You are on page 1of 11

MGA KASANAYANG

PANGWIKA
MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA
PATUNAY
May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng
katotohanan ng isang bagay. Makatutulong ang mga pahayag
na itoupang tayo ay makapagpatunay at ang ating paliwanag
ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala sa
mgatagapakinig. Karaniwang ang mga pahayag na ito ay
dinurugtungan na rin ng datos o ebidensya na lalo
pangmakapagpapatunay sa katotohanan ng inillahad
1. Ito ay mahalaga sa pagbibigay ng mga patunay sa isang pangyayari?
a. ebidensya o datos
b. pangngalan at panghalip
c. formalidad ng wika
d. Opinyon
2. Ano ang tawag sa pahayag na may ebidensyang
magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan, o
naka video?
a. kapani-paniwala
b. nagpapakita
c. may dokumentaryong ebidensiya
d. pinatutunayan ng mga detalye
3. Ano ang tawag sa pahayag kung saan ipinakikita ng salitang ito na ang
ebidensya, patunay at kalakip na datos ay kapani-paniwala at maaaring
makapagpatunay?
a. pinatutunayan ng mga detalye
b. nagpapakita
c. nagpapatunay/ katunayan
d. kapani-paniwala
4. Bakit mahalaga ang wastong paggamit ng mga pahayag sa pagbibigay ng
patunay?
a. Makatutulong ang mga pahayag upang tayo ay makapagpatunay at ang
ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala sa mga
tagapakinig.
b. Makatutulong ang mga pahayag sa pag-alam ng kahulugan at kasalungat
ng isang salita.
c. Makatutulong ang mga pahayag sa pagkakaroon ng ugnayan ng talata.
d. Makatutulong ang mga pahayag sa pagtukoy sa formalidad at kaantasan
ng wika.
5. Alin ang pangungusap na nagpapakita ng pagbibigay ng patunay?
a. Kaya naman magkaisa at magtulungan tayong lahat para sa ikabubuti
ng lahat ng mga Pilipino lalo na ang mga nasalanta.
b. Malungkot makita ang ilan nating kababayang nawawalan ng mga
mahal sa buhay at ari-arian.
c. Huwag na sana tayong makadama ng labis na kalungkutan.
d. Pinatutunayan ng datos mula sa National Economic and Development
Authority na kakailanganin natin ng 361 bilyong piso para sa muling
pagbangon ng mga lugar na labis na nasalanta ng bagyong Yolanda.
MGA PAHAYAG NA NAGBIBIGAY
NG POSIBILIDAD
Kilalanin ang ekspresyong nagpapakita ng posibilidad na
ginamit sa pangungusap. At isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. “Ako ay magluluto mimiya baka dumating ang iyong mga


pinsan”, ang wika ng iyong ina.
2. Mag aaral ako ng mabuting para sa darating na pagsusulit,
dahil dito ay maaaring tumaas ang aking marka.
3. Ang nanay ni Jhoana ay namimili ng gulay sa palengke, tila
masarap ang kanyang lulutuin.
4. Pupunta ako sa iyong kaarawan kung ako ay papayagan ng
aking ina.
5. Marahil kung wala kinahaharap na pandemya ngayon,
masaya nang nag- aaral ang mga bata sa paaralan.
Ang mga pang-ugnay na ginagamit sa
pagbibigay ng sanhi at bunga, Panghihikayat at
Pagpapahayag ng Saloobin
Ang mga pang-ugnay ay matatagpuan sa gitnang ng isang
pangungusap, bilang tagapag-ugnay ng isang sugnay na
makapag-iisa (independent clause) at isa o higit pang
sugnay na di-makapag-iisa (dependent clause). Maaari
din namang nasa unahan ito ng pangungusap, at bantas
ang siyang naghihiwalay sa mga sugnay.
Kilalanin ang mga pang ugnay na ginamit sa pagbibigay ng
sanhi at bunga, panghihikayat at pagpapahayag ng saloobin sa
bawat pangungusap.
1. Palibhasa si Jerry ay nag aral ng mabuti kaya naman
tumaas ang kanyang marka.
2. Ang Covid- 19 ay tunay na naghatid ng pagbabago sa
buhay ng bawat isa.
3. Sa palagay ko mapagtatagumapayan natin ang laban
kontra COVID 19 kung tayo ay magkakaisa at mag-iingat.
4. Dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng Covid- 19 kaya ang
bawat tao ay nabalot na ng takot.
5. Sana ay bumalik na ang ating buhay sa normal.

You might also like