You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF URDANETA CITY
CABULOAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Urdaneta City, Pangasinan

SECOND QUARTER EXAMINATION


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
S.Y. 2018-2019

Name: LRN: Score:


Grade & Section: Teacher:

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat tanong. Isulat sa papel ang tamang sagot.

1. “Nilikha ang tao ayon sa larawan at wangis ng Diyos; binigyan siya ng kapamahalaan sa ibang nilalang; at
binigyan siya ng taong makakasama at makakatulong”. Ang pahayag ay nagpapatunay na:
a. Ang tao ay “Panlipunang Nilalang” o “ Social Being”.
b. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng makabuluhang bagay.
c. Ang tao ay may kakayahang makapamuhay ng nag-iisa.
d. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang sariling pangangailangan.

2. Sila ay ang mga tao na labas sa iyong sarili, maaaring iyong magulang,kamag-anak, kaibigan at kaklase, na
makatutulong sa paglinang sa intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan at political na aspekto ng iyong
pagkatao.
a.kapatid b. kapamilya c. kapuso d. kapwa

3. Ang mga yunit katulad ng pamilya, samahan ng mga relehiyoso at iba pang yunit na tumutulong sa
pamamagitan ng bolunterismo tulad ng “Red Cross” at mga NGO’s ay mahalaga sa pakikipagkapwa. Ang
pahayag ay tumutukoy sa kahalagahan ng:
a. pagbubuo at pagsali sa mga samahan c. pagbuo at di-pagsali sa mga samahan
b. pagtataguyod ng di-boluntaryong samahan d. pagtataguyod ng pakikibahagi sa samahan

4. Si Yani ay mapagmalasakit sa kapakanan ng mga taong may kapansanan, may kakayahang umunawa at
laging handang tumulong sa mga nangangailangan. Naisasabuhay ni Yani ang:
a. makabuluhang buhay c. makabuluhang pakikipagkapwa
b. makabuluhang layunin d. makabuluhang pakikipagkaibigan

5. Isang kasabihan ang “No man is an island” na nagpapatunay na ang isang indibidwal ay:
a. Kayang mamuhay ng nag-iisa c. Mabubuhay ng may kaya o marangya
b. Kayang mamuhay sa isang isla d. Mabubuhay ng may kasama o kapwa

6. Sa tulong ng kanyang mga guro si Basti ay lubhang napakagaling sa larangn ng isports, pangsayaw,
pagkanta at maging sa akademiko. Alin sa mga sumusunod na aspeto ng pagkatao ang nahubog kay Basti:
a. Aspektong intelektwal c. Aspektong panlipunan
b. Aspektong pangkabuhayan d. Aspektong politikal

7. Si Issay ay estudyante na may kakayahang sumunod sa mga batas at ordinansa ng lungsod tulad ng
pagtawid sa “ pedestrian lane”, tamang pagtapo ng basura natutunan niya ito sa kanyang Ninong na Pulis at
Tito na isang “ Traffic Enforcer”. Ano ang aspektong naisasabuhay ni Issay sa tulong ng kanyang kapwa.
a. Aspektong intelektwal c. Aspektong panlipunan
b. Aspektong politikal d. Aspektong pangkabuhayan

8. Ang pakikipagkapwa ay napatatatag ng mga birtud ng katarungan at pagmamahal. Suriin sa mga


sumusunod ang nagpapakita nito.
a. Si Amber na nagtuturo ng walang hinihintay na kapalit sa kaklase na nahihirapan sa ilang asignatura.
b. Si Yna na nagpapautang na may kaunting tubo sa mga nangangailangan
c. Si Alden na gumaganap ng maayos sa kanyang trabaho
d. Si Maine na madalas mag-overtime sa kanilang opisina
9. Ano ang tamang katwiran na susuporta sa pahayag na “Dapat na mauna ang pagmamahal sa kapwa bago
ang debasyon sa pamilya”.
a. Pinagtitibay nito ang papel panlipunan ng pamilya
b. Pinatunayan nito ang pangangailangan sa sakripisyo para sa kapwa
c. Ang pagiging labis na makapamilya ay katumbas din ng pagiging makasarili
d. Ang labis na pagkiling sa pamilya ay maaaring magbunga ng paggamit na posisyon at kapangyarihan
para sa kapakanan ng pamilya

10. Sa pakikisalamuha sa kapwa mahalagang maisabuhay ang pahayag na tinatawag na “Golden Rule”. Ito ay
nangangahulugan na:
a. “Huwag mong gawin sa kapwa mo , ang gusto mong gawin sa iyo”
b. “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo”
c. “Pakitunguhan lang ang kapwa na nakatutulong sa iyo”
d. “Kailangan niya ang kanyang kapwa na may maibibigay na kapalit”

11. Likas na sa pagkato ng tao ang makipag-ugnayan sa kanyang kapwa. Suriin ang nagpapakit ng dahilan
nito:
a. Hindi moral ang taong mamumuhay ng mag-isa.
b. Mahalagang behikulo ng pagpapakatao ang pakikipagkapwa.
c. Kailangan niya ang kanyang kapwa upang maging ganap na tao sa pamamagitan ng paglilingkod niya
rito.
d. Kailangan niya ang kanyang kapwa upang malinang siya sa aspetong intelektwal, pangkabuhayan,
panlipunan at politikal.

12. Ang estudyanteng si Ruby ay may paggalang sa kapwa, marunong magpahayag ng damdamin at mag-
ingat ng mga bagay na ibinabahagi ng kapwa. Ano ang naisasabuhay ni Ruby na kanyang natutunan sa
kanyang guro sa ESP.
a. Mga prinsipyo sa pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa
b. Mga katangian ng makabuluhang pakikipag-ugnyan sa kapwa
c. Mga kalakasan sa pakikipag-ugnayan sa kapwa
d. Mga gintong kautusan sa pakikipag-ugnayan sa kapwa

13. Maasahan, masasandalan, at takbuhan sa tuwing may problema sina Irish at Trish sila ay may
pagmamahal at pagpapahalaga sa isa’t isa. Suriin ang ugnayan na ipinamamalas ng dalawa.
a. Pagdadamayan b. Pag-aalala c. Pakikisama d. Pagkakaibigan

14. Ito ay itinuturing na pinaka mataas na antas ng pakikipag-kaibigan, tanggap ang kalakasan at kahinaan ng
bawat isa na humahantong sa pagpapakasal ng isang lalaki at babae ng nagmamahalan sa harap ng Diyos.
a. Friend b. Best Friend c. Peers d. Soulmate
15. Tanggap ni Tope ang kalakasan at kahinaan ni Tony. Ang kanilang pagkakaibigan ay maituturing na mataas
na antas.
a. Friend b. Best Friend c. Peers d. Soulmate

16. Suriin ang naglalarawan sa tunay na kaibigan


a. May isang damdamin at kailangan ang isat-isa
b. May simpleng pagkagusto at kagalakan dahil sa presensya ng isang tao
c. Dumadaan ang mga ito sa isang mahaba at masalimuot na proseso at mga pagsubok
d. Pagkakita pa lamang sa isang tao ay mararamdaman mo na magiging malapit kayo sa isa’t isa

17. Ang pagpapayaman ng pagkatao, pagpapabuti ng personalidad at pagpapa-unlad ng kakayahan ay dapat


na maisagawa upang:
a. Maging posible ang pagbuo ng malalim na pagkakaibigan
b. Maging posible at tumatag ang pagkakaibigan
c. Maging posible at tumagal ang samahan
d. Maging posible at mabago ang samahan
18. Sina Diana at Divine ay magkaklase ngunit tuwing may pagsususlit si Perina ay lagi na lamang umaasa sa
makukuhang sagot kay Amihan, minsan hindi na nakakakopya ng sagot si Diana kay Divine kung kaya’t ito
ay hindi na niya pinapansin sa eskwela.Suriin ang pinakitang uri ng pakikipagkaibigan ang ipinakita ni
Perina.
a. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
b. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
c. Pagkakaibigang nakabatay sa sariling kakayahan
d. Pagkakaibigang nakabatay kabutihan

19. Magkaibigan na mula pagkabata sina Vanch at Mayo, ang kanilang pagkakaibigan ay nabuo batay sa
pagkagusto at paggalang sa isa’t isa. Kapansin-pansin din na may pagkakatulad ang dalawa sa interes,
minsan magkapareho ang pananaw nila sa mundo. Suriin ang uri ng pagkakaibigan ng ipinamalas ng
dalawa?
a. Pagkakaibigang nakabatay sa pangngailangan
b. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
c. Pagkakaibigang nakabatay sa sariling kakayahan
d. Pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan

20. Masayang kasama at kausap si Arianne “game siya palagi sa mga lakaran at gimik ng tropa, ngunit kung
may kinakaharap na suliranin ang tropa ay hindi ito mahingihan ng suporta. Anong uri ng pagkakaibigan
ay isinasabuhay ni Arianne?
a. Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan
b. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
c. Pagkakaibigang nakabatay sa sariling interes
d. Pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan

21. “Ang makabuluhang pagkakaibigan ay nabubuo sa pagitan ng mabubuting tao”. Alin sa mga sumusunod
na pahayag ang nagpapatunay dito:
a. Pinipigilan at pinapayuhan ni Amy na wag nalang patulan ang umaaway sa kanyang kaibigang si
Bren
b. Nauunang nakikipagaway si Ador upang maipagtanggol ang kaibigan nito sa umaaway dito
c. Hinihikayat si Chel ang kaibigang si Chelsy na magpaligaw sa dalawa upang may mapagpilian
d. Kinakampihan ni Arnie ang kaibigang si Andrie kahit mali ito

22. Laging handang sumuporta ang mga kaibigan ni Tanea lalo na ngayon siya ay kasali sa isang paligsahan,
magchecheer sila para rito. Kaya naman lalong ginalingan ni Tanea upang siya ay manalo. Suriin ang
napaunlad na pagkatao ni Tanea sa pakikippagkaibigan:
a. Nagkakaroon ng mga bagong ideya sa pakikipagkaibigan
b. Natutunan kung paano maging mabuting tagapakinig
c. Natutunang pahalagaan ang pakikipagkaibigan sa kabila ng ilang pagkakaintindihan
d. Nakalilika ng mabuting pagtinggin sa sarili

23. Nananatiling buo at matatag ang pagkakaibigan nina Dingdong at Tantan walang suliranin o anumang
pagsubok ang makasisira nito. Ano ang napaunlad ng mga ito sa pagkakaibigan?
a. Nagkaroon ng mga bagong ideya sa pakikipagkaibigan
b. Natutunan kung paano maging mabuting tagapakinig
c. Nakalikha ng mabuting pagtingin sa sarili
d. Natutuhang pahalagaan ang pakikipagkaibigan sa kabila ng ilang pagkakaintindihan.

24. Handang maglaan ng panahon at presensya ang Guidance Councilor na si Lya at bukas ang isipan nito sa
pagunawa kay Ely na humingi ng payo dito. Ano ang katangiang taglay ni Lya sa pakikipagkaibigan kay Ely?
a. May mabuting paguunawaan c. Mabuting tagapakinig
b. May mabuting pakikisama d. Mabuting tagalutas ng suliranin

25. Ang presensya,paggawa ng mga bagay na magkasama, pagaalaga, katapatan, kakayahang magalaga ng
lihim at pagunawa sa nilalaman ng isip at damdamin ng iba ay kailangan upang mapagtagumpayan ng
isang tao ang pagbuo ng pagkakaibigan. Ang pahayag ay tumutukoy sa:
a. Tatlong uri ng pagkakaibigan c. Mga katangian sa pakikipagkaibigan
b. Pagkakaibigan tungo sa matatag na pagkakakilanlan d. Mga sangkap sa pakikipagkaibigan

26. Ano ang mahalagang sangkap sa pakikipagkaibigan na paglalagay ng sarili sa sitwasyon kinalalagyanan ng
kaibigan upang lubos mo siyang maunawaan?
a. Katapatan b. Pagaalaga c. Confidentiality d. Empathy

27. “Ang tunay na pagkakaibigan ay dumadaan muna sa ilang matinding pagsubok bago ito ganap na
malinang sa malalim na antas ng pakikipagugnayan”. –George Washington. Suriin ang sumusunod na
pahayag ang lumalarawan dito:
a. Ang tunay na magkaibigan ay handang magpatawad sa isa’t isa
b. Ang tunay na kaibigan ay handang magpasaya lagi
c. Ang tunay na kaibigan ay laging nasa tabi ng kaibigan
d. Ang tunay na kaibigan ay laging maaasahan

28. Dumaan sa matinding pagsubok si Femme tungkol sa kanyang kaibigan na sinagot ang binasted nitong
manliligaw. Ngunit para kay Femme ay ayos lang ito dahil nais nito na maging masaya ang kaibigan. Ano
ang katangian na pinakita ni Femme?
a. mapagpatawad at maasahan c. mapagpatawad at mapagbigay
b. mapagpatawad at mapagkumbaba d. mapagpatawad at mapagparaya

29. Si Maria at Mario ay mag-aaral na magkasintahan na may matatag na relasyon ngunit sila ay napakabata
pa para magpakasal. Anong birtud ang kailangan upang mapamahalaan ng dalawa ang mga emosyon
nakakasiya (hal. pagmamahal,paghahangad,pagkatuwa)
a. Pagtitimpi (Temperance) c. Katarungan (Justice)
b. Maingat na pagpapasya (Prodence) d. Katatagan ng loob (Fortitude)

30. Madalas na hindi magkasundo si Rico at Rocco sila ay nagklaklase na nagpapataasan at nagpapagalingan
sa klase wala ni isa sa kanila ang nagpapatalo madalas mauwi ang dalawa sa pisikal na sakitan. Suriin ang
emosyon na ipinakita ng dalawa.
a. pagkairita b. pagkainis c. pagsuklam o pagkamuhi d. pagkagalit o pagkainis

31. Napapanahong balita ang mga sunod-sunod na patayan sa mga kapulisan at ginagamit ng ipinagbabawal
na gamot at dahil dito nababahala ang ibang mamamayan. Ano ang emosyon ang nararamdaman sa
ganitong sitwasyon?
a. pagkagalit b. pagkamuhi c. pagkagulat d. pagkatakot

32. Ang emosyong pagkagalak ay masidhing damdaming ng kasiyahan o kaligayahan. Suriin ang pahayag na
nagpapakita dito:
a. pagsali sa paligsahan sa paaralan c. pagpunta sa iba’t-ibang lugar
b. panunuod ng nakasisiyang mga palabas d. pagkakaroon ng hanap-buhay

33. Sa tuwing nakikita ni Myles ang crush nito sa paaralan ay nahihiya ito kung kaya madalas itong
lumiliko at iba ang dinadaanan nito. Suriin ang angkop na emosyon na ipinakita ni Myles.
a. pagkagalit b. pagmamahal c. pagkalungkot d. pag-iwas

34. Malapit na ang recognition day ipinagdarasal ni Cassey na makasali siya sa honorable mention dahil
nagsumikap naman siyang magaral. Suriin ang ipamalas na emosyon ni Cassey.
a. pag-asam b. pag-asa c. pagmamahal d. katatagan

35. Mabilis itong tugon o reaksyon ng tao sa mga bagay na kanyang nakita, naramdaman, nalasahan, naamoy
at narinig na binibigyan ng enterpretasyon ng kanyang isip.
a. Desisyon b. Emosyon c. Kilos d. Salita

36. Isa ito sa apat na uri ng damdamin na tumutukoy sa mga panlabas na pandama na nakakapagdudulot ng
panandaliang kasiyaan o paghihirap sa tao. (hal. Pagkagutom, halimuyak,panlasa, kiliti, kasiyahan at sakit)
a. Kalagayan ng damdamin c. Pandama (sensory feelings)
b. Espiritwal na damdamin d. Sikikong damdamin
37. Si Nicole ay kinakikitaan ng ugaling pagkamaka-Diyos ang espiritwal nitong damdamin ay nakatuon sa
paghubog ng pagpapahalaga tulad ng pag-asa at pananampalataya. Ano ang uri ng emosyon ang
naisasabuhay ni Nicole?
a. Kalagayan ng damdamin c. Pandama ( Sensory Feelings)
b. Espiritwal na damdamin d. Sikikong damdamin

38. Ang emosyon ay marapat na mapahalaan ng wasto tulad na lamang ng galit. Suriin kung sa paanong
paraan ito mapapamahalaan.
a. Magpalamig muna ng ulo upang hindi na lumala ang alitan
b. Magbasag ng mamahaling gamit upang maibsan ang galit
c. Manigarilyo at uminom ng alak upang mawala ang galit
d. Lumabas ng bahay at maghanap ng away

39. Ang malabis na pagmamahal ni Rain kay Sunshine ay nagpapatindi ng emosyon nito na maging sila na
habang buhay ngunit sila ay nag-aaral pa lamang sa kolehiyo. Suriin ang wastong emosyon na dapat
maisabuhay ng dalawa:
a. Magtimpi at alamin ang dapat gawin upang hindi mabuntis si Sunshine
b. Magtimpi at pigilan muna ang nararamdaman para sa isa’t-isa
c. Magtimpi at maghiwalay muna upang makaiwas sa maagang pag-aasawa
d. Magtimpi at alamin ang limitasyon ng bawat isa upang magtapos muna bago magpakasal

40. Isa sa makabuluhang nagawa ng isang lider ang mapag-isa ang di matagal nang di magkasundo
mamayanan sa India dahil sa pagkakaiba ng relehiyon at katayuan sa lipunan. Suriin ang tanyag na lider
na nakipaglaban ng di gumagamit ng dahas at mawakasan ang sitwasyon sa taas.
a. Steve Jobs b. Mahatma Gandhi c. Martin Luther King d. Mother Teresa

41. Isang lider si Steve Jobs na nagpakita ng lakas ng loob na mag-isip at gumawa ng kakaiba sa ginagawa ng
karammihan. Suriin ang kahalagahang nagawa ni Steve Jobs bilang isang tanyag na lider.
a. Nakilala at sumikat ang IPhone dahil sa kanyang pamumuno
b. Nakilala at sumikat ang Samsung devices dahil sa kanyang pamumuno
c. Nakilala at sumikat ang Alcatel dahil sa kanyang pamumuno
d. Nakilala at sumikat ang Oppo dahil sa kanyang pamumuno

42. May kakayahan ang lider na makilala at makakilala ng suliranin at lutasin ito, nangunguna siya lalo na
kapag may mga sitwasyon kailangan ng dagliang aksyon at gawin ang mga bagay na dapat gawin. Ang
talata na binanggit ay tumutugon sa:
a. Mga katangian ng mapanagutang empleyado
b. Mga katangian ng mapanagutang lider
c. Mga katangian ng mapanagutang abogado
d. Mga katangian ng mapanagutang guro

43. SI Dana ay isang lider na mabuting modelo at nagpapakita ng mabuting pagpapahalaga at inilalagay ang
kanyang sarili sa punong tagapaglingkod (servant leader). Anong pamumuno ang isinasabuhay ni Dana?
a. Pamumunong Inspirasyonal c. Pamumunong Adaptibo
b. Pamumunong Traspormasyonal d. Pamumunong Trasportasyonal

44. Ang ganitong uri ng lider o pamumuno ay umaalalay upang magkaroon ng sapat na kaalaman at
kasanayan ang kanilang mga kasama upang mapaunlad ang mga ito ang kanilang sarili at maabot ang
kanilang pinakamataas na potential. Ang halimbawa ng ganitong uri ng lider ay sina Steve Jobs at Bill
Gates. Suriin ang uri ng pamumuno ang nasa talata.
a. Pamumunong Inspirasyonal c. Pamumunong Adaptibo
b. Pamumunong Transpormasyonal d. Pamumunong Trasportasyonal

45. Ang mga nagiging pangulo ng Pilipinas ang halimbawa ng ganitong pamumuno, mayroon silang mataas
na emotional quotient at personalidad na madaling makakuha ng paggalang at tagasunod.
a. Pamumunong Inspirasyonal c. Pamumunong Adaptibo
b. Pamumunong Transpormasyonal d. Pamumunong Trasportasyonal
46. Ayon kay Alexander Haslam “Ang nagiging pinakamahusay na lider ay ang mga taong naging
pinakamahusay na taga sunod” suriin ang lumalarawan sa kasabihan sa itaas.
a. Ang lider at tagasunod ay may parehong pananagutan sa bawat isa
b. Ang lider lamang ang dapat na sundin at pagtiwalaan
c. Ang tagasunod ay sumusunod sa lahat ng pinaguutos ng lider
d. Ang tagasunod ay dapat na pinakikinggan ng lider

47. Si Cassey ay isang ulirang tagasunod, may matatag at matapang na konsensya na sumusuporta sa lider at
tumutupad sa inatas na tungkulin at maasahan. Ano ang nalinang kay Cassey kung pinakita niya ang
ganitong katangian?
a. May kakayahang magtrabaho c. Naisasabuhay ang pakikipagkapwa
b. May kakayahang magorganisa d. Naisasabuhay ang mga pagpapahalaga

48. Suriin sa mga sumusunod ang pangunahing katangian ng lider ang pinipili ng tao:
a. Ang lider ay nagpapamalas ng katalinuhan c. Ang lider na may tiwala sakanyang tagasunod
b. Ang lider na nagbibigay ng inspirasyon sa pangkat d. Ang lider na magaling magplano

49. Alin sa mga sumusunod na talata ang nagpapakita ng mapanagutang pamumuno:


a. Si John na naipapatutupad ang mga Gawain upang makamit ang layunin ng pangkat.
b. Si Anthony na nasa kapangyarihan upang mapakilos ang pinamumunuan.
c. Si Andy na masaya lang na nagtamo ng karangalan matapos makamit ng pinamumunuan ang
layunin.
d. Si Jude na may malakas na impluwensya na nagpapakilos sa mga pinamumunuan upang makamit ang
layunin ng pangkat.

50. Si Mine ay may katangian ng ulirang taga-sunod na nalilinang sa pamamagitan ng focus, commitment,
pagsusumikap na naragdagan ang kagalingan sa paggawa at pagkakaroon ng kusang pagtulong sa
kinabibilangang pangkat. Ano ang kakayahang isinasabuhay ni Mine?
a. Kakayahan sa trabaho ( job skills)
b. Mga birtud ( virtue component )
c. Mga pagpapahalaga ( values component )
d. Kakayahang magorganisa ( organizational skills)

Prepared by: Approved by: Noted:

PIA P. DELA CRUZ ROWENA C. MANABAT EDGAR OLUA, Ed.D.


Teacher I Principal II EPS- Edukasyon sa Pagpapakatao

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF URDANETA CITY
CABULOAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Urdaneta City, Pangasinan
SECOND QUARTER EXAMINATION
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
S.Y. 2018-2019

Answer Key

1.A 11. D 21.A 31.D 41.A


2.D 12. A 22.D 32.B 42.B
3.A 13.D 23.D 33.D 43.A
4.C 14.A 24.C 34.A 44.B
5.D 15.B 25.D 35.B 45.C
6.A 16.C 26.D 36.C 46.A
7.B 17.A 27.A 37.B 47.D
8.A 18.A 28.D 38.A 48.B
9.D 19.D 29.A 39.D 49.D
10.B 20.B 30.C 40.B 50.A

Prepared by: Approved by: Noted:

PIA P. DELA CRUZ ROWENA C. MANABAT EDGAR OLUA, Ed.D.


Teacher I Principal II EPS- Edukasyon sa Pagpapakatao
1.A 11.D 21.A 31.D 41.A
2.D 12.A 22.D 32.B 42.B
3.A 13.D 23.D 33.D 43. A
4.C 14.A 24.C 34.A 44.B
5.D 15.B 25.D 35.B 45.C
6.A 16.C 26.D 36.C 46.A
7.B 17.A 27.A 37.B 47.D
8.A 18.A 28.D 38.A 48.B
9.D 19.D 29.A 39.D 49.D
10.B 20.B 30.C 40.B 50.A

Prepared by:

MAY L. VALDEZ
Teacher III
Approved:

EDGAR F. OLUA, Ph.D.


EPS-Edukasyon sa Pagpapakatao

Copy Received:

GRACE A. PADOR Ed.D.


Senior Education Program Specialist
Division Testing Coordinator

You might also like