You are on page 1of 3

Si Andrea ay walang ginawa kundi ang mag-aral nang mag-aral.

Sa panahon na labis na ang


kanyang pagod ninais niyang magbakasyon upang makapagpahinga.
6. Nasa anong antas ang halaga si Andrea?
a. Pambuhay na halaga c. ispiritwal na halaga
b. Pandamdam na halaga d. banal na halaga

Si Peter ay labis-labis ang kayamanan ngunit ganoon pa man pinili niya ang tulungan ang mga
batang nasa lansangan at siya ay nagbibigay ng donasyon sa mga charity.
7. Nasa anong antas ang halaga si Peter?
a. Pambuhay na halaga c. ispiritwal na halaga
b. Pandamdam na halaga d. banal na halaga

Mahalaga sa tao ang makapagpahinga kung siya ay pagod dahil ito ang makapagpapabuti sa
kaniyang pakiramdam.
9. Ito ay halimbawa ng anong uri ng Antas ng Pagpapahalaga?
a. Pambuhay na halaga c. ispiritwal na halaga
b. Pandamdam na halaga d. banal na halaga

Ang pamilya ni Joven ay hirap sa buhay, kaya naman siya ay nagsusumikap na makapagtapos sa
kabila ng hirap sa buhay. Masasabi mo ba na ang labis na kahirapan ay maaaring maging hadlang upang
mapanatili o mas mapataas ang dignidad ng isang bata.
10. Ang pahayag ay nagsasaad ng:
a. Tama, dahil ang kahirapan ay dahilan upang mabawasan ang tiwala ng isang bata sa kanyang sarili.
b. Tama, dahil sa kahirapan ay nababawasan ang panahon ng mga magulang upang bantayan at
paunlarin
ang halaga ng kanilang mga anak
c. Mali, dahil lahat ng mahirap ay nais na maging mabuting mamamayan ng lipunan at anak ng Diyos
d. Mali, dahil maging labis na karangyaan ay maaaring ring maging hadlang upang maisabuhay ng isang
bata ang mga halaga

11. Habang naglalakad ka pauwi, nakakita ka ng isang wallet na may ID at pera sa loob. Ano ang dapat
mong gawin?
a. Kunin ang pera at i-discard ang wallet
b. Ibabaon ang wallet sa lupa
c. Ibalik ang wallet sa tamang may-ari
d. Kunin ang wallet at iwanang walang laman

12. Sa klase, mayroong kang kaklase na binu-bully ng kapwa ninyo kamag-aral. Nakita mo walang imik at
natatakot iyong akaklase sa kanila. Ano ang nararapat mong gawin?
a. Tumahimik at huwag pansinin ang pangbu-bully
b. Sumali sa mga nambu-bully para makisama sa grupo
c. Lapitan ang guro o counselor ng paaralan upang ipaalam ang nangyayari
d. Bully-in din ang estudyanteng binu-bully para hindi siya i-bully ng iba

Si Mary ay lumaki sa isang pamilya kung saan laging nagtutulungan at may respeto sa bawat isa.
Kaya naman, siya ay may mataas na pagpapahalaga sa teamwork at pagiging makatao.
13. Ano ang epekto ng kanyang pinanggalingan sa paghubog ng kanyang pagpapahalaga?
a. Kanyang pagkakaroon ng magandang trabaho sa hinaharap
b. Pagiging mapagkumbaba at maunawaing tao
c. Pagnanais na maging dominante at palaging nasa tuktok
d. Pagiging malaki ang ulo at pagmamasid sa iba
14. Si Anna ay lumaki sa isang pamilya kung saan ang mga magulang ay palaging nagtuturo ng respeto sa
iba at pagsunod sa mga alituntunin. Ano ang maaaring epekto ng pamilyang ito sa paghubog ng
pagpapahalaga ni Anna?
a. Pag-unlad ng kanyang moralidad at pagiging makatao
b. Pagiging mapanakot at mahigpit sa ibang tao
c. Pagdaragdag ng kanyang katalinuhan at kaalaman
d. Pagiging pasaway at walang galang sa nakakatanda

15. Si Maria ay isang batang estudyante na lumaki sa isang pamilyang mayroong malalim na
pananampalataya at paggalang sa tradisyon ng kanilang kultura. Ano ang maaaring epekto ng panloob
na salik na ito sa paghubog ng kanyang mga pagpapahalaga?
a. Pagiging mapagkumbaba at maingat sa kanilang mga gawa
b. Paghahangad na maging moderno at makisabay sa panahon
c. Pagiging mapagpasensya at maunawaing indibidwal
d. Pagiging mapagmalasakit sa kapwa at sa kalikasan

16. Si Angela ay isang grade 7 student na laging handa tumulong sa kanyang mga kaklase at guro. Dahil
sa
kanyang kabaitan at mabuting asal, siya ay kinikilala at pinapurihan sa paaralan. Ano ang maaaring
epekto ng kanyang kabutihang-asal sa paghubog ng kanyang mga pagpapahalaga?
a. Pagiging mapagbigay at mapagkalinga sa kapwa
b. Pagkakaroon ng pagiging pala-simba at relihiyoso
c. Pag-unlad ng kanyang kagandahang-asal at pagiging modelo sa iba
d. Pagiging laging abusado at umaasa sa tulong ng iba

17. Si Mark ay isang Grade 7 student na laging nagpapakita ng determinasyon at pagmamahal sa pag-
aaral
sa kabila ng mga pagsubok na kanyang hinaharap. Ano ang maaaring epekto ng kanyang positibong
disposition sa kanyang antas ng pagpapahalaga?
a. Pagkakaroon ng determination at perseverance sa pag-abot ng mga pangarap
b. Pagiging matapang at handa sa anumang hamon sa buhay
c. Pag-unlad ng resiliency at kakayahan sa pagharap sa mga pagsubok
d. Pagiging laging matagumpay at wala nang kinatatakutan

Si Sofia ay nagpapakita ng pagiging magalang at maingat sa paggamit ng salita sa tuwing


kinakasuap niya ang kanyann pamilya sa loob ng kanilang tahanan. Sa paaralan siya din ay madalas na
napupuri sapagkat kahit sa labas ng kanilang tahanan ay patuloy siyang nakakakitaan ng pagiging
magalang sa pakikipag-usap sa kanyang mga guro at kaklase.
18. Ano ang birtud na ipinakikita ni Sofia sa pamamagitan ng kanyang pagiging magalang?
a. Pagkakaroon ng integridad
b. Pagtanggap sa mga pagkukulang
c. Pagmamalasakit
d. Pag-unlad ng kanyang moral values

19. Si Lorraine naman ay isang estudyanteng nagtuturo ng pagtanggap at pagpapahalaga sa iba't ibang
kultura at paniniwala ng mga tao sa paligid. Ano ang kahalagahan ng kanyang adhikain sa pagpapakita
ng pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba?
a. Pagmamalasakit sa kapwa
b. Pagkakaroon ng integridad
c. Pag-unlad ng moral values
d. Pagiging mapagbigay

20. Si Liam ay isang aktibong miyembro ng kanyang barangay na laging nagtuturo ng pagiging maasahan
at mapagkumbaba sa pakikipagkapwa-tao. Ano ang birtud na ipinapakita ni Liam sa kanyang adhikain sa
pagtuturo ng pagiging maasahan at mapagkumbaba?
a. Pagmamalasakit sa kapwa
b. Pagkakaroon ng integridad
c. Pag-unlad ng moral values
d. Pagiging matapat

Si Amy ay nagsisimula ng magdalaga, dumarating na ang pagkakataon na nagpapaalam siya sa


kanyang magulang na gagabihin sa pag-uwi sa bahay dahil may mga proyektong kailangang gawin
kasama ang kanyang mga kaklase. Kinausap ito nang mabuti ng kanyang magulang upang sabihin na
papayagan ito ngunit kailangang makauwi sa itinakdang oras. Kapag hindi niya ito nagawa ay hindi na
siya muling papayagan ng kanyang mga magulang.
21. Anong mahalagang aral ang itinuturo sa kanya ng kanyang mga magulang?
a. Ang halaga ng pagtataglay ng moral na integridad
b. Tamang paggamit ng kanyang konsensya sa paghuhusga
c. Ang halaga ng pagsasabuhay ng mga birtud
d. Pag-unawa na ang kalayaan ay may kakambal na responsibilidad

Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni JV, pinili niyang ilaan ang kanyang panahon para sa
pagtulong sa mga batang lansangan. Ipinagkatiwala niya ang kanyang negosyo sa mga taong kanyang
pinagkakatiwalaan at ibinabahagi niya ang kanyang yaman sa mga batang kanyang tinutulungan.
Nakahanda siyang laging tumugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa kapwa na walang hinihintay
na ano mang kapalit.
22. Nasa anong antas ang pagpapahalaga ni JV?
a. Banal na pagpapahalaga b. Ispiritwal na pagpapahalaga
c. Pambuhay na pagpapahalaga c. Pandamdam na pagpapahalaga

Nagpost sa facebook ang kaibigan ni Mark na si Vien ng kanyang sama ng loob sa isa sa mga
kaibigan nila. Pagkabasa niya nito ay kinausap niya ito at pinayuhan sa maayos na paraan upang
mabigyan ng solusyon ang suliranin at nang hindi na pinadadaan sa social media.
23. Anong pagpapahalaga ang pina-iral ni Mark?
a. Pagtitimpi b. Katatagan c. Maingat na Paghuhusga d. Katarungan

24. Araw ng paggawa ng modyul ni Ben subalit niyayaya siya ng kaniyang kaibigan na sumali sa paglalaro
ng mobile games. Natutukso siya na maglaro na lang ngunit pinanaig niya ang pagnanais na matapos ang
modyul. Ano ang nakitaang pagpapahalaga ang ginawa ni Ben?
a. Pagtitimpi b. Katatagan c. Maingat na Paghuhusga d. Katarungan

32. Si Peter ay labis-labis ang kayamanan ngunit ganoon pa man pinili niya ang tulungan ang mga batang
nasa lansangan at siya ay nagbibigay ng donasyon sa mga charity. Nasa anong antas ang halaga si Peter?
a. Pambuhay b. Pandamdam c. Ispirital d. Banal

You might also like