You are on page 1of 18

CLASS

OBSERVATION 2
Marcheline Ivy F. Arsenio
SANAYSA
FILIPINO 7 Y
PANALANGI
N
Sanaysay
 isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan
na karaniwang pumapaksa sa mga kaisipan at mga
bagay-bagay na sadyang kapupulutan ng aral at aliw
ng mga mambabasa. May dalawang anyo ang
sanaysay. Ito ang pormal o maanyo at pamilyar o
personal.

 
Pormal o Maanyong Sanaysay
 Nagtataglay ng makatotohanang impormasyon,
piling mga salita, at pahayag na maingat na
tinalakay kaya’t masasabing mabisa. Ito ay may
maayos na balngkas na nakatutulong sa lohikal na
paglalahad ng kaisipan
 Ito ay karaniwang umaakay sa mga mambabasang
mag-isip nang malalim at paglakbayin ang guni-
guni. Ang pormal na sanaysay ay nagnanasang
magpaliwanag, manghikayat at magturo tungo sa
pangka-unlarang-isip at moral ng mga mambabasa.

  
 Sa pagsulat ng pormal na sanaysay ito ay
ginagamitan ng mga pormal na salita at
kinapapalooban din ito ng mga pangtulong na
impormasyon hinggil sa isang bagay o pangyayari.

  
Pamilyar o Di-Pormal
 tinatawag ding palagayang sanaysay.
 Ito ay mapang-aliw, mapagbiro, at nagbibigay-
lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga
karaniwan, pang-araw-araw at personal na paksa.
 Binibigyang-diin nito ang karanasan at mga isyung
bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-
akda ay maaaring naranasan din ng mambabasa.
 Ang pananalita ay parang usapan lamang ng
magkakaibigan kaya magaan, madaling
maintindihan at palagay na palagay ang loob ng
may-akda. Malimit itong nasusulat sa unang
panauhan.
 Sa pagsulat ng di-pormal na Sanaysay, maaari
intong gamitan ng mga salitang kadalasan nating
ginagamit sa pang-araw-araw at hindi na ito
nangangailangan ng pa ng malalim na
impormasyon hinggi sa isang bagay o pangyayari.
• Sa pagsusulat ng isang Sanaysay dapat nating
isaalang-alang ang tatlong bahagi nito tulad ng
Panimula, Gitna/Katawan at ang Wakas.
Panimula

• pinakamahalagang talata sa isang sulatin dahil dito


nakasalalay ang tagumpay o kabiguan ng may-
akda. Upang mahikayat ang mambabasa, marapat
lamang na ang panimula ng isang sanaysay ay
maganda may nilalaman at tunay na
nakakahikayat.
Gitna/Katawan
• binubuo ng mga talatang kinapapalooban ng mga
pangunang kaisipan o mga pantulong na detalye.
Sa pagsulat naman ng gitna o katawan ng isang
sanaysay, dapat ang mga kaisipang nakapaloob
dito at naaangkop sa paksa na dapat ay nagtataglay
din ito ng mga detalyeng hindi lalayo sa layunin
ng paksa.
Pangunahing Paksa
at
Pantulong na mga Ideya
Pangunahing
Paksang Pangungusap Paksa
 pangunahing paksa o ideyang nais iparating ng isang
manunulat sa kanyang mambabasa.
 Sumasagot sa tanong na “Tungkol saan ang talata? O
“Ano ang paksa o mensaheng nipaabot ng talata?”
Pantulong na mga ideya
 Nagbibigay linaw sa mensahe o magsasaad ng
mga detalye upang higit na maunawaan ng
mga mambabasa. Madalas ang pantulong na
ideya na pinangungunahan ng mga salitang
naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod
Halimbawa:
una, kasunod, pagkatapos at sa wakas o
panghuli.
Wakas
• nakasulat dito ang buod o pahayag ng may-akda
hinggil sa akdang nabasa o nasaksihang
pangyayari. Dito naman nakasulat ang opinion ng
may-akda hinggil sa paksa kung ito ba ay
sumasang-ayon o hindi sa paksang isinulat.
Maraming
Salamat
sa pakikinig!

You might also like