You are on page 1of 5

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag.

Suriin itong maigi at alamin ang


sagot sa bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa dyornal notbuk.
1. Lumaki si John Lloyd sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at
nagkakaisip, nakikita niya ang maraming pagkakataon na kailangan niyang
maging matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil dito, madalas
siyang sumasangguni sa maraming mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya
ng mga batayan sa pamimili ng tama o mali. Anong pamamaraan sa paglinang
ng konsiyensiya ang inilalapat ni John Lloyd?
a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsiyensiya
b. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan.
c. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsiyensiya sa
pamamagitan ng pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin
d. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang
konsiyensiya sa pagkilala sa mabuti at masama.
2. Alin sa mga sumusunod ang mangyayari sa tao sa pag-iwas niya sa paggamit ng
tamang konsiyensiya?
a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
c. Makagagawa ang tao ng mga maling desisyon
d. Makakamit ng tao ang kabanalan
3. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsiyensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao.
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat
ng tao.
c. Mali, dahil hindi lahat ng tao alam ang tungkol sa tama o mali, mabuti o
masama
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran
ng tao.
4. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang
restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang
bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsiyensiya
ang ginamit ni Melody?
a. Tamang konsiyensiya c. Maling konsiyensiya
b. Purong konsiyensiya d. Mabuting konsiyensiya
5. Ang likas na Batas-Moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang.
Ito ay pangkalahatang katotohanan na may makatuwirang pundasyon. Anong
katangian ng likas na Batas-Moral ang tinutukoy sa pangungusap?
a. Obhektibo c. Eternal
b. Unibersal d. Immutable
6. Maaaring maging manhid ang konsiyensiya ng tao. Ang pahayag ay
a. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsiyensiya ng tao sa pagkakataon na ito
ay kailangan
c. Tama, sapagkat maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging
manhid dahil sa patuloy na pagsasanay
d. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsiyensiya
magiging manhid na ito sa pagkilala ng tama.
7. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsiyensiya?
a. Mapalalaganap ang kabutihan
b. Makakamit ng tao ang tagumpay
c. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan
d. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan
8. Ang likas na Batas-Moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng
lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugan na ang Likas na
Batas-Moral ay
a. Obhektibo c. Eternal
b. Unibersal d. Immutable
9. Ang mga sumusunod ay katangian ng konsiyensiya maliban sa:
a. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nakikilala ng tao na may mga bagay
siyang ginawa o hindi ginawa.
b. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na
dapat gawin at masamang dapat iwasan.
c. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa
ay naisakatuparan nang maayos at tama o nagawa nang di maayos o mali.
d. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na
dapat niyang ginawa subalit hindi niya nagawa o hindi niya dapat gawin
subalit ginawa pa rin.
10. Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga mall ay malaki ang naitutulong sa
mga tao dahil mas nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na kopya. Halos lahat ng
tao ay ito na ang hinahanap sa kasalukuyan kung kaya lumalaki na ang ganitong
negosyo at marami ang natutulungan. Ang sitwasyong ito ay nagpapatunay na
a. May mga pagkakataon na ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa
benepisyo o tulong sa taong nagsasagawa ng kilos.
b. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababalewala kung
ang layunin ay mabuti at tama.
c. Ang isang bagay na mali ay maaaring maging tama kung ito ay nakatutulong
sa mas nakararami.
d. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng
gumagawa nito.
Hango sa: Edukasyon sa Pagpapakatao. -Ika Pitong Baitang.
Kagamitan ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2013. Paunang
Pagtataya pp- 122-123

11. Nalukot ng bunso mong kapatid ang mga pahinang ulat na ipapasa mo sa iyong
guro. Wala ka ng panahon upang ulitin ito. Ano ang gagawin mo?
a. Iiyak na lang ako sa guro habang kasama ko ang aking bunsong kapatid `
na magpaliwanag sa kanya.
b. Hindi na ako papasok at magpapasa ng ulat.
c. Sasabihin sa guro ang sitwasyong nangyari at gagawa na lang ulit.
d. Susuntukin ko ang aking bunsong kapatid.

12. Namamalimos sa kalsada ang isang kaklase mo kaya di siya nakapasok sa


inyong klase. Wala silang pambili ng gamot ng kanyang ina. Ano ang dapat
mong gawin?
a. Sasamahan ko siyang mamalimos.
b. Sasabihin ko sa kanya na bawal mamalimos.
c. Pagtatawanan ko siya habang namamalimos.
d. Ipagbibigay alam ko sa aming guro ang kanyang kalagayan.
13. Nais mong ipahayag ang iyong saloobin tungkol sa naging tanong ng inyong
guro ngunit may nagsasalita pa. Ano ang gagawin mo?
a. Tatayo ako at sisingit sa pagsasalita.
b. Pauupuin ko na ang nagsasalita at ako naman ang magsasalita.
c. Hihintayin kong matapos ang nagsasalita at itataas ko ang aking kamay
upang mapansin at matawag ng guro.
d. Lalabas ako kung hindi tatawagin ng guro.
14. Naatasan ng inyong guro ang dalawa mong kamag-aral sa bawat grupo na
magtala ng makuhang puntos ng magkabilang panig sa larong volleyball.
Napansin mong labis-labis na ang puntos ng kalaban ninyo. Ano ang gagawin
mo?
a. Pupunta ako sa namumuno ng laro at sasabihin ko ang aking saloobin nang
mahinahon tungkol sa pagbibigay ng puntos.
b. Hihikayatin ko ang aking mga kasama na sumigaw ng madaya upang
makuha ang atensyon ng lahat.
c. Hihikayatin ko ang ibang mga kasapi na pumunta sa gitna ng court upang
ipakita ang pagkadismayado sa pagpupuntos sa magkabilang panig.
d. Sisigawan ko ang mga naglalaro na madaraya.
15. Si Mang Felipe ay nagtatrabaho bilang isang drayber ng delivery truck. Alam
niyang kulang ang pasahod ng kanilang amo at hindi ito sapat sa hirap na
kanilang dinaranas. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Hikayatin ang ibang mga kasamahan na magrally tungkol sa pasahod.
b. Hindi na dapat pumasok kahit walang paalam sa amo.
c. Kausapin nang maayos ang amo at ihayag ang mga hinaing tungkol sa
pasahod at kung hindi magkasundo ay magpaalam nang maayos
d. Ipaalam agad sa kinauukulang ahensya.

You might also like