Professional Documents
Culture Documents
Sumatibongpagsusulit Sa Edukasyon Sapagpapakatao 10
Sumatibongpagsusulit Sa Edukasyon Sapagpapakatao 10
Average 2pts
16. Napadaan kayo ng iyong mga kaibigan sa simbahan na kasalukuyang may idinadaos na misa.
Biglang sumigaw nang malakas ang iyong mga kasama Ano ang dapat na gawin sa sitwasyong
ito?
a. Ako ay makikigaya sa kanilang ginagawa.
b. Hindi sila papansinin.
c. Pagsasabihan ko sila,
d. Wala sa nabanggit.
17. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng katangian na bihirang makita sa mga tao?
a. Ang pagiging masayahin sa lahat ng oras.
b. Ang pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.
c. Ang pagiintay ng kapalit sa mga nagawang mabuti.
d. Ang pagbibigay ng payo sa mga kaibigan.
18. Si Mateo ay mahilig sumama sa kanyang mga kaibigan sa labas ng paaralan dahil dito
naimpluwensyhan siya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamut, hindi nagtagal nakakagawa na
siya ng mga bagay na hindi maganda tulad ng pagnanakaw. Ipaliwanag ang naging ugnayan ng
paggamit ng pinagbabawal na gamut sa makataong pagkilos.
a. ang isip ay naging blank spot sani ng maling kilos at pagpapasya.
b. Ang isip ay nawalan ng kakayahan na magproseso dahil sa pagabuso rito.
c Ang isip at kilos ay hindi nagtugma.
d. ang isip ay naging mahina sa pagpapasiya.
19. Sino ang nagpapakita ng makataong pagkilos?
a. Si ana na nagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa pamilya.
b. Si Marie na hindi tumutol sa pagaasawang muli ng kanyang ama.
c. Si Jose na pinipilit ang ina para siya ay makasama sa fieldtrip kahit na kapos sila.
d. Si Juan na masayang namumuhay kasama ang mga kaibigan.
20. Nakita mo ang pandaraya ng iyong ma kamag-aral sa inyong pagsusulit, at agad mo itong
sinumbong sa inyong guro.
Ano ang maaaring naging dahilan mo sa ginawa mong kilos?
a. Dahil makakakuha ako ng mas mataas na grado.
b. dahil hindi nararapat na lumaganap ang pandaraya.
c. dahil ito ay hindi makatarungan.
d. dahil ito ay taliwas sa aking paniniwala.