You are on page 1of 4

IKALAWANG MARKHAN

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8 (EsP 8)
TAUNANG PANURUAN 2021 – 2022
Pangalan: _______________________________ Pangkat: ________________

Pangalan ng Guro: _______________________ Petsa:___________________

Panuto: Piliin ang letra ng pinakatamang sagot.

1. Ito ay tawag sa lahat ng tao na kasama ng isang indibidwal sa isang lipunan.


A. Kaibigan B. Kapwa C. Pamahalaan D. Pamilya

2. Bakit itinuturing na panlipunang nilalang ang tao?


A. Dahil siya ay naninirahan sa lipunan
B. Dahil siya ay taga-pangalaga ng nilikha ng Diyos
C. Dahil kasama niyang manirahan ang iba pang tao sa lipunan
D. Dahil ang lahat ng bagay na kanyang ginagawa at iniisip, maging ang pagpapaunlad at pagbuo ng
sarili ay mula sa kapwa at para sa kapwa.

3. Ito ay tumutukoy sa pakikipamuhay kasama ang ibang tao at paglilingkod sa isa’t isa sa pamamagitan
ng diyalogo.
A. Pakikipagkapwa B. Pakikisalamuha C. Pakikisama D. Pakikisangkot

4. Paano makakamit ng tao ang kaganapan ng kaniyang pagkatao?


A. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon sa kapwa
B. Sa pamamagitan ng makabuluhan at mabuting pakikipagkapwa
C. Sa pamamagitan ng pagtugon sa pangangailangan ng kaniyang pamilya
D. Sa pamamagitan ng pag-aalaga ng mga hayop at halaman na nilikha ng Diyos

5. Ibinabahagi ni Rezza sa kaniyang nakababatang kapatid ang mga aral na natutunan niya mula sa
kaniyang guro, upang makatulong sa pagsasagot nito ng modyul. Anong aspekto ng pakikipagkapwa
ang nalinang sa sitwasyon?
A. Intelektuwal B. Pangkabuhayan C. Panlipunan D. Politikal

6. Ito ay aspekto ng pakikipagkapwa na tumutukoy sa kaalaman at kakayahang matugunan ang mga


pangangailangan ng sarili at kapwa.
A. Intelektuwal B. Pangkabuhayan C. Panlipunan D. Politikal

7. Anong aspekto ng pakikipagkapwa ang maaaring malinang ni Angela sa pagsali niya sa Scouting ng
kanilang paaralan?
A. Intelektuwal B. Pangkabuhayan C. Pangkultural D. Panlipunan at Politikal

8. Ito ay birtud na tumutukoy sa pagbibigay sa iyong kapwa ng nararapat niyang matanggap.


A. Katarungan B. Pagmamahal C. Katatagan ng loob D. Maingat na Paghuhusga

9. Si Eiza ay may kakayahang umunawa ng damdaming nadarama ng kaniyang kapwa. Anong


kakayahan ang kaniyang taglay?
A. Charity B. Empathy C. Hospitable D. Justice

10. Ang mga sumusunod ay prinsipyo na kailangan isabuhay ng bawat indibidwal upang mapaunlad ang
pakikipag-ugnayan sa kapwa MALIBAN sa
A. Pagtanggap sa kapwa
B. Pagpapahayag ng sama ng loob
C. Paggalang sa pagiging indibidwal ng ating kapwa
D. Pag-iingat sa mga bagay na ibinahagi ng kapwa

11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng magandang resulta ng pakikipagkapwa?
A. Naibibigay ng pakikipagkapwa ang iyong pangangailangan bilang isang tao
B. Dahil sa pakikipagkapwa natututo ang tao na mapalawak ang mga pananaw niya sa buhay.
C. Sa pamamagitan ng pakikipagkapwa, nagkakaroon ang tao ng kamalayan tungkol sa kaniyang
sarili.
D. Nagkakaroon ang tao ng pagkakataon na malaman ang kahinaan ng kapwa at gamitin ito bilang
pansariling kalakasan laban sa mga ito.

12. Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng ugnayan ng isang tao dahil sa pagmamahal o pagpapahalaga.
A. Pagkakaibigan B. Pagmamalasakit C. Pakikipagkapwa D. Pakikisalamuha

Page 1 of 4
13. Ito ay resulta ng komunikasyon at aksiyong ginagawa o nagaganap sa pagitan ng dalawang tao na
ginusto at pinagsikapan na makabuo ng mabuting ugnayan.
A. Organisasyon B. Pagkakaibigan C. Pagmamahal D.Pakikitungo

14. Si Mariztela ay sinisiguradong nandiyan siya sa kaniyang kaibigan kapag kailangan ng mga ito ang
kanyang tulong. Alin sa mga katangian ng mabuting kaibigan ang kanyang ipinapakita?
A. Ang mabuting kaibigan ay matapat.
B. Ang mabuting kaibigan ay mapagkakatiwalaan.
C. Ang mabuting kaibigan ay marunong magbigay.
D. Ang mabuting kaibigan ay handang dumamay sa iyo.

15. Ito ang itinuturing na pinakamalalim na antas ng pagkakaibigan kung saan sa mga taong kabilang sa
antas na ito, naipagkakatiwala mo ang pinakasensitibong impormasyon tungkol sa iyo.
A. Barkada B. Kaibigan C. Kaibigang Matalik D. Pamilya

16. Magkasamang naglilingkod bilang istudyanteng katekista si Luke at Nala, at dahil dito naging matalik
silang magkaibigan. Anong uri ng pagkakaibigan ayon kay Aristotle ang nabuo sa pagitan nilang
dalawa?
A. Pakikipagkaibigang bunga ng kabutihan
B. Pakikipagkaibigang bunga ng pangangailangan
C. Pakikipagkaibigang bunga ng pansariling kasiyahan
D. Pakikipagkaibigang bunga ng hindi inaasahang pagkakataon

17. Isang mapagbigay na kaibigan si Danica, kaya naman siya ay takbuhan ng kaniyang kaibigan tuwing
sila ay may problema. Anong uri ng pagkakaibigan ayon kay Aristotle ang ipinapakita dito?
A. Pakikipagkaibigang bunga ng kabutihan
B. Pakikipagkaibigang bunga ng pangangailangan
C. Pakikipagkaibigang bunga ng pansariling kasiyahan
D. Pakikipagkaibigang bunga ng hindi inaasahang pagkakataon

18. Ito ay uri ng pagkakaibigan na hindi pangmatagalan dahil ang ginusto lamang ng isang tao sa taong
ito ay ang ilang bahagi ng kaniyang pagkatao at hindi ang kabuuan nito.
A. Pakikipagkaibigang bunga ng kabutihan
B. Pakikipagkaibigang bunga ng pangangailangan
C. Pakikipagkaibigang bunga ng pansariling kasiyahan
D. Pakikipagkaibigang bunga ng hindi inaasahang pagkakataon

19. Ito ay maituturing na sangkap ng pagkakaibigan kung saan ay iniingatan ng isa ang mga binahagi ng
kaniyang kaibigan.
A. Empathy B. Confidentiality C. Hospitable D. Loyalty

20. Mula sa mga pagtatalo at awayan nina Jay-R at Maia, unti – unti nilang natutunan na makinig,
umunawa, magtiwala at magbukas ng sarili sa pahayag o opinion ng isa’t isa. Anong mabuting
naidulot sa kanilang pagkatao ng kanilang pagkakaibigan?
A. Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili.
B. Natutuhan kung paano maging mabuting tagapakinig.
C. Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa pamamagitan ng mga tunay na
kaibigan
D. Natututuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipagkaibigan sa kabila ng ilang di
pagkakaintindihan

21. Ito ay antas ng pagkakaibigan na iisa lamang ang nagkakaroon ng kakayahang umuunlad o lumago.
A. Pag-unlad C. Kapwa pag-unlad kasama ang Diyos
B. Kapwa pag-unlad ng magkaibigan D. Kapwa pag-unlad para sa iisang layunin

22. Ito ay maituturing na palatandaan ng pagkakaibigang batay sa kabutihan at pagmamahal.


A. Kababang loob B. Pag-alala C. Pagmamalasakit D. Pagpapatawad

23. Alin sa mga sumusunod na katangian ang hindi kabilang sa katangian ng mabuting kaibigan?
A. Nagpapatawad C. Handang ipakita ang kababang-loob
B. Pinapanatili ang kompitensiya D. Marunong tumanggap sa katotohan

24. Ito ay tumutukoy sa kakayahang maibalik ang ibinibigay ng kapuwa, na isa din sa mga sangkap ng
matibay na pagkakaibigan.
A. Empathy B. Harmony C. Loyalty D. Reciprocity

25. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng kaibigan na mag-alaga ng lihim.


A. Empathy B. Confidentiality C. Loyalty D. Harmony

Page 2 of 4
IKA-APAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8 (EsP 8)
TAUNANG PANURUAN 2021 – 2022
Pangalan: _______________________________ Pangkat: ________________
Pangalan ng Guro: _______________________ Petsa:___________________
Panuto: BILUGAN ang letra ng pinakatamang sagot.

1. Madalas na sabay magbalik-aral sina Vic at Aira. Magkatulong nilang inuunawa ang kanilang mga aralin.
Nagtutulong sila upang mas madali ang kanilang gawain. Anong antas ng pagkakaibigan ang mayroon kina
Vic at Aira?
A. Pag-unlad C. Kapuwa pag-unlad kasama ang Diyos
B. Sabay o kapuwa pag-unlad ng magkaibigan D. Kapuwa pag – unlad kasabay ang iba

2. Ano ang maaaring mangyari kung hindi isinasaalang-alang ang Diyos sa pagkakaibigan?
A. Ang isang relasyon na hindi kasama ang Diyos at kinasangkapan lamang ng sariling interes ay hindi
makabuluhan at hindi magtatagal.
B. Karapatan ng bawat tao na bumuo ng pagkakaibigan at hindi na kailangang isinasaalang ang iba.
C. Puro problema at puro pasakit lamang sa pagkakaibigan ang iyong mararanasan.
D. Tayo ang gagawa ng sariling karanasan kasama ng ating mga kaibigan.

3. Ang mga sumusunod ay naidudulot ng pagkakaibigan sa pagpapaunlad ng iyong pagkatao MALIBAN sa:
A. Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili.
B. Natutuhan kung paano maging mabuting tagapakinig.
C. Naitataas mo ang iyong sariling halaga.
D. Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan.

4. Ang mabuting pagkakaibigan ay ____________ ang pundasyon at ito ay mabisang sangkap sa maraming
uri ng ugnayan sa pagitan ng mga tao sa lipunan.
A. Makatutulong B. Maalaga C. Matibay D. Malaki

5. Paano maipapakita ang kaisahan o “harmony” sa pagkakaibigan?


A. Pagbuo ng matibay na samahan.
B. Pagiging isa sa pag-iisip at maingat na pag-aalaga sa bawat isa.
C. Pagkakaroon ng malawak na pag-iisip sa pagbibigay saya sa pagkakaibigan.
D. Pag-alaala ng mga magagandang karanasan sa pagkakaibigan.

6. Ito ang maaaring mangyari kung iisa lamang ang nagmamahal sa loob ng pagkakaibigan.
A. Pag-unlad ng personal na nararamdaman C. Maaaring huminto ang pagkakaibigan
B. Nasisiyasat mo ang tunay na pagkakaibigan D. Palipat-lipat ang pagkakaibigan

7. Kakayahang maibalik ang ibinigay ng kapwa sa loob ng pagkakaibigan.


A. Charity B. Harmony C. Fraternity D. Reciprocity

8. Nais ni Minnie na magkaroon ng maraming kaibigan kaya pinipilit niyang gawin ang nais ng ibang tao upang
makuha niya ang pagtanggap ng mga ito. Sinusubukan niyang makuha ang atensyon at pagkilala ng iba
upang maramdaman niya na siya ay may kaibigan kahit minsan ay nahihirapan siya sa mga pinapagawa
ng mga ito. Ano ang maaaring maidulot nito kay Minnie?
A. Mas mauunawaan niya ang pakiramdam ng pagkakaibigan.
B. Matutuwa siya dahil may tumatanggap sa kanya.
C. Uunlad ang kanyang pagkatao dahil nagagawa niyang lagpasan ang pagsubok ng pagkakaibigan.
D. Mapapagod at magiging malabo ang kanyang pagkakaunawa sa tunay na kahulugan ng pagkakaibigan

9. Ayon sa pilosopiya ni Scheler na ang _____________ ay ang pinakamahalagang larangan ng pag-iral ng


isang tao.
A. Emosyon B. Damdamin C. Buhay D. Pagkatao

10. Ito ay kagyat na tugon o reaksyon ng isang tao sa mga bagay na nakikita niya, nararamdaman, naamoy,
nalalasahan, at naririnig niya at binibigyan ng interpretasyon ng kanyang pag-iisip.
A. Kilos B. Mood C. Emosyon D. Desisyon

11. Ang mga sumusunod ay mga uri ng damdamin MALIBAN sa:


A. Pandama C. Sikikong damdamin
B. Kalagayan ng damdamin D. Panloob na damdamin

12. Ito ay may malaking kalagayan sa obhetong ating tinatawag na “pagpapahalaga”.


A. Emosyon B. Damdamin C. Buhay D. Pagkatao

Page 3 of 4
13. Alin sa mga pahayag ang WASTO tungkol sa paggawa ng kilos na nag-uugat sa pagkaramdam ng
emosyon?
A. Nakabubuo tayo ng mga pagpapahalaga mula dito.
B. Natututo tayo na maghusga sa mga nararamdaman natin.
C. Natutukoy natin ang pinakatamang emosyon.
D. Nahahasa ang ating kaalaman sa pagsasa-ayos ng ating emosyon.

14. Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng pang-unawa sa sarili at dahil dito ikaw ay nakakagawa ng mga
pagpapasiya sa iyong sarili at hindi ka lang sunod nang sunod sa iba.
A. Pagkilala sa sariling emosyon C. Motibasyon
B. Pamamahala sa sariling emosyon D. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba

15. Uri ng damdamin na may kinalaman sa kasalukuyang kalagayan na nararamdaman ng tao gaya ng
kasiglahan, katamlayan, may gana at walang gana.
A. Pandama C. Sikikong damdamin
B. Espiritwal na damdamin D. Kalagayan ng damdamin

16. Ang pagtugon ng tao sa mga bagay sa kaniyang paligid ay naiimpluwensyahan ng kasalukuyang
kalagayan ng kaniyang damdamin.
A. Pandama C. Sikikong damdamin
B. Espiritwal na damdamin D. Kalagayan ng damdamin

17. Ito ay nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa kabanalan tulad ng pag-asa at pananampalataya.


A. Pandama C. Sikikong damdamin
B. Espiritwal na damdamin D. Kalagayan ng damdamin

18. Bakit napakahalaga na matutunan nating pamahalaan ng wasto ang ating mga emosyon?
A. Upang mas madali tayong mapalapit sa mga taong nais nating maging kaibigan.
B. Tayo ang kokontrol sa emosyon natin para makita ng mga tao na kaya nating gawin ito.
C. Patunay ito na umuunlad ang iyong pagkatao habang ang iba ay nahihirapang gawin ito.
D. Ito ay magdulot ng maganda sa ating sarili at maging sa ugnayan natin sa ating kapwa.

19. Kung ikaw ay nakararanas sa isang matinding lungkot, ano ang nararaarapat mong gawin?
A. Lumapit sa taong nakakaunawa C. Idaan nalang sa mga gawain
B. Umiwas muna sa mga tao D. Ipagkibit balikat nalamang
20. Ikaw ay nakasakit ng iyong kapwa dahil sa galit. Ano ang maaring maging bunga ng iyong kilos?
A. Mas gumaan ang galit na nararamdaman C. Naipaparating mo ang iyong damdamin
B. Iiwas ang mga tao na ikaw ay galitin D. Nagdudulot ng di pagkakaunawaan

21. Hindi maiiwasan na tayo ay makaranas ng mga krisis sa ating buhay na maaring panggalingan ng
negatibong emosyon. Ang mga sumusunod ay mainam na gawin upang maibsan ito MALIBAN sa:
A. Pananalangin ng mataimtim C. Buong araw na pagtulog at pagpapahinga
B. Pamamasyal D. Makipagkita sa mga kaibigan

22. Paano ka makakaiwas gumawa ng hindi tama sa kapwa ng dahil sa inggit?


A. Pagyamanin kung anong mayroon ka C. Kausapin ang taong kinaiingitan
B. Bumili ng mga bagay na wala siya D. Sarilinin na lamang

23. Ikaw ay pinagsalitaan ng masakit ng iyong nakatatandang kapatid dahil sa nawala mo ang kanyang
relo. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Hindi tama na pagsalitaan ka ng masakit kahit pa may kasalanan ka
B. Humingi ng tawad at ipaunawa sa kapatid na hindi tama nag kanyang sinabi
C. Pagsabihan ang nakakatandang kapatid sa maling nagawa
D. Hayaan na lamang ang kapatid na magsalita at tanggapin na lamang ito

24. Mataas ang ______________ng isang taong kayang matagumpay na pamahalaan ang kanyang emosyon.
A. Emotional Quotient B. Pakikipagkapwa C. Emosyon D. Pakikipag-ugnayan

25. Ito ay kakayahan ng isang tao na magpigil at magtimpi na gawin ang isang bagay na hindi nararapat upang
maisulong ang ikabubuti ng mas nakararami. Anong paraan ng pagpapaunlad ng EQ ang tinutukoy?
A. Motibasyon C. Pagkilala sa sariling emosyon
B. Pamamahala sa sariling emosyon D. Pamamahala ng ugnayan

Page 4 of 4

You might also like