You are on page 1of 18

PAKSA: 1.

Ang Ningning at ang Liwanag


2. Sanaysay
3. Mga pahayag sa Paghihinuha ng mga Pangyayari
4. Pagsulat ng Talatang Nanghihinuha
Panimula:
Ang “Ang Ningning at ang Liwanag” ay isa sa mga akda ni
Emilio Jacinto. Ito ay kanyang sinulat noong panahon ng
pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Espanyol. Ang
akdang ito ay hagi ng kodigo ng rebolusyong pinamagatang
Liwanag at Dilim na naglalaman ng iba’t ibang sanaysay na
may iba’t ibang paksa,
Bukod sa isang manunulat higit na nakilala si Emilio Jacinto
bilang isang bayani noong panahon ng himagsikan.
Paglinang

Ang Ningning at Ang Liwanag


(Mula sa Liwanag at Dilim)
ni Emilio Jacinto
ALAMIN NATIN

Sanaysay

Ito ay isang sulating gawain na kung saan ito’y kadalasang


naglalaman ng mga pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng isang awtor
o akda. Maipapahayag ng may akda ang kanyang damdamin sa
mga mambabasa, Ito rin ay isang uri ng pakikipag-komunikasyon
na ang ukol nito ay maipabatid ang inyong saloobin sa isang paksa
o isyu. Ang Ingles na salin nito ay essay.
Pormal – Ang talakayin nga uri nito ay ang mga seryosong mga
pagsa nga nagtataglay ng masusing at masusuri na pananaliksik ng
taong sumulat. Ito ay kadalasang nagbibigay ng impormasyon ukol
sa isang tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari. Ang halimbawa nito
ay ang pahayagang editoryal.

Di-Pormal – Tumatalakay naman nito sa mga topikong karaniwan,


personal, at pang araw-araw na kasiya-siya or mapang-aliw para sa
mga mambabasa. Ito ay binigyan din ng mga bagay-bagay at
karanasan ng akda sa isang topiko kung saan maipakita niya ang
kanyang personalidad na parang nakikipag-usap siya sa isang
kaibigan.
Mga Bahagi
Simula / Panimula – Ito ang pinakamahalaga na bahagi dahil
dito ang inaasahan kung ipagpatuloy ng mambabasa sa
kanyang binabasang sulatin. Dapat makuha ng akda ang
atensyon at damdamin ng mambabasa.
Gitna / Katawan – Dito naman sa bahaging ito mababasa ang
mga mahalagang puntos o idea ukol sa paksang pinili at sinulat
ng may-akda. Dito rin natin malalaman ang buong puntos dahil
ipinapaliwanag ng maayos at mabuti ang paksang pinag-
uusapan o binibigyang pansin.
Wakas – Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang
nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat niya. Dito tin
naghahamon ang akda sa mga isip ng mga mambabasa na
maisakatuparan ang mga isyung tinatalakayan niya.
Kasanayang Pang wika
Ang ganda ng talakayan natin kanina tungkol sa
“Ang ningning at liwanag” ni Emilio Jacinto. Sa
palagay ko marami satin ang magkakaroon ng
panibagong pananaw sa buhay dahil sa akda.

Oo marahil ay kagaya ko nakita at naintindihan


din ng mga kaklase natin ang mas mahalagang
bagay na dapat natin mas pagtuunan ng pansin.

Di malayong maiiwasan ko na ang paggamit ng


tablet at cellphone, Mas pagtutununan ko na ng
pansin ang pagbabasa at pag aaral ko ng
leksyon
Isaisip natin

Mga pahayag sa panghihinuha ng mga Pangyayari


Bukod sa mga pahayag na natalakay mo sa ikalawang kabanata, isa ring madalas
gamitin sa pagpapahayag sa pagsulat man o pasalita ay ang panghihinuha. Ang
hinuha ay mga pahayag ng mga inaakalang mangyayari batay sa kondisyon o
sitwasyon.
 
Ang tingin ko ay baka Di kaipala
di malayo
Marahil sa palagay ko
Siguro tila
Yata
 
Palawakin pa natin

Ang TALATA ay isang maikling katha na binubuo ng


mga pangungusap na magkakaugnay, may
balangkas, may layunin at pag-unlad ng kaisipang
nakasaad sa pinapaksang pangungusap na maaaring
lantad o di-lantad.
Kalinawan

Ito ang pangunahing katangian ng isang mabuting talata na nasasalig sa mga


sumusunod:

Kaganapan - Masasabing may kaganapan ang isang talata kung natupad o naipakita
nito ang layunin ng pagsulat.
Kaisahan - Ang talatang may kaisahan ay yaong may mga pangungusap na
nakatutulong sa pagbuo ng kaisipang isinasaad ng pamaksang pangungusap.
Kaayusan - Ito ay tumutukoy sa maayos at tamang pagkakasunud-sunod ng mga
pangungusap na bumubuo nito.
Pagkakaugnay-ugnay - Sa isang talata, ang pagkakaugnay-ugnay ay nangangahulugan
ng mahigpit na pagtutulungan ng lahat ng mga pangungusap upang makabuo ng isang
pangunahing diwa o kaisipan.
Madali lang yan!
Salugguhitan ang salitang ginamit sa panghihinuha sa mga pangungusap.
1. Maaaring gumanda ang buhay ng taong may pera.
2. Pagkakulong sa bisyo ang sa palagay kong maaaring kahinatnan ng isang taong
sanaga sa material na bagay sa buhay kung hindi sya magiging maingat.
3. Ang mga taong magaganda ay tila nagiging pintasera minsan.
4. Di malayong umabuso sa kapangyarihan ang taong may mataas na posisyon sa
pamahalaan.
5. Baka dumami ang kanyang kaibigan dahil sa mabuting pakikisama niya sa iba.
 
ISULAT NATIN
Sumulat ng isang talatang nanghihinuha kaugnay ng binasang sanaysay.
Ipahayag ang mga bagay na posibleng mangyari kung magagamit nang tama ng
tao ang mga bagay na nagpapaningning at nagbibigay liwanag sa kanyang buhay.
Banggitin ang posibleng epekto nito sa kapwa, bansa at maging sa mundo.

You might also like