You are on page 1of 9

0.

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


Edukasyon sa Pagpapakatao – 7

Pangalan : ___________________________Baitang / Seksyon : _______________

Paaralan : ________________________ Petsa: ________Iskor : ____________

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang kaibahan sa birtud at pagpapahalaga?


a. Ang pagpapahalaga o (values) pagiging malakas o matatag at pagiging
makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan at ang Birtud o
(virtue) ay “pagiging tao”, pagiging matatag at pagiging malakas.
b. Ang pagpapahalaga ay nangangahulugan ng pag-aaruga at ang birtud ay
pagiging malakas
c. Ang pagpapahalaga ay ang pagiging malakas o matatag at ang birtud ay
ang pagpapahalaga
d. Ang pagapahalaga ay ang pagiging tao at matatag at ang birtud ay
pagiging malakas o matatag

2. Ito ay hindi tinataglay ng tao sa kaniyang kapanganakan.


a. Buhay
b. Birtud
c. Pagpapahalaga
d. Pag-aaruga

3. Alam ni Rosa na mahirap lang sila kaya hindi na niya inilintana ang hirap sa buhay
makapagtapos lang siya ng kaniyang pag-aaral. Ano ang pinihahalagahan ni Rosa?

a. pagsisikap c. pag-aaral
b. kabuhayan d. birtud

4.Lihim na tumistigo si Cassie laban kay Alvin dahil alam ni kasi na totoong mau
kasal-anan ito sa batas. Ang ginawa ni cassie ay?

a. Tama, dahil pinapanigan niya ang batas


b. Tama, dahil nais lang ni Cassie ng katarungan.
c. Mali, dahil mapapahamak siya sa kanyang ginawa.
d. Mali, dahil wala siyang konsensiya

5. Isa sa mga manlalaro ng basketball at ikaw ang napiling Captain Ball. Ano ang
iyong gagawin upang manalo sa laro?

a. laging ipagmalaki sa kasama na ikaw ang Captain Ball


b. Paghusayang mabuti ang pakikipaglaro at maging mapanuri
c. hindi hahayaang maagaw sa iba ang bola
d. maging mapagmatyag sa kilos ng mga katunggali

6. Gusto mong maiahon sa hirap ang iyong pamilya kaya nag-aaral ka ng mabuti.
Ang iyong ginawa ay?
a. kabutihan para sa sarili
b, kabutihan para sa pamilya
c. pagtupad ng iyong pangarap
d. pagkamit ng minimithi

7. Pinahahalagan mo ang iyong pamilya kaya kahit hindi maganda ang trato saiyo
ng iyong ama ay pilit mo itong pinakikisamahan. Ang iyong nagging pasya ay?

a. Tama, dahil kahit ano pa aman ang turing sa iyo ng iyong magulang ay magulang
mo pa rin iyon.
b. Tama, dahil ang pamilya ay hindi dapat magka watak-watak.
c. Mali, dahil nagiging marter ka na sa mata ng mga tao
d. Mali, dahil hindi ka naman pinahahalagahan ng iyong pamilya

8. Bata pa lamang ay magkakakilala na sina Maria, Leonora at Teresa. Magkaiba


man ang katayan sa buhay nilang magkakaibigan ay hindi ito naging hadlang sa
kanila. Anong pagpapahalaga ang kanilang ipinakita?

a. pag-ibig
b. paggalang sa dignidad ng tao
c. pagmamahal sa katotohanan
d. katarungan

9. Anumang sakuna ang darating sa buhay nila Angel at Ian bilang mag-asawa ay
nalalampasan nila ito sa pamamagitan ng tiwala at pagkakaunawaan. Anong
pagpapahalaga ang kanilang ipinakita?

a. pag-ibig
b. paggalang sa dignidad ng tao
c. pagmamahal sa katotohanan
d. katarungan

10. Ipinagtanggol mo ang iyong kaklase laban sa mga nanunukso sa kanya. Anong
pagpapahalaga ang iyong ipinakita?

a. pag-ibig
b. katarungan
c. pagmamahal sa katotohanan
d. paggalang sa dignidad ng tao

11. Isinuplong mo sa mga pulis ang iyong kaibigan dahil nahuli mo itong nagnakaw
sa inyong guro. Anong pagpapahalaga ang iyong ipinakita?

a. pag-ibig
b. katarungan
c. pagmamahal sa katotohanan
d. paggalang sa dignidad ng tao

12. Ipinaglaban nina Roldan at Melissa ang kanilang pag-iibigan kahit pa marami
ang hadlang. Ano ang kanilang pinahahalagahan?

a. pag-ibig
b. katarungan
c. pagmamahal sa katotohanan
d. paggalang sa dignidad ng tao
13. Sa murang edad ni Alyana ay lagi niyang isinasaisip na kailangan niyang maging
matatag sa anumang pagsubok na darating upang magtagumpay sa mga hamon sa
buhay. Ang dahilan ni Alyana ay?

a. maayos na pamumuhay
b. makamit ang minimithi
c. matulungan ang pamilya
d. makahanap ng trabaho

14. Ganap nang binata si Lian at kaya na niyang magdesisyon sa kaniyang sarili.
Narinig na niya dati na may kalaguyo ang kaniyang ama kaya lagi niyang nakikita na
umiiyak ang kaniyang ina. Ano ang nararapat na gawin ni Lian?

a. Pagalitan ang ama dahil sa kaniyang ginawa


b. Sumbatan ang ama sa kaniyang ginawa
c. Manahimik na lamang at hindi makiaalam
d. kakausapin ang ama lalaki sa lalaki at aalamin ang kaniyang dahilan

15. Itinuturing na nasa pinakamababang antas ng pagpapahalaga, tumutukoy ito sa


mga pagpapahalagang nagdudulot ng kasiyahan sa pandamdam ng tao. Anong
antas ng pagpapahalaga ito?

a. Pandamdam na mga Pagpapahalaga (Sensory Values)


b. Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values)
c. Mga Ispiritwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values)
d. Banal na Pagpapahalaga (Holy Values)

16. Ito ang pinakamataas sa lahat ng antas ng mga pagpapahalaga. Anong antas ng
pagpapahalaga ito?

a. Pandamdam na mga Pagpapahalaga (Sensory Values)


b. Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values)
c. Mga Ispiritwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values)
d. Banal na Pagpapahalaga (Holy Values)

17. Tukuyin ang tamang hagdan (mababa - mataas) ng pagpapahalaga ayon sa


antas ng pagpapahalaga.

a. Trabaho – katarungan – pananampalataya - damit


b. Damit – trabaho – katarungan - pananampalataya
c. Pananampalataya – damit – katarungan - trabaho
d. katarungan – damit – pananampalataya – trabaho

18. Tukuyin ang tamang hagdan (mataas - mababa ) ng pagpapahalaga ayon sa


antas ng pagpapahalaga.

a. Banal – Ispiritwal – pambuhay - pandamdam


b. Ispiritwal - pandamdam - banal - pambuhay
c. pandamdam – banal – pambuhay - Ispiritwal
d. Pambuhay - banal - Ispiritwal – pandamdam

19. Bago unahin ang anumang gawain sa pang araw-araw ay nagdarasal muna si
Jhylliane para sa kanyang kaligtasan. Nakaugalian na niya ito sapagkat ito rin ang
turo sa kanya ng kaniyang mga magulang. Ang ipinakita ni Jhylliane ay?

a. lagi niyang inuuna ang pananampalataya sa Diyos


b. may pananalig siya sa Poong Maykapal
c. nais niyang ligtas siya sa buong araw
d. nakasanayan lang niya ito simula bata

20. Bilang alagad ng batas ay sinisiguro ni Cardo na mananagot sa batas ang


sinumang magkakasala kahit malapit pa ito sa kanya. Ang hakbangin ni Cardo ay?

a. katiwasayan sa nakararami
b. naniniwala siya sa batas
c. mahusay na panunungkulan
d. marangal na trabaho

21. Laging inilalaan ng pamilyang Delos Reyes ang araw ng lingo upang magpunta
sa simbahan at sama-samang magsimba. Ang ipinakita nila ay?

a. paraan upang makapagpahinga


b. paraan upang pagnilayan ang mga kasal.anan
c. paraan upang mabigyan ng oras ang pamilya at pananampalataya
d. paraan upang ipagpaliban ang mga gawain

22. Bago maipanganak ang isang bata ay kinakailangan na may mga gamit na ito na
handang magamit anumang oras. Ang hakbang na ito ay?

a. paraan upang masabi mo na hindi ka nagpabaya


b. paraan upang mabigyan ng pangunahing pangangailngan ang isang bata
c. paraan upang magampanan ng isang magulang ang kaniyang responsibilidad
d. paraan upang maiwasan ang anumang sakuna
23. Masakit man sa loob ng pamilyang Mondragon na isuplong sa batas ang
kanilang ama ay ginawa pa rin nila ito sapagkat may nagawa itong kasal-anan. Ang
hakbang na ito ay?

a. paraan upang mapagbayaran ang kasal.anan


b. paraan upang manaig ang katotohanan at katarungan
c. paraan upang maisaayos ang lahat
d. paraan upang makaiwas sa gulo

24. ang mga sumusunod ay mga panloob na salik, MALIBAN sa?

a. Konsensiya.
b. Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan.
c. Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama.
d. Pagiging matapat sa kapwa

25. Agad mong isinauli ang perang iyong nakita dahil hindi maatim ng iyong
konsensiya na gamitin ito lalo na’t alam mong hindi ito saiyo. Anong panloob na salik
ito?

a. Konsensiya.
b. Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan.
c. Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama.
d. Pagsasabuhay ng mga Birtud (Practice of virtues)

26. Kung ang tao ay tapat sa paggawa ng tama, mag-aaalinlangan siya sa paggawa
ng masama. Anong panloob na salik ito?

a. Konsensiya.
b. Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan.
c. Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama.
d. Pagsasabuhay ng mga Birtud (Practice of virtues)

27. Isinauli ni Roldan ang perang kaniyang nakita sa loob ng isang bus. Anong
panloob na salik ito?

a. Konsensiya.
b. Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan.
c. Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama.
d. Pagsasabuhay ng mga Birtud (Practice of virtues)

28. Bilang isang nagdadalaga/nabibinata ay kinakailangang malaman mo ang


kahulugan ng kalayaan. Anong panloob na salik ito?

a. Konsensiya.
b. Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan.
c. Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama.
d. Pagsasabuhay ng mga Birtud (Practice of virtues)

29. Hindi kaya ng iyong saloobin na lukuhin ang iyong asawa sapagkat tapat ito
saiyo sa lahat ng pagkakataon. Anong panloob na salik ito?

a. Disiplinang Pansarili
b. Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan.
c. Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama.
d. Pagsasabuhay ng mga Birtud (Practice of virtues)

30. Hinahabol na si Daniela ng kaniyang konsiya sa mga mali niyang gawain kaya
sinabi na niya sa kaniyang pamilya ang katotohanan. Ang kanyang ginawa ay?

a. Tama, dahil matatahimik na siya


b. Tama, dahil may karapatan siyang magbago.
c. Tama, dahil hindi na niya kaya ang problema na mag-isa
d. Tama, dahil mapapatawad pa siya ng kaniyang pamilya

31. Hindi layon ni Marga na saktan ang damdamin ni Mikoy kaya niya ito
hiniwalayan. Ayaw lang niya na madamay pa ito sa galit ng kaniyang ina. Ang
naging desisyon ni Marga ay?

a. Tama, upang mailigtas niya si Mikoy.


b. Tama, dahil mas pinili niya na masaktan siya kaysa makita niya na sinasaktan ito.
c. Mali, dahil hindi niya inintindi ang damdamin ni Mikoy
d. Mali, dahil nagging makasarili siya

32. Nakita ni Joseph ang buong pangyayari tungkol sa nangyaring nakawan sa


kanilang barangay. Ano ang nararapat niyang gawin?

a. ilihim ang nalalaman


b. hindi makiaalam upang hindi madamay
c. gawin ang tama upang makatulong
d. ipagsabi sa iba ang nalalaman

33. alam mong hindi maganda ang ginawa ng iyong matalik na kaibigan sa inyong
guro. Ano ang gagawin mo?

a. Susuportahan ang iyong kaibigan dahil gusto mo rin ang kaniyang ginawa.
b. kakausapin mo ang iyong kaibigan at pagsabihan tungkol sa kaniyang maling
gawi
c. kakausapin ang kaibigan na hindi na niya ito gagawin ulit
d. hahayaan na lamang ito sa kniyang ginawa.

34. napahiya si angela sa ginawa ng kaniyang kaibigan sa loob ng paaralan. May


kausap itong iba kaya ipinagpaliban muna ni Angela ang pakomprunta dito. Anong
panloob na salik ang ipinakita niya?

a. Konsensiya.
b. Disiplinang Pansarili
c. Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama.
d. Pagsasabuhay ng mga Birtud (Practice of virtues)

35. Ang mga sumusunod ay mga panlabas na salik na nakaiimpluwensya sa


paghubog ng pagpapahalaga, MALIBAN sa?

a. Pamilya at Paraan ng Pag-aaruga sa Anak


b. Guro at Tagapagturo ng Relihiyon
c. Pamana ng Kultura (Cultural Heritage) at Impluwensiya ng Kapaligiran o Lipunan
d. Katayuang Sibil

36. Ang magulang ang siyang binibigyan ng karapatan na itayo ang istruktura ng
pag-uugali at pagpapahalaga ng kanilang mga anak. Aling panlabas na salik ito?

a. Pamana ng Kultura (Cultural Heritage) at Impluwensiya ng Kapaligiran o Lipunan


b. Pamilya at Paraan ng Pag-aaruga sa Anak
c. Guro at Tagapagturo ng Relihiyon
d. Pamana ng Kultura (Cultural Heritage) at Impluwensiya ng Kapaligiran o Lipunan

37. Isa sa pangunahing karapatan ng tao ay ang matugunan ang kaniyang mga
pangunahing pangangailangan. Aling panlabas na salik ito?

a. Katayuang Panlipunan-Pangkabuhayan (Socio-Economic Background)


b. Pamilya at Paraan ng Pag-aaruga sa Anak
c. Pamana ng Kultura (Cultural Heritage) at Impluwensiya ng Kapaligiran o Lipunan
d. Guro at Tagapagturo ng Relihiyon

38. Kahit malayo sa Lungsod ang baryo ng San Roque ay hindi naman ito pahuhuli
sa mga makabagong teknolohiya dulot ng modernisasyon, kaya ang mga
mamamayan na naninirahan doon ay lagging handa sa anumang kalamidad na
darating. Aling panlabas na salik ito?

a. Media
b. Guro at Tagapagturo ng Relihiyon
c. Pamilya at Paraan ng Pag-aaruga sa Anak
d. Pamana ng Kultura (Cultural Heritage) at Impluwensiya ng Kapaligiran o Lipunan

39. Habang nasa sinapupunan pa ang anak ni Maria ay unti-unti na niyang


pinaghahandaan ng mga gamit upang hindi na maging hadlang ito sa kanyang
panganganak. Aling salik na panlabas ito?

a. Media
b. Guro at Tagapagturo ng Relihiyon
c. Pamilya at Paraan ng Pag-aaruga sa Anak
d. Katayuang Panlipunan-Pangkabuhayan (Socio-Economic Background)
40. Bilang guro ay sinisiguro ni Bb. Linda na hindi mapupunta sa maling landas ang
kaniyang mga estudyante kaya tinuturuan niya ito ng mga magagandang asal at ang
pakikipagkapwa. Aling salik na panlabas ito?

a. Media
b. Guro at Tagapagturo ng Relihiyon
c. Pamilya at Paraan ng Pag-aaruga sa Anak
d. Katayuang Panlipunan-Pangkabuhayan (Socio-Economic Background)

41. Bilang mga magulang ay sinisiguro nina Ben at Rosario na makapagtapos ang
kanilang mga anak kaya nagtatrabaho sila nang mabuti para sa kanilang
kinabukasan. Aling salik na panlabas ito?

a. Media
b. Guro at Tagapagturo ng Relihiyon
c. Pamilya at Paraan ng Pag-aaruga sa Anak
d. Katayuang Panlipunan-Pangkabuhayan (Socio-Economic Background)

42. Laging wala sa bahay ang mga magulang ni Erik at walang gumagabay sa kanya
kaya Malaya niyang magagawa anuman ang kaniyang naisin. Minsan ay napasama
siya sa away kalye kasama ang kaniyang mga kabakada. Aling salik na panlabas
ito?

a. Media
b. Mga Kapwa Kabataan (Peers)
c. Pamilya at Paraan ng Pag-aaruga sa Anak
d. Katayuang Panlipunan-Pangkabuhayan (Socio-Economic Background)

43. Mahalaga na kay Jose ang kaniyang mga kaibigan kaya masakit man sa
kaniyang loob ay iniiwasan na niya ang mga ito sapagkat napapansin niyang
bumaba na ang kangyang marka sa eskwela gawa ng pagiang pagliban nila sa
klase. Ang naging pasya ni Jose ay?

a. Tama, dahil malaking impluwensya ito sa kaniya lalo na sa kaniyang pag.aaral.


b. Tama, dahil ayaw niyang malaman ng kaniyang mga magulang na mababa ang
kaniyang marka.
c. Mali, dahil wala siyang pakikisama.
d. Mali, dahil hindi na siya makakasama sa kanilang lakaran.

44. Turo sa simbahan na maging mapagbigay sa kapwa lalo na sa mga


nangangailangan. Minsan ay nanghiram saiyo ang iyong kaibigan ng pera dahil
kinulang siya sa budget at naalala mo na may utang pa ito saiyo na hindi pa niya
nababayaran. Ano ang gagawin mo?

a. hahayaan nalang ang nautang ng iyong kaibigan at pagbibigyan pa rin ito.


b. ipaalala mo sa iyong kaibigan na bukod sa hihiramin niya ay may hindi pa ito
nababayarang utang.
c. ipagbigay alam sa magulang na may nahiram na ito dati.
d. hindi na pagbibigyan ang kaibigan at sabihin na wala ka ang maibigay sa kaniya.

45. Malapit na ang halalan at mahigpit ang tunggalian ng mga kandidato sa inyong
lugar. Lumalit sa iyo ang isa sa mga kandidato at sinabing bibigyan ka niya ng pera
iboboto mo lamang siya. Ano ang gagawin mo?
a. tatanggapin ang kaniyang alok at hindi ipagsabi kanino man.
b. maging mapanuri at manindigan na hindi mo ipagbibili ang iyong boto.
c. hikayatin ang mga kasama na ipagbili ang kanilang boto upang magkapera
d. hindi na lamang papansinin ang mga parinig ng mga kandidato

46. Usap-usapan sa inyong barangay na may darating ma maliking sakuna ngunit


iba naman ang iyong narinig na impormasyon galing sa radyo. Ano ang
paniniwalaan mo?

a. ang iyong mga ka baranggay dahil mas may allam sila sa paligid.
b. maging mapanuri sa impormasyon hatid ng medya.
c. alamin mo muna ang tamang impormasyon saan man ito nanggaling.
d. wala kang paniniwalaan at maghintay na lamang sa mangyayari.

47. Napansin mo na problemado sa isang asignatura ang iyong kaklase at gusto mo


itong tulungan ngunit nagdadalawang isip ka dahil hindi ka naman nito kilala. Ano
ang gagawin mo?

a. lalapitan mo ang iyong kaklase at alukin ng pakikipagkaibigan.


b. hahayaan mo na lamang ito sapagkat may tinatapos ka ring gawain.
c. kakaibiganin mo ito at kalaunan ay tatanungin kung kailangan ba nito ng tulong.
d. hindi mo ito papansinin

48. Ang guro ang tumatayong pangalawang ina sa mga estudyante at tungkulin ng
guro na turuan ng magandang asal ang bawat mag-aaral upang maihanda ito sa
amunang hamon sa buhay. Ang paraang ito ay?

a. Tama, upang hindi maligaw ng landas ang mga mag-aaral.


b. Tama, upang matutung manindigan ang bawat isa sa pagdating ng panahon.
c. Mali, dahil manghimasok ka na sa buhay ng may buhay
d. mali, dahil ayaw nila na pinapakialaman pa sila

49. Bilang nagdadalaga/nagbibinata at gamit ang isip at kilos-loob ay alam mo ang


mabuti at masamang gawi. Ang iyong kapwa ay isa sa nagbibigay ng impluwensya
sa paghubog nito. Paano mo ito maiiwasan?

a. maging mapanuri sa mga napiling desisyon


b. pumili ng taong kakaibiganin
c. humingi ng payo sa magulang
d. humingi ng payo sa kaibigan

50. Sa pagdating ni Cindy sa ibang bansa ay nanibago siya sa uri ng pamumuhay


doon, isa na rito ay kalse ng pamamanit. Anong panlabas na salik ito?

a. Pamilya at Paraan ng Pag-aaruga sa Anak


b. Guro at Tagapagturo ng Relihiyon
c. Katayuang Panlipunan-Pangkabuhayan (Socio-Economic Background)
d. Pamana ng Kultura (Cultural Heritage) at Impluwensiya ng Kapaligiran o Lipunan
Susi sa pagwawasto

1. A
2. B
3. C
4. B
5. B
6. C
7. A
8. B
9. A
10. D
11. C
12. A
13. B
14. D
15. A
16. D
17. B
18. A
19. B
20. B
21. C
22. B
23. B
24. D
25. A
26. C
27. A
28. B
29. C
30. B
31. B
32. C
33. B
34. B
35. D
36. B
37. A
38. A
39. D
40. B
41. C
42. B
43. A
44. B
45. B
46. C
47. C
48. B
49. A
50. d

You might also like