You are on page 1of 2

St.

Peter’s College
Sabayle St., Iligan City
Telephone No. (063) 222-2660 local 113 paano magpakatao 7
Email Address: spcbed18@gmail.com A.Y: 2022 – 2023
3rd Summative Test
BASIC EDUCATION DEPARTMENT March 16-17, 2022

Pangalan: ______________________ Iskor: _____/


Baitang at Seksyon: __________________

Pagtataya I. Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng pinaka angkop na
sagot.

1. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa kanyang sarili
maliban sa:

a. Makabuluhang paggamit ng mga hilig.


b. Paghahanda para sa pagbuo ng makabuluhang relasyon sa hinaharap.
c. Pagpapaunlad ng talento at kakayahan at wastong paggamit ng mga ito.
d. Pagharap at wastong pamamahala sa mga pagbabago sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata.

2.” Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay, para sa sarili
lamang”. Ano ang pinakaangkop na pakahulugan sa katagang ito?

a. Ang lahat ng tao ay mayroong pananagutan sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.


b. Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang kapwa.
c. Mabubuhay nang matiwasay ang isang tao kung ipauubaya ng tao ang kanyang sarili para sa
kanyang kapwa.
d. Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao, mahalagang suriin ang kanyang sarili sa kanyang
kakayahan na makipagkapwa.

3. Bakit mahalagang tuparin ang tungkulin sa pamayanan?


a. Mayroong gampanin ang lahat sa kapwa na bahagi ng lipunan.
b. Makatutulong ito upang maramdaman na ikaw ay kabahagi ng lipunan.
c. Magiging ganap lamang ang lipunan kung makikibahagi lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon.
d. Mahuhubog ang kakayahan ng tao sa pamumuno kung maglilingkod siya sa pamayanan.

4. Si Jamir ay madalas na nakikipagtalo sa kanyang kapatid. Para silang aso’t pusa sa dalas ng
kanilang pag-aaway. Madalas na sumasama ang loob ng kanilang ina dahil sa kanilang hindi
magandang pagpapalitan ng mga salita. Ano ang makatwirang magagawa ni Jamir?
a. Umiwas sa kanyang kapatid upang hindi na sila magtalo.
b. Hanapin ang dahilan ng kanilang hindi pagkakasundo at kausapin angkapatid upang iwasan na
itong gawin.
c. Pag-aralang pakitunguhan ang kanyang kapatid katulad ng pakikitungoniya sa ibang kakilala at
mga kaibigan.
d. Maging handa na ipakita ang pagmamahal sa kapatid sa panahongkapwa na sila handa na
kalimutan ang mga nakaraang pagtatalo.

5. Ano ang magiging kahihinatnan ng pagiging matapat sa pagtupad sa tungkulin bilang


nagdadalaga/nagbibinata?
a. Matitiyak ang kaganapan ng pagkatao.
b. Tataglayin ang kakayahan na harapin ang susunod na yugto ng buhay.
c. Matitiyak ang tagumpay sa pagharap sa hamon ng pagiging isang dalaga/binata.
d. Magkakaroon ng mga kakayahang kailangan upang maging isang magandang halimbawa sa
kapwa kabataan.

6. Wika ng isang manunulat sa pilosopiya, ”Ang isang taong tumatalikod sa pananagutan ay maaaring
maihalintulad sa isang taong naglalakad ng walang ulo.” Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na ito?

a. Ang hindi tumutupad nang matapat sa kanyang mga tungkulin ay walang maaaring maipagmalaki
kaninoman.
b. Ang kahihiyan na dulot ng di pagtupad sa mga tungkulin aynakababawas sa dignidad ng tao.
c. Tinatanggal ng kawalan ng pananagutan ang paggalang ng lahat ngtao sa pagkatao ng tao.
d. Maaaring mahusgahan ng kapwa ang taong hindi marunong tumupadsa kanyang mga tungkulin.

7. Ano ng pinakamakabuluhang layunin ng pagiging isang mag-aaral?


a. Pataasin ang marka c. Matutunang lutasin ang sariling mga suliranin
b. Pagyamanin ang kakayahang mag-isip d. Pagkakaroon ng masidhing pagnanais na matuto

8. Bakit mahalagang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin sa kalikasan?


a. Makikinabang nang lubos ang mga henerasyon na darating.
b. Mapangangalagaan ang kalikasan para patuloy na matugunan ang pangangailangan ng lahat ng tao.
c. Maiiwasan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan at ang paulit-ulit na mga kalamidad.
d. Lahat ng nabanggit.

9. Ano ang pinakamataas na tungkulin ng isang anak sa kanyang mga magulang?


a. Sila ay igalang, mahalin at pagkatiwalaan.
b. Ibigay sa kanila ang nararapat na katumbas ng lahat ng tulong na kanilang naibigay.
c. Ang ilaan ang kanyang hinaharap para sa walang pagdaramot na pagtulong sa pamilya.
d. Ang magsilbing isang magandang halimbawa sa kanyang mga kapatid.

10. Mula ng nagdalaga si Jasmin ay palagi na silang nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang ina.
Madalas na sumasama ang kanyang loob sa tuwing siya ay napagsasabihan at napagbabawalan sa mga
Bagay na alam niyang hindi na nararapat na pakialaman ng kanyang ina. Ano ang pinakamatuwirang
magagawa ni Jasmin?

a. Kausapin ang kanyang ama upang sabihin sa kanyang ina angkanyang saloobin
b. Gumawa ng paraan upang mabuksan ang maayos na komunikasyonat pakikipag-ugnayan sa kanyang ina.
c. Ibahagi na lamang sa kanyang mga kaibigan ang kanyang sama ngloob at matapos ito ay
kalimutan na ang sama ng loob.
d. Palaging isaisip na bilang anak kailangan niyang sumunod sa kanyang magulang sa lahat ng
pagkakataon dahil sila ang nakatatanda.

Pagtataya II. Poster-Making: Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng katangian ng isang mapanagutang


kabataan tulad mo. Isaisip ang mga lawak ng responsibilidad na kailangan mong gampanan. (20 puntos)

‘Honest heart, produce honest actions.’ - Brigham Young

You might also like