You are on page 1of 33

ARALIN 4

KONSEPTO AT
SALIK NG
PAGKONSUMO
Marami sa mga
pangangailangan at

PANIMULA
kagustuhan ng tao ay
matutugunan sa
pamamagitan ng pagbili at
paggamit sa iba’t ibang
produkto at serbisyo.

Dahil sa kakapusan sa
Araw-araw, ang tao ay salapi, dapat na maging
nahaharap sa iba’t ibang uri matalino sa pagpili ng mga
ng pagpapasya. kalakal o serbisyo na
bibilhin.
Ito ang pagbili at paggamit sa

ANO ANG mga kalakal o serbisyo upang

PAGKONSUMO?
tugunan ang kanilang
pangangailangan.

Kapag natutugunan ng
tao ang kanyang
pangangailangan siya ay
nakakaranas ng kasiyahan
(satisfaction).
PARAAN NG PAGKONSUMO
Kung tutuusin, ang pagkonsumo ay hindi lamang
gawain ng mamimili.
Nagsasagawa rin ng pagkonsumo ang bahay-kalakal.
Pinangangasiwaan ng bahay-kalakal ang produksyon.
Gumagamit ang bahay-kalakal ng mga produkto sa
paglikha ng panibagong produkto.
Ang pagkonsumo ng mamimili ay kaiba sa pagkonsumo
ng bahay-kalakal.
PARAAN NG PAGKONSUMO
Tinatawag ang pagkonsumo ng mamimili bilang
tuwirang pagkonsumo (direct consumption).
Ito ay dahil ang mamimili ay agarang nakakakuha ng
kasiyahan (satisfaction) sa paggamit ng produkto.
Tinatawag bilang consumption goods ang mga
produkto na kinokonsumo ng mamimili.
PARAAN NG PAGKONSUMO
Samantala, ang bahay-kalakal ay may di-tuwirang
pagkonsumo (indirect consumption).
Ginagamit ang nasabing produkto upang makalikha ng
iba pang produkto.
Dahil dito, maituturing ang nakonsumo ng bahay-
kalakal na produktong may pinagkukunang gamit
(goods with derived use).
Tinatawag na intermediate goods ang mga produktong
kinokonsumo ng bahay-kalakal
PARAAN NG PAGKONSUMO
URI NG PAGKONSUMO
ANYO NG PAGKONSUMO

1. Induced Consumption
2. Autonomous Consumption
3. Conspicous Consumption
4. Artificial Consumption
ANYO NG PAGKONSUMO:
INDUCED CONSUMPTION

Ayon kay John Maynard Keynes sa kanyang Theory on


Consumption Function, ang pagkonsumo ng tao ay
nakabatay sa antas ng kanyang kasalukuyang kita o
income na tinatanggap.
ANYO NG PAGKONSUMO:
AUTONOMOUS CONSUMPTION
Ito ang anyo ng pagkonsumong hindi nakaayon sa laki
ng kita.
Ito ang uri ng pagkonsumo ng tao kapag ang kanyang
kita ay nasa antas na zero.
Ang pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan
ang siyang nagbubunsod sa tao na gumawa ng paraan
para makabili o magtamo nito.
ANYO NG PAGKONSUMO:
CONSIPICUOUS CONSUMPTION
May mga pagkonsumong ang motibo ay
makapagyabang at hindi ang makatugon sa
pangangailangan.
Sa ganitong uri ng pagkonsumo nabuo ang Veblen
goods o mga produktong habang tumataas ang presyo
ay mas lalo namang hinahangad bilhin ng tao.
ANYO NG PAGKONSUMO:
ARTIFICIAL CONSUMPTION

May mga konsyumer na nakakukuha ng motibasyon sa


mga pag-aanunsiyo na sinasadyang maging kaakit-akit
upang tangkilikin ang tinatampok na produkto o
serbisyo.
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA
PAGKONSUMO

May iba’t ibang salik na nakaaapekto sa pagkonsumo


ng isang tao. Ang pagkakaiba-iba ng kanilang
katangian ang dahilan kung bakit nagkakaiba-iba ang
paraan at dahilan ng kanilang pagkonsumo.
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA
PAGKONSUMO
Pagbabago ng Presyo - Kadalasan, mas tinatangkilik ng mga
mamimili ang produkto o serbisyo kapag mura dahil mas
marami silang mabibili. Samantala, kaunti naman ang kanilang
binibili kung mataas ang presyo nito.
Kita – Habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang
kaniyang kakayahan na kumonsumo ng mga produkto at
serbisyo. Sa kabilang banda, ang pagbaba ng kita ay
nangangahulugan ng pagbaba ng kakayahang kumonsumo.
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA
PAGKONSUMO
Mga Inaasahan - Ang mga inaasahang mangyayari sa hinaharap
ay nakaaapekto sa pagkonsumo sa kasalukuyan. Halimbawa,
kung inaasahan ng mga tao na magkakaroon ng kalamidad,
tataas ang pagkonsumo nito sa kasalukuyang panahon bilang
paghahanda sa pangangailangan sa hinaharap. Kung positibo o
maganda naman ang pananaw sa hinaharap, maaga pa sa
inaasahan ay tumataas na ang pagkonsumo kahit hindi pa
natatanggap ang inaasahang salapi tulad ng pagtanggap ng
bonus at iba pang insentibo
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA
PAGKONSUMO
Pagkakautang – Kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang
tao, maaaring maglaan siya ng bahagi ng kaniyang salapi upang
ipambayad dito. Ito ay magdudulot ng pagbaba sa kaniyang
pagkonsumo dahil nabawasan ang kaniyang kakayahan na makabili
ng produkto o serbisyo.
Demonstration Effect – Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga
anunsiyo sa radyo, telebisyon, internet at iba pang social media.
Ginagaya ng mga tao ang kanilang nakikita, naririnig, at napapanood
sa iba’t ibang uri ng media kaya naman tumataas ang pagkonsumo
UTILITITARIANISM
Ang prinsipyo sa eknomiks na
nagsasaad na nagmumula ang
halaga (value) ng isang bagay
sa nalilikha nitong
kapakinabangan (use) sa tao.
Itinaguyod ito ni Jeremy
Bentham noong ika-18 siglo.
MGA KILOS O GAWI NG KONSYUMER KAPAG
KUMOKONSUMO
1. Kahiligan sa mga bagay na magkakaterno o magkakapareha
2. Pagbili ng mga produktong magkakaiba
3. Pagkakaroon ng priyoridad sa pagbili
4. Panggagaya sa iba
5. Saturation effect o pagkasawa
LAW OF DIMINISHING MARGINAL UTILITY
Sa ekonomiks, ginagamit ang utils bilang artipisyal na yunit upang
sukatin ang kapakinabangan. Sa talahanayan, makikita na ang
pagkonsumo ng unang siomai ay magdudulot ng 10 utils. Ang
pagkonsumo sa ikalawang siomai ay magpapataas sa Total Utility ng
19 utils.
Subalit sa pagkonsumo ng ikalawa at susunod pang siomai, makikita
na kaagad ang pagbaba ng Marginal Utility na nakukuha mula rito.
Higit itong makikita sa pababang direksyon ng kurba ng Marginal
Utility (tignan ang graph) sa pagkonsumo ng siomai. Ang pakinabang
sa pagkonsumo ng karagdagang siomai ay papaliit nang papaliit
MGA PAGPAPAHALAGA AT PANINIWALANG
NAKAIIMPLUWENSIYA SA MGA PILIPINONG
KONSYUMER
MGA BATAS NG PAGKONSUMO

1. Batas ng Pagkakaiba (Law of Variety)

Nagpapaliwanag kung bakit ang bawat mamimili ay iba-iba ang


binibili at ginagamit na uri o klase ng produkto.

Halimbawa:
Ang ibang tao ay umiinom ng kape samantalang ang iba ay salabat.
Ang iba ay bumibili ng damit na itim ang iba naman ay pula
MGA BATAS NG PAGKONSUMO

2. Batas ng Pagkakabagay (Law of Harmony)

May mga pagkakataon na ang tao ay nais na bumili ng mga bagay na


nababagay sa isa’t isa.

Halimbawa:
Pagsusuot ng ternong damit
Pagkain ng puto’t dinuguan at tokwa’t baboy
MGA BATAS NG PAGKONSUMO

3. Batas ng Imitasyon (Law of Imitation)

Ang tao ay mahilig manggaya at ito ang dahilan kung bakit


nagbabago ang ating pagkonsumo sa mga produkto at serbisyo.

Halimbawa:
Pagsunod sa nauuso.
Panggagaya sa isinusuot ng mga artista.
MGA BATAS NG PAGKONSUMO

4. Law of Economic Order

Ang pagpapasya na bigyan ng prayoridad ang mas mahalagang bagay


o pangangailangan kaysa sa mga luho.
Nakakamit ng tao ang kasiyahan kapag nakagawa ng mga
pagpapasya na magbigay pansin sa mga bagay na pangunahing
pangangailangan ng tao.
REFERENCES:

Konsepto at Salik ng Pagkonsumo Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA


www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Siglo 9 Ekonomiks pahina 76-93.

You might also like