimen d. makapagpababa ng grado ng mga mag-aaral
Grade 8 Oral Reading Verification

Ang wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging
kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa
dakilang Bathala. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at
mabuting pagsasama.

Kung wala ang wika, paano na kaya magkakaintindihan ang mamamayan? Paano kaya mapabibilis
ang pagsulong ng kaunlaran? Paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at
marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas, ang drowing, ang kulay, ang krokis, ang
ingay o anumang paraang maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng mga katanungan.
Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang wika.

Grade 8 Pag-unawa sa Binasa


1. Ano ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang?
a. buhay b. kapangyarihan c. talino d. wika
2. Bilang kasangkapan ng tao, paano ginagamit ang wika ayon sa sanaysay?
a. pakikipagkalakalan b. pakikipag-ugnayan c. pakikipag-away d. pagmamalasakit
3. Lahat ng pahayag ay nagbibigay-diin sa malaking nagagawa ng wika maliban sa isa. Alin ang hindi
kabilang na kaisipan?
a. pagkakaroon ng magandang unawaan c. pagkakaroon ng mabuting samahan
b. pagkakaroon ng magandang ugnayan d. pagkakaroon ng mapagmahal na kapwa
4. Ayon sa sanaysay, sa pamamagitan ng wika ___________.
a. napapalapit ang tao sa isa’t isa c. sanhi ng di pagkakaunawaan
b. naipahayag ang nararamdaman d. gulo ang magiging bunga
5. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang __________.
a. pagkain b. tirahan c. hanapbuhay d. wika
Grade 9 Oral Reading Verification

“Tangkilikin, sariling atin.” Makahulugang pahayag na nagpapaalala sa sinumang Pilipino na


itaguyod ang mga produktong gawa sa bansa.

Alam mo bang marami tayong produktong matatagpuan sa pandaigdigang pamilihan na


nakikipagsabayan at patuloy na lumilikha ng sariling pangalan sa larangan ng kalakalan? Kung
tinatangkilik ito ng mga dayuhan, bakit hindi natin ito magawa para sa sariling bayan?

Malaki ang naitutulong ng pagtangkilik sa sariling produkto. Napapanatili ng bansa ang reserba
nitong dolyar. Marami rin ang nabibiyayaan ng hanapbuhay. Nalilinang din nang husto ang kanilang
kakayahan at kasanayan.

Makibahagi tayo sa pagsulong ng ating bansa sa pamamagitan ng pagtangkilik sa sariling produkto.

Grade 9 Pag-unawa sa Binasa


1. Ano ang paksa ng sanaysay?
a. pagtangkilik sa mga produktong sariling atin
b. pagtangkilik ng mga dayuhan sa ating produkto
c. mga produkto sa pandaigdigang pamilihan
d. pagpapanatili sa reserbang dolyar ng bansa
2. Sino ang pinaalalahanan ng sanaysay sa pagtaguyod ng mga produkto?
a. mga Amerikano b. sinumang dayuhan c. mga Pilipino d. mga OFW
3. Saan matatagpuan ang maraming produkto ng bansa?
a. mga palengke b. mga mall c. pandaigdigang pamilihan d. Asya
4. Lahat ay malaki ang naitulong sa pagtangkilik ng sariling produkto maliban sa isa. Alin ang hindi
kabilang na kaisipan?
a. napapanatili ng bansa ang reserbang dolyar c. nakatulong sa mga mahihirap na Pilipino
b. marami ang nabibiyaan ng hanapbuhay d. nalilinang ang kakayahan at kasanayan
5. Paano tayo makibahagi sa pagsulong ng ating bansa ayon sa teksto?
a. paggawa ng iba’t ibang produkto c. pagtrabaho sa ibang bansa
b. pagbibigay ng maraming trabaho d. pagtangkilik ng sariling atin
Grade 10 Oral Reading Verification

Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pag-ibig.

Ang katwiran, katotohanan, kabutihan, kagandahan, ang Maykapal, at ang kapwa tao ay siya
lamang mangyayaring maging sanhi ng pag-ibig, siya lamang makapagpapabukal sa loob ng tunay at
banal na pag-ibig. Kung ang masama at mabuti ay ninanasa rin ng loob, hindi ang pag-ibig ang tunay
na siyang may udyok kundi ang kapalaluan at kasakiman.

Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal, at karaka-rakang mapapawi sa
balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay matutulad sa isang
dahon ng kahoy na niluoy ng init at tinangay ng hanging mabilis.

Ang tunay na pag-ibig ay walang iba kundi iyong nakaaakay sa tao sa mga dakilang gawa sukdulang
ikawala ng buhay sampu ng kaginhawaan.

Grade 10 Pag-unawa sa Binasa


1. Sa lahat ng damdamin sa puso ng tao, pinakadakila ang _______.
a. pag-ibig b. habag c. poot d. inggit
2. Lahat ay mangyayaring sanhi ng pag-ibig maliban sa isa. Alin ang hindi kabilang na kaisipan?
a. katwiran b. katotohanan c. pagkakaisa d. kagandahan
3. Kung ang masama at mabuti ay ninanasa rin ng loob, hindi pag-ibig ang may udyok kundi ______.
a. katwiran b. kasakiman c. kababaang-loob d. pagmamalabis
4. Alin ang tinutukoy ng teksto na hindi magtatagal kung wala ang pag-ibig?
a. buhay b. pag-asa c. bayan d. kabuhayan
5. Ang tunay na pag-ibig ayon sa teksto ay iyong _______.
a. nakapagbibigay ng pag-asa sa iba c. nakakaakay sa tao sa mga dakilang gawa
b. nakapagpapagaling ng sakit sa kaluluwa d. nakapagpasaya sa isang pusong sawi

You might also like