You are on page 1of 3

FIRST SUMMATIVE TEST

PINAL NA PAGSUSULIT
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Second Semester S.Y. 2020-2021
STEM 11 – only

Name: _________________________ Date of Examination: __________


Grade Year Level & Section: __________ Score/s: _____________
KNOWLEDGE
1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.

PROCESS
1. 3. 5. 7. 9. 11. 13. 15. 17. 19.
2. 4. 6. 8. 10. 12. 14. 16. 18. 20.

UNDERSTANDING
1. 3. 5. 7. 9. 11. 13. 15. 17. 19.

2. 4. 6. 8. 10. 12. 14. 16. 18. 20.

A. Manuel L. Quezon B. Mass Media C. Hapon D. Pilipino

E. Alibata F. Amerikano G. Kristiyanismo H. Bagong Republika

I. Telebisyon J. Dyaryo K. Radyo L. Filipino

1. Itinuturing itong pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan.


2. Ito ang nangungunang wika sa radyo.
3. Ito ang dahilan kung bakit ang halos lahat ng mamamayan ay nakauunawa ng wikang Filpino.
4. Ito ang naangungunang wikang midyum sa telebisyon sa ating bansa
5. Ito ay nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na headline
6. Tawag ng wikang ginagamit ng mga sinaunang Pilipino bago pa man dumating ang mga kastila
sa ating bansa.
7. Panahon na yumabong ang wikang Filipino.
8. Pinakamahalagang na-iambag ng mga Kastila sa ng mga Pilipino.
9. Umunlad ang edukasyon at tinuruan ang mga Pilipino na patakbuhin ang sariling gobyerno sa
panahong ito.
10. Ama ng Wikang Pambansa.

II. Tukuyin kung anong gamit ng wika sa lipunan ang tinutukoy ang bawat pahayag.
A. Regulatoryo B. Interaksyonal C. Personal D. Heuristiko
1. Kailan ba tayo magsisimula ng pagsulat ng pananaliksik sa Filipino?
2. Nalulungkot ako sa dulot ng kalamidad sa ating bansa.
3. Mahal kita.
4. Mag-ingat sa aso. Bagong hiso!
5. No parking on both sides.
6. Maligayang kaarawan!
7. Darating ba si Mayor ngayon?
8. Tutol naman ako sa desisyon ni Pangulong Duterte sa paghiwalay sa Amerika.
9. Bawal ang malimit na pagliban sa klase.
10. Masaya ako sa panalo mo.
III. Panuto: Suriing mabuti ang bawat bilang. Isulat sa loob ng kahon na nasa taas ang titik T
kung wasto ang pahayag at kung ito ay mali salungguhitan ang salitang nagpamali at isulat
ang tamang sagot sa loob ng kahon
11. Ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino ay tinatangkilik din ng mga
Pilipino.
12. English ang lingua franca ng telebisyong Pilipino.
13. Ang pangunahing layunin sa paggamit ng Filipino sa pelikula ay upang mas marami ang
manood, makaunawa, manlibang at magkaroon ng malaking kita.
14. Ang wikang Ingles ay madalas na ginagamit sa mga programa sa radyo at telebisyon.
15. Ang nangingibabaw na wika sa mga post sa social media ay pormal na wika.
16. Sa kasalukuyang panahon ay hindi kailangan na ang paggamit ng social media.
17. Maging mga nakatatanda tulad ng mga lolo at lola ay kabilang na rin sa
mga netizen na umaarangkada ang social life.
18. Madaling nakababalita sa mga nangyayari sa buhay sa pamamagitan
ng mga nakapost na impormasyon, larawan at pagpapadala ng pribadong mensahe gamit ang mga
ito.
19. Sa Internet bagama’t marami nang website ang mapagkukunan ng mga impormasyon ay
nananatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika nito.
20. Kaunti lamang ang konektado sa internet.

UNDERSTANDING

IV. Isulat sa kahon na nasa taas ang titik na katapat ng makikita mong mali. Kung walang mali ay
isulat ang titik D.

1. Ano ang iyong gagawin bakit makamit ang iyong pangarap . Walang mali.
A B C D
2. Marami ang naniniwala sa kakayahang ng mga kabataang Pilipino. Walang mali.
A B C D
3. Sila ay mahuhusay sa iba’t ibang larangan. Walang mali.
A B C D
4. Mahalagang suporta ng magulang ang mga anak upang mapabuti sila. Walang mali.
A B C D
5. Magkaisa tayong para sa isang mabuting layunin. Walang mali.
A B C D

6. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng wastong kahulugan ng wika maliban sa


a. Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang nauukol sa lipunan ng mga tao.
b. Mga pananagisag sa anumang bagay na binibigyang kahulugan,kabuluhan at interpretasyon sa
pamamagitan ng mga salita,binabasa man ng mga mata o naririnig ng tainga,nakasulat man o binibigkas.
c. Midyum ng pag-iisip at komunikasyon sa proseso ng buhay panlipunan.
d. Ito ay mga salitang nahahawakan o hindi nahahawakan na ginagamit sa bawat paaralan

7. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng kahalagahan ng wika?


a. pakikipag- usap sa tindera
b. pagsulat ng liham sa kamag-anak na nasa ibang bansa
c. pagpapahinga sa dalampasigan kasama ang barkada
d. panonood ng pelikula

8. Ang komunikasyong berbal ay higit na makikita sa


a. pag-awit sa harap ng salamin
b. pagkaway sa paparating na kaibigan
c. pagsali sa patimpalak ng masining na pagkukwento
d. pagguhit sa isang patimpalak pagpinta

9. Ito ang maituturing na kaluluwa ng berbal na komunikasyon.


a. Mensahe b. Wika c. Bansa d. Modelo

10. Ang pagyakap ng ina sa anak ay nagpapakita ng komunikasyong____________


a. berbal b. di berbal c. pormal d. di pormal

11. Mahalaga ang komunikasyong di berbal dahil:


a. inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyunal ng isang tao.
b. nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe
c. naipahahatid ang ibang mensaheng di kayang sabihin nang personal
d. nagiging malakas ang loob ng tao na magawa ang isang bagay

12. Ang pakikipag-usap sa telepono ay higit na nagpapakita ng komunikasyong


a. berbal b. di berbal c. pormal d. di pormal
13. Ang salitang yosi, ermat, at tol ay maaari mong marinig sa wikang
a. Dayalekto b. Kolokyal c. Pidgin d. Idyolek

14. Kung ikaw ay naninirahan sa Bacolod at naisipang mag-aral sa Maynila , ano ang dapat isaalang-alang
na kaisipan sa pagtukoy ng wika?
a. Sosyal dahil ibang tao na ang iyong makakasalamuha
b. Heyograpikal dahil naiba na ang iyong tirahan.
c. Okupasyunal dahil ikaw ay malapit ng magtrabaho
d. Sosyo- sikolohikal dahil iba na ang takbo ng iyong isipan.

15. “ Di namin kayo tatantanan!” Ito ang natatanging pananalita ni Mike Enriquez sa kaniyang pagbabalita.
Ang halimbawang pahayag ay nagpapakita ng barayti ng wikang
a. Dayalek b. Idyolek c. Sosyolek d.Pidgin

16. “ Pre , mukhang olats ka na naman kasi wala kang datung. Humingi ka na lang muna sa ermat mo”. Ang
pananalitang ginamit ay nagpapakita ng barayti ng wikang
a. Dayalek b. Idyolek c. Sosyolek d.Pidgin

17. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng wastong kahulugan ng komunikasyon?
a. Ito ay sining ng pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik
b. Ito ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe na maaaring berbal o di-berbal
c. Ito ay pagbuo ng kaisipan sa ating sarili
d. Ito ay pagtanggap ng mensahe sa ating paligid

18. Alin ang hindi maaaring maging katangian o kahulugan ng komunikasyon?


a. Pakikipagtalastasan c.Paggamit ng salita
b.Sistematikong proseso d. Pagpapalit ng panahon

19. Ang tao’y nabubuhay hindi lang para sa kaniyang sarili. Noon pa man ay kaakibat nang pamumuhay ng
tao ang pakikipagtalastasan sa kaniyang kapwa. Ang ipinahihiwatig ng pahayag ay______________
a. Mahalaga ang ating kapwa sa buhay ng tao
b. Ang pakikipagtalastasan ay hindi ganap kung wala ang ating kapwa
c. Ang komunikasyon ay bahagi ng pamumuhay ng tao sa mundo
d. Walang nabubuhay sa mundo na mag-isa lamang

20. Ang komunikasyon ay sining ng pagpapahayag ng kaisipan o ideya sa paraang pasalita lamang. Ang
pahayag ay_____________
a. hindi ko maintindihan
b. maaaring tama
c. walang katotohanan
d. may katotohanan

V. Panuto: Talakayin ang katanungan sa ibaba.


21-25. Ano ang itinuturing na pangunahing wika ng mass media? Bakit kaya Filipino ang wikang
pinipiling gamitin ng telebisyon at iba pang uri ng mass media sa bansa?
26-30. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang mauunawaan ng lahat?

You might also like