You are on page 1of 2

Ikalawang Pagtataya sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Pangalan __________________ Iskor: ________

Basahin mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin at isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.
_______1. Ang bawat tao ay ipinanganak sa mundo upang gampanan ang kanyang ______ sa buhay.
a. Misyon b. Kaganapan c.Kahusayan d. Kagalingan
2. Ang sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa kanyang sarili
maliban sa: a. Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig b. Paghahanda para sa pagbuo ng makabuluhang
relasyon sa hinaharap c. Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga ito d.
Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng Pagdadalaga/Pagbibinata
3. ”Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay, para sa sarili
lamang”. Ano ang pinakaangkop na pakahulugan sa katagang ito?
a. Ang lahat ng tao ay may pananagutan sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.
b. Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang kapwa.
c. Mabubuhay nang matiwasay ang isang tao kung ipauubaya ng tao ang kanyang sarili para sa kanyang
kapwa.
d. Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao, mahalagang suriin ang kanyang sarili sa kanyang
kakayahang makipagkapwa.
4. Bakit mahalagang tuparin ang tungkulin sa pamayanan?
a. May gampanin ang lahat sa kapwa na bahagi ng lipunan.
b. Makatutulong ito upang maramdaman na ikaw ay kabahagi ng lipunan.
c. Magiging ganap lamang ang lipunan kung makikibahagi lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon.
d. Mahuhubog ang kakayahan ng tao sa pamumuno kung maglilingkod siya sa pamayanan.
5. Si Jamir ay madalas na nakikipagtalo sa kanyang kapatid. Para silang aso’t pusa sa dalas ng kanilang
pag-aaway. Madalas na sumasama ang loob ng kanilang ina dahil sa kanilang hindi magandang
pagpapalitan ng mga salita. Ano ang makatwirang magagawa ni Jamir?
a. Umiwas sa kanyang kapatid upang hindi na sila magtalo.
b. Hanapin ang dahilan ng kanilang hindi pagkakasundo at kausapin ang kapatid upang iwasan na itong
gawin.
c. Pag-aralang pakitunguhan ang kanyang kapatid katulad ng pakikitungo niya sa ibang kakilala at mga
kaibigan. d. Maging handa na ipakita ang pagmamahal sa kapatid sa panahong kapwa na sila handa na
kalimutan ang mga nakaraang pagtatalo.
6. Ano ang magiging kahihinatnan ng pagiging matapat sa pagtupad sa tungkulin bilang
nagdadalaga/nagbibinata?
a. Matitiyak ang kaganapan ng pagkatao.
b. Tataglayin ang kakayahan na harapin ang susunod na yugto ng buhay. c. Matitiyak ang tagumpay sa
pagharap sa hamon ng pagiging isang dalaga/binata.
d. Magkakaroon ng mga kakayahang kailangan upang maging isang magandang halimbawa sa kapwa
kabataan.
7. Wika ng isang manunulat sa pilosopiya, ”Ang isang taong tumatalikod sa pananagutan ay maaaring
maihalintulad sa isang taong naglalakad ng walang ulo.” Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na ito?
a. Ang hindi tumutupad nang matapat sa kanyang mga tungkulin ay walang maaaring maipagmalaki
kaninuman.
b. Ang kahihiyan na dulot ng di pagtupad sa mga tungkulin ay nakababawas sa dignidad ng tao.
c. Tinatanggal ng kawalan ng pananagutan ang paggalang ng lahat ng tao sa pagkatao ng tao.
d. Maaaring mahusgahan ng kapwa ang taong hindi marunong tumupad sa kanyang mga tungkulin.
8. Ano ng pinakamakabuluhang layunin ng pagiging isang mag-aaral? a. Pataasin ang marka b.
Pagyamanin ang kakayahang mag-isip c. Matutuhang lutasin ang sariling mga suliranin d. Pagkakaroon
ng masidhing pagnanais na matuto
9. Bakit mahalagang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin sa kalikasan?
a. Makikinabang nang lubos ang mga henerasyong darating b. Mapangangalagaan ang kalikasan para
patuloy na matugunan ang pangangailangan ng lahat ng tao c. Maiiwasan ang patuloy na pagkasira ng
kalikasan at ang paulit-ulit na mga kalamidad d. Lahat ng nabanggit
10. Ano ang pinakamataas na tungkulin ng isang anak sa kanyang mga magulang?
a. Sila ay igalang, mahalin at pagkatiwalaan b. Ibigay sa kanila ang nararapat na katumbas ng lahat ng
tulong na kanilang naibigay. c. Ang ilaan ang kanyang hinaharap para sa walang pagdaramot na
pagtulong sa pamilya d. Ang magsilbing isang magandang halimbawa sa kanyang mga kapatid
Panuto: Isulat ang salitang TAMA sa bawat patlang kung tama ang bawat TUNGKULIN ng isang
indibidwal at MALI naman kung hindi.
_______11. Pagliligpit ng higaan pagkagising
_______12. Hindi pagpapaalam sa magulang o sa mga kasama sa bahay sa pupuntahang mga lakad
_______13. Makopagsagutan at makikipag-away sa kapatid
_______14. Pagsasauli ng hiniram na gamit sa paaralan (hal. aklat)
_______15. Pagakakalat at hindi pagtatapon ng basura sa tamang lugar
_______16. Pagsisimba tuwing araw ng Linggo o araw ng pagsamba
_______17. Sumasabay sa uso
_______18. Maging pinuno sa mga kaibigan ng pagbubulakbol at pagliban sa klase
_______19. Hindi pagtulog nang maaga at paglalaro ng computer/cellular phone games
_______20. Pagsunod sa payo ng mga magulang
_______21. Pagpaparaya sa kapatid kung kinakailangan
_______22. Pagpasok sa paaralan sa takdang oras
_______23. Paglilinis ng sariling bakuran o ng bahay
_______24. Pagsunod sa utos at aral ng Diyos
_______25. Pinag-iisipan muna ang bibilhing produkto
_______26. Pagbabahagi ng kaalamang natutuhan mula sa paaralan tungkol sa kalikasan
_______27. Pag-uwi nang tama sa oras
_______28. Pagtulong sa mga gawaing-bahay
_______29. Pakikinig sa payo ng nakatatandang kapatid
_______30. Pagpasok sa paaralan araw-araw
_______31. Pakikilahok sa programa ng barangay
_______32. Pagtulong sa kapwang nangangailangan
_______33. Paggamit ng mga teknolohiya (hal. internet) nang may disiplina
_______34. Paggamit muli (reuse) ng mga plastic bag
_______35. Pagtanggap sa sariling kahinaan

Masdan mo ang sumusunod na larawan sagutin ang mga tanong sa ibaba.

36-40Ano ang pagkakatulad ng tatlong nasa larawan?


__________________________________________________
__________________________________________________
41-45. Ano ang pagkakaiba ng tatlong ito?
__________________________________________________
__________________________________________________
46-50. Alin sa tatlong ito ang nakahihigit sa lahat? Ipaliwanag
__________________________________________________
__________________________________________________

You might also like