You are on page 1of 10

Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat

bilag. Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot


sa kuwaderno.
1. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing
tungkulin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa
kanyang sarili maliban sa:

a. Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig


b. Paghahanda para sa pagbuo ng makabuluhang
relasyon sa hinaharap
c. Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at
Wastong Paggamit ng mga ito
d. Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga
Pagbabago sa Yugto ng
2. “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili
lamang. Walang sinuman ang namamatay, para
sa sarili lamang”. Ano ang pinakaangkop na
pakahulugan sa katagang ito?

a. Ang lahat ng tao ay mayroong pananagutan sa


kanyang sarili at sa kanyang kapwa.
b. Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kanyang
sarili kundi para sa kanyang kapwa.
c. Mabubuhay nang matiwasay ang isang tao
kung ipauubaya ng tao ang kanyang sarili para
sa kanyang kapwa.
d. Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao,
mahalagang suriin ang kanyang sarili sa
3. Bakit mahalagang tuparin ang tungkulin sa
pamayanan?

a. Mayroong gampanin ang lahat sa kapwa na


bahagi ng lipunan.
b. Makatutulong ito upang maramdaman na
ikaw ay kabahagi ng lipunan.
c. Magiging ganap lamang ang lipunan kung
makikibahagi lahat ng tao sa lahat ng
pagkakataon.
d. Mahuhubog ang kakayahan ng tao sa
pamumuno kung maglilingkod siya sa
pamayanan.
4. Si Jamir ay madalas na nakikipagtalo sa
kanyang kapatid. Para silang aso’t pusa sa dalas
ng kanilang pag-aaway. Madalas na sumasama
ang loob ng kanilang ina dahil sa kanilang hindi
magandang pagpapalitan ng mga salita. Ano
ang makatwirang magagawa ni Jamir?

a. Umiwas sa kanyang kapatid upang hindi na


sila magtalo.
b. Hanapin ang dahilan ng kanilang hindi
pagkakasundo at kausapin ang kapatid upang
iwasan na itong gawin.
c. Pag-aralang pakitunguhan ang kanyang
kapatid katulad ng pakikitungo niya sa ibang
5. Ano ang magiging kahihinatnan ng pagiging
matapat sa pagtupad sa tungkulin bilang
nagdadalaga/nagbibinata?

a. Matitiyak ang kaganapan ng pagkatao.


b. Tataglayin ang kakayahan na harapin ang
susunod na yugto ng buhay.
c. Matitiyak ang tagumpay sa pagharap sa
hamon ng pagiging isang dalaga/binata.
d. Magkakaroon ng mga kakayahang kailangan
upang maging isang magandang halimbawa
sa kapwa kabataan.
6. Wika ng isang manunulat sa pilosopiya, ”Ang
isang taong tumatalikod sa pananagutan ay
maaaring maihalintulad sa isang taong naglalakad
ng walang ulo.” Ano ang ipinahihiwatig ng
pangungusap na ito?

a. Ang hindi tumutupad nang matapat sa kanyang


mga tungkulin ay walang maaaring
maipagmalaki kaninoman.
b. Ang kahihiyan na dulot ng di pagtupad sa mga
tungkulin ay nakababawas sa dignidad ng tao.
c. Tinatanggal ng kawalan ng pananagutan ang
paggalang ng lahat ng tao sa pagkatao ng tao.
7. Ano ng pinakamakabuluhang layunin ng
pagiging isang mag-aaral?

a. Pataasin ang marka


b. Pagyamanin ang kakayahang mag-isip
c. Matutunang lutasin ang sariling mga
suliranin
d. Pagkakaroon ng masidhing pagnanais na
matuto
8. Bakit mahalagang tuparin ng tao ang
kanyang tungkulin sa kalikasan?

a. Makikinabang nang lubos ang mga


henerasyon na darating
b. Mapangangalagaan ang kalikasan para
patuloy na matugunan ang pangangailangan
ng lahat ng tao
c. Maiiwasan ang patuloy na pagkasira ng
kalikasan at ang paulit-ulit na mga kalamidad
d. Lahat ng nabanggit
9. Ano ang pinakamataas na tungkulin ng isang
anak sa kanyang mga magulang?

a. Sila ay igalang, mahalin at pagkatiwalaan


b. Ibigay sa kanila ang nararapat na katumbas ng
lahat ng tulong na kanilang naibigay.
c. Ang ilaan ang kanyang hinaharap para sa
walang pagdaramot na pagtulong sa pamilya
d. Ang magsilbing isang magandang halimbawa
sa kanyang mga kapatid
10. Mula ng nagdalaga si Jasmin ay palagi na silang
nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang ina.
Madalas na sumasama ang kanyang loob sa tuwing siya
ay napagsasabihan at napagbabawalan sa mga bagay na
alam niyang hindi na nararapat na pakialaman ng
kanyang ina. Ano ang pinakamatuwirang magagawa ni
Jasmin?

a. Kausapin ang kanyang ama upang sabihin sa kanyang


ina ang kanyang saloobin.
b. Gumawa ng paraan upang mabuksan ang maayos na
komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kanyang ina.
c. Ibahagi na lamang sa kanyang mga kaibigan ang
kanyang sama ng loob at matapos ito ay kalimutan na
ang sama ng loob.

You might also like