You are on page 1of 27

ARALING

PANLIPUNAN

PROSTITUSYON
AT PANG-AABUSO Ikatlong
Markahan:
Aralin 5
ANO ANG PROSTITUSYON?

Ito ay tumutukoy sa pagbebenta


ng mga seksuwal na serbisyo.

AP: Prostitusyon at Pang-aabuso


ANO ANG PROSTITUSYON?

Ayon kay James P. Warbase, ito


ay tungkol sa mga kababaihang
nagpapaupa ng katawan sa mga
lalaki para sa kanilang seksuwal
na kasiyahan.
AP: Prostitusyon at Pang-aabuso
ANO ANG PROSTITUSYON?
Ito ay isa sa parte ng
industriyang global kung saan
ang pakikipagtalik ay may
kapalit na salapi, pagkain,
droga, pabor, at marami pang
iba.
AP: Prostitusyon at Pang-aabuso
MGA IBA'T IBANG TAWAG

Hostess Guest Relation


Sexworker Officer (GRO)
Prostitute Escort
Callboy Street walker
Callgirl
AP: Prostitusyon at Pang-aabuso
Sinaunang Prostitusyon

Bago pa magkaroon ng
sibiliisasyon, ang
prostitusyon ay dati nang
propesyon sa mga
sinaunang pamayanan
(Ringal, 2004).
Sinaunang Prostitusyon

Sa Mesopotamia,
pinaniniwalaang ang
mga pari ay
nakikipagtalik sa mga
prostitute.
Sinaunang Prostitusyon

Sa sinaunang Greece,
gumawa sila ng mga legal na
bahay-aliwan (legal brothels)
para mapagsilbihan ang mga
politiko at ordinaryong
kalalakihan.
Sinaunang Prostitusyon
Sa Roma, ang prostitusyon ay
tinanggap na mahalagang
katotohanan sa buhay at
inaasahang ang kalalakihan ay
mararanasang lumapit sa
mga prostitute (Bullough &
Bullough, 1977).
Sinaunang Prostitusyon
Sa panahon ng Digmaang
Pandaigdig, mayroon ding
mga kaso ng puwersahang
prostitusyon na sinasabing
isang uri ng pang-aabuso sa
mga nasasakupang lupain.
Comfort Women.
Sinaunang Prostitusyon
Sa Africa, ang mga Tutsi
(babaeng etniko) lamang ang
inaabuso at hinahalay.
Humigit-kumulang sa
limandaang libong kababaihan
ang hinalay noong 1994 sa
Rwanda genocide.
Mga Dahilan ng Prostitusyon

1. KAHIRAPAN
Maraming pumapasok sa prostitusyon
upang magkaroon ng mga
pangunahing pangangailangan sa
buhay.
Ang pangunahing dahilan sa pagiging
prostitute ay upang kumita ng salapi.
Mga Dahilan ng Prostitusyon

2. PEER PRESSURE
Ang karamihan sa mga nasa prostitusyon ay
naakit o naisama ng mga kaibigan.
Ang barkada ay may mataas na
impluwensya sa mga kabataan.
Kung nasa prostitusyon ang kasa-kasama ng
isang kabataan, malamang na maging
ganuon na rin siya.
Mga Dahilan ng Prostitusyon
3. PAGIGING BIKTIMA NG RAPE, CHILD
LABOR, AT TRAFFICKING
Ang ilan sa mga sex workers ay biktima ng sex
slavery, pornograpiya, panggagahasa, child
labor, at trafficking.
Ang ilan ay nagkakaroon ng mababang
pagpapahalaga sa sarili at sexual disorders, na
sa kalaunan ay maghahahantong sa kanila sa
prostitusyon.
Mga Dahilan ng Prostitusyon
4. KATAMARAN AT PAGNANAIS NA KUMITA NANG
MABILIS
May mga kabataan at estudyante na tamad at nais
mabuhay sa luho nang walang pagpapagal.
Ang mga nagtatrabaho na may kaunting sahod ay
maaaring mainggit sa mga kasamahan na kumikita
nang malaki nang hindi gaanong nagtatrabaho.
Ganito nasisira ang moral ng ilang inosente kaya’t
napapasok sa prostitusyon.
Mga Dahilan ng Prostitusyon

5. KAKULANGAN SA PANGANGALAGA NG
MAGULANG
Karamihan sa mga bata ay nagiging pasaway
kapag walang sinumang gumagabay at
sumusubaybay sa kanila. Ang mga may sobrang
abala o di-maalagang mga magulang ay may
posibilidad na maakit sa iba’t ibang mga bisyo
sa lipunan.
Mga Epekto o Bunga ng
Prostitusyon at Pang-aabuso

1. Ang prostitusyon ay isang anyo ng karahasan


laban sa mga kababaihan. Ang paglaganap ng
prostitusyon ay tila nangangahulugan na
pinahihintulutan ng lipunan ang karahasan sa mga
kababaihan.
Mga Epekto o Bunga ng
Prostitusyon at Pang-aabuso
2. Ang prostitusyon ay humahantong sa
malubhang pangmatagalang negatibong epekto sa
mga prostitutes, tulad ng trauma, stress,
depresyon, pagkabalisa, self-medication sa
pamamagitan ng alkohol at paggamit ng droga,
eating disorders, pananakit sa sarili, at
pagpapakamatay.
Mga Epekto o Bunga ng
Prostitusyon at Pang-aabuso

3. Naipalalaganap nito ang maling kaisipan na ang


seks sa labas ng kasal o kaswal na seks ay ayos
lamang at hindi nakakahiya.
Mga Epekto o Bunga ng
Prostitusyon at Pang-aabuso

4. Ang prostitusyon ay isang anyo ng pagkaalipin


at humahantong sa pagtaas ng bilang ng sekswal
na karahasan laban sa kababaihan, panggagahasa,
at minsan ay pagkamatay.
Mga Epekto o Bunga ng
Prostitusyon at Pang-aabuso
5. Ang mga prostitute ay itinuturing bilang bagay
na nagbibigay ng pinansiyal na kita sa bugaw. Ang
mga kababaihan sa prostitusyon ay tinitingnan
bilang kalakal na pinagkakakitaan sa sekswal na
kasiyahan. Dahil sa prostitusyon, bumababa ang
tingin sa mga sangkot dahil sila’y tila kalakal
lamang na ibinebenta.
Mga Epekto o Bunga ng
Prostitusyon at Pang-aabuso
6. Sinisira nito ang pag-iisip at diwa ng mga babae.
Matapos silang pisikal na kontrolin o abusuhin,
ginagamitan sila ng mga bugaw ng sikolohikal na
manipulasyon at brainwashing. Minsan ay
nilalagyan sila ng tattoo bilang simbolo ng
pagiging nasa ilalim ng kapangyarihan ng bugaw.
Mga Epekto o Bunga ng
Prostitusyon at Pang-aabuso
7. Ikinukulong nito ang babae sa stigma, opresyon,
at marginalization. Ang mga prostitute ay
nagdurusa mula sa karagdagang stigma at pang-
aapi ng lipunan sa pangkalahatan, at madalas na
winawalang halaga. Hindi sila sineseryoso, sila ay
madalas dinidiskrimina, at nananatili silang
“markado” sa komunidad.
Mga Epekto o Bunga ng
Prostitusyon at Pang-aabuso

8. Ang prostitusyon ay nakasisira sa relasyong


mag-asawa at sa pamilya. Karaniwang hindi
matatag, at minsan ay dysfunctional pa, ang
pamilya ng sangkot sa prostitusyon.
Mga Epekto o Bunga ng
Prostitusyon at Pang-aabuso

9. Ang prostitusyon ay nagbubunga ng unwanted


pregnancy. Malamang na ang nabubuong anak ay
masadlak rin sa kahirapan o maging pasanin ng
pamahalaan.
Mga Epekto o Bunga ng
Prostitusyon at Pang-aabuso

10. Ang prostitusyon ay nagbubunga ng


paglaganap ng sexually transmitted diseases gaya
ng AIDS, STD, at HIV.
Siglo: Kontemporaryong Isyu 315-325.
References

https://myinfobasket.com/mga-dahilan-ng-prostitusyon-
at-pang-aabuso/

https://myinfobasket.com/epekto-ng-prostitusyon-at-
pang-aabuso-sa-buhay-ng-tao-sa-pamayanan-at-bansa/

You might also like